Fray

Yvon
"I'll pray for his soul."
Sa ingay na naririnig ko rito ay mas naging matunog sa pandinig ko ang mga salitang binigkas ni Hanson dahilan upang tingnan ko siya. He is painstakingly waiting for the battle to begin so do I.
Bago lamang kaming tatlo nina Shield at Lind sa samahan na ito at kung papantayan ni Lori ang habas na lalaking katunggali niya ngayon ay malalaman namin kung ano'ng antas ng kapangyarihan ang mayroon siya. Gusto ko lang malaman.
'But this uneasiness feeling that I feel towards her, makes me realize something.'
"Ha ha ha! Kung matatalo mo 'ko, gagawin ko lahat ang sasabihin mo at kung mananalo naman ako. Magiging akin ka," ngising wika niyong lalaki na abot langit ang pagngisi.
Agad kong nilingon si Damien nang marinig ko ang kanyang mahinang pagtikhim. I saw how he gritted in annoyance. Buti na lamang at mayro'n pa rin siyang kontrol sa kanyang sarili. Ramdam ko kung ano siya at hindi niya iyon maitatago sa amin.
"Maghinay-hinay ka sa mga salitang inilalabas mo riyan sa iyong bunganga dahil baka magsisi ka. . ." kalmadong sagot ni Lori na hanggang ngayon ay umaangat pa rin ang lebel ng kanyang enerhiya. Napakalakas niya talaga. Pero mas malakas ang kay Damien.
Muling napahagalpak sa tawa ang nagmamataas na lalaki, "Hindi pa nga tayo nagsisimula ay tiyak na akong ako ang mananalo sa atin. Hindi na ako makapaghintay na makita kang lumuhod at magmakaawa sa harapan ko! Ha ha ha!" umalingawngaw ang boses niya rito sa buong training area. Napakataas ng tingin sa sarili.
"Well, kung hindi ka talaga magpapapigil. . ." sambit ni Lori at may kinukuhang bagay sa kanyang damit. Nang makuha niya iyon ay nagtaka ako kung ano'ng gagawin niya sa kanyang amulet. Yes, it was her necklace that she's removing. Nang matanggal niya 'yon ay gano'n na lamang ang bulungan ng mga estdyanteng narito.
"Damn. . . Parang matutumba ako sa umaapaw niyang lakas. . ."
"Tangina! Sino ba ang mga nilalang na ito?"
"Patay! Mukhang mababaliktad ang sitwasyon. . ."
Tama. Mukhang mababaliktad ang sitwasyon. Tiyak akong matatawa ako pagkatapos nilang maglaban. Kung sinuman ang matatalo ay tiyak akong hindi si Lori 'yon. It's about time. Ito na ang panahon kung saan ay katatakutan nila ang Delta Class.
"H—hindi mo a—ako matata—kot gamit ang e—enerhiya mo. . ." nagmamayabang pa ring wika niya kahit na nauutal na.
Napangisi si Lori, "Hindi kita maintindihan. Ayusin mo ang pananalita mo," natatawa pang panunutil ni Lori kaya naman ay gano'n na lamang ang inis niyong lalaki dahil tinatawanan din siya ng mga estudyante rito. "May nanonood sa'yong iba. Kaya sumuko ka na."
"Ha ha ha! Hindi iyon mangyayari!" pikon na pikon na sigaw niyong lalaki at kaagad na sumugod.
Sa laki ng pangangatawan niyong lalaki ay nakamamanghang kayang-kaya niyang gumalaw ng mabilis. Hindi na rin ako nagtaka pa roon nang maramdaman ang kanyang enerhiya. Malakas din siya pero hindi lumamang o pumantay sa lakas ni Lori. Kung ako sa kanya ay sumuko na lamang ako dahi kahit pagbalibaliktarin ang sitwasyon, mananatiling panalo si Lori.
From his vantage point he immediately landed in front of Lori. His fist clenched and a sturdy shield protected it. May kakayahan siyang suotan ang kanyang sarili ng mga matitibay na kalasag. Subali't hindi pa rin iyon sapat upang matalo niya si Lori. The man's clenched fist was close to Lori's face. Agad akong napahinga nang maluwag nang umiwas si Lori. Phew! That was close.
Because of the man's annoyance, he punched Lori one after another but not one of them hit Lori's body. Natatawa ako dahil sa sitwasyon. Walang ibang ginawa si Lori kundi ang iwasan ang mga suntok ng lalaki. Lori's hands are on her back that made this guy angry.
"Labanan mo 'ko! 'Wag kang duwag!" galit na bulyaw niya nang mahinto sila.
Napatawa nang mahina si Lori, "Napakadali mo lamang kung iwasan at tiyak akong hinding-hindi mo 'ko kailanman matatamaan," pang-iinis pa ni Lori. "At 'wag mo nang hilingin na magseseryoso ako sa larong ito. Napakalayo ng agwat mo sa agwat ko," ngisi pang sabi niya dahilan upang mapatawa ako.
"Aba't!"
Mayroong tatlong metro ang layo nila sa isa't isa. Pinagtapat ng lalaki ang kanyang mga palad at may bumuo roong liwanag na. It was a lightball. Napalawak ang mga mata ko dahil sa binabalak ng lalaki subali't sa inaasta niya ay tiyak na hindi siya magpapapigil. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkapursiging matalo si Lori.
"Shield, do your job. Please. . ." Lori pleaded.
Hindi na tumanggi pa si Shield at gumawa ng makapal na barrier. Gumawa siya ng dome kina Lori at doon sa lalaki. Napakakapal na barrier dahilan upang marinig ko ang manghang mga komento ng mga estudyanteng narito.
"Who the heck they are? Ang klase ng ganitong barrier ay halos isang linggo kung gagawin subali't gano'n lamang kadali para sa kanya?"
"Nakakamangha! Ang galing niya!"
"Hindi na ako magtataka kung isang araw ay naroon na sila sa Alpha Class. . ."
Bumalik ako sa diwa ko nang makitang palaki nang palaki ang bola ng ilaw sa kamay niyong lalaki habang nakaguhit sa kanyang mga labi ang ngising kanina pa naroroon. Napatingin ako kay Lori, napakakalmado lamang niya. Ganito ba talaga siya palagi? Nararamdaman ko ang awtoridad sa kanya. Siguro gano'n talaga lalo na at siya ang Clan Leader ng Anrad Clan na pinangangalagaan ni Grand Elder Stevenson.
"That barrier is useless! Mawawasak lamang iyan nang aking napakalakas na kapangyarihan! Ha ha ha!" nahihibang na wika niya dahilan upang mapailing ako.
"Hala! Kailangan na nating lumikas dito!"
"Nakakatakot na! Napakalaki na rin kasi ng ginawa niyang bola ng liwanag! Baka totoong kaya niyang wasakin ang barrier na ito!"
Narinig kong pumalatak si Shield, "'Wag kayong mangamba dahil kahit pagsama-samahin niyo pa ang mga kapangyarihan niyo ay hindi niyo mawawasak ang barrier na ginawa ko kaya manatili kayo. Panoorin niyo kung papaano ipahiya ng kasama namin ang nagmamataas ninyon Rank 1," ngising anunsyo ni Shield. Napabuntong hininga namana ko.
"Nakakatakot din siya. . ."
"Mukhang tama ang sinasabi niya dahil sobrang kapal ng barrier kaya imposibleng mawasak ito ni Humaru. . ."
'So, Humaru was his name? How pathetic!'
"Ako lamang din ang may kakayahang makawasak ng barrier na ito. . ." pagmamayabang pang usal ni Shield dahilan upang manahimik silang lahat.
'Show off, dude!'
"Parang nagugustuhan ko na siya. . ."
"Grabe! Ang landi mo naman!"
"Pakialam mo ba?"
"Basta ang landi mo talaga!"
"Mind your own business! Che!"
Napailing na lamang ako dahil sa narinig. Seriously? Sa sitwasyon ngayon ay may time pa silang makaramdam ng gano'n? I can't believe them, really.
"Heto na! Time to say goodbye. . ." wika niyong Humaru at itinutuok ang bola ng liwanag sa direksyon ni Lori. Lumipad iyon patungo sa kanya at tila walang balak na iwasan ang atake niyong Humaru.
Isang metro na lamang ang layo ng bola ng liwanag kay Lori ay agad niyang itinapat doon ang kanyang kanang palad. Ang mabilis na paglipad ng bolang liwanag ay bumagal hanggang sa huminto ito sa tapat ng palad ni Lori.
Gano'n na lamang din ang pagkamangha at pagkabigla ng lahat dahil sa ginawa niya. Everyone gasped in amazement especially to Humaru. Halos mapaatras din siya ng masaksihan ang nangyari. Tila natraydor siya. His attack betrayed him. Napangisi ako dahil sa kagalakan. Iyon ang reyalidad na gusto kong makita sa pagmumukha ng Humaru na ito.
"You should be the one to know where you should put your crude behavior. I want you to remember this. Not all beings can be underestimated and trampled. You just don't know, one day these weak beings will save your life. . ." Lori figuratively said.
Naroon pa rin sa kanyang kanang palad ang bola ng liwanag at upang wakasan ang commotion ay hinawakan niya ang bola ng liwanag at malakas iyong pinisil. Sa isang iglap ay nabasag at sumabog iyon nang hindi siya napipinsala. Sus! Malayo sa bituka. Mas lalong umugong ang bulungan sa aming paligid at naiwang napapahiya si Humaru.
Tinalikuran na siya ni Lori at ibinaba na rin ni Shield ang barrier subali't hindi pa roon nagtatapos ang lahat dahil nang nakatalikod na si Lori ay biglang nabuhayan ng loob si Humaru at tinangkang saksakin si Lori sa kanyang likuran. This cheater!
Tiyak akong napansin iyon ni Lori subali't hindi niya iyon pinansin dahil alam niyang darating si Damien upang siya na ang tumapos sa eksena. Mula sa kinaroroonan ni Damien ay kaagad siyang pumaroon sa pwesto kanina ni Lori upang harangan si Humaru sa pamamagitan ng malakas na sipa.
Tumama ang kanang paa ni Damien sa panga ni Humaru dahilan upang tumilapon siya at humampas ang katawan sa makapal na pader. Halos mawasak iyon dahil sa lakas ng epekto. Hindi na nakabangon pa si Humaru at tila nawalan siya ng malay.
"Cool!"
"Nakakabilib siya! Isang sipa lamang iyon at tumba agad si Humaru!"
"Sa pagkakaalam ko ay siya si Damien at si Mallory naman iyong babae kanina. . ."
'Ang bilis kumalat ng balita ha.'
"Napakalakas nila!"
"Kung paglalabanin ang Delta at Alpha, sino kaya ang mananalo sa kanila?"
"Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo!"
"Ibang usapan na 'yan. . ."
"Malalaman natin 'yan sa pagsusulit."
"Kung gano'n ay hindi na ako makapaghintay na makita ang performance nila! Kyah!"
Muli akong napailing dahil sa bulungan na naririnig ko subali't hindi roon natuon ang atensyon ko kundi sa mga kaklase naming nakangiti na at tila nakahinga ng maluwag. Walang nagawa ang ibang estudyante kundi ang papasukin kami sa ayaw at sa gusto nila dahil kung tutularan nila ang mayabang na si Humaru ay tiyak na lilipad sila hindi lang dito sa training area kundi palabas ng akademya.
"Mayroon pa bang tumututol sa pagpasok namin sa silid na ito?" seryosong tanong ni Damien nang makapasok na ang lahat ng kaklase namin. Subali't wala ni isang sumagot dahil sa takot.
"Kung maaari ay ayaw naming maulit ang nangyari ngayon kaya't sabihin ninyo sa iba na iwasan ang pangmamaliit sa Delta Class. . ." saad ni Barok na nasa tabi ng pintuan.
Napatango ang ilang mga estudyante, "Oo, ipaaalam namin sa iba. . ."
"They are so cool!"
"Maghunus-dili ka nga riyan!"
"Ano ba! Hindi naman masama kung tinagalain ko sila, 'di ba?"
Palihim akong napatango dahil sa narinig sa isang babae. Walang rules upang tumingala ang isang nilalang. Walang kwalipikasyon at walang regulations.
Nahinto lamang ang mga naririnig kong bulungan nang isara namin ang malaking pintuan ng napili naming silid. Abot langit pa rin ang ngiti sa mga kaklase namin at nagagalak sila dahil sa nangyari.
"Um. . . Lori. . ." sambit ni Ana.
"Bakit?" sagot ni Lori habang nakahalukipkip sa may gilid.
Huminga ng malalim si Ana, "Gusto ko lamang magpasalamat dahil sa ginawa mo at gano'n na rin kay Damien," sambit niya habang napapatungo.
Huminga ng malalim si Lori, "Maliit na bagay lamang iyon para sa akin. Kung tutuusin nga'y kayang-kaya mong upakan ang isang iyon. Masyado lamang kasi kayong nagpapadala sa inyong takot at emosyon," mahabang wika ni Lori dahilan upang mapatango ako.
"Pasensya na kung napasabak ka pa roon kanina," pagpapaumanhin pa ni Ana.
Lumakad si Lori sa gitna at nagsalita, "Simula ngayon ay 'wag na 'wag kayong magpapadala sa inyong mga takot. Pare-pareho lamang tayong mga estudyante rito sa akademyang ito. Kung ayos lang sa inyo ang alipustahin kayo ng kung sinu-sino lamang ay hindi kami gano'n. Ibang iba kami sa inaakala ninyo. . ." pahiwatig ni Lori sa buong klase dahilan upang manahimik sila at sabay-sabay ring napabuntong hininga.
"We'll do our best. . ." Barok spoke.
"Kung kailangan nilang masindak sa atin ay gagawin natin maiwasan lamang ang gulo. Pumasok kami sa paaralan na ito na mayroong magandang hangarin kaya't nais naming matupad ang mga hangaring iyon ng may ngiti sa mga labi. . ." malamyang wika pa ni Lori.
"Hindi ang pangmamaliit nila ang magiging hadlang upang umusad tayo. Ano pang silbi ng mga abilidad natin? Ng mga kakayahan natin kung mananatili tayong nasa dulo?" dagdag pa ni Lori. She's trying to uplift the emotions of our classmates. Gusto niyang bigyan ng kalakasan ang mga kaklase namin at napapansin kong umeepekto iyon.
'We've done this part. Simula noong ipaupo ako sa posisyon bilang Clan Leader ay marami na akong narinig na diskriminasyon at pangmamaliit. Kung tutuusin nga ay kaonti pa lamang ito. Mas malala pa iyong naranasan ko.'
"We will not tolerate discrimination. Fight if it's possible. . ." wika pa ni Lori.
'She's right! They have to fight their weaknesses. They have to overcome their flaws by fighting back!'

Komento sa Aklat (362)

  • avatar
    CabaseChad

    hi guys

    05/08

      0
  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata