GUIZHER'S POV Nang makauwi kami sa bahay ay sinalubong agad kami ni Lance. Tama! Kilala niyo siya? Siya 'yung hinahabol ko dati. Kailan kaya babalik si kambal. Hay! Sabay buntong hininga. "Okay ka lang po ba, Tito Guizher?" tanong ni Lance sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya. "Sige, maiwan ko muna kayo. Kasi, may gagawin pa ako." sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at tumingin sa kesame. Saan kana kasi kambal. Sabi mo babalikan mo ako. Sabi mo, babalikan mo ako kaagad. Pero, Isang taon na ang nakalipas wala ka pa din dito. Kailan ba babalik ang alaala ko? Sabi niya sana bumalik na ang alaala ko. Pero, kailan pa? Nang may marinig akong kumatok at pumasok sa kwarto ko. Nang tingnan ko si Lance lang pala. "Tito. May problema ka ba?" tingnan mo 'tong batang 'to. Kung makapagsalita parang matanda na. Ay tama pala! Sinasabihan nga niya akong isip bata. Kita mo na! Walang yah! Pero, 'yung babaeng umiiyak. Sino ba siya? Bakit niya naman ako mamimiss? Hindi ko nga siya kilala. Nagkita na ba kami? Parang wala pa yata? "Tito. Sabi ni mama may nakita daw siya na babae na kausap mo?" Daldal niya. Tsk! "Ah. Oo. Jane ang pangalan niya." "Hindi mo man lang ba tinanong kung anong buong pangalan niya?" "Hindi eh. Umiyak siya, hindi ko alam kung bakit?" "Baka kilala ka niya Tito." "Baka nga." sabi ko na lang. ****** THIRD PERSON POV Habang naglalakad si Jane pabalik kina Jude. Tumutulo pa din ang luha niya. Umiiyak siya dahil sa lalaking nakita niya at hindi na siya kilala. Nang makita siya nina Trisha at Tristan agad nila itong sinalubong. "Anong nangyari sa'yo boss?" tanong ni Trisha sa kaniya. "N-nakita ko siya." sagot niya sa dalawa. "Sino po ang nakita niyo?" tanong ni Tristan. "Si Luke. Nakita ko si Luke. Pero, hindi daw niya ako kilala." sabi niya sa mga ito. Niyakap siya ni Trisha. Alam ni Trisha na nandito ang kapatid ni Luke. Binabantayan din nila kasi ito. Pero, hindi sila nagpapakita dito. Hindi kasi kilala ni Jane ang kapatid nito. Or kung kilala man niya ito, nuon siguro. Kaya napagkamalan niya itong si Luke. Nang biglang dumating sina Kent at Jude. Agad nila itong niyakap nang kumalas si Trisha. "Anong nangyari sayo kambal?" tanong ni Jude sa kaniya. "Nakita ko si Luke kambal. Nakita ko siya. Binigyan pa nga niya ako ng panyo." sabay pakita sa panyo na bigay ng binata sa kaniya. Kumunot ang noo ni Kent at Jude dahil sa sinabi niya. Hindi nila alam kung maniniwala ba silang dalawa sa kaniya or hindi. ****** "Boss! Nakita namin si Jane na nasa park." sabi ng lalaki sa kaniyang boss. "Okay. Tapusin niyo na siya." utos nito. "Okay po boss." sagot ng mga lalaki. ****** Habang umiiyak pa din si Jane. Ay ganun na lang sila mag-alala sa kanilang boss. Kasi, minsan lang siya umiiyak. Nakilala nila si Jane sa pagiging sadists nito. Pero, hindi nila ito nakikita na ganito ito at umiiyak. Kinakabahan ang iba. Baka daw maisipan ni Jane na manampal na lang bigla. Kilala nila ito. Kaya kaya nilang tanggapin lahat ng sampal na ibibigay ng dalaga? (Ang sakit pa naman na manampal ni pinsan.) aniya ng isip ni Kent. (Kaya ko kaya tanggapin lahat ng Ibibigay na sampal ni Kambal?) aniya naman ng isip ni Jude. Nakatingin lang silang lahat. Biglang tumayo si Jane. "Maghanda kayo. Padating na sila dito." sabi niya sa mga ito sabay punas ng mata gamit pa din ang panyo na bigay ni Guizher sa kaniya. Nilagay niya agad ito pagkatapos niyang gamitin sa bulsa niya. "Ang lakas talaga ng pakiramdam ni boss." sabi ni SK sa mahinang boses. Pero, narinig iyon na Jane. "Nandito na sila SK. Ang mafia/assassin." sabi niya. "Kaya ba natin sila boss?" tanong ni DM sa kaniya. "Lumayo tayo dito. Ang aga nilang umatake eh." sabi niya sa kanila at naging alerto na ang lahat. Ay mali pala. Naging double pa ang alerto nila sa paligid. "Tara na." sabi niya at nauna. May dala siyang punyal na tinago niya sa likod niya. Hindi iyon alam ng iba. Pero, ang hindi nila alam ay may