logo text

Special Chapter: Never Not

“Oh, bakit parang nagmamadali ka?” nakangising tanong sa akin ni Miggy.
Katatapos lang ng practice namin ngayong araw at kailangan ko pang balikan sa locker ko ang DSLR na gagamitin ko para sa birthday photoshoot ni Arah.
Birthday na niya sa sunod na linggo at nagrequest sa akin ang Mommy niya na ako na ang kumuha ng litrato sa kaniyang anak para hindi na siya maghanap ng photography team. Tita Lana is too busy to be present on Arah’s photoshoot. Kaya mas minabuti na lamang nito na kami ni Basti ang mag-asikaso sa kaniyang anak.
Saglit akong pumunta sa quarter para magshower. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay dumaan ako sa locker para makuha ang mga equipment na dadalhin.
“Tara na!” mabilis kong yaya kay Basti na nagsusuot pa lang ng sneakers.
“Atat na ata bro?” nang-aasar na tanong nito
“Hay nako, miss ko na talaga si Arah. Ikaw, Isaac, miss mo na ba?”
Sinamaan ko nang tingin si Macky na kalalabas lang ng banyo.
“Akala ko ba you don’t like her? Eh ba’t ngayon parang nag-iba ang ihip ng hangin?”
Hindi na ako sumagot sa pang-aasar nila sa akin. I saw Rafael smirked while looking at me. Tumayo na siya at naglakad. Saglit siyang huminto sa gilid ko at marahan akong tinapik sa balikat.
“H’wag masyadong pahalata, Isaac.”
He chuckled after he said those words. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Do I like her? Dati, sigurado akong hindi. Ngayon, hindi ko na alam. Maybe I was just fascinated at her. She’s too young for me. Is it even legal to like a kid? A seven-year-old kid to be specific? I don’t know. Humugot ako ng malalim na hininga at napakamot sa batok.
If it wasn’t because of that kiddie party, hindi sana nangyayari ito sa akin.
Eight months ago…
“Can you get that for me?”
Tanong ni Arah habang nakaturo sa mga pagkaing nakasabit sa taas. Maging ako ay napaangat din ng tingin sa mga pagkain na naroon. I once saw this kind of thing in the province. It was called “pasabit” or “hanging game” na ginaganap tuwing may birthday party.
“Hindi pwede. Para sa laro ‘yan mamaya.” sagot ko naman saka nagsimulang maglakad pabalik sa table namin nila Basti.
For Pete’s sake we’re college students already pero nadamay pa kami rito. Ngayong araw ang birthday party ng kapatid ni Bobby. Dapat ay pool party for kids ang magaganap kaya lang ay nagkaroon ng biglaang business trip ang kanilang mga magulang kaya hindi na ito natuloy.
So Bob decided to throw a party for his little brother. At dahil wala ang mga magulang ni Bob, kami ang naging chaperon ng mga bata. Rafael isn’t here, pinakiusapan niya lamang ako na samahan si Arah ngayong araw. At dahil wala rin naman akong gagawin ngayong araw, pumayag naman ako.
Hindi ko akalain na ganito pala karaming bata ang pupunta. They were so loud. The place is full of young children who keep on running back and forth. Maya-maya ka may makikitang iiyak dahil nadapa. Mayroon ding bigla na lang nagsasabunutan dahil may pinag-awayang laruan.
I shook my head rapidly. Dapat hindi na ako pumayag. The place is so chaotic.
“Are you okay bro?” natatawang tanong sa akin ni Macky.
Mukhang nahalata niya ang pagkairita sa hitsura ko.
“Yeah. “tipid kong sagot
Kumuha na lang ako ng isang bottled water at mabilisang ininom ‘yon.
“Chill.” sambit naman ni Basti sabay abot sa akin ng isang flower crown.
Kumunot ang noo ko at hindi naintindihan kung bakit niya ibinigay iyon sa akin.
“Isuot mo kay Arah.”
Mas lalong kumunot ang noo ko. What? Why? Bakit ako?
“Ikaw na lang tutal ikaw naman ang nakaisip.” saad ko sabay lapag ng flower crown sa lamesa.
“She’ll be happy kapag ikaw ang nagsuot sa kaniya niyan.”
Napatingin ako kay Miggy na ngayo’y matamang nakatitig sa akin. He looked so serious.
“Do you know why we love her that much? Why we want her to be happy all the time? Because for us, Arah is a blessing. We never had a chance to have a girl sibling. Kaming dalawa ni Macky parehong nag-iisang anak. Si Basti at Bobby naman parehong lalaki ang kapatid. Si Rafael lang ang masuwerte sa amin dahil may kapatid siyang kagaya ni Arah. Para na rin namin siyang kapatid. She likes you and we like you too for her.”
Natigilan ako dahil sa mga sinabi ni Miggy. Hindi ko alam na may ganitong side siya. Among us six, siya ang pinakamasayahin at happy-go-lucky type. Kaya nabigla ako dahil parang bigla siyang nagbago.
“She’s just seven years old.” tipid kong sambit.
Anong alam ng batang iyon pagdating sa usaping pag-ibig.
“So what?” Basti asked.
“Yeah.” sagot ko na lang para hindi na kami magtalo pa.
They are all serious when it comes to her. Samantalang ako naguguluhan sa kung anong gusto nilang iparating. Hindi man lang ba sila naba-bother sa age gap namin ni Arah? Eh parang kuya na niya ako eh. But come to think of it. I’ve never heard her calling me Kuya ever since I met her.
Tahimik akong nag-iisip nang bigla akong makarinig ng pag-iyak sa hindi kalayuan. Mabilis akong tumayo upang tingnan kung ano ang nagyayari. Nagsalubong agad ang kilay ko nang makita si Arah na nakaharap sa batang babae na umiiyak. She’s saying sorry non-stop. Kulang na lang ay lumuhod si Arah sa batang babae na kaedad niya para lamang patawarin siya nito.
“I’m sorry Harlene. Hindi ko naman sinasadya.” mangiyak-ngiyak na sambit ni Arah.
Agad na dumako ang paningin ko sa Barbie doll na ngayon ay natanggalan na ng kaliwang braso.
“No! You did it on purpose. Kasi naiinggit ka sa’kin. You don’t have dolls like mine.” sambit ng isang bata sabay palo ng hawak na manika sa dibdib ni Arah dahilan para mapaupo si Arah sa sahig.
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila. Ang mga batang naroon ay mabilis kong pinalayo. Agad na lumapit sina Macky para alamin ang nangyayari.
“Harlene!” sigaw ng isang matangkad na babae habang naglalakad palapit sa pwesto namin.
“Mommy!” sigaw ng bata saka muling umiyak.
Mabilis akong lumapit kay Arah para maitayo siya.
“She ruined my doll!” saad ng bata sabay pakita ng kaniyang manika sa ina.
“Hindi ko sinasadya. Iniwan mo sa sahig kaya naapakan ko. We’re playing so I didn’t notice.” kalmadong paliwanag ni Arah.
Nakita ko ang pagbabago sa hitsura ng Ginang. Alam kong sa mga ganitong sitwasyon ay kakampihan ng magulang ang kaniyang anak. Pero bigla akong nagulat nang mariing hawakan ng Ginang ang braso ni Arah. Mabilis na kumilos sina Macky at Miggy. Agad silang humarang sa pagitan ni Arah at ng Ginang. The woman scoffed. Mukhang nairita sa ginawa nila.
“Just leave, Ma’am.” magalang na sambit ni Bobby
“Bakit hindi ‘yang batang iyan ang paalisin niyo? Tutal siya naman ang nakasira ng laruan ng anak ko?” inis nitong saad
Tumayo ako at humarap sa babae.
“Magkano po ba ‘yang laruan ng anak niyo? Papalitan ko na lang.”
Agad na napakapit sa braso ko si Arah at umiling.
“It’s not my fault.” she whispered.
Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata.
“I said sorry already. It’s not my fault she left it there. Don’t buy her a doll!”
Lahat kami ay napatingin kay Arah. She’s now shouting. Humihikbi pa siyang humarap sa akin.
“You never bought me a doll. Pero bakit siya bibil’han mo? Do you like her?”
Her question is so direct. Walang paligoy-ligoy. Pare-pareho kaming nagulat sa sinabi niyang iyon kaya ni isa ay walang nakaimik sa amin.
“So you like her.” she said almost whispering.
Agad nitong pinunasan ang luha sa pisngi bago tumakbo papalabas ng venue. Mabilis ko siyang hinabol hanggang sa pareho kaming makarating sa pinakamalapit na playground.
“Arah stop running.”
Kinakabahan ako dahil baka madapa siya. Pero lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Nanlaki ang mata ko nang mamataan ang malaking bato sa hindi kalayuan. Mukhang hindi ito napansin ni Arah kaya napatid siya rito at tuluyang nadapa.
“Arah!” sigaw ko.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at agad na nakita ang nagdurugo nitong tuhod. Shit! Mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang panyo at agad na tinalian ang kaniyang tuhod para mapigilan ang paglabas ng dugo rito. Hindi na siya umiiyak. Tahimik siyang nakamasid habang binubuhol ko ang panyo.
“Does it hurt?” I asked.
Hindi siya sumagot. Mataman lang siyang nakatitig sa akin.
“Masakit ba?” muli kong tanong
“Do you like Harlene?” she asked.
Agad kong hinawakan ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo.
“No.” sagot ko.
“Bibil’han mo ba siya ng doll?”
“Depende. Kung manghihingi ng kapalit yung Mommy niya, bibil’han ko siya.”
“But you never bought me one.”
There’s a hint of jealousy in her tone.
“Do you want a doll?”
Saglit siyang napaisip bago humawak sa laylayan ng shirt na suot ko. She shakes her head repeatedly. Muli akong umupo para mapantayan ko siya.
“Tell me what do you like.”
“A camera.”
Tumaas ang kilay ko ng marinig ito.
“Why?”
“Because I wan’t to be a photographer like you.”
Hindi ko napigilang matawa ng marinig iyon. I’m not a photographer. I just love photography. Mahilig lang akong kumuha ng litrato but I’m not a pro when it comes to it.
“What do you want to become someday?”
Arah smiled.
“I want to be like you.” diretsahan niyang sagot.
“Why?”
“Because you’re awesome. I wanna be awesome too.”
HINDI ko napigilang mapangiti nang maalala ang sinabi niya. She never said she likes me. Ang sinasabi niya lang ay gusto niyang maging katulad ko. And I really took that as a compliment. That day, I realized that I’m starting to like her.
“Let’s go bro, stop daydreaming.”
I went back to reality when I heard Basti’s voice. Mabilis akong naglakad patungong van na sasakyan namin papuntang mansiyon. Good thing, hindi heavy traffic kaya maaga kaming nakarating doon.
“Nana Des. Si Arah po ba nakapagbihis na?”
Agad na tanong ni Rafael pagkapasok namin.
“Hay nako, hindi pa. Kanina pa kayo hinihintay lalo ka na Isaac.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nana Des.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa second floor. Mula roon ay tumatakbong bumaba sa Arah sa hagdan.
Pagkarating niya sa baba ay agad siyang humalik sa mga pisngi nila Miggy. Pero nang tumapat siya sa akin ay inilahad lamang niya ang kaniyang kamay.
What? A shakehand? Narinig ko ang mahinang pagtawa nina Raffy.
“What? Why?” tanong ko kay Arah.
“Kuya Raffy said you shouldn’t kiss the person you like unless you’re sure he likes you back.” diretsahan nitong sagot.
Rafael smirked at me. Sina Basti naman ay nagpipigil ng tawa.
“I like you but you don’t like me so I won’t kiss you.” saad ni Arah saka humalukipkip.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nana Des dahil sa sinabi ni Arah.
Hindi ko na napigilang mapangiti. Marahan akong lumapit sa kaniya. Iniluhod ko ang isang tuhod sa sahig para mapantayan siya. Mula sa bag ko ay kinuha ko ang isang maliit na kahon at iniabot sa kaniya. Nakangiti niya itong tinanggap at nanlaki ang mga mata nang makita ang laman nito.
A digital camera.
“Happy birthday.” bulong ko sa kaniya.
Niyakap niya ako ngunit mabilis din siyang bumitaw.
“I like you but you don’t like me so I won’t hug you. Sorry about that.” saad nito saka mabilis na tumakbo paakyat.
Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi nito. Miguel was right. Arah is such a blessing, an angel that came in a form of human. She’s something I can’t explain. And now I’m sure that I will never not like her.

Komento sa Aklat (288)

  • avatar
    Merry Angel Sanchez Paraiso

    It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻

    16/08/2022

      0
  • avatar
    Xhel Arines Ibarbia

    hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.

    14/01/2022

      0
  • avatar
    Leander Beldad

    Beautiful story but sad ending

    18/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo