logo text

CHAPTER THIRTY-EIGHT

PAALIS na ako ngayon ng dorm ko at mag aabang na sana ng Jeep papuntang school nang biglang may pumaradang sasakyan sa harap ko. Angas Black BMW.
Hindi ako masusundo ngayon ni Lance. Nag message siya sa akin na may kailangan pa siyang puntahan. Sinabi niya rin sa akin na gusto niya sanang isabay ako ngayon kaso iniisip niya na baka ma late ako.
Hindi ko nalang pinansin ang pumaradang sasakyan. Matunog akong bumuntong-hininga. Naghanap nalang ako ng lugar na pwedeng abangan ng Jeep.  Ako na mag aadjust.
Nangunot ang noo ko nang marahan itong umandar pasunod sa akin. Imbes na pansinin ay pinabayaan ko nalang 'to at nagpatuloy sa paglalakad.
Kumunot ang noo ko nang mapansing nakasunod pa rin ito sa akin. Inis akong huminto bago lumingon sa sasakyang itim. Tinted ito kaya hindi ko makikita ang tao sa loob. Lintek naman, pano ako makakasakay nito ng Jeep!
Padabog akong naglakad pabalik sa pwesto ko kanina. Mahina akong napamura nang marahan din itong umatras. Nanggagago ba siya?
Mariin akong pumikit bago lumapit sa bintana ng sasakyan. Kakatokin ko na sana ang bintana ng kotse nito nang bigla itong bumukas. Naiwang nakataas ang kamay ko habang gulat sa nakita.
"Eloy?" gulat kong bigkas.
"Ali, sumakay ka na." aniya habang ikinukumpas ang upuan sa shotgun seat para ayain akong pumasok.
Binaba ko na ang kamay ko. "Akala ko naman kung sino, ikaw lang pala." pabuntong-hininga kong sabi. "Teka... bakit mo ba kasi ginagawa 'yon?" pagtataka ko.
"Do I need to answer that? Sumakay ka nalang baka ma late pa tayo." walang reaksyon niyang sabi.
Nagkibit-balikat nalang ako bago binuksan ang pinto ng kotse niya saka pumasok. Pagkaupo ko ay kaagad akong nag seatbelt. Ine-start niya na ang engine bago nagsimulang mag maneho.
"Paano mo nga pala nalaman na malapit lang doon ang dorm ko?" I asked after a silence.
"I don't. Galing akong Watson, may binili lang, then I saw you." sambit niya.
"Ahh," tumatango kong sabi. "Ang bait mo naman, pinasakay mo pa talaga ako." nakangiti kong saad.
"Pareho lang tayo ng pupuntahan, Ali." pagpipilosopo niya sa akin.
Bahagya akong umirap. "Sabi ko nga,"
Bigla rin kaming tumahimik. Seryoso lang siyang nagmamaneho habang ako ay nakatuon lang ang tingin sa labas ng bintana.
Naisip ko lang bigla na sa tuwing sasakay ako ng kotse ng iba, palaging nagkakataong sa shotgun seat nila ako pinapaupo. Sa kotse ng Daddy ko, sa kotse ni Deyron, sa kotse ni Ulap, sa kotse ni Lance at ngayon sa kotse ni Eloy. Maangas na ba ako niyan?
Bahagyang napaawang ang mga labi ko nang biglang may maisip. Omg! Hindi pala ito ang unang pagkakataong makasakay ako sa kotse ni Eloy!
Kaagad akong tumingin sa kaniya. "Eloy, may tanong ako." sabi ko.
Napatingin siya sa akin saglit bago ibinalik ang tingin sa daan. "Okay, go ahead." usal niya.
"Dito mo rin ba ako pinaupo nung hinatid mo ako sa bahay, nung gabing lasing ako?" nakangiwi kong sambit nang maalala kung gaano ako kalasing nung gabing 'yon. Nakakahiya.
Kaagad akong nagtaka nang mahina siyang tumawa. "Yes, Ali."
"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" medyo irita kong sambit. Umiling lang siya bago tumigil sa pagmamaneho. Saka ko lang napansing nasa tapat na pala kami ng school.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko at saka bumaling sa kaniya para magpasalamat. Nginitian ko siya nang makitang nagkatingin na siya sa akin.
"I just noticed, you look blooming." he said while staring at me.
Bahagya akong namula sa bigla niyang sinabi. "A-ako? Blooming?" Turo ko sa sarili ko. Well I guess I'm in love.
"Your inlove?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Grabe siya, pati ba naman nasa isip ko nababasa niya. "Anong meron sa inyo ni Lance? Kayo na ba?"
Napalunok ako sa sunod-sunod niyang tanong. "T-teka lang naman.... isa isa lang, pwede?" sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay. Jusko hino-hotseat pa'ko nitong si Eloy.
Huminga muna ako ng malalim. "Oo, inlove ako at kami na ni Lance, actually kahapon lang." napangiti ako nang maalala ang nangyari kahapon.
"I see, congrats." tipid niyang sambit.
"Salamat Eloy." nakangiti kong bigkas.
"So, mauna ka nalang sa loob." sambit ng malalim niyang boses.
"How about you? Sabay nalang kaya tayo," pag-aya ko sa kaniya.
"No, 'di na, mag p-park pa ako." Umiiling niyang sambit.
Dahan-dahan akong tumango. "Okay, sige. Salamat sa ride!" nginitian niya lang ako. Sumenyas na ako na bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan para lumabas. Tumango lang siya bilang tugon.
Pagkababa ko ay diretso lang akong naglakad papasok ng campus gate. Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humawak sa braso ko at pasimple niya akong inakbayan.
Mabilis niya akong hinatak palabas ng gate. Gusto ko man siyang tingnan pero hindi ko magawa, sobrang higpit ng pagkaakbay niya sa akin. Nang makalayo na kami ng kaunti sa school, kaagad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay.
Mahina akong napatili sa ginawa niyang pagtakip sa bibig ko. Sinubukan kong mag pumiglas mula sa kaniya kaso gano'n nalang kahigpit ang pagkahawak niya sa braso ko.
"'Wag kang sumigaw, kung ayaw mong masaktan." pagbabanta niya. "Pasok!" Hinatak niya ako papasok sa loob ng sasakyan.
"A-aray.... bitawan mo nga ako! Sino ka ba?!" sigaw ko habang pumapalag.
Narinig ko ang malutong niyang mura. "Sinabi kong pumasok ka!" Tinulak niya ako papasok ng sasakyan nito. Nang lingunin ko siya ay hindi ko makita ang mukha niya. Naka maskara ito at may suot na sumbrero.
"Ano bang kailangan niyo sa akin?! Tulong!! Ano ba.... 'wag mo nga akong hawakan!" singhal ko sa lalaking nasa tabi ko nang talian niya ng panyo ang kamay ko.
"I said shut up!"
Napapikit ako sa lakas ng sigaw nung babaeng naka maskara. Sa tantsya ko ay ka edad ko lang siya.
"Bruno, lagyan mo nga ng piring ang mata ng babaeng 'yan!" utos niya sa lalaking katabi ko bago pinaandar ang sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na lumayo ng kaunti. Pero wala na akong kawala, hindi ko na makuhang igalaw ang kamay ko para pumalag. Mabilis na tinakpan nung lalaki ang mga mata ko.
Kahit anong gawin kong sigaw sa loob ng kotse ay wala pa rin akong magagawa. Hanggang sa huminto na ang sasakyan. Rinig ko ang pagbukas ng pinto kasabay nito ang paghila sa akin nito palabas.
"Ano ba! Wala naman akong atraso sa inyo!"
Hindi pa rin ako huminto sa pagpupumiglas sa may hawak sa akin. Rinig kong inutusan itong ipasok ako sa loob. "Saan niyo ako dinala!"
Pabagsak akong pinaupo nung lalaki dahilan para mapasigaw ako sa sakit. "Tulong!! Tulongan niyo ako dito!" sigaw ko nagbabakasakaling may makarinig.
"Patahimikin mo nga 'yan, Bruno. May tatawagan lang ako." rinig kong sambit nung babae.
Sisigaw pa sana ako nang bigla kong maramdaman ang kamao nung lalaki sa sikmura ko. Bahagya akong napaawang sa sakit kasabay nito ang panghina at pagdilim ng paningin ko, kahit madilim na ito dahil sa piring.
"Ali... ali wake up," nagising ang diwa ko sa malambing na boses ng isang babae. Marahan kong inimulat ang mga mata ko. Sa wakas hindi na ako naka piring!
Bumungad sa akin ang babaeng naka maskara. Marahan siyang tumayo mula sa pagkayuko at pinagkrus ang dalawang braso.
"S-sino ka?!" singhal ko at masama siyang tiningnan. "Who the hell are you!" sigaw ko ulit nang 'di siya sumasagot.
"Shut the fuck up! Nakakarindi ang boses mo!" sigaw niya pabalik habang tinatakpan ng kamay ang kaniyang tenga.
"Wala akong pakealam! Ang sagutin mo ang tanong ko! Sino ka?" may diin kong sambit. Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa ng malakas.
"Gusto mo talagang malaman kung sino ako?" sambit niya bago naglakad at umikot sa likod ko. "Gusto ko sana yung medyo thrill, pero mukhang excited ka ng makilala ako." bulong niya sa tenga ko bago mahinang tumawa.
"Nagkakakilala na ba tayo?" direkta kong sabi. Pakiramdam ko kasi parang hindi ito ang una naming pagkikita.
Ramdam ko ang paglayo niya sa akin mula sa likod. "Okay, I will remove my mask..." usal niya bago bumalik sa harapan ko. "Para malaman natin, kung nagkakakilala na ba tayo."

Komento sa Aklat (56)

  • avatar
    RaraJayson

    very nice po

    09/09/2025

      0
  • avatar
    Claire De Guzman

    Nice

    01/09/2024

      0
  • avatar
    Nickhou C. Capol

    doc pasyente nurse

    31/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata