logo text

Epilogue: I Found Her

“Ayaw mo ba talagang tanggapin ang offer ko?”
Inis na nilingon ko si Raffy nang tanungin niya akong muli tungkol sa bagay na iyon. I faced him with an apologetic grin.
“Pass nga. Wala akong time. May project pa ako na kailangang tapusin.”
Hindi na siya umimik. He crossed his arms in front of his chest saka tahimik na nag-isip. Hanggang sa dumating si Basti ay tahimik pa rin siya. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili. Sa ilang taong pagkakaibigan namin, kilala ko na siya. I know when he’s keeping a secret and above all, I know when he’s serious. And now, I could say that he’s on his serious mode.
I built Recreatives because of my innate love in photography. Hindi ko inexpect na sisikat ang team namin at magkakaroon ng mga gigs i local and even international. And Raffy’s asking me to handle Foundation Week again.
Hindi ko na iyon kaya. Lalo na at may tinatapos akong house design. And I bet that would be my last project before I die.
“Nabanggit mo sa akin yung Photography club ng La Salle. Yung Malikhaing Lente. Bakit hindi mo subukan?” I suggested.
Hindi siya sumagot. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin bago tumayo at naglakad papalabas ng studio. Hindi naman siguro siya galit sa akin?
Later in the afternoon I went to UST Hospital for my scheduled check up. And just like the usual, sermon na naman ang inabot ko kay Dr. Fabic. Alam kong masyado na akong nagiging pasaway. He’s asking me to stay in the hospital but I refused. Malakas pa ako. Kaya ko pa. Kaya ko pa siyang hintayin.
Pagkalabas ko ng hospital ay agad akong napatigil nang makitang may nag-uusap na babae at lalaki sa hindi kalayuan. The guy was wearing a medical student’s uniform. Samantalang yung babae ay naka-civilian clothes lang.
“Bakit ka nandito?” naiiritang tanong ng lalaki sa babae.
“Sus! Hinuhuli lang kita baka may jowa ka rito kuya.”
The girl joked. Sinundot niya pa ang tagiliran ng kaniyang kuya para mas lalo itong asarin.
I saw the girl’s side profile. Pretty.
“Sige na. Aalis na ako. Dadaan akong Dapitan bago umuwi.” sambit ng babae.
“Ano namang gagawin mo roon?”
“Streetfoods!” tuwang-tuwa na sambit nito
“Umayos ka nga. Para kang ibon na nakawala sa hawla. Ipitan mo rin ‘yang buhok mo para hindi ka nagmumukhang witch.”
Humalakhak naman ang babae sa sinabi ng kaniyang kuya.
“Witch? Witch na matalino? Parang si Hermione Granger ba kuya?”
The guy shook his head repeatedly bago tumalikod sa kaniyang kapatid. The girl followed him. Pero dumidistansiya lang ang lalaki sa kaniyang kapatid.
Cute!
The next morning, I received a call from Basti. Sinabi niyang may ipinadalang portfolio si Rafael sa studio at kailangan ko iyong icheck. Kaya pagkatapos kong dumaan sa site, ay dumiretso na ako sa studio.
Malikhaing Lente. Iyon ang nakalagay sa first page ng portfolio. The name is quite catchy.
“Natingnan mo na ‘to?” tanong ko kay Basti na kasalukuyang chinicheck ang hawak nitong camera.
“Yup.” Tipid niyang sagot.
“And? Anong hatol mo?”
He looked at me.
“The girl named Faye Ramirez has nice shots. Check it out.”
Napangiti ako. Faye Ramirez huh.
Marahan kong binuklat ang bawat pahina. I can’t help but to admire the outcome of their shots and editing. I can’t deny that their team has potential in photography industry.
Napatigil ako nang makita ang sumunod na litrato. It was a picture of a young girl who is sitting on the swing and it has a caption
Hihintayin kita kahit gaano ka man katagal dumating.
The caption has strucked me directly in the chest. Natulala ako. My thoughts drifted into nothingness. Hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ni Basti sa balikat ko.
“I told you, she’s good.”
Humugot ako ng malalim na hininga bago isinara ang portfolio. Ilang linggo rin ang dumaan bago ako muling kinausap ni Rafael. He asked me if I could come to La Salle. Alam ko namang kukulitin niya lang ako tungkol sa foundation week pero pumunta pa rin ako. Mabuti na lang at sinamahan din ako ni Basti.
Halos pitong taon na rin ang nakalilipas noong huling pumunta ako rito. The school taught me a lot of things. La Sallian education is really practical, flexible. And at the end of the day once you go out and face the real world, you’ll see most of La Sallians are doing better in their respective careers. Maybe it is the animo spirit that brings out the best in every Archers out there. I could say I’m a proud product of this school.
At kagaya nga ng iniexpect ko, tungkol sa foundation Week ang pag-uusapan namin. Rafael asked us regarding the portfolio of Malikhaing Lente.
Basti and I agreed to give them a chance. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Rafael at agad na pinatawag ang main founder ng club na si Faye Ramirez. Gusto sana niya itong ipakilala sa amin ni Rafael kaya lang nagkataong may meeting akong kailangang puntahan.
Mabilis akong lumabas ng opisina at naglakad patungong elevator. Kaya lang maraming estudyante ang nakapila roon. So I decided to use warpzone. Pinakamadaling daan para makapunta ng Miguel Building kung saan may isa pang elevator. Hawak ang mga papel na kailangan kong i-present sa client, ay nagmadali akong naglakad. Hanggang sa may mabangga ako.
“Sorry, sorry po.” paghingi nito ng paumanhin.
Hindi ko siya pinansin. Nakakainis. Kung kailan nagmamadali ako saka pa naglaglagan yung mga papel sa sahig.
“Sorry talaga.”
Agad niyang inabot sa akin ang mga napulot niyang papel habang panay ang paghingi ng paumanhin. Nang magtama ang aming paningin ay bigla akong natigilan. I was shocked when I saw her face. The familiar blank, flat-out look in her face whenever she’s thinking deeply.
“Arah?” I asked.
“Hindi ako si Arah.” she answered.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Agad kong sinagot ang tawag at nagmadaling umalis.
Hindi ako maaaring magkamali. She’s Arah.
I found her. I finally found her.

Komento sa Aklat (288)

  • avatar
    Merry Angel Sanchez Paraiso

    It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻

    16/08/2022

      0
  • avatar
    Xhel Arines Ibarbia

    hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.

    14/01/2022

      0
  • avatar
    Leander Beldad

    Beautiful story but sad ending

    18/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata