logo text

Guizher and the PROS Gang

Jane's POV
Parang baliw talaga itong kapatid ko. Kahit ano ang naiisip? Akalain mo umakyat daw yung tao sa mangga na walang bunga. Sarap hambalusin! Hindi ko naman lubos maisip na ganun pala siya gumawa ng mga story. Lintik!
Sa susunod ako naman ang magjo-joke sa kaniya. Tingnan natin kung sino ang mas magaling gumawa ng mga joke.
Haha
Pambihira! Sarap sapakin ng isang 'to! Hindi pa talaga siya tumitigil sa pagkukwento. Ang ano ko na lang bakit ako natatawa sa mga sinasabi niya?
Pati tuloy ang buong PROS gang natatawa din sa mga kwento niya. Letche! Hahaha
Hindi ko din mapigilan ang pagtawa ko. Alam niyo meron na siyang dalang microphone! Binigyan siya ng mic ni pinsan. Para tuloy kaming walang problema sa mga pinaggawa niya.
"Ayon! Tumakbo ako!" with action pa yan ah! Tumakbo talaga siya sa loob ng arena. "Hinabol ako ng mga chiks!" Hingal na hingal epic pa yan.
Hahaha
Letche! Sakit na ng tiyan ko. Epic pati mukha niya. "Akala niyo babae ang humahabol sa akin? Hindi no! Kundi mga sisiw. Paano ba naman kasi, yung ina nila binigyan ko ng pagkain. Eh! Bigla ba naman akong inataki ng halik!"
Letchon paksiw at Palaka!
"Hahaha" tawanan naming lahat.
Paano ba naman kasi, yung labi niya uma-acting pa. Kala mo naman may magandang labi. Letchon!
"Nainlove kasi ang nanay sa akin. Nagalit yata yung mga tatay ng sisiw ayon! Inutusan yung mga sisiw na sugurin ako. Kaya tumakbo ako."
Ayan tumakbo na naman siya. Kanina pa yan takbo ng takbo.
Akala ko ba yung topic namin sa mangga siyaka 'yung inutusan? Anong nangyari at napunta kami sa sisiw?
Sakit na talaga ng tiyan ko katatawa.
Letche! Talaga itong kapatid ko na 'to. Puro kalokohan ang alam.
******
Guizher's POV
Nandito na naman ako sa park. Hahanapin ko 'yung babaeng nakabangga ko dati dito. Sino kaya siya?
Sinama ko si Lance dahil gusto niya din daw makita ang babae na sinasabi ni Loren. Busy kasi si Loren sa bahay niya. Naglilinis siya.
Sana nandito siya. Sana makita ko siya ulit. Habang naglalakad kami ay bigla na lang hinablot ni Lance ang kamay niya at tumakbo sa may swing.
Agad din akong tumakbo patungo dun. Kabilin-bilinan pa naman ng ama niya na hindi ko pababayaan ang mag-ina niya hanggang wala pa siya.
"Tito Guizher. Wala naman yata ang babae na sinasabi mo eh." sabi niya sa akin at saka lumingon sa paligid namin.
Itong bata na 'to. Kahit kailan hindi siya kagaya sa mga ibang bata na bata talaga mag-isip. Mas matanda pa siya kung mag-isip sa akin. Sinasabihan nga niya ako na isip bata ako.
Lumingon din ako sa paligid wala din akong nakita na mga tao. Medyo tahimik yata ang park ngayon ah? Di kagaya nung nandito 'yung mga pinagmamasadan ko na babae.
Yung maganda. Sayang lang dahil bigla akong umalis nun time na nakita ko siya. I mean nung nakabangga ko siya.
Kumusta na kaya siya? Sana makasalubong ko siya ngayon. "Tito. Tara na po. Balik na tayo. Wala naman masiyadong tao dito." sabi niya sabay baba sa swing at hawak ulit sa kamay ko.
Aalis na sana kami ng may mahagip ang mata ko.
Nakita niya din ako at pinagmamasdan. Humakbang siya papalapit sa akin. Hindi ko maigalaw ang paa ko.
Huminga ako ng malalim at ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko din siya. Nakita ko na siya dati kaya lang hindi ko alam kung ano ang name niya.
"Hai Guizher! Kumusta?" bati ng babae na kilala ako.
"Hai miss nakakakilala sa akin." sabay wave pa yan ah at ngisi. "Okay lang naman ako. Ikaw?" tanong ko pabalik sa kaniya.
Tumawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? May lalaki din na tumatakbo papunta sa kinatatayuan namin.
Nang nakalapit na ng husto ang lalaki ay nalaglag ang panga niya nang makita ako. Tulala siya. Anong meron?
"L-luke?" tanong niya sa akin na nauutal.
Kumunot ang noo sa sinabi niya. So ibig sabihin kilala niya si Luke? So, walang duda na kilala niya din ako?
Umiling ako. "Hindi ako si Luke." sabi ko.
"Tito. Sino sila? Siya ba 'yung sinasabi mo?" tanong ni Lance na nasa tabi ko at tinuro pa niya 'yung dalawa.
"Hindi eh. Hindi naman siya 'yun." sagot ko.
"Ahh! Akala ko kasi, siya na 'yung babae na sinasabi mo? Tara na po." sabi niya sabay hila sa akin.
Pero, bago pa ako nakalayo ay hinawakan na agad nung lalaking bagong dating ang balikat ko.
"Bakit?" tanong ko nung lingunin ko siya.
Huminga siya ng malalim. "hindi ka man lang ba magpapakita ka Jane bago ka umalis? Nanduon si Jane oh." sabay turo sa mga lalaking nagkukumpulan sa di kalayuan. Kaya na napalingon ako dun. Pinagsingkit ko ang mata ko at nakita kong nagtatawanan sila at nakita ko din siya na nakahawak sa tiyan niya't tumatawa.
May isang lalaking nakaakbay sa kaniya. Hindi ko kilala. "Pasensiya na pero, hindi ko kayo kilala. " Sabi ko at umalis na.
"Saglit lang!" habol niya sa akin at humarap na naman ako sa kaniya.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko.
"Please. Bumalik kana sa amin. Kailangan ka niya. Kailangan ka din namin." pakiusap niya.
"Alam mo. Hindi ako si Luke. Okay! Si Guizher ako.. Naintindihan mo? Kahit itanong mo pa sa kaniya." sabay turo kay miss nakakakilala sa akin.
Napalingon naman sa kaniya 'yung lalaki. Kumunot ang noo nung lalaki habang tiningnan siya. "Oh! Siya! Alis na kami. Sige sa susunod ulit. Pero, kung gusto niyo akong makausap punta na lang kayo sa bahay nila." sabay turo sa kay Lance.
Habang pauwi kami ni Lance sa bahay nila. Sinusundan na kami ng dalawa. Si miss nakakakilala sa akin ay nakayuko lang habang inaakbayan siya ng lalaking hindi ko kilala na nakakakilala sa akin. Malay ko ba kung anong pangalan nila? Nasaan na kasi si Luke? Ang taong 'yun sinungaling siya. Ang sabi niya babalik siya. Isang taon na ang nakalipas pero, hanggang ngayon. Walang Luke akong nakikita ni anino niya wala talaga.
"Saan ba ang bahay ng batang yan Luke?" tanong na naman niya. Napipikon na akong tinatawag nila akong Luke.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Huminto din sila at humarap sa akin. Tinitigan niya ako sa mata at ganun din ang ginawa ko.
"Ilang beses ko bang sabihin sa'yo! Na hindi ako si Luke!" giit ko sa pangalan ni Luke. "Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog? Pero, imposible naman diba? Narinig kita na nagsalita ng tagalog. Kanina pa ako naririndi sa'yo. Sabing hindi ako si Luke! Hindi ako si Luke! Naintindihan mo!" sigaw ko na yan sa kaniya.
Alam kong hindi pa kami nakakalayo, kaya napatingin ako sa paligid at napatingin sa amin 'yung babaeng tumatawa kanina.
Nakayuko pa din si miss nakakakilala. "Tama na yan Kent. Hindi siya si Luke. Diba sinabi ko na sayo kanina pa. Pero, ayaw mong maniwala. Ayan tuloy." pigil sa kaniya. Tama naaalala ko na ang name niya. Trisha. Yun yung time na pumunta ako sa hideout nila dahil may gang fight sila.
******
Kent's POV
Kung hindi siya si Luke? Sino siya? Sa pagkakaalam ko, wala namang kapatid si Luke ah. Kung totoo ang sinasabi ni GF ibig sabihin may kakambal din siya? Pero, kung nandito ang kakambal niya? Nasaan si Luke?
Baka siya nga si Luke? Niloloko lang ako ng mga ito. Sumakay din itong girlfriend ko. Hindi ako natutuwa. Nakatingin siya ngayon sa mga grupo ko.
"Gusto mong pumunta duon? Sasamahan ka namin." tanong ko sa kanya at ngumiti.
Napatingin na din sa amin si pinsan pero, nakita kong pinigilan siya ni Jude. Kasi, nakita ko si Jude na nakatingin na din sa amin. Aalis na sana sila kaya lang, pinigilan sila ni Tristan. Hindi ko naririnig kung ano ang pinag-uusapan nila pero, base sa mga action nila alam ko na.
Ayaw niyang harapin itong lalaking kaharap ko. Nasabi na din pala niya sa amin dati na nakita niya si Luke. Baka ito ang tinutukoy niya? Baka itong lalaking ito 'yun?
"Tara na Tito." sabi nung bata na kasama niya. "Wala naman po 'yung sinasabi niyong babae eh." aniya.
"Gusto mo siyang makita?" tanong niya sa bata. "Ayon siya oh." sabay turo niya. "Diba ang ganda niya?" Tumingin naman ang bata na kasama niya sa tinuturo ni Luke 2. Hindi ko alam ang pangalan eh.
"Oo nga! Ang ganda. Tara lapitan natin." tumango siya. Hahakbang na sana siya pero, pinigilan ko siya.
"Bawal." sabi ko. Diba ako ang may gusto na pumunta siya dun.
"Diba sabi mo kanina-." Putol ko kaagad sa sasabihin niya.
"Ah! Oo. Pwede kang pumunta pero, may itatanong lang ako sa bata." palusot ko.
Napatingin ako sa bata. "Hai. Anong pangalan mo?"
Napatingin naman sa akin ang bata na may kunot sa noo. "L-lance po." utal niyang sagot. Ngumiti na lang ako.
Nilingon ko si Trisha. "Kawayan mo sila na pumunta sila dito." tumango naman ang girlfriend ko at ginawa niya ang mga sinasabi ko. Bait diba?
Ilang sandali lang ay tumatakbo na si pinsan patungo sa amin. Anong gagawin ko. Kahit ako nuon ayaw maniwala sa kaniya pero, ngayon naniniwala na. Bakit nilihim ito sa amin ni Trisha? Si Trisha lang ba ang may alam nito or may iba pang nakakaalam sa taong 'to bukod sa mga malapit sa kaniya?
Sino ba talaga siya? Kung kakambal siya ni Luke. Dapat alam namin. Pero, hindi naman kami ganoon ka-close eh. Siyaka personal na buhay na niya kasi.
Si pinsan Jane at Jude kaya, alam din kaya nila may kakambal si Luke or wala din silang alam?
*******
Guizher's POV
Nakita kong tumatakbo na 'yung babaeng nakabangga ko sa amin at napansin ko ang bilis niyang tumakbo.
Isang minuto lang yata nasa harap ko na siya. Agad niya akong niyakap. Nanigas ako sa ginawa niya. Pero, agad din naman akong naka-recover sa ginawa niya.
Ang bilis niya. Paano niya nagawa 'yun? Ibang klaseng babae. Napangiti na lang ako habang yakap niya ako.
"Namiss kita Luke." sabi niya habang yakap pa din ako.
"Ahh.." Paano ko ba sasabihin na hindi ako si Luke? Hindi ko alam. Nilingon ko yung babae na si Trisha. Kinindatan niya ako. Anong ibig sabihin nun? Sumakay ako sa pinagsasabi niya? Ano gagawin ko? Magpapanggap akong si Luke? Bad yun.
Pero, bago pa ako makapagsalita ay, "Tara na Tito Guizher. Umuwi na tayo." sabi ni Lance na nakakapit pa din pala sa kamay ko.
Napakalas sa pagkakayakap 'yung babae at tumingin sa bata. Nag-squat siya para magkapantay sila ni Lance. "Hai. Anong pangalan mo?" Nakita ko siyang tumutulo ang luha. Anong nangyayari sa kaniya. Kaya dumukot ako ng panyo sa bulsa ko at binigay ko sa kaniya.
Tumingala siya sa akin at nagpasalamat. Ngumiti na lang ako bilang tugon sa sinabi niya.
"Lance po." sagot ni Lance sa kaniya.
"Hai! Lance. Ako pala si Jane." Pakilala niya din sa bata.
"Hai po. Ate Jane. Ang ganda niyo po." bati niya din na may ngiti sa labi. Napailing na lang ako habang nanunuod sa kanila.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ng babae. Napakunot ang noo ko nang makita na nakatitig sila sa akin. Anong meron? Bakit ganiyan sila makatingin sa akin.
Mas lalong kumunot ang noo ko nung mapadako ang mata ko sa lalaking nakaakbay sa babae kanina. Parang kakainin niya na ako ng buhay. Anong kasalanan ko sa kaniya? Kaya dali-daling lumingon na lang ako sa ibang direction. Mukhang tama nga si Lance. Kailangan na namin na umuwi kasi, ang sama ng tingin nila sa akin.
Mukhang mapapaaway kami nito ah? Wala naman akong kasalanan sa kanila? Sino ba sila?
"Mabuti pa Lance. Tara na." sabi ko sabay talikod sa kanila at kaladkad kay Lance.
"Sandali!" pigil nung babae.
Napalingon ako sa kaniya. "Ahh. Kailan ka ba babalik sa HQ?" kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Miss kana namin." sabi niya ulit.
Lumapit siya sa akin at bigla na lang niya akong tinulak ng malakas at bumagsak agad ako sa lupa, kasabay si Lance.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang babaeng may sugat na sa braso niya. Dali-daling naalarma ang mga kasamahan niya. May binunot siya sa likod niya at laking gulat ko ay isang baril.
Babarilin ba niya kami? May nilagay siya na ewan kong ano 'yun. Basta alam ko na baril yun. Tinago ko kaagad si Lance baka kasi barilin siya nung babae. Pero, ilang minuto ang lumipas wala akong narinig na putok. Nang tumingin ako ay sa ibang direction naman pala niya ito pinaputok.
Nanatili lang kaming nakahiga sa lupa. Baka matamaan kami. Nako! Mahal ko pa buhay ko.

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    Annabelle Ariño

    next pls this is a nice story ever

    12/09/2024

      0
  • avatar
    BarreraVince

    I LOVE IT❤️❤️❤️

    10/07/2024

      0
  • avatar
    Jhoven Ardeo

    surea

    25/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata