TWENTY ONE

Nagmamadali kaming pumasok ni Xen sa loob dahil sobrang lamig na.
Tatawa-tawa niya akong hinila patakbo.
"Ang lamig, 'no?"
Tumawa siya. "At least hindi nanlalamig saiyo."
Tumawa rin ako. "'Yang mga banat mo."
Nakayakap siya sa akin sa buong paglalakad namin paakyat sa kwarto.
"Ilang taon ka na, Miyell?"
"Seryoso? 'Di mo alam?"
"Tinatanong ko, bilis."
"Twenty three."
"Taon na pala para pakasalan kita."
Nawala ang pagkakangiti ko. Sa tono ng pananalita niya kanina pa parang may gusto siyang sabihin.
"Teacher ka na at okay na ako sa business industry. Can we settle down?"
"Huh?" Nag-uwas ako ng tingin. Hindi ko siya sinagot.
Kahit wala siyang natanggap na tugon nakangiti pa rin siya. Nagulat na lang ako nang buksan ko ang pinto ng kwarto.
It's like a honeymoon set up.
Puno ng small lights sa bawat paligid. Kitang-kita ang puting tela na bumabalot sa kama.
"Ano 'to?"
Isinarado ni Xen at ni-lock ang pinto. Isinandal ako sa likod ng pinto.
"X-xen? Ano 'to?"
Nakangiti niyang inilagay ang buhok ko sa likod. Akmang magsasalita pa ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. Natahimik ako. Mas inilapit niya pa ang mukha sa akin. Umiwas ako nang akmang hahalikan niya ang labi ko.
Hindi ko alam,pero si Fervid ang nakikita ko.
Siya ba ang mahal ko? Paano si Xen?
Akala ko may puwang din siya, pero sa nararamdaman ko ngayon parang wala. Kaibigan lang talaga.
"Babe, is there anything wrong? Ayaw mo ba sa sorpresa ko?"
"G-gusto kaya lang bakit ganyan?"
Nguniti siya nang malapad. "Babe, magpapakasal dib naman tayo."
"Oh? Tapos? Bakit nga rito sa kwarto mo ang surprise?"
"Eh, kasi," nagkamot siya ng ulo. "Akala ko magugustuhan mo."
"Nagustuhan ko naman," lumayo ako sa kaniya. Binuksan ko ang ilaw. "Magbibihis lang ako."
Nakaawang ang mga labi niya nang tingnan ako. Alam ko tumatakbo sa isip niya,pero no, I can't,kahit pa birthday niya.
"Sorry," yunakap siya sa baiwang ko. "I'm sorry nag-iisip ako ng kung ano."
"Okay lang," humalik ako sa pisngi niya. "Bihis lang ako, birthday boy."
Tumulo ang luha ko pagkasarado ko pa lang ng pinto.
Hindi ko na talaga kayang makasama pa siya. Nagi-guilty ako sa lahat nang nagawa ko. Kay Fervid, halos ibigay ko na lahat, pero kapag sa kaniya parang hirap na hirap ako.
Oo nga at siya ang boyfriend ko, pero hindi ko man lang nakita kahit minsan na nagpaka-girlfriend ako sa kaniya.
Ang unfair ko.
Pinigilan kong maging hagulgol ang iyak ko.
Dapat hindi ko na siya pinaasa para lang sa wala. Ang sama kong tao..
Inayos ko ang sarili bago lumabas. Nakangiti naman siyang pumasok sa banyo para magbihis din. Maya maya lumabas na siya. Sumalampak siya sa kama.
"Babe, tabi ka sa akin kahit ngayon lang?" Nakangiti niyang niyakap ang baiwang ko.
'Yan ang hirap sa kaniya. Palagi siyang nakangiti paano mo babasagin ang magandang awrang 'yon? Paano mo sisirain ang masayang pakiramdam niya? Paano mo bibitawan ang taong wala naman ibang ginawa kung hindi ang mahalin, alagaan at iparamdam saiyo kung gaano ka kahalaga?
Parang wala akong choice kung hindi ang mag-stay.
Hindi ako tumatabi sa kaniya sa pagtulog, pero tingin ko sa hiling niya ngayon dito ako matutulog.
Kasi birthday niya. Kahit ngayon lang.
"Babe?"
"Hmm?"
"Mahal kita," isiniksik niya ang mukha sa leeg ko.
Hindi ko magawang magsalita. Dati naman naturugunan ko 'yon, pero ngayon parang ang hirap bigkasin.
"Sleep ka na," hinaplos ko ang buhok niya.
Para sa taong lubos akong minahal hindi ko kayang basta na lang mang-iwan. Siya ang kauna-unahang tao ba nagparamdam sa akin na 'maganda ako' hindi kailangang ayusan pa.
We're friends. The friendship we had will never compare to any material in this world.
Ang maling desisyon ko lang sinagot ko siya dahil ayaw kong masaktan, pero parang mas masakit ang ginagawa ko ngayon.
Narinig ko ang paghihilik niya kaya napabgiti ako.
"You know you really mean something to me," humalik ako sa noo niya.
You mean something, but not my everything.
Makakatulog na sana ako nang may kumatok. Bumangon ako para buksan.
Nanlaki ang mata ko nang may magtakip ng bibig ko at basta na lang ako ipinasok sa katabing room.
It was Fervid.
"Fervid, gumagawanka nanaman ng gulo."
Isinandal niya ako sa likod ng pinto. Ihinilig niya ang ulo sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya.
"Why we can't be together?" May tumulong likido sa balikat ko. "I thought in my home coming I can make you mine, but my expectation will never gonna happen."
Nakababa lang ang tingin ko. Dapat tinutulak ko na siya, pero hinayaan ko siyang umiyak sa akin.
Masakit pa lang makitang umiiyak siya.
"Hindi kita maagaw kahit alam ko naman na ako ang mahal mo."
"Wala akong sinabing mahal kita."
"Hindi ito hide and seek, 'di tayo naglalaro 'wag mong itago ang feelings mo."
"Gaano ka ba kasigurado?"
Nag-angat siya ng tingin. "Nakalimutan mo na agad 'yong nangyari noong nakaraang araw?"
"W-wala lang 'yon."
"What the geez, Miyell! Sige, itago mo pa!"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Hindi alam?" Matalim niya akong tiningnan. "Eh, kung ihagis kaya kita sa kama ngayon? Tingnan natin kung makapalag ka pa?"
"Alam mo 'yang utak mo iba na mag-isip."
"Eh, sa wala akong maisip na paraan!"
"'Wag mo akong sigawan!"
"Taguan ba 'to, huh? Taguan ng feelings?"
"Wala nga akong gu--" dumampi ang labi niya sa akin.
"'Yan ka nanaman ginagawa mo nanaman kung ano ang gusto mo! Hindi ako saiyo kaya hindi mo ako pwedeng halik-halikan kung kailan mo gusto!"
Akmang hahawakan kk ang doorknob nang magsalita siya.
"Sige, lumabas ka. Sa labas tayo gumawa ng eskandalo."
Hinarap ko ulit siya. "Matulog ka na lang lasing ka na."
"Eh, ano ngayon?"
"Saturday," sarkastiko kong sabi.
"Inisin mo pa ako "
"Hibdi kita iniinis, isip bata."
Kahit nagagalit na siya. Ang cute niya pa rin tingnan.
Parang immortal ang hitsura niya. Hindi man lang makikitaan ng katandaan. Lumapad man ang balikat niya, ang mukha niya oarang sa eighteen years old pa rin.
Baby face.
Sa naiisip ko parang gusto ko siyang kurutin sa pisngi.
"Ntulala ka na sa kaguwapuhan ko?" Pumorma ang ngisi sa labi niya.
"Lah? Asa ka."
Tinalikuran kk siya. Napatili ako nang buhatin niya ako papunta ng banyo.
"Hibiscus! Bitawan mo ako! Ano ba! Kakaligo ko lang!"
"Mainit, Sexy Baby. Join me under the shower," ngumisi siya.
Linakabahan ako dahil baka magising si Xen. Ang kapal din naman ng mukha ko nasa kabilang kwarto lang siya.
Sinabunutan ko si Fervid.akmang tatakbo ako nang hilahin niya ang baiwang ko.
"May nakalimutan akong sabihin, Sexy Baby."
"A-ano 'yon?"
"We showered together last night."
"W-what!" Halos malaglag na ang panga ko sa pagkakawang.
"Gusto mong ipaalala ko?" Napasinghap ako nnag hilahin niya ang tali ng pantulog ko. Hinawakan kk iyon nang mahigpit.
"Fervid naman. 'Wag, ano ba!"
"Edi 'wag."
Nakahinga ako nang maluwag nang tigilan niya ako. Hinubad niya ang damit.
"Bumalik ka na sa room niyo," pinakadiinan niya pa ang salitang room. "Habang nagpipigil pa ako. Basta siguraduhin mo lang na buo ka pa rin."
Nagmadali akong maglakad.
"Miyell?" Napahinto ako sa paglalakad. "I love you."
'Di ko tinugon iyon. Dire-diretso akong lumabas. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala naman ibang tao.
Habang tunatagal palaki nang palaki ang kasalanan ko kay Xen.
Tumabi ako kay Xen. Yumakap sa baiwang niya. Hindi ko na napigilang humikbi. Nagising ko yata siya dahil may naramdaman akong haplos sa buhok ko.
"Babe, nananagibip ka ba?"
Pinigil ko ang mga luha. "O-oo."
Sinungaling nanaman. Hindi naman ako sinungaling, pero ngayon parang nasa akin na ang korona. Manloloko, mapanakit, at higit sa lahat makasarili. Sarili ko lang ang iniisip ko kapag nanduyan na si Fervid, kaming dalawa lang samantalang heto si Xen, walang kaalam-alam..
"Shh, tahan na." Hinaplos niya ang buhok ko. Dumampi ang labi niya sa noo ko. "Shh."
Nakatulugan ko na ang pag-iyak..
Hila-hila ako ni Xen papunta sa kusina nila. Natigilan ako nang makita ang buong pamilya ko pati na rin ang pamikya niya.
"Nandito na sila. Let's talk about the wedding," nakangiting sambit ni Mr. Azarcon..
Natigilan ako sa akmang pag-upo.
Wedding? Ikakasal ako?
"Honey, Miyell, anong color ang gusto mong naging theme ng kasal niyo?" Nakangiti ring sambit ni Mrs. Azarcon.
Bahawaka ko nang mahigpit ang kutsara ko.
No! I can't..
"Miyell, anak, tinatanong ka,"'nakangiti ring sabi ni papa..
Heto banaman tayo sa mga ngiti nilang hindi na mapuknat. Hindi ko tuloy magawang tanggalin 'yon sa mga mukha nila.
Siguro nga ito ang kapalaran ko? Amg magpakasal sa lalaking hindi ko mahal. Kasalanan ko rin naman..
"P-pink po," mahibg sambit ko.
Masaya nilang pinag-usapan ang mga kailangan, lugar, araw, pati invitation..
Hibdi man lang sinabi sa akin ni Xen..
Tahimik ako sa buong pag-uusap nila. Nagtatawanan at kulitan pa na animo'y excited.
Hindi ko pinansin si Xen nang makasakay ako sa kotse matapos mg dinner.
"Babe, galit ka ba?"
Tumulo ang luha ko. "Bakit ba ang bait-bait niyo?"
"Huh?"
"Vakit ba ang saya-saya niyo?"
"Babe, anong sinasabi mo?"
"Tinanong mo ba ako kung gusto mong magpakasal ako saiyo!"
Natigilan siya. Napuno nang pag-aalala ang hitsura.
"Babe, 'di ba, matagal na rin naman tayo? Akala ko--"
"Akala mo lang'yon!"
"Anong sinasabi mo? Ayaw mo sa akin magpakasal?" Natahimik ako.nagbaba ako ng tingin. "Then why? What is your reason of rejecting our proposal?"
"That's not even proposal.that's arrange marriage."
"What?" Sa tono ng voses niya parang pinipigilan niya ang mainis. "Anong arrange marriage? Matagal na tayo, walang namilit naging tayo. Hindi ba dapat maging masaya pa tayo dahil suportado tayo ngmagulang natin?"
"Xen, you can't understand."
"Okay, ayaw mo magpajasal?" Namuo ang luha sa gilid ng mata niya.
Hibiscus, I don't want to see him crying.
"Ayaw mo na sa akin?"
Hindi ako nakapagsalita. Tumulo nang tumulo ang luha ko.
"Tell me, why? May mahal kang iba?"
Namutawi ang kaba sa divdib ko. Hibdi ko alam kung anong isasagot ko.
"Wala naman akong makita ibang lalaking pwede mong mahalin.imposibleng si Keyar dahil magkaibigan lang kayo. Then, who?"
Hinawakan niya ang balikat ko. Nag-angat ako ng tingin. Para akong binagsakan ng malamig na tubig nang makita kong dumadausdos ang masaganang luha sa pisngi niya..
"I'm good boy, Babe, right? Nasaktan ba kita para maghanap ka ng iba?"
Umiling ako. Nag-uunahan ding pumatak ang luha sa pisngi ko.
"Anong rason mo para hindi magpakasal sa akin?" Humagulgol na siya ng iyak. Ngayon ko lang siya nakita ganito. Sobrang sakit na ang nadulot ko sa kaniya.
I do make things complicated. Ako talaga 'yon. Desisyon ko ang sagutin siya noon kahit alam kong si Fervid naman. Ang sakit sa dibdib na makita siyang ganito.
Mali nga talaga ang desisyon ko simula pa lang.
"All I can do is to love you. Kung may mahal kang iba sige, hindi ko ipipilit."
"Xen.."
"Tell me, who is he?" Naging matunog ang pag-iyak niya.
"Xen," umiling ako.
Pinunasan niya ang luha. "Ihahatid na kita sainyo."
"Xen.."yumakap ako sa kaniya. "I'm sorry."
Hindi siya magsalita. Pinaandar miya lang ang kotse. Pinupunasan niya ang luhang patak nang patak. Hindi ko siya kayang makitang ganito kaya iniwas ko ang tingin.
Masakit man para sa kaniya ang katotoohanan kailan niya 'yong malaman.
"No! Hindi niyo ika-cancel ang kasal!" Galit na sigaw ni papa. "Maghihiwalay kayo?" Matalim ang tingin na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Xen. "Hindi kayo pwedeng maghiwalay! Sa ayaw at gusto niyo magpapakasal kayo!"
"But tito--"
"No,Xen, I'm sorry, itutuloy natin ang kasal niyo!"
Padabog na isinarado ni papa ang pinto.
Tumayo si Xen. "Uuwi na ako." Hindi niya man lang ako tiningnan.
"If you really don't want to marry me that's okay." Walang lingon-likod na naglakad siya palabas. Huminto siya saglit. "Tumakas ka na. Isama mo ang lalaking mahal mo." Pilit siyang ngumiti. "Hindi kita ikukulong sa akin hindi ko 'yon ikaliligaya."
Tumulo nang sunod-sunod ang luha ko. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa. Mahigpit ko siyang niyakap.
"Salamat."
Mahigpit niya rin akong niyakap. "Ihahatid kita. Saan kita dadalhin?"
Pinalis ko muna ang luha bago nagsalita.
"Dalhin mo ako kay Fervid."
Napaawang ang labi niya, hindi makapaniwala.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    AcuinGinalyn

    🥰🥰

    03/08/2023

      0
  • avatar
    Shayra S. Delossantos

    gnda ng story

    17/06/2023

      0
  • avatar
    Jonrey minoroMinoro jonrry

    happy

    30/04/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata