TWENTY THREE

"Eh, masarap."
Sumalampak kami ng upo sa ibaba ng sofa, sa carpet. Sinalang niya ang kanta ni Regine Velasquez 'Pangarap ko ang ibigin ka.'
"Kakantahin mo?"
"Hindi, ikaw," bumungisngis siya.
"Ang taas niyan."
"Gusto kong 'yong pipiyok-piyok ka na. I challenge you," nakangisi niyang sabi.
Lasing na ako kaya malakas ang loob. Pahiklas kong kinuha ang mic.
"Sure!"
"Woah! Palaban!"
Pangarap ko ang ibigin ka
By: Regine Velasquez
Tuwing ikaw ay nariyan
"Woah!" Pumalakpak pa ang echosero. "That's my sexy baby!"
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka
"Ako rin namamangha kapag kausap ka," tatawa-tawang sabi niya.
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso
"Sinisigaw ka rin ng aking puso!" Hindi na siya nawalan ng sasabihin sa bawat lyrics ng kanta.
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
Naghabol ako ng hininga. 'Yon pa lang parang mapuputol na ang ugat ko sa leeg. Sobrang taas naman nito.
"Ayaw ko na ang taas!" Ibinigay ko sa kaniya ang mic. Kinuha naman ng siraulo. Wala sa tono ang kanta niya kaya tawa ako nang tawa.
Humugot siya ng malalim na hininga at pumwersa para sa chorus. Tawa ako nang tawa dahil piyok siya nang piyok. Hindi niya kaya ang taas noon.
"Galing ko,'no?"
Tatawa-tawa siyang umupo sa tabi ko. Kumuha siya ng ubas. Kanina pa niya kinakain 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Kinuha ko ang ubas na isusubo niya. Inaasar.
"Papansin. Kulang ka sa pansin, ate?"
Ang lahat ng kukunin niya ay kinukuha ko. Tawa ako nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Lasing na nga siguro ako. Umiikot na rin ang paningin ko.
"Favorite mo ang ubas?"
"Yes."
Isinubo ko ang isang ubas. Kinagat ng ngipin sa ibaba at itaas. Nanlaki ang mata ko nang kunin niya 'yon sa bibig ko gamit ang labi.
"Ay, bastos."
Ngingisi-ngisi niyang nginuya 'yon. Nagkatitigan kaming dalawa. Gumapang ang init sa buong katawan ko.
Hibiscus, yeah, I'm drunk, my brain function is not well.
Hindi lang siguro ako ang nakaramdam ng init maging siya rin. Nag-iwas ako nang tingin, pero bumalik lang din ang tingin ko sa kaniya nang hawakan niya ang baba ko. Nabibingi na ako sa kalabog ng puso ko. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ko. Humalik siya sa noo ko habang hinahaplos ang leeg ko.
"I love you," malambing niyang bulong.
"I love you, too."
Pinaglapat niya ang noo namin. Nakangiti sa isa't isa. Sinalubong ko ang paglapit ng mukha niya. Magkasabay naming sinunggaban ng halik labi ng isa't isa.
I tasted the grapes and alcohol in his mouth. I grasped his nape. He held my waist tightly and push me harder near him.
"I love you," he whispered again in between kisses.
"I love you, too."
Itinulak ko siya dahilan para matumba kaming dalawa sa carpet. Nakahawak kasi siya sa baiwang ko.
Pinagpatuloy namin ang halik. Lumalalim, tumitindi, umiinit, pero marahan at may buong pusong pag-iingat. Ramdam na ramdam ang pagmamahal sa bawat paggalaw. Ang tibok ng puso namin ay parehong nagkakarerahan. Rinig ko iyon.
"Hmm."
I was shocked when his baritone voice let out those sounds making my body more heat.
"I don't want here." He grasped my thighs and went up. "I want in bed."
He carried me going to the bed. He went on my top.
"Okay lang ba saiyo?" Sa tono ng boses niya mayroong pag-aalala. Humihingi siya ng permiso. "I don't want to take advantage of your drunkenness."
Nahihiya akong tumango matapos ay ngumiti. "I'm yours."
"You, sure?"
"Y-yes."
He touched my cheek. He went up to kiss my forehead and down to claim my lips again. "Happy new year," he smirked.
"Happy new year." I chuckled before I kissed him back.
