Homepage/The Awakening (Filipino)/
Preparation
Mallory
Ang akademya ay mayro'ng anti-magic kaya ay hindi buong porsyentong nagagamit ng karamihan ang kanilang mga abilidad at kapangyarihan. But we, higher vampires have an excemptions and that's because of our soul weapon. Soul weapon is stronger than any world item. At least, panatag akong hindi naaapektuhan sa kahit anumang item.
"Ano 'yon?"
"Nararamdaman ko na naman ang enerhiyang 'yon. . ."
'Hindi nagkakamali ang mga kaklase namin. Kung ano ang nararamdaman nila ngayon ay tiyak akong galing kay Damien iyon. Hindi nagkakamali ang pangdama ko.'
I have to find him. Maaaring may nangyari na namang hindi maganda. Sa tuwing nararamdaman ko ang napakalakas niyang enerhiya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mangamba at manginig. His power is too overwhelming.
"Ano na naman ba'ng ginawa mo, Damien?" bulong ko sa sarili ko.
Nang makalabas ako ng training room ay agad na napalingon ang mga estudyanteng narito sa duel area. Hindi ko maintindihan kung ignorante ba sila o sadyang naninibago lang sila sa amin. Anyway, hindi na 'yon ang mahalaga ngayon. What's important now is I must find Damien.
Nilagpasan ko lamang silang lahat hanggang sa makalabas ako sa malaking pintuan ng training area. I can clearly sense his energy. Kaming mga pureblooded na bampira ay may kakayahang makita ang aura ng isang bampira kaya ay hindi ako mahihirapang tuntunin si Damien. His power seems like awakening. Nararamdaman ko ang napakasariwa niyang kapangyarihan. Sariwa subali't mapanganib.
Nakarating ako rito sa palikuran ng mga lalaki at may naririnig na mga kalabog sa loob. Napansin kong naka-lock iyon kaya ay binuksan ko iyon at biglang bumukas ang pinto nito. Itinambad sa harapan ko ang pitong mga estudyante na bugbog sarado. May mga pasa at galos sa pare-parehong mukha. Gano'n na lamang ang sindak sa mga mata nila nang makita ako kaya ay agad silang bumangon at kumaripas nang takbo.
"D—demonyo! M—may demonyo!"
"Ahhhh! Takbo! Baka kung ano rin ang gawin niyan sa atin!"
"Diyan na kayo! Hindi na ako sasama sa inyo!"
Sabay-sabay na sigaw nilang lahat at nagkanya-kanya ng pinuntahan. Nagtaas ako ng aking kilay dahil hindi ko maintindihan kung ano ang mga sinasabi nila. Hindi naman nakatakas sa pandama ko ang presensya ni Verone at ng iba pa naming mga kasama. Maliban kay Damien na hinahanap ko ay narito ang ibang mga Clan Leaders.
"Ano'ng nangyari sa mga 'yon? Pfft! Masyadong murdered ang mga mukha," natatawang usal ni Verone na pinagkibitan ko lamang ng aking balikat.
'Kung tama ako ay maaaring kagagawan iyon ni Damien pero sinong may alam? Ang dami kayang loko-loko rito sa akademya!'
"Bakit nga pala kayo narito?" bigla ay tanong ko habang pinasasadahan silang lima nang tingin.
Napahinga nang malalim si Verone, "Natapos na ang training ng mga kaklase natin at wala rin naman kaming gagawing importante kaya ay sinundan namin kayo," sagot ni Verone. Hindi ko maramdamang nagsisinungaling siya.
Yvon stepped forward, "And Damien might be in danger. . ." she spoke.
"O hindi kaya ay maaaring ang mga estudyante ang nasa panganib," suhestyon naman ni Shield dahilan upang magtinginan ang ilan sa amin.
"What do you mean?" Yvon asked curiously.
Hanson and Verone gasped. Tumikhim ako at napunta sa akin ang kanilang mga tingin. "Sa kanya nagmumula ang enerhiyang nararamdaman ng lahat ngayon. . ." paliwanag ko.
Nanglaki ang kanilang mga mata maliban doon kay Lind na nakamaang lang ang tingin sa akin na akala ay alam niya kung kanino nangmumula ang enerhiyang iyon. Pero ano pa nga ba ang iisipin ko? Masyado siyang nakakapagduda at napakamisteryoso niya rin. Tiyak na marami rin siyang alam.
"Ano sa tingin mo, Lind?" bigla ay tanong ko sa matahimikin naming kasama.
Dahil sa ginawa kong pagtatanong ay gano'n na lamang ang panglalaki ng kanyang mga mata. Napatikhim pa siya at nag-iwas ng tingin sa akin. I can feel the awkwardness. Naiilang din siguro siya sa mga tingin na nakukuha niya sa mga kasama namin. Well, hindi na dapat ako nagugulat pa. May dahilan kung bakit hindi ko mabasa ang kanyang isipan.
"Well, what do we expect with her? Lagi naman 'yang tulala o saka lamang magkakaroon ng interes kung dahas ang pinag-uusapan," napaparolyo ang mga matang wika ni Verone habang nakahalukipkip. Masyado naman siyang harsh.
"Ano ba talaga ang goal natin? Ang i-judge itong misteryoso nating kasama o ang hanapin si Damien?" nakapamewang na usal ni Yvon dahilan upang batukan siya ni Verone ng mahina.
"E ano'ng pinagkaiba mo sa amin ngayon? You judge her too by telling her that she's mysterious!" inis na suway sa kanya ni Verone.
Kailan pa naging ganito ka-close ang mga ito? Kung magbatukan ay parang ang tagal na nilang magkakasama. Napangiti ako at tumalikod na sa kanila. Sapat na ang nakikita kong magandang ugnayang nagaganap sa pagitan ng mga kasama namin.
"E ba't nambabatok?" rinig ko pa ang naiinis ding tanong ni Yvon at mas naging matunog sa pandinig ko ang tawanan nila roon.
"Tse! Deserve mo 'yan! Sinusubukan mo pang magmalinis!" galit ding sigaw ni Verone sa kanya.
Patuloy lamang akong naglakad. Hindi nagtagal ay humakbang na rin sila. Bumalik kami sa dinaanan namin kanina upang tumungo sa hagdan upang bumaba sa first floor dahil tiyak akong naroon si Damien. Hindi pa rin nawawala ang amoy niya rito.
'Hindi ba niya napapansin ang kapangyarihan niya? Steve should see this happening but he's not here.'
"I thought he is a mortal, but I guess I was wrong. . ." Shield suddenly spoke out of nowhere.
Ako rin ay inakalang isa lamang siyang hamak na mortal. Si Damien ay isa lamang mortal noong makilala ko siya. He was a mortal when I've found him in his vicinity. Subali't nagbago iyon nang tumagal ang pagsasama namin. Nagsimula kong maramdaman ang kakaibang enerhiya sa kanya. Nagduda na rin ako sa pagkatao niya nang masaksihang walang epekto sa kanya ang amulet ko.
Mga malalakas lamang na nilalang ang kayang isuot ang amulet na iyon tulad na lamang ni Steve. Pero nakakamanghang kayang-kaya ring isuot ng walang kahirap-hirap ni Damien. Simula sa araw na iyon ay nagduda na ako sa katauhan niya.
Pero ang pagdududang iyon ay napalitan ng pag-aasam at tiwala. He has golden eyes and this tremendous power. Minsan kapag nararamdaman ko iyon ay parang nag-uunahan sa pagtibok ang puso ko. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa kanya ang kapangyarihang makakatulong sa bansang ito. Just like King Augustus. They have things in common especially their capabilities and their pysical attributes. Isa ang nagpapatunay roon ay ang kanyang gintong mga mata.
Huminto kami sa tapat ng isang malawak na pintuan at kaagad kong narinig ang tanong ni Hanson. "Ano'ng ginawa natin dito, Ate?" tanong niya.
Pare-pareho kaming nakatayo rito ngayon sa tapat ng malawak na pintuan ng silid-aklatan. Naitanong niya iyon dahil simula nang tumapak kami ng first floor ay nawala na ang enerhiya ni Damien. Pinakalma na niya siguro ang kanyang sarili pero hindi niya maitatago sa akin ang kanyang amoy. I can still sense him even though he hides his aura.
"Cool! Guys, papasok ba tayo?" tanong ni Shield na nahihimigan ko ang pagka-excited niya.
"Tss! Look who's excited!" Yvon rolled her eyes and crossed her arms.
Napakamot ng batok si Shield, "Pasensya na, masyado lang overwhelmed. He he. . ." aniya.
"Narito si Damien. Pumasok na tayo bago pa tayo makita ng ibang mga mag-aaral," wika ko at nagpatiuna nang pumasok.
"Damn. . . Pakiramdam ko ay may utang na loob na ako sa'yo, Mallory. . ." usal ni Shield na tumabi pa sa akin. Napapahiya naman akong napatingin sa kanya.
"Baliw. . . Bakit ka naman magkakautang na loob sa akin? Dinala tayo rito ng aura ni Damien kaya ay kay Damien ka may utang na loob. He he. . ." mahabang paliwanag ko. Pakiramdam ko ay masyado akong napaghahalataan. 'Di naman kasi kailangang magpaliwanag pa. Kainis.
"Wala kang mapapala riyan, Shield. Hindi ka kailanman magkakautang na loob diyan. . ." biglang singit ni Verone na nasa likuran namin habang napapatawa pa ng mahina. Napaungot ako dahil sa sinabi niya. "O, bakit? Tama naman ako a. . ." aniya pa nang makitang lingunin ko siya.
Naparolyo ako ng aking mata, "Masyado ka ng maraming alam. . ." wika ko.
Hindi gaanong malalakas ang mga pag-uusap namin dahil alam naming bawal ang maingay rito. Nasa bungadan ang karatulang 'Keep Silence' kaya wala kaming nagawa kundi ang i-minimize ang mga boses namin.
"'Di ba sila iyong mga bagong mag-aaral dito sa Demon Academy?"
"Sila nga. . . "
"Nalaman mo ba ang nangyari sa training area kanina lamang?"
Nakita ko kung paano lumapit iyong babae at ibinulong ang nakalap na impormasyon sa babaeng kausap niya. As if naman kung hindi namin maririnig ang mga sinabi niya. Tss!
"Really? Isang sipa lang ay napatumba na nila si Humaru?"
"Oo! 'Di ba? Nakakabilib sila?"
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit subra-sobra ang kanilang mga lakas?"
"Bakit naman ako magtataka?"
"They are too strong to be designated in Delta Class, aren't that suspiscious?"
'Matalino ang isang iyon upang mapansin iyon. Lalo na sa kakayahan namin.'
"Oo nga 'no? Dapat ay sa Alpha Class sila hindi sa mga mahihinang Delta Class. Ha ha!"
'Now, I get it. Kung bakit sa Delta Class kami inilagay ng Headmaster. . .'
"Napakagaspang kasi ng kanilang mga ugali. . ." napapailing na wika naman ni Hanson at tumangu-tango naman ang mga kasama namin gano'n na rin ako.
Hindi nagtagal ay nakita namin sa pinakadulong bahagi ang nakaupo at seryosong si Damien. Nagbabasa siya roon. Hindi ko lamang matukoy kung ano ang kanyang binabasa. Pero nang subukan kong pasukin ang kanyang kaisipan ay nagulat ako dahil bukas iyon. Nawalan din ako ng kontrol ng aking katawan dahil sa isang iglap ay bigla na lamang akong lumutang sa hangin habang ang dibdib ko ay nagliliwanag.
"What's happening?" nag-aalalang tanong ni Verone nang makita ang sitwasyon ko.
Pero nagulat din ako nang makitang nakalutang din si Damien. Nakikita ko ang pagliliwanag ng kanyang dibdib. Napapalibutan siya ng gintong mga kulay habang pula naman ang pumapalibot sa akin. Napapansin ko ang malalakas na ihip ng hangin. Nakikita ko ang nagsisiliparang mga libro rito at gano'n na rin ang pagtatarantang rumerehistro sa mga mukha ng mga mag-aaral dito.
'Ano'ng nangyayari sa amin ni Damien?'
Mula sa kinaroroonan ni Damien ay lumikha ng makapal na lubid na gawa sa gintong liwanag at gano'n din ang akin na gawa naman sa pulang liwanag. Wala akong ibang magawa kundi ang manood lamang dahil hindi ko kontrolado ang katawan ko.
Nararamdaman ko ang kumakawalang enerhiya ni Damien at mas naramdaman ko iyon nang magtagpo ang aming mga enerhiya na gawa sa lubid ng liwanag. Pakiramdam ko ay magdurugo ang ilong ko dahil sa umaapaw niyang lakas. Nawala ang atensyon ko kay Damien nang mapansin ko ang liwanag na nagmumula sa kaibuturan ko.
Kapansin-pansin iyon dahil naiiba ang kulay niyon. Naalala ko bigla ang eksena kung saan ay nangyari sa loob ng palasyo. Naaalala ko kung saan ko nakuha ang matingkad na gintong liwanag na iyon. Tama. Sa Cursed Goblet. Ang remnants ni King Augustus—teka! Ibig bang sabihin nito ay isa lamang ito sa preparasyon?
Lumakbay ang matingkad na gintong liwanag na iyon palabas sa katawan ko. Naging tulay ang pinagsakop na enerhiya namin ni Damien upang mailipat sa katawan niya ang remnants na iyon at nang tuluyang maihalo iyon sa nag-uumapaw niyang lakas ay biglang nawala ang mga ilaw sa pareho naming katawan. Nararamdaman ko na rin ang panghihina at ang pagbulusok ng katawan ko.
"What the heck was that?" walang kaalam-alam na tanong ni Verone habang sinasalo ang katawan ko. Nakita ko rin ang mabilis na pagkilos nina Hanson at Shield upang saluhin ang bumubulusok paibaba na katawan ni Damien. He's unconscious compared to me.
Subali't bago mawala ang kamalayan ko ay natanaw ko pa sa gilid ang nakangising si Lind. Napapansin ko rin ang umuusbong na aura sa kanyang katawan. Kitang-kita ko ang indigo na kulay sa kanyang katawan lalong-lalo na sa kanyang mga nanglilisik na mga mata.
Pakiramdam ko ay tinatawanan niya kami sa kaloob-looban niya. Pakiramdam ko ay may inililihim siya sa amin kaya ay gano'n na lamang siya kung makatingin sa amin. Pero hindi na iyon importante ngayon, ang importante ay kailangan kong malaman kung bakit ito nangyari sa amin. Kailangan kong tanungin si Damien kung may alam ba siya rito.
'Pero hindi ko iyon magagawa sa ngayon dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.'
Sana narito si Steve upang masagutan ang mga katanungan sa isipan ko. Pakiramdam ko ay tinatakasan ako ng lakas ko. Wala na akong nagawa kundi ang ipikit na lamang ang mga mata ko. Kailangan kong magpahinga. I was too exhausted and I felt that my energy was extracted out of my body. Dang it!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (362)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi guys
05/08
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0Tingnan Lahat