mga dala din ang mga ito na punyal at may baril pa. Mas kakaiba lang ang punyal na dala ni Jane. Kasi, may mga lason ito. Pero, siya lang din ang may alam kung anong lason iyon at kung anong gamot ang makakapatay sa lason na siya mismo ang may gawa. ****** Habang naglalakad sila. Sinusundan sila ng mga mafia/assassin. "Nandiyan na sila. Bilisan niyo." sabi ni Jane sa kanila. Kanina pa niya sinasabi na nandiyan na sila. Pero, 'yung mga ibang kagrupo niya wala namang nakikita. Nang bigla niyang tinulak si Kent. Kaya hindi siya natamaan ng baril. Pinagbabaril sila gamit ang baril na may silencer. "Okay ka lang ba?" tanong ni Jane sa pinsan na nakahiga sa lupa dahil sa lakas ng tulak niya. Tumango lang si Kent at agad na hinagisan ni Jane ng punyal niya ang isang parts ng lugar na walang tao. Pero, alam niyang may tao 'dun. Kasi, sa lakas ba naman ng pakiramdam niya. Narinig niya kasing may nagkasa ng baril banda 'dun. Sa lakas ba naman ng pandinig niya. Agad niya pang kinuha ang isa pang punyal at agad na hinagis sa may kanang bahagi. ****** "May paparating na bagay." sabi ng estranghero na may dalang baril at natamaan siya sa may noo. And everything went black. Nakahandusay na siya sa lupa at wala ng buhay. ****** Agad pinuntahan ni Jane ang lugar kung saan niya hinagis ang mga kaniyang mga punyal. Kasama niyang pumunta ang sina SK, DM, Kent, Jude, ang magkapatid na Trisha at Tristan pati na ang iba na kasama niyang pumunta sa park. Nang makarating na sila ay nakita nila ang isang lalaking naka-mask na itim at nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Hinugot ni Jane ang kaniyang punyal sa noo ng lalaki. Tumutulo pa nga ang dugo nito. "Yaks!" sabi ni Jane. "Kadiri." dagdag niya pa. Pinahid niya ang punyal niya sa damit ng lalaki para mawala ang dugo na tumutulo. "So, anong gagawin natin diyan sa lalaking 'yan Jane?" tanong ni Trisha na nandidiri din. Kinakabahan na din siya dahil hindi na basta-basta ang kalaban nila. "Ilibing natin ano pa nga ba." sagot niya. "Pero, pinsan?" "Walang pero, Kent. Alam kung hindi na natin mababago ang nangyari. Nangyari na 'yan. Kaya ilibing na natin. Habang walang tao. Ako na ang bahala diyan. May tatawagan lang ako." sabi niya sa mga ito sabay kuha ng kaniyang cellphone sa bulsa. Nag-dial siya ng number at agad naman sinagot ng nasa kabilang linya. [Hello Jane.] bati ng nasa kabilang linya. "May ipapagawa ako sa'yo." sabi niya sa kabilang linya. [Ano 'yun Jane?] "May napatay akong tao dito. Puntahan mo bilis in just 2 minutes." sabi niya. "[Pero-] " track me using this number then bilisan mo. Dahil kapag hindi ka umabot dito sa tinakda kong oras. Malalagot ka sa akin." sabi niya. [Okay.] sabi ng lalaki sa kabilang linya. Binabaan na niya agad ito ng cellphone. Walang paalam. "So. Tara na. Puntahan na natin ang isa ko pang punyal." sabi ni Jane sa kanila. Nang tingnan niya ang mga ito. Nakanganga na nakatitig lang sa kaniya. Hindi kasi sila makapaniwala sa mga sinasabi ni Jane. May nakatulala pa nga. Sinampal ni Jane si Kent at Jude. Ayon! Natauhan ang dalawa. Pati ang iba pa niyang kagrupo natauhan din. Dinala nila 'yung bangkay ng lalaki sa isang lugar. Kung saan sinasabi ni Jane. Nakakita pa sila ng Isang lalaking nakahandusay at walang buhay. Kagaya ng isa. Ganun din ang sinapit nito. May punyal sa noo. Kung anong ginawa ni Jane sa isang lalaki ay ganun din ang ginawa niya sa lalaking nakahandusay. ****** Jane's POV Sadyang ginagalit talaga nila ako. Humanda sila sa akin. Kapag may nasaktan sa mga Kaibigan ko dahil sa kanila. Sisiguraduhin kong mawawala sila sa mundong 'to. Hindi pa nila ako totoong kilala. Nandito kami ngayon sa HQ. Tahimik lang kami. Wala man sa kanila ang nagsasalita. Dahil siguro sa nasaksihan nila kanina. "So, wala kayong balak magsalita?" tanong ko sa kanila. Tinago ko na kanina ang panyo na binigay ni Luke. Si Luke talaga 'yun ayaw nilang maniwala sa akin. Anong akala nila sa akin? Nasisiraan ng bait? Or nasira na ang mata? Sabihin lang nila dahil sasampalin ko sila. Meeting ba 'to? Parang hindi naman yata? "Magsasalita ba kayo? Or parurusahan ko pa kayo?" tanong ko. "Ahh. Kasi Boss. T-takot po kami." sabi ni Trisha sa akin. "Bakit ka matatakot sa akin?" tanong ko. Yumuko lang siya. "I see. Mukhang takot ka nga sa mga nasaksihan mo kanina. " sabi ko na lang. "Cousin! marami ba sila?" tanong ni Kent. "Ikaw nga ba nagsabi sa akin na dadating na ang Isang Malaking unos." sabi ko. Nakalimutan ko kasi kung siya ba ang nagsabi sa akin or si Jude. Ewan! Nakalimutan ko na nga diba. Bakit ang gulo. Huminga siya ng malalim at yumuko din. "Nasaan ang iba?" tanong ko. "Nasa labas boss. Nagbabantay." sagot ni SK. "Good." "Pero, boss. Hindi ba Malaking sindikato ang nakabangga natin?" tanong ni P sa akin. "Mafia sila at mukhang nag-hire sila ng mga assassin para patayin ako." sabi ko. Kanila. Sa totoo naman eh. "Kaya ba talaga natin sila boss?" tanong ni Tristan. "Kung yan ang din ang tanong ko. Kung kaya ba natin sila. Pero, mukhang mas malakas sila ngayon eh. Pero, kung gusto niyong tumiwalag sa grupo ko. Free kayo." sabi ko. Tiningnan ko sila. "Bukas ang pinto kung gusto niyong umalis. Hindi ko kayo pipilitin na sumali dahil sa mas delikado na ngayon ang situation natin. Buhay ang pinag-uusapan natin dito. Kung nakahanda kayong mamatay. Ibig sabihin mananatili kayo. Kung gusto niyo pang mabuhay at hindi madawit sa gulo na napasukan niyo. Pwede na kayong umalis." pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at umalis. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin nila. Okay lang sa akin. Okay na okay lang sa akin kung titiwalag nga sila. Hindi sila pipilitin na madamay pa dito. Ayaw ko din silang masaktan. Mas maganda pa kung ako ang masaktan kesa, makita ko silang sinasaktan. Pumunta agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Matutulog muna ako. ****** Kent's POV Pagkaalis na pinsan ay tahimik pa din kami. "So, anong balak niyo ngayon?" tanong ko sa kanila. "Hindi ako aalis." sabi ni Trisha. "Ang bait kaya ni boss sa akin." dagdag niya. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. "Hindi din ako aalis." sabi ni Tristan. "Sabi ni Luke. Bantayan namin siya. Hindi ko alam kung bakit?" So pati siya hindi aalis? "Ako din." sabi naman ni SK , P, at DM. Magkasabay pa. "Kami rin." biglang dating nung mga nagbabantay sa labas. "So, wala ngang titiwalag? Hanggang kamatayan." sabi ko. "Hanggang kamatayan!" sigaw nilang lahat. Alam ko medyo konti lang kami ngayon. Dahil nasa schools pa lang 'yung iba. Kaya namin 'to. "Alam niyo nakita ko si Boss. Grabe siya. Ang astig niya." sabi ni P. "Oo nga. Kaya nga takot ang ibang gangsters sa kaniya eh." sabi ni SK. "Saludo ako sa kaniya." dagdag niya. Napangiti ako. "Siyaka, paano kaya niya nalaman na may tao 'dun?" tanong ni DM. Ganiyan naman talaga si Jane eh. Pansin ko na din sa kaniya nuong mga bata pa kami. Kahit malayo pa kami ni Jude. Naririnig na niya kami. Parang may iba pa siyang senses. Basta! Tapos, sinasabi din niya na huwag daw kaming maingay dahil may naririnig daw siyang nagsasalita. Minsan natatakot na kami ni Jude sa kaniya. "Oo nga. Tapos, 'yung pagtapon ng kutsilyo niya kanina. Astig nun. Ngayon ko lang siya nakita na marunong pala siya ng ganun. Akala ko nga sa pagiging slap lady boss lang siya magaling. Pati pala sa mga ganun." sabi ni Christian. Ay tama pala. Kasama pala namin siya duon sa park na pinuntahan namin. "Sino kaya 'yung tinawagan ni Jane no?" tanong ni Jude sa amin. Kahit na ako walang alam. Tatanungin ko siya tungkol dun. Hindi pwedeng wala kaming alam sa mga nangyayari. Dahil lagot kami ni pinsan Jude kay Tito at tita. Lalo na ni daddy at tita Amanda or should I say na mommy Amanda sa ngayon. Hehe.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
next pls this is a nice story ever
12/09/2024
0I LOVE IT❤️❤️❤️
10/07/2024
0surea
25/04/2024
0Tingnan Lahat