He removed all of my things.
We conjugated.
Before I passed out, I heard him whispering.
"I love you, I love you, I love you." Paulit-ulit niyang hinalikan ang noo ko. "Mahal kita ngayon, mamaya, bukas, sa susunod pang mga araw. Lagi kitang mahal." Humalik siya sa pisngi ko. "Kahit 'yon lang ang gawin ko habang buhay kompleto na ako."
Nakapikit lang ako hindi ko na magawang tugunan siya. Inaantok na ako. Ramdam ko ang mahigpit na brasong yumayakap sa akin. May ngiti sa labi ko nang tuluyan na akong makatulog.
Tanghali na ako nang magising. Tulog pa rin si Fervid sa tabi ko. Nahihilo pa rin ako. Ipinatong ko ang ulo sa dibdib niya.
No regret. What we did was the result of our love for each other.
Bumangon ako. Pumunta sa banyo.
"Aray ko naman, ang sakit pala niyon."
Nag-toothbrush ako. Sa kalagitnaan ng pagse-sepilyo nakita ko si Fervid sa repleksyon ng salamin. Abot langit ang ngiti ng echosero. Mapupunit na yata ang labi sa laki ng ngiti niya.
"Ba't ganyan ang ngiti mo?"
"Masama bang ngumiti?"
"Hindi."
Mas lumapad pa ang ngiti niya. Itinuro niya ang labi. "Ito ang ngiting may pinutukan."
Pinaghahampas ko siya. "Echosero ka talaga! Walang hiya ka! Umaapaw ang kabastusan mo!"
"Umaapaw? Ano 'yon tubig?" Ang lakas ng tawa niya.
"Pilosopo."
"I'm just stating the fact." Yumakap siya sa akin. Mahigpit na mahigpit, 'yong tipong ayaw niya na akong bitawan. "Nahihilo ako, pero tanda ko pa rin 'yo— hindi ko na siya pinatapos. Sinabunutan ko siya.
"Ouch! Ouch! Matatanggal na ang buhok ko."
"Dapat lang 'yan!"
"Sorry na, binibiro ka lang."
"Masamang magbiro sa umaga. Ang sakit kaya."
"Ah, kaya pala galit ka? Malamang, Sexybaby. That was your first time."
Sumeryoso ang mukha ko. "Hindi mo first time?"
Nagkibit-balikat siya. Tinalikuran ako. Binato ko siya ng toothbrush.
"Ouch! Ba't ka nambabato?" Hawak niya ang ulong tinamaan ko.
"Tinatanong kita!"
"Tinatanong pa ba 'yon?"
"Magsabi ka ng totoo!" Matalim ko siyang tiningnan. Nangingilid na ang luha ko. Natigilan ako nang humagalpak siya ng tawa.
"'Yong totoo?" Tumigil siya sa pagtawa.
Pumatak ang luha ko.
Bakit ba ako umiiyak? Eh, ano naman ngayon? Ganoon naman talaga ang mga lalaki, 'di ba? Kung sino-sino na lang! Kainis!
"Ikaw lang ang gusto ko."
"Ang layo ng sagot mo."
"Kaya hindi ko kayang gawin sa iba. So, that was my first time, too." Tinalikuran niya ako. Bumalik siya sa pagkakahiga. "My pride and ego, ouch."
"Bakit? Big deal ba 'yon sa lalaki?"
"Oo, alam mo bang sila Trevor nagpaparamihan ng babae?"
"Totoo?"
"Yeah."
"Hindi ka nakigaya?" Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Hindi. Hindi maganda tingnan mapa-lalaki o babae."
Bumalik din ako sa higaan. "'Di mo ako inuuto?"
Humagalpak siya ng tawa. "Ba't kita uutuin? Hirap mo kayang nakawin kay Xen."
"Nakawin talaga?"
"Just don't worry," iniyakap niya ang dalawang braso sa tiyan ko. "Hindi ikaw 'yong first kiss and hug ko," nakanguso niyang sabi.
"You're my first kiss."
Nanlaki ang mata niya. "Really?"
"Yes. Magnanakaw ka, eh."
"Kailan?" Nag-isip siya. "Ah, noong university party."
"Yes."
Nakangisi siyang tumango. "Good, good. Minsan pala masayang magnakaw."
"Skill mo talaga 'yan."
Parehas kaming tumawa.
"Geez, hindi ako makapaghintay na sabihing..." ngumisi siya. "Ninakaw ko lang noon, asawa ko na ngayon."

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    AcuinGinalyn

    🥰🥰

    03/08/2023

      0
  • avatar
    Shayra S. Delossantos

    gnda ng story

    17/06/2023

      0
  • avatar
    Jonrey minoroMinoro jonrry

    happy

    30/04/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata