Jane's POV Matapos namin dalhin ang mga miyembro ko sa laboratory. Nagpasalamat agad ako sa mga tumulong sa akin. Hinahanda na namin ang mga clones ngayon para dalhin sa hideout. Sana itong plano namin ay maging matagumpay. Huminga ako ng malalim. "So, how's everything?" tanong ko sa kanila. "Okay na lahat, miss. Pwede na natin silang dalhin sa hideout." Sagot ng isa kong membro, tumango ako sa kaniya. "Good. Tara na. Ang mga tao ko? Kumusta sila? Tulog pa ba sila?" tanong ko ulit. "Opo, miss." Tumango ako at sumakay na sa motor ko. Ako ang leader nila. Sila naman ay pumasok na sa ten wheelers truck. Nanduon ang mga clone na kinuha namin sa laboratory. Kapag hindi kami nagtagumpay sa misyong ito. Katapusan na ng buong PROS gang. Kailangan ko din na mabawi ang pinsan ko sa mga taong 'yun. Sila ang nagsimula ako ang tatapos. Hindi ako makakapayag sila ang mananalo sa labang 'to. Kahit buhay ko ang kapalit basta manalo lang kami at makapaghiganti ako sa hayop na 'yun. Okay na sa akin. Tsk. Sinuot ko kaagad ang helmet at gloves ko. Sumakay agad ako sa motor ko pagkatapos. Minaneho ko na agad ang motor ko palabas ng gubat. Nang tingnan ko ang side mirror ay nakita ko silang nakasunod sa akin. Good job boys. Habang nagmamaneho ako pabalik ng hideout. Malinis ang daan, hindi traffic at wala ding umaaligid na mga pulis sa daan para mag-check. Maganda kapag ganito kasi, deritso walang palya sa daan na pwedeng makapagpahamak sa amin. Huminga ako ng malalim. Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong tapusin ang nasimulan nilang gulo. Humanda sa akin ang lalaking iyon. Magkakaharap din kami malapit na at sa oras na magkaharap kami, isa lang sa amin ang matitira. At sisiguraduhin kong ako 'yun. Ako si Jane Calen the slap lady Boss. I am not a Slap Lady Boss for nothing. Nang makarating kami sa hideout, ay agad nilang pinarada ang sasakyan na dala sa may garahe. Ako naman ay nakababa na din at may kinuha ako sa bulsa ko. Nang tingnan ko sila, binuksan na nila ang pinto ng sasakyan at isa-isa nilang binuhat ang mga bagay na iyon. Ako naman binuksan ko ang pinto upang makapasok sila. Pinuwesto nila ang mga clone sa dining area, sala at sa lapag. Habang sila ay naghahakot ng mga clone papasok. Ako naman ay tiningnan ang bagay na kinuha ko sa bulsa ko. Nakabalot kasi siya sa cellophane. Mga maliliit na bagay na kulay ginto at hugis diyamante. Binuksan ko iyon at tiningnan ng maigi. Nakita ko na may mga linya din siya na kulay berde sa gitna. Hindi lang isang isang linya. Marami sila at may totoong diyamante na maliit at siya yung kumokonekta sa lahat ng linya na kulay berde. Kung hindi ako nagkakamali 'yung mga berde ay mga wires na maliit. Para saan kaya ito? Kumuha ako ng isa at tiningnan ko ang likod 'nun. May nakasulat ng pangalan. Hmpf. Mukha alam ko na. Si doctor kasi ang nagbigay sa akin nito. Madami ang binigay niya. Ang sabi niya lang ipasok ko daw ito sa mga batok nila. Para mag-function ang mga clone. Nang tingnan ko kung kanino 'yung pangalan na nakalagay ay agad ko hinanap ang clone na 'yun. Samantha. Si Samantha ang hinahanap ko. Nang makita ko siya sa dulo ng upuan sa sala ay agad kong tiningnan ang batok niya. May nakita ako dun sa likod niya na parang isang maliit na butas. Mukha ito na ang hinahanap ko. Nang pinasok ko siya. Sa matulis na parte ng diamante at nakita ko na bigla na lang gumising si Samantha. Nakita ko din sa batok niya na umilaw dun at bigla na lang namatay ang ilaw nung tumayo siya. Hmpf. "Programming...." bigla na lang nagsalita ang clone. "Download data..." "Activate...." So, ganun 'yun? Ganun yun ka- automatic? Hanep! "Boss." bati ng isang clone sa akin. Tumango lang ako. "Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo boss." sabi niya. Ngumiti ako. Ano nga ba? "Wala. Manahimik ka na lang at tulungan mo 'yung iba sa labas na maghakot ng mga katulad mo." tumango naman siya at lumabas. Ako naman ay naiwan at agad ginawa ang kagaya kay Samantha 1.1. Sabi ni Doctor, 'yun daw ang tawag sa mga clone. Kapag gumawa ka ng isa pang clone na kapareha niya. Ang magiging pangalan niya at ang number. 1- means yan yung original .1 yan yung fake. Kapag pinagsama 1.1 ibig sabihin. Original clone. Katulad siya ng tao. May pakiramdam din siya. May puso. May utak pero, ang sinusunod nila ay 'yung tao na may hawak ng malaking diamante at ako 'yun. Or kung sino man ang una nilang makita pagkagising nila. Kaya ganun na lang si Samantha one point one kung umasta. Tumatango-tango pa ako habang naglalagay ng mga microchips sa mga batok nila. Kagaya kanina. Kung anong ginawa ni Samantha ganun din ang ginagawa nila bago sila gumising ng tuluyan. "Programming..." "Download Data..." "Activate..." Iyan lang sinasabi nila pagkatapos ay ayon. Okay na. Ngumiti na silang lahat. Binabati nila akong boss. Ganda naman nito. Kapag ganito palagi eh. Okay lang. Huwag lang masaktan ang mga tunay kong kaibigan. Sila lang ang meron ako at ayaw ko na mawala sila. "Miss Jane. Tapos na po lahat." tumango ako "aalis na po kami. Kailangan pa namin na bantayan ang laboratory." Nakatingin lang ako sa kanila ng walang emotions ang aking mukha at saka ako tumango. "Sige po." sabay paalam nila. Natapos ko na din na lagyan lahat ng microchips ang mga clone at lahat sila ay nakatingin sa akin na parang nagtataka. See.. They have emotions. Ngumiti ako at tiningnan ang iba. "Gutom na ako kambal." sabi ng clone ni Jude. "Magluluto ako para sa ating lahat." tumango naman sila at sumigaw. Pati diyan nakuha nila. Dahil kasi iyon sa DNA na kinuha ko sa kanila. "Tulungan na kita Jane." sabi ni Luke one point one. Tumango ako upang sagot sa sinabi niya. "Okay.. Tara na. Ano bang lulutuin natin ngayon?" tanong niya. "Magluluto tayo ng kasya sa ating lahat." sabi ko. "Okay." sagot niya. "Masaya ka yata ngayon?" tanong ko. "Kasi, nakita kita eh. Alam mo 'yun. Sa tuwing nakikita kita 'yung puso ko lumalakas sa pagpintig." sabi ni Luke one point one. "Ahh.. Ako ba ang dahilan niyan? I mean. 'Yung parang kinakabahan ka kapag nakikita mo ako?" tumango siya. "Tapos, hindi mo alam ang gagawin mo?" tumango ulit siya at nakita ko na namula din siya. See? Saan ka makakita ng clone na namumula? Ano kayang ginawa ni Doctor Sung dito? Bakit ganiyan sila kaperpekto kahit mga clone sila? May feelings din sila. Kaya ko kaya silang gamitin para sa laban na'to? Kaya ko kayang ibuwis ang mga buhay ng clone na'to para sa digmaan na magaganap? Siguro ito 'yung tama. Nang makarating kami sa kusina ay agad akong naghanda ng mga kaldero. Oo nga pala. Nakalimutan ko na may pagkain pala akong dala kanina. Pero, nilagyan ko 'yun ng sleeping pills. Kaya hindi na iyon pwede. Saan kaya nakuha ni doctor Sung ang mga utak at puso ng mga ito? Bahala sila diyan. Dahil hindi namin alam kung anong mangyayari sa amin ngayon or kinabukasan or baka sa susunod na araw. Hindi namin alam kung anong iniisip ng mga kalaban namin sa ngayon. Huminga ako ng malalim. "Ayos ka lang ba, Jane ko?" Jane ko? Saan naman kaya niya iyan nakuha? Tumango lang ako. "Para kasing ang lalim ng mga iniisip mo ngayon eh." Pati iyon napansin niya? Wow!! "Ayos lang ako." sagot ko. Hindi ba niya alam kung sino siya? Kung ano siya. "Tara na. Magluto na tayo." tumango siya at hinanda ang mga gulay at ibang Karne. Nang sundan niya ang ref, "hala! May pagkain naman pala dito. Ito na lang eh. Initin na lang natin?" tanong niya. Umiling ako. "Bakit? Sayang naman 'to. Hindi ba bawal tayong mag-aksaya ng pagkain?" tumango ako. Kinuha niya at inamoy. "Hindi pa naman siya sira eh." Huminga ulit ako. "Ganito, iyan ay hindi na pwede. Kailangan na iyan na itapon." sabi ko. Tumango siya at agad niyang tinapon sa basurahan ang laman 'nun. Ayan! dapat ganiyan. Masunurin dapat. Ngumiti ako dahil sa ginawa niyang iyon. "Okay na Jane." sabi niya. Agad niyang hinugasan ang laman nun. Dali-daling ko naman tinapon sa lalabo 'yung mga juice na naiwan namin kanina. "Kambal." tawag sa akin ni Jude one point one. Lumingon ako sa kaniya. "Matutulog muna ako sa kwarto mo. Pwede ba?" tumango ako. "Salamat. I love you." ngumiti ako. Pwede ba akong sumagot ng I love you too? Pero, isa lang naman siyang clone eh. Hindi siya si Jude. Hindi ako pwedeng magpagawa ng sarili kong clone dahil may possibility na aagawin ni Jane one point one ang mga bagay na dapat ay sa akin. Dahil isa lang dapat sa kanila ang mabubuhay. Katulad na lang nung kapatid ba iyon ni Luke or pinsan niya? Nag-away 'yung dalawa. Ang isa ay tao at ang isa ay clone. Kailangan may isang mag-sacrifice ng kanilang buhay. Kaya ko 'to ginagawa dahil upang maging ligtas ang lahat. Bago pa man nila nakuha ang mga tunay na tao. Kailangan ko na silang palitan ng mga one point one na mga clone. Kailangan din nilang matulog hanggang hindi pa natatapos ang laban namin ng baliw na tao na iyon. "Ano bang lulutuin natin ngayon?" tanong ni Luke one point one. "Ano bang gusto mo?" tanong ko. "Gusto ko kumain ng sinigang na baboy." sagot niya. "Ganda ng naisip mo." Sabi ko. "Naman! Ang gwapo ko din." tsk! Ang hangin. Bumabagyo tuloy. "Tsk. Manahimik ka nga. Ang hangin mo." sabi ko. Tapos, nakita ko siyang tumayo ng matuwid pagkatapos ay tinikom ang bibig at pinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa ng tahimik at walang kahit anong kaluskos. Napangiti ako. Good job Jane. Dapat lang na sundin nila ako. Ako naman ay lumapit sa freezer at kumuha ng karneng baboy upang gawin naming sinigang. Nilagay ko sa isang lalagyan ang karne at nilagyan ko ng tubig upang kahit konti matunaw ang ice. Tutal ay may ginagawa pa si Luke one point one, nakita ko siyang naghihiwa ng mga sibuyas at kung ano pa. Ako naman ay kinuha ko 'yung kaldero na hinugasan na niya kanina at nilagay sa stove at agad kong sinindihan ang kalan. Nilagyan ko din ng tubig ang kaldero at tinakpan. Habang naghihintay ako na kumulo 'yung tubig ay kumuha ako ng kangkong sa ref at hinugasan sa may lababo at agad na hiniwa 'yun. Siyempre 'yung kutsilyo sa kusina ang ginamit ko. Ang baliw ko naman kung 'yung kutsilyo ko na may lason ang gagamitin ko. Ede. Mawala na lahat ng one point one at pati ako. Hindi ko na matatalo 'yung ugok na 'yun. Nang natapos na ako sa paghihiwa ay 'yun din ang pagkakulo ng tubig. Ang bilis ba? Kaya nilagay ko na 'yung karne at nilagay din ni Luke one point one ang mga hiniwa niya. Nilagyan din niya ng mga condiments at kung ano-ano pa. Siyempre sinunod niya ang sinigang mix. Ilang minutes lang ang lumipas ay naluto na din ang karne kaya ako naman nilagay na din iyong kangkong na hiniwa ko. Pagkatapos ay tinikman ko. Okay na ang lasa niya, ngumiti ako at nag thumbs up kay Luke one point one. Ngumiti din siya. "Galing ko no?" Tiningnan ko siya masama. "Sorry." tapos tumahimik na siya. "Tawagin mo na sila." hindi ako nagluto ng kanin dahil may kanin pa kanina. Dalawang kaldero kasi ang nilutuan ko ng kanin kaya ganun. Ulam lang ang problema namin eh. Siyaka, isang kaldero din 'yun. Nakita ko si Luke one point one na ang tuwid maglakad. Hindi ba siya masiyandong halata? May problem ba sa mga ito? Or sadyang ganiyan talaga? Lumingon siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Tiningnan ko siya ng balang ko ang expression sa mukha. "Pumunta kayong lahat dito." utos ko sa mahinang boses. Tapos nakarinig na ako ng mga yabag ng paa na tumatakbo papunta sa kinaruruonan ko. Ganito lang 'yun? Tapos, susunod agad sila sa akin? Hanep! "Magsi-upo kayo ng walang ingay." Sinunod agad nila kung ano 'yung sinabi ko. "Kumain na kayo." utos ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
next pls this is a nice story ever
12/09/2024
0I LOVE IT❤️❤️❤️
10/07/2024
0surea
25/04/2024
0Tingnan Lahat