Chapter 24

Janelle's POV.
Nandito na ako sa bahay, tapos na rin akong kumain... Mukhang wala yata akong makakasama ngayon, hahays...
Kasalukuyan akong nasa kuwarto ko, aysst sasama ako bukas... Sa ayaw at sa gusto ni Dave! Ayaw ko na rito sa bahay na 'to nang ako lang mag-isa...
Nang may biglang kumatok sa pinto, nagmadali akong buksan 'yon at baka si Dave ang kumakatok. Pero hindi naman malakas kung kumatok si Dave hahays...
Inilapit ko muna ang sarili kong tainga sa pinto sabay tanong kung sino ang nasa pinto.
"It's me," sagot nito.
Pamilyar ang tono pero hindi iyon si Dave.
"Who?" Tanong ko ulit.
"Braille," sagot nito.
Kinabahan ako nang slayt, sabay alala sa mga binilin sa akin ni Yuri. Binuksan ko na ang pinto at doon nakita siyang nakangiti, ngumiti naman ako pabalik at hindi pinahalatang pilit ang mga iyon.
"Pasok ka," saad ko.
"Salamat," tugon naman nito.
" 'Di ba may ginagawa kayo? Pinapunta ka ba ni Dave rito?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
At bakit ko nga ba natanong kung pinapunta siya ni Dave rito? Eh siya na nga may sabi na lumayo ako kay Braille, tsk... Imposible!
"Ahhh... Hahaha... Hindi, pero nandito ako para makipagkaibigan," saad nito. Hindi na ako nagulat dahil alam kong 'yon ang simula para sa mga plano niya.
"Sure, hehe... 'Di naman ako mapili pagdating sa kaibigan, gusto mong kumain?"
"A-ahh, 'di na muna ngayon..." Saad nito na ikinahinga ko nang maluwag.
"Sige alis na ako at tutulong pa ako sa kanila," dugtong pa nito.
"Sige..." Saad ko kasabay nito ang pag-alis niya.
Tuluyan akong nakahinga, bakit parang kawalan sa akin ang oxygen? Hahaysss...
Pumunta na lamang ako sa kuwarto at doon humiga, wala na akong pake kung mapa-ralize ako rito huhu takot ko lang bumalik si Braille.
Tadhana ko na ba talaga 'to? Huhu...
Iniisip ko kung ano ang mga nangyayari, una na roon ang pagkuha at paghingi sa akin ng tulong ng mga asong lobo. At ang huli ay si Braille, na gustong makipagkaibigan... Tsk!
Hindi ko namalayang gabi na pala, namalayan ko nalang ng tumingin ako sa bintana...
Makalipas ang ilang oras ay nakarinig na naman ako nang katok sa pinto ngunit wala akong balak buksan iyon dahil baka si Braille na naman at baka sa susunod na buksan ko wala na akong hininga.
"Ja! Opened the door!" Sigaw ng isang pamilyar na boses kaya naman agad akong bumaba.
"Dave?" Tanong ko nang makalapit sa pinto.
"Mmm..."
Binuksan ko na agad ang pinto at baka magalit sa akin ang may-ari which is si Dave.
Third Person's POV.
Pagbukas ni Jannelle sa pinto ay tila nakaramdam siya nang slow motion nang maramdaman ang yakap ni Dave. Parang tila bumagal ang segundo sa oras sa mga oras na iyon...
"M-may na-nangyari b-ba?" Na-uutal na tanong ng dalaga kay Dave.
"Wala," tugon ni Dave.
Hindi nakikita ni Jannelle kung gaano kasaya ang binata sa pagkakayakap sa kaniya, nakangiti lang si Dave habang nakayakap sa dalaga habang nagugulumihanan naman si Jannelle sa ginawa ni Dave na siya ring dapat na ikasaya niya.
Hindi siya yumakap pabalik rito dagil sa takot...
Flashback...
Nasa isang tent si Dave habang nag-iisip sa kalagayan ni Jannelle. Wala siyang ma-utusang magpunta roon para samahan si Jannelle dahil busy ang lahat ng kasamahan niya sa paggawa nang mga sandata.
"Kuya!" Biglang tawag sa kaniya ni Yuri.
"Si Braille..." Hinihingal na saad ng dalaga na tila tumakbo para masabi ang ang sasabihin nitong mukhang importante.
"Mmm?"
"Pumunta siya sa bahay," deretsahang sagot nito nang tuluyang makasinghap ng hangin.
"Why!"
"Ewan... Tanungin mo kaya tsk," sarkastikong saad ni Yuri dahilan para tingna siya nang masama ni Dave.
"Hindi mo ko matatakot sa death glare kuya tsk, hindi naman araw 'yang mga mata mo para mamatay ako haha..." Natatawang saad ni Yuri sa kapatid.
"Just tell me why!"
"Hindi ko nga alam! Nagh-hunting lang ako sa malayo nang makita ko siyang papunta sa bahay..." Paliwanag ni Yuri.
"Arghh... That brat!"
"Huwag ka magselos kuya haha..." Pang-aasar pa nang dalaga sa kapatid sabay alis.
Pinuntahan ni Dave ang tent kung saan nandoon si Braille ngunit wala siyang nakita doon... Minabuti nyang hintayin ito at umupo sa isang pang-solo na upuan.
