Homepage/The Awakening (Filipino)/
Came Back
Damien
Unang araw bilang isang pormal na estudyante ng Demon Academy. Ganito pala ang pakiramdam kapag narito sa loob ng paaralan. Excited na rin ako magtungo sa silid-aklatan, hindi ko lang talaga alam kung papaano mag-offer ng suggestion sa mga kasama ko. Nahihiya ako.
Actually, busy ang ilan sa mga kaklase naming nag-eensayo. Nakasandal ako rito sa gilid habang pinasasadahan silang lahat ng tingin. Sila lamang itong mga nakangiti habang nag-eensayo. Nagtatawanan habang nagsasagupaan.
"Mas matatawag ko pang isang klase ang seksyon na ito kompara sa mga nasa labas," usal ni Lori.
Napalunok ako nang mapansing narito pala siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako sa tuwing nasa malapit siya. Parang umaatras ang dila ko. Sana nga ay 'di niya mahalatang nagpapanggap ako 'pag kaharap siya. Why am I sweating cold? Dammit!
I coughed softly and slightly nodded, "Hmm. . ."
Kagaya ko ay naghalukipkip din siya habang nakatuon ang kanyang mga mata sa mga kaklase naming nag-uumapaw ang positibong vibes. These positivities make me comfortable and at ease. Totoo ang sinasabi niya. Maganda ang pagsasama ng klaseng ito despite of their current ranks.
"What do you have in mind now that we're here already?" she suddenly asked that makes me think.
I scratch my chin, "I don't have yet, but I'm sure I'll tell you. . ." I spoke seriously while glancing at her. She's like shining—what the heck!?
I immediately averted my sight on her because I feel the heat emerging on my cheeks and I don't want her to see it. 'Pag nakita man niya, gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. I don't want her to suspect me something that isn't really suspiscious. Dammit!
"May problema ba?"
'Dammit! Pati ba naman pag-iwas ko ay napansin pa niya? Patay!'
I waved my two hands in front of her face and shyly smiled. I could feel the heat on my face that makes me really embarrassed.
"W—wala. . . He he!" I replied embarrassedly even though I knew I was being noticed. Dammit! Ganito ba talaga kahirap magsinungaling?
Nakita ko ang mga paglunok niya. Buti na lamang at agad niyang inalis ang mga tingin niya sa akin. Phew! Nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko.
"May tanong lang ako. . ." bigla ay pag-iiba ko ng topiko. I can't take it anymore.
Nilingon niya ako dahilan upang umiwas naman ako. Palihim akong nagkagat labi upang pigilan ang sarili kong mahibang.
"Ano naman ang itatanong mo?" kalmadong tanong niya.
"Kayo bang mga bampira ay hindi nauuhaw? I mean, nature niyo na 'yong umiinom ng dugo, hindi ba kayo nauuhaw?" dire-diretsong tanong ko.
Napalingon ako sa kanya nang marinig ko siyang tumawa nang mahina. "Nauuhaw syempre. . . Gumawa ng paraan ang Coven upang iwasan ang pagkahumaling sa dugo ng mga mortal—" I cut her off.
"At ang buhay ng mga hayop ang naging sulosyon," pagsisingit ko.
Malamya niya akong tiningnan sa mga mata at saka bahagyang tumango upang bigyang kasagutan ang pahayag ko. Kung tama ako ay nagma-mass production sila ng mga daga. That's right. Nagpaparami sila ng daga upang doon kumuha ng dugo nang sagano'y mapunan ang kanilang uhaw.
Nalaman ko lang ang tungkol doon noong may mabasa ako sa isang libro. Posibilidad lamang iyon pero maaaring may kasiguraduhan at katotohanan.
"'Wag kang malungkot diyan dahil hindi wild life ang kinukuha ng Coven City upang maging supplement. Mayro'ng laboratoryo ang Coven City na pinatatakbo ng isang magaling na syentista. Sa pamamagitan ng dugo ng daga ay nakagawa siya ng kapsula. Ang capsule na iyon ay siyang iniinom ng karamihan upang maibsan ang uhaw. . ." mahabang paliwanag niya na tinanguan ko. Alam ko rin ang tungkol sa bagay na iyon.
Pero may pagdududa ako sa capsule na iyon. Maski na rin ang syentistang gumawa niyon. Hindi ako tiyak kung sapat na ba ang dugo ng daga upang ibsan ang kanilang uhaw. That's absurd. Tiyak na mayro'n pa ring habas at demonyong kumikitil ng buhay ng mga mortal. A monster is always a monster.
"Umiinom ka rin?" diretsong tanong ko.
Agad siyang umiling, "Not even once. . ." she answered straightforwardly. "Dahil hindi ko naman kailangan ng capsule na iyon upang mabuhay ng matagal. I am a pureblood vampire and I can live hundreds of years even without drinking blood," she stated but of course I did not take her words seriously. Imposibleng hindi siya umiinom ng dugo upang ibsan ang kanyang uhaw. That's absurd.
"Napakaimposible naman niyon. . ." usal ko habang napapakamot na naman sa aking baba.
Napatikhim siya. "K—kapag nasa mansyon ako ni Steve ay in-o-offer-an niya ako ng ox blood o kaya naman ay dugo ng baboy," paliwanag niya dahilan upang magulat ako. I didn't expect her to explain herself but she just did!
Nang matapos niyang sabihin iyon ay saka siya tumikhim na parang walang nangyari pero bago pa niya ako iwanan dito sa pwesto ko ay nilingon pa niya ako at sinabing, "You'll understand if you're like us. . . Nevermind. . ." she spoke then left.
I decided to move out of the training room. Hindi dahil sa nasasakal ako kundi dahil gusto kong maglakad-lakad. I want to memorize the whole academy. And of course, I want to get there. Sa library.
Nang makalabas ako ng room ay gano'n na lamang ang tinginan ng lahat sa akin dito sa training area. Ito ang parang lobby area at duel area na rin. Dito ginaganap ang labanan tulad na lamang nang nangyari kanina kina Lori at doon sa Humaru na 'yon. Natatawa ako 'pag naaalala ko ang eksenang iyon. Mukhang napalakas pa yata ang pagsipa ko sa panga niya. He tries to cheat that's why my kick went off out of my will.
"His aura's really intimidating."
"'Wag kang maingay, baka paliparin niya rin tayo. . ."
'Exaggerated, grabe. . .'
"Basta manahimik na lang kayo kung ayaw niyong maging abo!"
"Pero ang gwapo niya. . ."
"Ang cool niya manamit. Bagay na bagay rin ang uniform natin sa kanya. . ."
'Buti naman at may matino pa rin akong naririnig sa kanila. . . Phew!'
"He's good and hot-looking. . . Those biceps and chest. . ."
Napapailing ako dahil sa naririnig ko. Gusto kong mag-thank you kaso nakakasindak ang pagbibigay pintas nila. Masyadong exaggerated. Nilagpasan ko lamang silang lahat habang nakapamulsa ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ko. Feel na feel ko maglakad habang naka-chin up. Kailangan kong iparamdam na matino akong nilalang. I should not frighten them. Hindi naman ako tulad ng iba.
Napahinga ako nang maluwag nang makalabas ako sa pintuan ng training area. Halos mapasandal pa ako sa pader katabi ng malaking pintuan. Ang hirap pala magpanggap na malakas ka, haha.
"Ano'ng trip niya?"
"Nababaliw na yata 'yan. Look, bronze 'yong badge niya. . ."
"Weakling! Ha ha ha!"
Naalala ko biglang narito pa rin pala ako sa loob ng academy. Of course, may mga judgmental pa rin dito. Pero kailangan kong maging panatag. Hindi ko dapat tularan si Mallory na laging mainitin ang ulo. Napatayo ako ng maayos at naglakad na parang walang naririnig sa kanila.
Gusto kong magtungo sa library at upang makapunta roon ay kailangan kong lagpasan ang kumpulan ng mga estudyante. Nasa pito sila at pare-parehong maaangas ang datingan. Nakamasid sa gawi ko habang tila pinapatay ako sa kanilang mga tingin. Humakbang ako hanggang sa marating ang kanilang kinaroroonan.
'Right! Diretso lang, Damien. 'Wag kang hihinto. . .'
Subali't hindi talaga ako tinatantanan ng gulo dahil sila na mismo ang lumapit sa akin. Kinuyog nila ako at pwersahang inakbayan. Pare-parehong mga nakangisi. Ang mga kasama nila ay nagbabantay sa mga daanan hanggang sa marating namin ang palikuran. Itinulak nila ako papasok sa loob at dumamba ang katawan ko sa matigas na pader.
"Tiyak akong alam mo kung bakit ka narito ngayon. . ." ngising wika niyong pinakamalaki ang katawan sa kanila. Mukhang siya rin itong lider nila sa grupong ito.
Inayos ko ang pagkakagusot ng aking uniform. Umayos rin ako ng tayo at saka nagpamulsang tinitigan sila isa't isa. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang umuusbong kong pagkainis sa kanila. I have to calm down myself. I have to get away with this troublesome guys.
Bahagya akong napatungo, "Pasensya na subali't kailangan ko pang magtungo sa silid-aklatan. . . at hindi ako tiyak kung bakit dinala niyo ako rito gayong hindi ko kayo kilala gano'n na rin ako," kalmadong usal ko habang nakatungo subali't may lumapit na isa sa kanila at pwersahan akong pinatayo ng matuwid.
Galit na galit ang kanyang mga tinging nakapukol sa akin. Syempre alam ko kung bakit ako narito ngayon. Maaaring dahil sa Prinsipe o hindi naman kaya ay dahil sa Humaru na iyon.
"Pasensya ka na rin dahil napag-utusan lang kami," wika na naman niyong lider nila at tinanguhan ang mga kasama niya.
Nilislis nilang lahat ang kanilang mga damit sa kamay hanggang siko at sabay-sabay na umatake ng suntok sa akin subali't gano'n na lamang din ang pagpupumiglas nila nang masaksihan at maramdamang hindi nila kontrolado ang kanilang mga sarili.
"Ano'ng ginawa mo!" bulyaw ng lider nila.
"Bossing! Kinokontrol niya ang mga katawan namin!"
Gano'n na lamang ang panglalaki ng mga mata ng boss nila nang marinig iyon at balak pa sanang tumakbo palabas ng palikuran subali't nai-lock ko na iyon bago pa siya umalis. Humarap sa kanya ang kanyang mga bata-bata at sabay-sabay siyang inatake ng mga malalakas na suntok. Napangisi ako dahil sa nasasaksihan ko.
"Anong ginawa mo! Isa kang halimaw! Malalaman ito ni Headmaster Corneus!" sigaw pa niya habang binubugbog siya ng malalakas.
"Go ahead and tell it. Tingnan natin kung may maniniwala sa inyo!" ngising wika ko habang inaayos ang kasuotan ko. Patuloy pa rin siyang binubugbog ng kanyang mga kasama at hindi iyon hihinto kung hindi ko bibitawan ang kontrol sa kanilang katawan.
Humakbang ako palapit sa pintuan at bago lumabas ay muli ko silang nilingon habang nagbubugbugan na, "At sana'y maging isang aral ito sa inyo. Ayaw kong malaman na kahit isa sa mga kasama ko ay kantihin ninyo. Hindi niyo rin naman sila masasaktan. Anyway, I am very sorry for what I have done to you all. . ." matapos ko iyong sabihin ay lumabas ako ng palikuran at hindi pa nakuntento ay ini-lock din ang labasan. Pakiramdam ko ay nagiging demonyo na ako.
Naalala ko na naman ang sinabi kanina ni Mallory. Maiintindihan ko raw kung kagaya nila ako. Palihim akong napangisi habang nararamdaman ang pagsingaw ng enerhiya ko. I was like glowing in tremendous power. Nararamdaman ko rin ang pag-iilaw ng mata ko. I shouldn't be shocked! Dahil isa lamang ito sa mga kakayahan ko.
As if naman ay hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari sa kanila. Kahit na naroon man ako o wala sa katayuan nila ay maiintindihan ko. I secretly smirked. Steve failed to control and erase my mind. Alam ko kung ano ang nangyari right after he temporarily put a thick fog in Lori and Verone's mind. I know what had happened that day.
I remember everything about myself and who I really was. Nakakamanghang sa lakas na mayro'n si Steve ay hindi niya kinayang isailalim ako sa proseso. He should have temporarily locked my memories but as I thought, he was too late for it. Nang mag-berserk ang kapangyarihan ko noong sinubukan niya akong patayin ay nabuksan din ang natutulog kong kalulwa.
He triggered my sealed memory using his powerful spear. It causes my memories to return to me in no time. I was expecting that I would reach another thousands of years before that happens. Nakagugulat na sa isang napakalakas na atake ay mapapawalang bisa ang seal sa isipan ko. Pero hindi na mahalaga kung masyadong maaga, ang mahalaga ngayon ay kailangan ko nang ipaalam na nakabalik na ako.
'Kaya ay naiintindihan ko nang lubusan ang mga sinasabi ni Mallory sa akin dahil hindi pa man nakababalik ang memorya ko ay ganap na akong katulad nila.'
My memories came back. Kilalang-kilala ko kung sino ako. Alam ko ang dugong nananalaytay sa mga ugat ko. Ramdam na ramdam ko ang kumakawalang kapangyarihan sa katawan ko. Nararamdaman ko ang pagkauhaw at ang pagnanasa.
'The demon inside me has awakened and I don't know how to tame it. . .'I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (362)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi guys
05/08
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0Tingnan Lahat