logo text

Chapter 7: The Cabinmate

“Breathe, Faye.”
Nang marinig ko ang sinabi niya ay saka palang ako natauhan. Tama naman ang narinig ko ‘di ba? He said he’s interested in me. I lowered my head to hide the blush creeping up my cheeks.
Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa.
“Kinilig ka ‘no?”
So I was right? Sinusubukan niya lang kung maaapektuhan ba ako ng sinasabi niya. Hindi ko naman ipagkakaila ‘yon. Pero siyempre hindi ko sasabihin sa kaniya. First rule sa pagkakaroon ng crush ay kahit anong mangyari, h’wag kang aamin.
I faked a smile and looked at him.
“Asa!” saad ko sabay irap sa kaniya.
Muli siyang natawa. Nakita ko pang sumulyap siya sa akin at ngumuso, yung tipong nagpipigil ng ngiti. He finds it ridiculous huh?
“Hindi ako nagkakagusto sa matanda.”
Agad naman siyang natahimik at saglit na nag-isip.
“Eight years lang naman.”
I scoffed. Para namang alam niya kung ilang taon na ako kung makapagsalita siya.
Basta ako alam kong mas matanda siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung ano ang eksaktong edad niya.
“You’re 22, right?”
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Hindi ko na mapigilang humalakhak kaya napalingon siya sa akin. Ngumisi ako.
“Ini-stalk mo ba ako?”
May ngiting sumilay sa kaniyang mga labi at maya-maya’y umiling na lamang sa kawalan.
HUMUGOT ako ng isang malalim na hininga bago pumunta sa may deck ng barkong sinasakyan namin. Ramdam ko agad ang hangin sa mukha ko. Nililipad nito ang buhok ko kaya wala akong choice kundi talian ‘yon.
Ito ang ikalawang beses kong sumakay sa barko. Bata pa ako noong unang beses pero hindi na naulit ‘yon dahil wala akong ginawa sa byahe kundi umiyak lang nang umiyak. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit takot ako sa tubig. Sa pagkatatanda ko, hindi pa naman ako nalunod noon kaya hindi ko alam kung saan nag-umpisa ang trauma ko rito. I don’t remember much about my childhood. I don’t remember playing with other kids. I don’t remember much about my mother.
Ang sabi ni Kuya namatay si Mama dahil sa isang car accident. He even said I was with our Mom that time pero wala akong maaalala, kahit anong subok ko, kahit anong pilit ko.
“Faye.”
Nilingon ko si Jeron. Yakap-yakap ko ang mga braso ko habang nakatanaw sa malawak na tanawin ng dagat. I heavily sighed before facing him. Wala ba talagang magawa sa buhay ‘tong lalaking ‘to?
“Hindi mo ba talaga ako kakausapin?”
“Nag-uusap na tayo.” walang gana kong sagot.
“Hindi mo ba talaga ako sasagutin?”
Tumingin ako sa kaniya saka ngumisi. Ipipilit niya talaga ‘yon ha.
“Wala akong panahon sa mga taong walang ibang ginawa kundi manggulo.”
“Kahit na gwapo?” agad niyang tanong.
Natawa ako sa sinabi niya. Eh ang presko rin alaga talaga nitong lalaking ‘to eh.
“Wala ka na bang ibang puhunan diyan sa buhay mo kundi ‘yang kagwapuhan mo?”
“Basketball player ako. Sikat.”
“Exactly, kaya ayaw ko sa’yo.”
Ayoko sa mga sikat. Ayoko ng magulong buhay. Mas gusto simple lang at tahimik. Peace of mind ang hanap ko, hindi sakit ng ulo.
“Pero Faye, seryoso naman ako sa’yo ah.”
Humarap ako sa kaniya at ipinag-ekis ang aking mga braso.
“Hanggang kailan?” diretsahan kong tanong.
Napangisi ako nang hindi agad siya nakasagot.
“Alam mo, kung sa ibang babae umuubra ‘yang pa-charming effect mo, p’wes sa akin hindi.”
“Bakit ba ayaw mong aminin na kapag nakikita mo ako kinikilig ka?”
“Wow, aircon!”
Naiiling na naglakad ako paalis sa deck. Muli na naman siyang humabol kaya nagmadali ako sa paglalakad.
ALMOST twelve hours ang byahe namin hanggang makarating ng Coron. Kaya gabi na ng makarating kami sa resort. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at umikot para kunin ang luggage sa likod ng sasakyan ni Isaac. Lumabas din siya para tulungan ako.
“Kaya ko na.” tipid kong sambit
Nagmadali ako sa paglalakad hanggang makarating sa isang malaking cottage kung saan magsasama-sama pansamantala ang lahat para sa maikling meeting. Naroon na ang lahat nang dumating si Sir Rafael. Saglit pa itong tumigil sa tapat ko at marahan akong tinapik sa balikat. Ngumiti lang ako sa kaniya.
Nasa magkabilang gilid niya naman sina Sebastien at Isaac. Maya-maya pa ay lumapit si Sir Rafael kay Isaac at may ibinulong. Nakita ko ang mariin niyang pagpikit at saglit na paghilot sa kaniyang sentido. Samantalang si Sebastien naman ay napapangiti sa isang tabi saka pasimpleng sumusulyap sa akin. Nang magtama ang aming paningin ay nag-peace sign pa siya. Parang siraulo.
“I called you here to announce that we have a minor problem regarding our accommodation. Some of you have to share rooms with other people.”
Mabilis namang naglibot si Miss Patrice may iniabot na kung ano sa mga candidates. Nakita ko namang agad na lumapit si Sebastien kina Jan, Maui at Colin at kinausap ang mga ito. Alanganing humarap sa akin si Sir Rafael saka sinenyasan si Isaac na lumapit sa amin.
“Faye, you will stay with Isaac.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sa dami ng turista ngayon sa Coron, maiintindihan kong posible talagang maubusan kami ng kwarto. Pero bakit naman kailangang magsama kami sa iisang kwarto?
“Sa kaniya ako sasama Sir? Sa iisang kwarto lang kami?” taranta kong tanong.
Nang tumango si Sir Raf ay napaismid ako.
“Bakit?” mabilis kong tanong.
“Wala ng ibang bakanteng room. At isa pa mas mabuting magkasama kayo para magabayan ka niya sa mga kailangan mong gawin.”
Magabayan? Ano ako bata? Fast-learner naman ako ah. Hindi ko na kailangan ng guidance.
“Faye, pasensya na.”
I heavily sighed and nodded. Wala naman akong choice. Tumunganga lang ako sa sa harapan ng pinto ng kwarto. Hindi pa rin mag-sink in sa isipan ko na magsasama kami sa iisang kwarto. Pwede ba ‘yon? Hindi ba sila nag-isip na baka biglang…
Umiling-iling ako nang paulit-ulit habang pinapalis sa aking isipan ang mga negatibong bagay. Hindi naman niya gagawin ‘yon. Mukha naman siyang safe na tao.
Muli ko siyang nilingon. Hanggang ngayon ay nandoon pa rin sila sa cottage. Masinsinan silang nag-uusap ni Sir Rafael. Maya’t maya ay sumusulyap sila sa akin kaya pakiramdam ko ako ang pinag-uusapan nila. Nakailang tango pa si Isaac kay Sir Rafael bago siya naglakad patungo sa kinaroroonan ko. For some reason, bigla akong kinabahan.
Pagkarating niya sa harap pinto ay agad niyang ipinasok ang susi sa keyhole. Nauna siyang pumasok sa loob kaya sumunod naman ako. Mukhang wala naman siyang planong makipag-usap sa akin at isa pa kanina niya pa ako hindi pinapansin. Mabilis niyang ibinaba ang kaniyang mga gamit sa sahig at inilabas ang kaniyang laptop. Pasimple lamang akong sumusulyap sa kaniya habang inaayos ang mga gamit ko. Naglabas na rin ako ng damit na susuotin dahil maliligo muna ako bago matulog.
Nakatapos na akong maligo at nakapagbihis na pero mukhang wala pa rin siyang planong kumilos. I cleared my throat. Sinadya kong medyo malakas para marinig niya.
“Inaantok na ako, saan ako matutulog?”
Saglit siyang tumigil sa pagtipa sa kaniyang laptop at humarap sa akin.
“Saan pa? Eh di rito.” aniya sabay turo sa kama.
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
“Ano ka hilo?”
His brows furrowed in confusion.
“Pwede ba, hindi ako tumatabi matulog sa lalaki at lalong hindi ako tatabi matulog sa’yo.”
“Edi sa sahig ka matulog.”
Halos mapanganga ako sa sinabi niya.
“H’wag kang mag-alala, hindi ako rapist. At isa pa, ayoko ring tumabi sa’yo ‘no.” dagdag pa niya kaya lalo akong nainis.
Parang siya pa ang lugi ah!
Mabilis akong pumunta sa cabinet. Nang may nakita ako roong makapal na comforter ay agad ko iyong nilatag sa sahig.
“D’yan ka sa sahig. Dito ako sa kama.” mariing sambit ko.
Muli siyang lumingon sa akin. He gave me a speculating look bago nagkibit balikat at saka muling bumaling sa kaniyang laptop. Mabilis akong humiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko para kalmahin ang sarili.
This is getting really frustrating.

Komento sa Aklat (288)

  • avatar
    Merry Angel Sanchez Paraiso

    It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻

    16/08/2022

      0
  • avatar
    Xhel Arines Ibarbia

    hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.

    14/01/2022

      0
  • avatar
    Leander Beldad

    Beautiful story but sad ending

    18/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata