logo text

Special Chapter: The Day I Met Her

“What’s this?” tanong ko kay Mom habang kumakain kami ng dinner.
Saglit akong tumigil sa pagkain para tingnan ang laman ng tatlong sobre na inabot niya sa akin. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang laman. Ateneo? UST? La Salle?
“Is this for real?” naguguluhang tanong ko kina Mom at Dad na kaharap ko ngayon.
“Just try taking the entrance exam in those three universities, Isaac. Wala naming masama kung susubukan mo.” she replied as if it wasn’t a big deal.
“I’ll stay here in Mindoro.”
My mom sighed when she heard what I said.
“You can’t. Isa pa, nasa Manila at Batangas ang negosyo natin. You can’t stay here.”
I heavily sighed. Hindi ko na tinapos ang pagkain dahil bigla akong nawalan ng gana. I went to my room to brush my teeth and went out of the house for a night jog.
I lived here for almost five years. Dito ako nagsimulang mag-aral ng high school at dito rin ako gumraduate. I have friends here. I love the sceneries and the fresh air. If I were to choose, dito na ako magka-college. May bahay naman kami rito at may farm din. For sure kaya nitong tustusan ang pag-aaral ko. Hindi rin ganoon kalaki ang tuition kumpara sa mga universities na napili ng mga magulang ko. But I ended up having no choice.
Buwan ng Mayo nang magdesisyon kaming iwan ang lugar na ‘to. Humanap si Dad ng magiging care taker ng bahay at mamamahala sa bukid.
Pansamantala kaming nanatili sa condo namin sa Malate malapit sa La Salle. Sa buong buwan ng May, naging busy ako sa pagrereview at pagtake ng exams. Suwerte at nakapasa ako sa lahat ng exams ng tatlong unibersidad. I chose DLSU dahil nga malapit lang sa amin ang Taft Campus. Ilang minutong lakad lang mula sa condo ay makakarating ka na sa campus.
I didn’t expect to have friends here though. Dahil alam kong mga mayayaman at high-maintenance ang mga taong nag-aaral dito. I’m not planning to join in any club or organization too. Gusto ko lang mag-aral, gusto ko ng simpleng at tahimik na buhay sa campus. But then one of our professors required us to join in at least one of the organization in school. Isa yun sa mga requirements na kailangan para makapasa sa subject niya. So I had no choice.
Biyernes ng hapon pagkatapos ng huling klase ko sa araw na iyon ay naglakad-lakad ako upang magbasa ng mga announcements sa bawat bulletin board na nadadaanan ko. I was also also looking for a club na pwedeng salihan kaso hindi naman ako ganoon ka-friendly na tao.
Hindi rin ako magaling sa pakikipag-usap. Sa kalalakad ko ay hindi ko napansing nakarating na pala ako sa entrance ng gymnasium ng school. Mayroong mga naglalaro ng basketball sa kabilang side, mayroon ding nagpapractice ng sayaw.
Tatalikod na sana ako nang biglang may tumama na kung ano sa paa ko. Yumuko ako para tingnan iyon. Bola.
Napatingin ako sa lalaking nakasuot ng jersey na ngayon ay tumatakbo papunta sa akin. Mabilis akong yumuko para kunin ang bola at agad na inihagis iyon sa kaniya. The guy gave me a half-smile. Bakas ang dimples nito sa magkabilang pisngi dahil sa paraan nito ng pagkakangiti.
“Are you planning to try out?” tanong nito.
Agad akong umiling. I’m not even good at playing basketball. When I was in high school, I used to play chess or any indoor game. Playing basketball is just too hard for me.
“Sayang naman height mo.”
I wanted to explain my side na hindi ako marunong pero nakakahiya naman kung sasabihin ko pa sa kaniya.
“What’s that dude?”
Napaangat ang tingin ko sa iba pa niyang kasama na papalapit na sa amin.
“Hey, man. Are you planning to try out?” the long haired guy asked.
“Hindi. Napadaan lang ako.” agap ko.
Tumaas ang kilay nito at masuri akong pinagmasdan.
“Since nandito ka na rin lang, bakit hindi ka mag-try?” saad naman ng isang nakasalamin
Alanganin akong ngumiti.
“Hindi ako marunong magbasketball.” pag-amin ko.
The guy with dimples just chuckled sabay bato sa akin ng bola. Mabuti at nasalo ko iyon kaagad.
“Kung hindi mo susubukan, paano ka matututo?”
Mabilis siyang naglakad pabalik sa court. Matamang pinagmasdan ko ang hawak na bola.
“Shoot the ball dude, Rafael likes you to be in his team.” nakangising saad ng lalaking mahaba ang buhok.
Kung sa tutuusin ay pwede ko naman talaga sila tanggihan. Pero naisip ko rin na wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago naglakad sa pinakamalapit na bench. Ibinaba ko ang bag na dala ko at agad na pumwesto di kalayuan sa tapat ng ring.
I mentally count from one to three before I raised both of my hands and throw the ball towards the ring. Hindi na ako nagexpect na papasok iyon. Mukhang hindi naman aabot base sa calculations ko. Agad akong tumalikod upang kunin muli ang bag ko.
“Wait, saan ka pupunta?” the guy named Rafael asked.
“Home.”
“Why?”
Kumunot ang noo ko.
“Hindi ako pasok ‘di ba? I’m just wasting my time here.” sagot ko.
Isa-isang naglapitan sa akin ang team mate niya.
“Paanong hindi pasok dude? Eh nashoot mo yung bola.”
My brows furrowed in confusion. Nilingon ko ang bola na ngayon ay nagba-bounce sa sahig ng court. Posible ba talagang na-shoot ko ‘yon?
“Welcome to the team…”
Naguguluhang lumingon ako sa kanila.
“Isaac. Isaac Reyes.” sagot ko ngunit ang isip ay nanatili pa rin sa bola na tumigil na sa paggulong.
I was still there when I saw them packing their things.
“Tara Isaac, sama ka sa amin sa bahay nina Rafael. Ipapakilala namin sa’yo ang prinsesa namin.” sambit ng lalaking may mahabang buhok.
“Ah, I forgot to introduce myself. Macky nga pala. Mark Angelo Francisco.” Pakilala nito sa akin
“Ako naman si Miggy. Miguel Lopez” saad naman ng lalaking may suot na salamin.
“Yung lalaking lumapit sa’yo ang team captain namin. His name is Rafael Evangelista. Tapos yung dalawang nakasunod sa kaniya, sina Sebastien Flores at Bobby Barreto.” dagdag pa nito.
Tumango lang ako sa mga sinabi ni Macky. He looked so approachable. Pati si Miguel ay mukha ring madaling kausapin. Samantalang yung Rafael nakakaintimidate lapitan. It’s like there’s wall around him na ang hirap pasukin. You can see it through his eyes and the way he commands his teammates.
Hindi ko alam kung paano nila ako nakumbinsi na sumama sa bahay ni Rafael. They said it was a hobby to go in his house twice a week. They also said they have to visit the princess of the team. Truth be told, wala akong naintindihan sa part na ‘yon. Princess? who? girlfriend ni Rafael?
Pagkababa namin ng sasakyan saka ko lang napansin ang malaking bahay na nasa harapan ko. Maybe I was too busy listening music on my Ipod kaya hindi ko kaagad napansin ang malaking gate na nadaanan namin. I had to look back to make sure I’m not hallucinating or what. Rafael’s family is freaking rich.
“Let’s go bro.” yaya ni Macky sabay hatak sa akin patungong garden area kung saan sobrang lalago ng halaman. Hindi pa bloom season pero halatang alagang-alaga ang mga ito.
“May bago kayong team mate?”
Napalingon ako sa isang helper na nagdala ng pagkain sa malawak na table. May mga nakasunod pang dalawang helper sa likuran nito at may mga dalang additional na pagkain.
“Nana Des, is Arah already here?” Rafael asked the helper.
“Wala pa, Raffy. Nagtext sa akin si Ben kanina, ang sabi niya ay pauwi na raw sila. Paparating na ‘yon.” sagot naman nito.
Rafael nodded before he went inside. Paglabas niya ay nakapagbihis na siya ng pambahay. But I’m not sure if the clothes he’s wearing can be classified as pambahay dahil mukhang bagong bili lang iyon sa mall.
Habang abala ito sa pagtitipa sa cellphone ay panay naman ang kwento sa akin nila Basti at Macky. Wala akong maintindihan dahil abala ang aking mata sa pagtanaw sa paligid. I should’ve brought my camera. This place is good location for photoshoot.
Babalik na sana ako sa pakikinig sa kwentuhan nina Macky nang biglang may pumaradang sasakyan sa entrance ng kanilang mansiyon. Mula roon ay bumaba ang isang batang babaeng singkit at may suot na backpack na kulay itim. Unusual for kids na pink ang favorite color.
“Hindi ba sinabi ko hihintayin mo akong pagbuksan ka ng pinto?” mahinahong sambit ng kaniyang driver.
The girl plastered a wide smile on her face.
“I can take care of myself. Six years old na ako kuya Ben.” saad nito saka nag peace sign sa driver.
Mabilis na tumakbo ang bata papasok sa loob ng mansiyon. Nakasunod ditto ang driver na nagkakamot ng batok.
Rafael chuckled and stood up to go inside.
Ilang minuto ang itinagal niya sa loob at paglabas niya ay kasama niya na ang batang babae. Agad na kumaway ang batang babae kina Sebastien. Tumakbo pa ito palapit sa mga kasama ko at nakipag-apir.
Nang makita niya ako ay kumunot ang kaniyang noo.
I lowered my head para matapatan ko ang kaniyang mukha.
“Hi. I’m Isaac.” I said then I offered my hand for a shake.
Natigilan ito at maya-maya’y napaatras. Lumapit ito kay Rafael at may ibinulong. Nakangising lumingon sa akin si Rafael bago tumango sa kapatid. Nagulat ako nang makitang tumakbo ito papasok sa loob ng bahay. Napatingin ako sa kamay kong hindi man lang nito tinanggap.
Muli akong bumaling kay Rafael na ngayo’y nakatitig sa akin.
“Seems like Arah finally have her first ever crush.” natatawang sambit ni Rafael sabay inom ng juice sa baso nito.
I heard Macky groaned. Napasandal pa ito sa sandalan ng inuupuan bago napahawak sa dibdib na para bang nasasaktan.
“Bro, nauna ako kay Arah.” pabiro nitong sambit sabay lingon sa akin.
“You know how choosy Arah is. Minsan lang yun magsabi sa akin na may crush na siya.”
Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ako makasabay sa pinag-uusapan nila. Lumapit sa akin si Sebastien at tatawa-tawang tinapik ako sa balikat.
“Anong exact words niya?” Macky asked, mukhang hindi makaget-over sa nalaman.
“She said the guy in grey t-shirt is handsome.”
In that moment, I realized what they’re talking about.
“Gwapo rin naman ako dude!” Macky said and blew a short breath of frustration.
“Tanggapin mo na bro. Hindi ka magugustuhan ni Arah dahil diyan sa mahaba mong buhok.” sambit ni Miggy.
Macky raised his middle finger to Miggy. Miggy and Bobby laugh out loud, mukhang pinagkakaisahan si Macky na badtrip na ngayon.
“Don’t worry. I don’t like her.” I said to him.
I’m not into kids. She’s just a six-year-old kid and I’m already fifteen. Hindi bagay.
“H’wag kang magsalita ng tapos, Isaac. Baka kainin mo lahat ng sinabi mo balang-araw.” Bobby said.
Paulit-ulit akong umiling.
“No. I would never.”

Komento sa Aklat (288)

  • avatar
    Merry Angel Sanchez Paraiso

    It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻

    16/08/2022

      0
  • avatar
    Xhel Arines Ibarbia

    hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.

    14/01/2022

      0
  • avatar
    Leander Beldad

    Beautiful story but sad ending

    18/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata