logo text

Sleeping pills

Jane's POV
Nang palabas na ako sa laboratory. Lumapit agad sa akin ang mga members ko. "Miss Jane." sabay yukod nila. Tumango lang ako sa  kanila.
"I need your help." sabi ko sa kanila. Tumango 'yung iba, 'yung iba tumingin lang sa akin. Pero, alam ko na nakikinig sila sa akin. "I know that some of you can cook, right?" Yung iba tumango. "Pero, hindi naman ako magpapaluto. Tinanong ko lang kung marunong kayong magluto." Ngumiti ang iba. Ang iba tumawa.
"Miss Jane, talaga. Akala ko nagugutom kayo kaya niyo tinanong sa amin?" sabi ng isang member ko na ang pangalan ay Rias. A girl name but he's a boy. May babae sila pero, nasa likod yata ng bahay nagbantay  mukhang hindi nila alam na nandito ako. Okay lang 'yun. Boys lang kailangan ko sa planong ito.
"Okay boys. Tama na 'yan." pigil ko sa kanila. "I asked you that kasi, kapag nandito na sila kailangan niyo silang lutuan.  I mean, turuan niyo ang iba para naman matuto sila at pwede na kayong magsalitan sa gawain.  Alam ko na konti lang may alam sa inyo tungkol sa pagluluto." tumango ang iba. "Nga pala. Alam ba ng mga pamilya niyo na nandito kayo at alam din ba nila ang mga ginagawa niyo at ang kapalit nito?" tumango silang lahat. "Good. Alam ko na mabigat na desisyon  itong ginagawa ko at gagawin niyo. Kung ayaw niyo. You are free hindi ko kayo pipigilan. Dahil alam ko kung gaano kabigat na bagay ang ginagawa ko ngayon. Nilalagay ko sa panganib  ang buhay ko. Hindi lang ako, lahat ng tao na nakapaligid  sa akin at alam ko na kayo din."
"Hindi ako aalis." sabi nung isa.
"Hindi rin ako aalis." sang-ayon din ng isa.
"Lalong, hindi rin ako aalis. Magkamatayan  man." Mas sang-ayon pa ng isa. "Kung hindi dahil sa inyo miss Jane. Baka saan na kami pupulutin?" dagdag  niyang sabi. Nakakatouch naman. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Salamat." sabi ko.
"Utang po namin ito sa inyo, miss Jane." sabi nilang lahat.
"Lalo na ako." sang-ayon pa ng isa.
"Hindi kami aalis." sabay na sabi nilang lahat.
"Good. So, where are we?" tanong ko.
"Sa plan po." sagot nung isa sa gilid ko.
"Oh. Ganito. Magdala kayo ng track. Sumunod kayo sa'kin." tumango silang lahat. "Ako na ang bahala sa iba." sabi ko. Tumango naman sila. "I need six of you para samahan ako. Hindi pwede  na walang maiiwan dito sa laboratory. Alam niyo na ang gagawin." tumango at 'yung iba ay bumalik na sa mga pwesto  nila. Kapag sa mga ganitong bagay, alam na nila kung sino ang kailangan ko. Ang nagpaiwan  'yung mga skilled shooter. Yung anim na sasama sa akin ay malakas ang katawan at kayang magbuhat ng mga dalawa at hanggang tatlong tao.
"So, Tara na." tumango sila. Ako naman ay nauna na at kinuha ang motor ko. Naramdaman ko na may nakasunod sa akin. Si Elix pala. "Nasaan ang iba?"
"Kumuha po ng track, miss Jane. Ako po ang inutosan nila po para sumunod sa inyo at kayo ay bantayan."
"Grabe ka talaga magsalita ng tagalog." sabi ko at ngumiti. "We should do this and kailangan natin silang iligtas. So, how's your parents?"
"Nasa mabuti po silang kalagayan ngayon, miss Jane. Salamat po sa inyo. Nadala ko na rin po sila sa ligtas na lugar miss Jane, kagaya ng inyong utos sa amin." tumango ako. "Kahit na hindi niyo sabihin na sumali ako sa inyong grupo dahil ito'y delikado sasali pa rin ako dahil utang namin sa iyo ang aming mga buhay."
Parang gustong tumulo ng luha ko dahil sa sinabi niya. "Salamat."
"Ako dapat ang magsasabi niyan sa iyo, miss Jane. Maraming-maraming  salamat po, miss Jane." sabi niya. Nakita ko na parang naluluha na din siya.
"Welcome. Thanks din. Okay lang sa akin kapag aalis ka sa grupo ko, maiintindihan ko naman eh."
"Hindi ako aalis miss Jane. Napamahal  sa akin ng gang ko. Napamahal na din kayo sa akin." sabi niya at ngumiti.
Naramdaman kong may papalapit sa amin kaya agad akong tumingin sa likuran ni Elix at nakita kong papalapit sa amin ang iba. "Miss Jane!" sigaw ni David.
"So, nasaan na ang track?" tanong ko sa kanila.
"Okay na po, miss Jane, nakahanda na po lahat." tumango ako.
"Good." I hop in my motor and start the ignition. "Follow me. Remember this, you are four hundred meters away from me." tumango silang dalawa. "Good." 
Agad akong nagsuot ng helmet at nagmaneho na palabas kakahuyan. Nilingon ko saglit sila at nakita kong tumatakbo sila papunta sa isang liblib na lugar. Doon kasi namin nilalagay ang  mga motor at track namin na gagamitin.
Tumingin na ako sa dinadaanan ko. Dumaan ako sa  gilid ng track na gagamitin at bumusina sa kanila. Tumango ang iba. Magaling ang naisip nila. Siyempre. Malalaki ang track na ginamit dahil alam nila kung gaano karami ang buong PROS gang. Pero, kailangan kong gawin ito. Dahil nakasalalay sa akin ang buhay nila. Dahil ako ang leader nila at responsibilidad ko silang lahat.
Habang binabaybay ko ang daan. Dumaan ako  sa isang drugstores. Pumasok ako at bumili ng mga kailangan ko. Bumili ako ng gamot na pampatulog. Ihahalo ko lang ito sa lulutuin ko mamaya. I smirk. Nang makabili na ako ay lumabas na ako at sumakay ulit sa motor ko. Tumingin ako sa likuran ko. Malapit na sila kailangan ko ng magmadali kaya nagmaneho na ako ulit.
Nag-iisip ako kung anong lulutuin ko. Mas maganda kasi kapag ako ang nagluto para hindi nila malalaman.
Nang makarating ako sa hideout at bumusina. Agad akong pinasok, papasok ang motor ko sa hideout at ginarahe agad ito.  Tinago ko ang gamot sa bulsa ko sa likod.  Hay. Kaya ko 'to. Huminga ako ng malalim. "Ha.." sabay buga ng hangin.
Nakita ko sina P at Christian na nagbabantay. Ngumiti ako. Sana hindi nila napansin 'yung nilagay ko sa bulsa ko. "Boss!" sambit nila sa akin.
"Hey. So, how are you guys?" tanong ko at ngumiti ng bukal sa loob.
"Okay lang po kami boss. Wala naman pong nanggugulo sa ngayon." tumango ako. "Wala rin kaming napapansin na  kakaiba sa mga kasamahan natin." sagot ni P sa akin.
"Good. Si Luke at Guizher?" tanong ko.
"Okay lang po sila." sagot ni Christian sa akin. "I think po, nasa kwarto po 'yung kambal na 'yun. Sobrang kulit po nila." ngumiti siya. Yung ngiti na alam mong bukal sa loob niya. Nararamdaman ko 'yun. Dahil alam ko kung malungkot or may iniisip sila.
"Pabayaan mo lang. Sige, pasok mo na ako. May gagawin pa ako. Siyaka, magluluto ako ngayon."
"Talaga boss?" excited na sabi ni P.
"Totoo? Magluluto ka?" excited na tanong ni Christian. Tumango ako. "YEHEY!" sabay talon niya. Parang bata 'to. Tinawanan lang siya ni Christian at ako naman ay napapailing na lang na nangingiti  sa kaniya.
"Sige. Punta na ako ng kusina." tumango silang dalawa. Ako naman dali-daling pumunta sa kusina. Nakita ko si Luke na nagulat dahil naglalakad ako sa harapan niya. Ngumiti ako.
"J-Jane?" utal niyang sabi. He rooted in his place. "I-ikaw ba talaga 'yan?" tanong niya. Tumango ako, hindi pa  rin nawawala ang ngiti ko sa labi. Namiss ko siya. Namiss din kaya niya ako?
"Sige. Punta muna ako sa kusina. Magluluto muna ako." tumango lang siya. Tumalikod ako at naramdaman ko na parang hahakbang siya kaya lumingon ako sa kaniya. "Diyan ka lang. Huwag mo akong istorbuhin, okay?" tumango siya at huminto. "Good." Ngumiti ako ulit.
Nagmadali akong tinungo ang kusina at nang makarating ako agad kong tiningnan ang ref. Hinalungkat ko lahat, ano ba ang masarap lutuin ngayon? Tumingin ako sa relo na nakasabit sa wall. Maaga pa. Hmpf. Dahil breakfast pa, mas masarap kapag marami ang lulutuin ko. Ah. Arozcaldo na lang.
Agad akong binuksan ang freezer at nakita ko na marami pa silang frozen meat. Kumuha ako ng manok. Nilagay ko sa lababo at kumuha ako ng plangganita at nilagay ko duon ang manok tapos, nilagyan ko ng tubig.
Pagkatapos, hinanda ko na lahat ng gagamitin ko. Kinuha ko sa bulsa ang gamot at kumuha ako ng ilang piraso at dinikdik iyon.
******
Nang matapos na ako sa pagluluto ay tinawagan ko sila Elix na maghanda na. Tatawagan ko na lang sila ulit mamaya kapag nakatulog na silang lahat. Lumabas ako ng kusina at dala-dala ko ang aking niluto. Kailangan ko silang tawagin agad para matapos na 'to. "Luke!" sambit ko sa pangalan niya.
"Hi, Jane." sabi niya ng makita ako.
"Tawagin mo silang lahat dahil kakain tayo." tumango siya at agad na tumakbo palabas. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko na may tumatakbo papunta rito. Nang tingnan ko sina P, Christian at ang iba ay nakangisi sila. Parang nanalo sa lotto ang mga mukha nila.
"Tamang-tama gutom na gutom na kami." sabi ni Christian. Napakunot tuloy ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi pa kami kumakain, eh."
"Okay. Sige na, magsiupo na kayo at tawagin niyo na ang ibang nagbabantay. Wala din siguro silang kain." tumango ang iba at agad na tinungo ang likod ng hideout at kagaya kanina tumatakbo sila papunta sa kusina. Mga patay gutom. Maraming lulutuin tamad silang magluto. Hindi talaga sila marunong. Kasi, ako naman ang nagluluto rito eh.
Napuno ang buong dining table at ang dami nila. Masaya sila habang kumakain. Ayaw ko na mawala ang mga ngiting iyan sa kanila. Sisiguraduhin kong 'yang mga ngiti nila ay hindi mawawala. Mahal ko sila, pamilya na rin ang turing ko sa kanila.
Ang laban na 'to ay sa pagitan lang ng mafia/assassin at ako. Hindi nila kailangan na madamay dito. Wala ng magbubuwis ng buhay para lang sa paghihiganti na gagawin ko sa kanila.
Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga mahal ko sa buhay. Kung ayaw nilang makatikim ng sampal galing sa akin.
"Sige pa. Kain lang kayo." tumango ang iba. "Gutom na gutom yata kayo?" tanong ko.
"Hindi pa kasi kami kumakain boss eh. Ayaw nilang magluto." sabi ni Spade sa akin. Eh. Ang sabihin mo masiba ka lang talaga, siyaka alam niya na ako talaga ang nagluluto rito.
"Mabuti na lang dumating ako." sabi ko.
"Oo nga boss." sabi ni Luke. Ngumiti ako sa kanila.
"Hinay-hinay lang sa pagkain. Baka mabulunan kayo. Teka, ilalabas ko muna ang juice." na nilagyan ko ng sleeping pills.
"Salamat boss." sabi ni P.
"Welcome." Nang nakuha ko na ang juice at naglagay ako sa mga baso na nasa mesa. Binigay ko sa kanilaa isa-isa.
"Sarap naman ng juice na ginawa mo boss." sabi ni DM.
"Heh! Sipsip nito." biro ko at tumawa. Nakitawa na din ang iba. Tumawa din siya.
"Ang sarap talaga!" sigaw ni SK. Lumapit siya sa mesa at kumuha ulit ng arozcaldo. Naubos na nila at nakakain na ng niluto ko. Tiningnan ko ang kambal na sina Luke at Guizher. Ngumiti sila ng magtama ang mga mata namin. Ngumiti din ako.
Ilang minuto lang ang kailangan ko para makatulog silang lahat. Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit na itim. Naglatag ako ng thumbtacks sa sahig. Pinalipas ko muna ang limang minuto bago bumaba patungong dining.
Nang tingnan ko silang lahat nakahilata na sila sa sahig. Good. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Elix na okay na ang lahat.
"Miss Jane. Papunta na po kami diyan."
"Good." sagot ko sa kabilang linya.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na sila at nasa labas na ang track na gagamitin kung saan sila isasakay. "Sige na. Buhatin niyo na sila." utos ko.
"Yes, miss Jane." sagot ni Elix at David.
Inisa-isa nilang binuhat ang PROS gang. 'Yung iba na dalawang tao ang binubuhat nila.  Nakita ko sina David, Elix at si Gerry may buhat silang tatlong tao. LANGYAH! Ang bigat niyan. Kahit kaya kong magbuhat ng tao eh, hindi ko ginawa. I am the one who check. Mahirap na baka may maiwan.
Konti na lang ang naiwan. Ang bilis nilang magbuhat ng mga tao. Hanggang sa ang kambal na lang ang naiwan. "Good. Okay na yan." Tumango silang lahat. "Tara na. Dahil may gagawin pa tayo." tumango uli sila.

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    Annabelle Ariño

    next pls this is a nice story ever

    12/09/2024

      0
  • avatar
    BarreraVince

    I LOVE IT❤️❤️❤️

    10/07/2024

      0
  • avatar
    Jhoven Ardeo

    surea

    25/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata