Napasinghap si Allyson at muntik nang masamid sa sariling laway nang makita niya ang lalaking kanina pa silang tinatanaw mula sa malayo. "Muntik na akong masamid sa sarili kong laway! Ano bang ginagawa mo d'yan, Prince?" "So sa akin nagugulat ka, sa kan'ya hindi? Bahay ko 'to kaya p'wede akong pumwesto kahit saan." Dahan-dahan siyang nilapitan ni Prince. "What was that? Isang oras at kalahati lang akong nawala bati na agad kayo?" Napahilamos na lamang ng mukha ang binata. Pumasok si Prince sa master's bedroom at isinalampak ang sarili sa pulang couch. Ilang sandaling katahimikan ang nanaig sa paligid. Tanging ang basag at sintonadong boses – na maihahambing na rin sa isang umaatungal na aso ang nangingibabaw sa buong paligid. Muling napasinghap ang dalaga nang ibinato ni Prince nag kan'yang sapatos sa pinto ng banyo. "Feel na feel mo, a! Parang sa 'yo 'tong rest house!" Tumayo ang binata at sinundan pa nang malalakas na kalabog sa pinto ang kan'yang ginawang pagbato kanina. "Sino ba 'yan? Istorbo naman sa pagligo ko." Hindi na nakapagpigil pa si Prince. Inabot na nito ang susi mula sa side table ng kama. Ilang ulit nitong pinihit ang doorknob bilang banta kay Arfie. "You son of a gun," mahina at nagtitimpi nitong wika. Hindi pa rin natinag si Arfie sa kabila ng mga ginawa ng binata. Nagpatuloy lamang sa pagdaloy ang nakabibingi at animo'y atungal ng asong pagkanta nito. Bubuksan na sana ni Prince ang pinto ngunit naalala niya na ang kasama nga pala niya ay isang babae – babaeng wala pang kamuwang-muwang sa kamunduhan. "Will you get out of there? Ang tagal mong maligo!" Napatigil sa pagkanta ang binata nang maulinigan ang boses ni Prince. Narinig rin ng dalawa ang pagpihit ng binata sa gripo upang patayin ang shower. Nagbukas ang pinto ngunit maliit na siwang lamang ito. "Bukas na, ano pang hinihintay mo? Pasko?" mapang-inis nitong wika nang maramdaman ang prisensya ng naiinis na binata. Pinasok ni Prince ang banyo at maririnig ang pagtatalo ng dalawang lalaki. "Ano ba kasing ginagawa mo d'yan? Inayos na nga nu'ng secretary ko ang banyo tapos ang tagal mo pang maligo! Walang hiya lang?" "Ano bang paki mo? May ginagawa pa ako, e. Besides, ayaw mo ba nu'n? P'wede mong landiin ang empleyado ko habang hindi nakabantay ang mga mata ko?" "Empleyado? Landiin? 'Yung isip-batang flat-chested girl? Oh please? 'Wag mo namang pababain ang standards ko." "Umalis ka na nga lang! Nagla –" Muling bumukas ang pinto. Natigilan ang dalawang lalaki nang makita kung sino ang sunod na pumasok sa banyo. "Alam mo Prince, pinaglalaba ko kasi si Arfie ng nadumihan n'yang apron. If you're so fed up with a flat-chested, isip-batang babaeng kagaya ko, you can just tell me." Ibinato ng dalaga ang polong ginamit nito noong nakaraang araw kasama na ang spare pants na itinabi ni Arfie. "Tarang mag-lunch. Libre ko, namangha ako sa pagkukusot mo. Ang kulay pink, naging puti." Namula sa hiya si Arfie. "Kulay pink pala 'to? Sorry na, natastas ko na nga 'yung bulsa kakakusot." Maagap na sinundan ni Prince ang dalaga ngunit matapos bitiwan ni Allyson ang mga katagang iyon ay hindi na niya pinanasin pa si Prince. Ilang minutong sinubukang suyuin ng binata si Allyson ngunit matigas talaga ang ulo ng dalaga at ayaw magpatalo. "Will you quit it already? Maaaring boss kita, pero wala kang karapatang pakialaman ang mga lakad ko. Lunch na at gutom na kami. Buti ikaw nakakain na. E, siya?" Itinuro ng dalaga ang kakalabas lamang na binata, "umaga pa lang, naglilinis na 'yan. Pinaglaba ko pa nga. So stop whining already." "Fine! Sige, kayo na nga lang dito. 'Yun naman ang gusto n'yo, tama? Magsama kayo!" Padabog na umalis si Prince. Rinig na rinig pa ang yabag ng kan'yang sapatos na animo'y pilit na ipinapad'yak nang malakas upang marinig ng lahat. "What a childish brat." "Don't be so hard on him," sambit ng binata at ini-hanger ang apron at boxers na kan'yang nilabhan. "My hands hurt. Ang hirap palang mag manual labor." Walang salitang lumabas kay Allyson sa halip ay nagtungo siya sa kusina at naglabas ng dalawang tasa sa lamesa. Kinuha rin niya ang asukal at ang nakagarapong kape. Nagdaop ang dalawang bisig ng binata, kasabay nito ang pagtaas ng kan'yang dalawang makapal na kilay. "'Wag mong sabihing babaratin mo 'ko?" Napatawa na lamang siya nang magunita ang pagngising ginawa ng dalaga. "Barat ka nga. Isang kuripot na magaling." "Kung binigay mo lang kasi sa akin ang s'weldo ko nang mas maaga, 'di sana maiilibre kita? May-ari pa man din ng kumpanya. Sino kayang mas kuripot sa 'tin?" "I do not own that company. Presidente lang ang CEO. Gets mo? Presidente, hindi may-ari. Besides, 'yung HR n'yo ang tanungin mo. I have my hands full already. Pati sweldo ng emplayado responsibilidad ko pa rin?" Natawa ang dalaga sa ginawang pagsinghal ng binata. Lihim siyang napangisi sa mga gawing naipamalas ni Arfie. Muli pa sanang bibirit ng isang hugot-kumpanyang litanya ang binata ngunit natigilan siya nang makita ang ginagawa ni Allyson. "Ano? Don't tell me 'yan ang ipapakain mo sa 'kin?" Isang malapad na ngisi ang ipinamalas ng dalaga at isinabay sa ngising ito ang pagbibigay niya ng tasa sa binata. "Coffee? Seriously? Black coffee with rice? Are you mad, woman?" "Look, we only have those. Walang laman ang rest house na 'to. Kung ayaw mong mamatay sa gutom, bear with it." Walang nagawa ang binata kundi tanggapin sa ngayon ang pagkaing nakahain sa harap niya. Sinubukan niyang inumin nang deretsyo ang kape ngunit halos maibuga niya iyon. Matalim niyang tiningnan ang dalaga na ngayon naman ay sarap na sarap sa kan'yang kinakain. "How could you bear that sweetness?!" Napabuntong-hininga si Allyson. Nilapitan niya ang binata at inagaw ang tasang hawak-hawak nito, "Don't drink it. Gamitin mo nga 'yang kokote mo paminsan-minsan." Nilabas ng dalaga ang isang maliit na plastik na naglalaman ng kulay pulang isda. Ibinudbod niya ang laman nito at saka muling ini-abot sa binata ang tasa. "Anong nilagay mo? Is that food color? Food poi- -" Natigilan ang binata nang sinalpak ni Allyson ang sariling kubyertos na naglalaman ng kanin sa bibig ni Arfie. "How does it taste now?" Dahan-dahang tinnaggal ng dalaga ang kubyertos sa bibig ni Arfie. Kitang-kita niya kung paano lunukin ng binata ang pagkaing kanina lamang ay halos hindi nito makain. "Pahingi pang isa." "What? No. You have your own food." Natigilan si Arfie nang mapagtanto na tama nga ang sinambit ni Allyson. Iniwas ng binata ang kan'yang paningin. Namumula niyang kinuha ang kan'yang pagkain at tinalikuran si Allyson. "Nasarapan lang ako. There's no malice in my words, so stop making that stupid face!" anito at mabilis na binagtas ang daan patungo sa salas. "Hindi mo naman kailangang mamula nang gan'yan. Ikaw lang naman ang nag-iisip nang gano'n." Binuksan ni Allyson ang T.V. sa salas, ngunit ang kan'yang mga mata ay patuloy lamang sa pagtitig kay Arfie. Hindi na napigilan pa ng binata ang kan'yang sarili. Tinakluban niya ang kalahati ng kan'yang katawan gamit ang isang malaking unan. Niyupyop niya ang sarili upang magkasya ang buong katawan. "Kung ako lang ang nag-iisip nang gano'n, then what's up with your face? Daig mo pa ang mga memes sa social media, kainis!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
thankyou
11/08/2024
0long
19/05/2024
0good Ang wild
14/03/2023
0Tingnan Lahat