Ilang sandali lang ay dumating na si Braille, pumunta siya sa kaniyang tent at laking gulat niyang makita si Dave na nakapandekwatrong naka-upo sa isang upuan habang masamang nakatingin sa kaniya.
"Hi Dave..." Nakangiting bati ni Braille kay Dave.
"Tsk!" Singhal ni Dave sa kaniya sabay ikot ng mga mata.
"Anong atin?" Tanong ni Braille sa kaniya kasabay no'n ang pag-upo ni Dave nang maayos.
"Instead of going somewhere, you should help others preparing..." Seryosong saad ni Dave rito.
Kita sa mukha nito ang pandidilim at pagpipigil ng galit.
"Mmm... Sorry..."
"Tsk! Watch your moves or else I'll kill you..." Seryoso pa ring saad ni Dave kay Braille.
"I'm not scared by those words," nakangising saad ni Braille habang hinahaplos ang mga kuko sa papamagitan ng kanyang thumb finger.
"Then you should!" Pagdidiin ni Dave sa mga katagang binigkas sabay alis sa tent.
Hindi maalis sa mukha ni Dave ang ginawa ni Braille, nag-aalala siya kay Jannelle. Napapa-isip kung may ginawa ba itong hindi ka-aya aya sa dalaga.
Papunta siya sa mga kasamahan para tingnan ang mga ginagawa nito at ilang sandali lang ng makita niya ang mga kasamahang naka-upo lang sa isang malaking puno habang nag-k-kuwentuhan dahilan para mag-init lalo ang ulo niya.
"Get back to work!" Sigaw ni Dave sa mga ito.
"Tsk... Huwag kayong sumunod diyan..." Usal ni Yuri habang nakangising nakatingin sa kapatid.
"Yuri!" Sigaw ng binata sa kapatid.
"Pagpahingahin mo muna kami kuya... Ang dami naming ginawa... Ano ba!" Saad naman ni Yuri.
"Tsk!"
"Kung ako sa 'yo... Pag-uwi ko... Yayakapin ko siya para hindi na makawala..." Pang-aasar pa ni Yuri kay Dave.
Habang sila Nie, Mark, Nie, at Max ay hindi alam kung ano ang pinupunto ni Yuri, habang si Rose naman ay alam na kung sino ang tinutukoy nito dahilan para mapangisi ito na para bang kinikilig.
"Sasamahan ko na lang si Ja, bukas..." Prisinta ni Rose.
"No!" Palag ni Dave dahilan para ma-gets ng lahat ang tinutukoy ni Yuri.
"Bakit?" Nakangising tanong ni Rose sa binata.
"Ako ang sasama sa kaniya bukas, kaya ikaw Yuri!" Saad nito sabay turo sa kapatid.
"Oh?"
"Ikaw ang magbabantay dito bukas, kaya siguraduhin mong may matatapos kayo bukas."
"Ano naman ang tatapusin namin? Eh tapos na naming gawin ang mga sandatang kakailanganin ng lahat..." Angal ni Yuri.
"Train them," seryosong sagot ni Dave.
Gabi na rin kaya pagkatapos iyong sabihin ni Dave ay mabilis siyang umalis at pumunta sa kaniyang bahay.
Pagkarating rito ay kumatok na siya sa pinto at doon pa-ulit ulit na na-aalala at naririnig ang mga katagang sinabi sa kaniya ni Yuri. sa kaniyang tainga ang mga katagang sinabi ni Yuri sa kaniya.
"Yayakapin ko siya para hindi na makawala..."
End of flashback.
Nasa pinto pa rin silang dalawa magkayakap. Hindi pa rin magawa ni Ja ang yumakap pabalik dahil natatakot siya.
"Why didn't you hug me back?" Malambing na tanong ni Dave sa dalaga at nanibago si Ja roon.
"Natatakot ako..." Sagot naman ni Jannelle
"Bakit?"
"Kasi baka bukas o mamaya masanay ako, at baka pagnasanay ako... Tsaka naman ang pagkawala mo sa tabi ko..." Saad ni Jannelle sa pamamagitan ng kaniyang isip.
Hindi alam ni Jannelle na nabasa iyon ni Dave at napangiti ang binta rito ngunit niya maiwasang malungkot.
"Alam mo ba pumunta na naman si Braille rito..." Pag-iiba ni Jannelle sa topic.
"I know..."
"Tinanong niya kung puwede kaming maging magkaibigan..." Saad pa nito dahilan para kumawala si Dave sa pagkakayakap sa dalaga.
"What?"
"Mmm..."
"Anong sagot mo?" Nag-aalalang tanong Dave sa dalaga.
"Oo, kasi baka makahalata siya kaya wala akong choice..."
"Arghhh that brat!"
"Huwag ka na magalit, kaya kong laruin ang larong gagawin niya."
"I'll protect you no matter what happened..." Usal ni Dave sa kaniyang isipan.
"Let's get inside," saad ni Dave.
Sabay silang pumasok ngunit ramdam ni Dave kay Jannelle ang pagka-awkward.

Komento sa Aklat (460)

  • avatar
    Patrick Mandanas

    good

    02/08

      0
  • avatar
    Marzia J Mustajil

    its wonderful 👍

    16/11/2024

      0
  • avatar
    Norh Mindog

    Tanong ni rose na halatang Hindi alam Ang binanggit ni jannelle sa

    13/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata