Kane Calen

Jane's POV
Isang linggo na akong namamalagi dito sa bahay. Sinabihan ko na din sina Kent na Hanapin nila 'yung iba dahil mapapahamak sila. Mapapahamak ba talaga sila kung nasa labas sila or mas mapapahamak pa sila lalo kung nasa poder ko silang lahat? Dapat ba na isali ko sila sa kalokohang ito? Or mas makakabuti na hindi ko na lang sila isama.
Pero, sabi nila sa akin na ang PROS gang hindi dapat nag-iiwanan. Hindi nga ba? Bakit iniwan na ako ng iba?
Ang sakit naman. Kaya ko 'to! Ako si Jane Calen hindi agad sumusuko sa kahit anong laban. Na-coma nga lang ng isang buwan. Hindi na din nagpakita sa akin si Luke. Nasaan na ba ang taong 'yun? Okay lang kaya 'yun?
Ano na nangyari sa kaniya? My parents ruin their business. Sinabi ko sa kanila na kasalanan ko ang lahat but they didn't listen to me. They said their protecting me from that asshole!
Hindi ko kaya na sabihan siya ng ganun. My parents did. Hahay! Ano naman ang magagawa ko? I'm just only twenty one at hindi ako ang humahawak ng mga business namin.
My parents and Jude only. Then Kent said to me a while ago. He said that Luke is here but my parents stop him. Kawawa naman ang Luke ko.
Yung mokong na nagpatibok ng puso ko. Yung taong na 'yun na nagpapakilig sa akin. Na ngumiti at ngumingisi para lang sa akin sabayan pa niya ng kindat Shezz! Uminit na naman ang mga pisngi ko sa mga iniisip ko.
Nasa CR ako at naliligo ng may narinig akong mga yabag. Hindi soundproof ang kwarto ko kaya rinig na rinig ko. Dali-daling akong nagbanlaw at nagtapis ng tuwalya.
Sino kaya 'yun? Kinuha ko ang baseball bat ko sa ilalim ng lababo. May ganito kasi ako sa kwarto dahil mahilig ako Sa baseball. Nang buksan ko na ang pinto at Nakita ko si Jude na parang may hinahanap sa kwarto ko. "What are you doing here in my room?" Singhal ko sa kaniya.
Nakita niya ang dala kong baseball bat at sinamaan niya ako ng tingin. "Don't tell me na papaluin mo ako using that?" sabay turo sa baseball bat na hawak ko.
"Sana! Akala ko kasi kung sino na?" tanong ko.
Tumawa siya sa sinabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Problema ng Isang 'to? Nakadrugs ba 'to or ano? Anong nakakatawa sa sinabi ko?
May dumi ba ako sa mukha para pagtawanan niya? Wala naman diba? Katatapos ko lang kayang maligo.
Then, all of the sudden he's here in my room na?
What the? "What's going on Jude?" tanong ko. "Oh by the way. Why are you here pala? Looking for something?"
"I knocked kanina but you didn't answer so I got in." sabi niya.
"Okay! Then? "
"Ayon! May hinahanap kasi ako hindi ko makita sa kwarto ko nagbabasakaling nandito."
"Ano akala mo sa kwarto ko? Tapunan ng mga nawawalang gamit?" umiling siya. "Eh Ano?"
"Garbage." sagot niya.
"Anong sabi mo?" Sabi ko aakma na sana na papaluin siya nang biglang pumasok si Kent. "What are you doing here?" tanong ko sa Kakapasok lang na tao.
"Oh my! Magbihis kana! kakain na!" sigaw niya at tumalikod at ayon umalis na. Sumunod din si Jude sa kaniya. Now I realize hindi pa pala ako nagbibihis. Kaya dali-daling akong nagbihis at sumunod na din sa kanila sa baba.
Habang nasa dining area kasama ko sina mama at papa. Pati na sina pinsan at si kambal na ngayon ay nakatingin lang sa akin.
"Sa susunod naman Jane magbihis ka muna bago ka lumabas ng banyo mo. Duon ka na Lang sa banyo mo Magbihis hindi sa kwarto mo. Kasi hindi ka naman naglalock ng pinto eh." sabi ni pinsan sa akin. "Concern lang kami sayo. Paano kung may pumasok na tao sa kwarto mo at-"
"Huwag mo ng ituloy! Ang sama naman ng iniisip mo sa akin!" sabi ko at sumubo ng kanin. Tiningnan ko si mama at papa. "Pa! Ibalik na natin ang business nila Luke." pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Hindi pwede!!" sigaw niya. Napapikit ako at yumuko na lang.
Wala na akong choice. Kawawa naman sina Luke. Kumain na kaya 'yun? Saan na sila pupulutin kung mawala ang business nila?
"Pero pa-" he cut me off
"Final na ang decision ko Jane Calen!" sigaw niya at ayon tumayo na sa kinauupuan niya.
Si mama naman tahimik lang. Nasa kay papa pa din ang huling decision. Kung final na final na talaga! Kaya lang, mababago kaya namin ang sinabi ni papa?
Ang hirap naman nito? "Okay lang yan Jane." sabi ni Jude sa akin. Tumingin ako sa kaniya. "Siyaka! Mas marami pa tayong problema na haharapin bukod sa business nila." dugtong niya.
"Ano ang pinagsasabi mo Jude?" tanong ni mama na Nakikinig pala sa amin ni Jude.
"Wala po ma.." sagot ko. Baka kasi, magalit at nako! Alam niyo na hysterical na naman yan siya. Malamang ina ko 'yan. Baliw ako eh no!
"Oo nga Jane! Baka nakakalimutan mo na may gagawin pa tayo." Sabi naman ni Kent na Gwapo.
"Sige mga anak. Mukhang ako yata ang na-OP sa inyong tatlo. Maiwan ko na kayo dito." sabi ni mama at tumayo na siya.
Wow! OP na word? Tama ba ang dinig ko? OP? Kailan pa siya natuto sa mga ganiyang salita?
******
Third person POV
Habang naglalakad si Jane sa highway para maghintay na masasakyan. Wala pa kasi ang kaniyang car kaya ayan commute muna siya. Nasanay na din siya halos dalawang linggo na din.
"Ang tagal naman, wala pa din dumadaan na sasakyan. Kahit jeep man lang. Wala talaga! Ang lamig pa naman ng panahon parang uulan pa yata." Bulong niya sa sarili.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya. Nagtext siya kay Kent na magpapasundo na lang baka kasi daw mabasa pa siya ng ulan.
Sa dalawang linggong nakalipas. Bumalik na din ang mga ibang members niya. Masaya siya sa nangyari kaya lang may alinlangan pa din siya na baka daw mapahamak ang mga Kaibigan niya.
Kaibigan naman talaga ang turing niya sa mga members niya hindi lang kung sino. "Hai miss." Nabigla siya sa nagsalita kaya lumingon siya at may lalaking nakatayo sa may likod niya.
Medyo lumaki din ang mata niya at hindi lang nag-iisa lang lalaki. Limang lalaki silang lahat. Kinakabahan na si Jane dahil sa mga tingin ng mga lalaking nasa harapan niya.
Kaya lumayo siya sa mga ito. Pero, sinusundan siya ng limang lalaki at agad siyang pinalibutan. Agad niyang ini-on ang emergency phone niya para mahanap agad siyang mga kagrupo niya. Para ma track siyang ng mga ito.
*****
"Boss! Is in danger!" sigaw ni DM sa kanila. Tumunog kasi ang Laptop ni DM at SK pati na din ang alarm ng bahay nila.
Dahil 'yun sa pag-on ni Jane ng emergency alarm. Kaya agad nilang tiningnan kung nasaan sila at may nakita silang pula na umiilaw at ayon ay ang location ni Jane. "Ano kayang nangyari?" tanong ni SK na kinakabahan dahil nasa panganib ang boss nila.
Kaya agad silang naghanda at agad nilang dinala ang kanilang laptop. Habang nasa biyahe ay tinatawagan nila si Kent at Jude. Agad namang sumagot si Jude at dali-daling lumabas ng bahay.
*****
Si Kent naman ay kakarating lang sa lugar kung saan si Jane ay nakikipaglaban na sa mga Limang lalaki. Sinuntok si Jane sa mukha pero, hindi man lang napaatras ang dalaga sa ginawa ng lalaking nakaitim.
"Yun lang ba ang kaya mo?" tanong ni Jane sa lalaki. Ngumiti si Kent habang pinapanuod ang pinsan na nakipagbugbogan sa Limang lalaki.
Agad niyang pinarada agad ang sasakyan niya sa likod ng limang lalaki. "Kung ayaw mong madamay dito! Umalis kana!" sigaw nung lalaking nakalaban ni Jane at lumabas ng sasakyan si Kent.
Agad namang sinipa ni Jane ang lalaking nagsalita sa tiyan kaya napaatras ito at agad na namilipit sa sakit. "Walang hiya ka!" sigaw ng lalaking isa at agad naman na sinipa si Jane sa mukha pero, bago pa niya nagawa ay si Kent na humawak sa paa ng lalaki at sinuntok 'yun.
"Okay ka lang boss?" tanong ni Kent sa kay Jane Tumingin si Kent sa mga lalaking handa ng makipagbugbogan sa kanilang dalawa. "Mali kayo ng nakalaban." sabi niya sa lima.
Nang biglang dumating ang mga kagrupo nila Jane. "Ayan na pala sila." sabi ni Jane. "Ang tagal." sabi niya.
Hinawakan niya ang braso ni Kent at agad na hinila patungo sa Sasakyan nito. "Tara na uuwi na tayo." sabi ni Jane sa kaniya.
Binalikan niya ang mga kagrupo niya at sinabi niyang sila na ang bahala pero, hinawakan siya ng lalaking nagsuntok sa kaniya.
Sinipa niya iyon sa down-there nito at namimilipit sa sakit ang lalaki at may patalon -talon pa ang lalaki dahil sa sobrang sakit. Kinagat ng lalaki ang labi dahilan para hindi makasigaw pero ,umuungol. "Sa susunod na may gagawin kayo sa mga babae na hindi niyo man kilala. Make sure na hindi kasali sa gangsters. Dahil ang nakalaban mo ngayon ay isang."
"boss!" Sigaw ni Jude na ngayon ay lumapit sa kaniya. Kakarating lang din naman. "Teka! Kilala ko ang mga 'to." sabi ni Jude sa kaniya. "Tama! Sila 'yung mga lalaking -"
Hindi na tinuloy ni Jude ang sinabi niya dahil kay Kent na lumapit sa kanila at sinuntok 'yung mga grupong muntik ng gahasain si Jane.
******
Kent's POV
Hindi na ako nakapagpigil ay lumapit na ako kina Jude at Jane. Alam kong alam ni Jude kung sino ang mga lalaking 'yun. Yun din ang grupo na muntik ng gasahin din si Trisha. Nasuntok ko na talaga. Nagdilim na ang paningin ko .
Napatingin sa akin ang kambal dahil sa ginawa kong pagsuntok sa lalaki. I want to tell her what is going on here between that five bastard and ours. "Jane!" sambit ko. "Sila ang may kasalanan kung bakit muntik ng magahasa si Trisha." sabi ko at siniko ako ni Jude dahilan para mapaatras ako ng konti.
Tulala lang si boss sa sinabi ko. Mukhang hindi niya yata narinig ang sinabi ko sa kaniya ah? Uulitin ko ba? Napalingon siya sa mga lalaki at agad na sinampal ang lalaking nasa harap namin. Ouch! Ang sakit nun.
Hindi naman makalaban ang lima dahil pinalibutan namin sila. Kahit anong gawin nila ay wala na silang magagawa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si papa.
"Pa!" sambit ko sa kabilang linya nung sagotin niya ang tawag ko. "Nandito kami ngayon sa Isang highway malapit sa pinagtatrabahuan niyo po." Sabi ko sa kaniya. "May nakaaway kasi Jane, I mean may mga lalaking muntik na siyang gahasain." sabi ko at binaba ko na. "I'll text you the exact place where we are." Sabi ko at binaba na. Tenext ko siya.
Ilang sandali pa at ayon dumating na sila papa. "May parak!" sigaw ng nasampal.
Tumingin sa akin si Jane na nakakunot ang noo. Tumango lang ako sa kaniya. Si Jude naman busy sa pagpipigil kay Jane na huwag ng bugbugin ang mga lalaki. Baka sa hospital pa niya ipadala ang mga 'to. Sabi nga nila. "Don't mess up with the slap lady boss."
"Ano naman ba 'to Kent?" tanong ni papa at lumingon ang kambal at ayon ay ngumiti sila pareho. "Hello kambal." Bati niya sa dalawa. Agad naman lumapit at nagmano ang dalawa. Hinalikan ni papa si Jane sa noo. "Oh! What the mess you made na naman my favorite niece?" tanong ni papa na may nakakalokong ngiti.
"Sila naman po ang Nauna." Sagot niya. Umiling na lang ako sa sagot niya. "They mess up with me." Dagdag niya. Hay nako!
Ang iba naman na pulis ay ayon pinusasan na nila 'yung iba at pati 'yung lalaki na sinuntok ko.
******
Third person POV
Sumama ang PROS gang sa police station malapit sa pinangyarihan. Sinabi kasi sa kanila na kailangan nila ng mga statement nilang lahat. Kaya wala silang nagawa.
Kahit kumukulo ang tyan ni Jane dahil sa gutom. Tinitiis niya dahil ayaw niya ng makakuha ng pansin pero, dahil magkadugtong ang bituka nila ni Jude kaya ayon nalaman pa din na gutom siya.
Kambal eh! Kung may nararamdaman ang isa, mararamdaman din ng isa. "Gutom na si Jane Tito." sabi ni Jude sa kaniyang Tito Kane na nakikipag-usap sa mga kasama nito at habang kinukahanan ng picture ang mga lalaking may nakasulat na mga pangalan.
"Buti nga sa kanila." Sabi ni Jane na nakangisi. "Hindi ko mapapalampas na may mangyari sa kapatid ni Tristan." sabi niya kay Jude, at kumulo na naman ang tiyan. Hinawakan niya ang tiyan niya.
Tumingin siya sa mga PROS gang na nag-uusap. "Kami na bibili ng Pagkain." Presenta agad ni SK at DM. Tumango si Jane sa kanila at ngumiti.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Kane sa mga grupo ni Jane.
"Dad! Gutom na si Jane." sabi ni Kent sa ama.
"Ay! Sorry.." sabi niya at ngumiti sa pamangkin. (Nako! Baka hindi lang sa baril mamatay ang pamangkin ko dahil din sa gutom.) aniya ng isip ni Kane. "Sige na! Bilhan niyo na ng makakain at pati na din kayo." sabay bigay niya ng pera sa mga kagrupo ni Jane. Masaya na si Jane kasi, bibilhan na siya ng Pagkain.

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    Annabelle Ariño

    next pls this is a nice story ever

    12/09/2024

      0
  • avatar
    BarreraVince

    I LOVE IT❤️❤️❤️

    10/07/2024

      0
  • avatar
    Jhoven Ardeo

    surea

    25/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata