logo text

Chapter 25: HELP ME

“Wait for me Baby, i’ll drive you to your work,” ani ni Xander sa kabilang linya. Tinawagan ko siya, dahil sinabi kong papasok na ‘ko sa trabaho. This is our routine for the past weeks, after i answered him. He always like to know what i do, or where i am.
Siya rin naman sinasabi niya, kahit hindi ko hinihingi. Masaya ako sa kung anong set up namin ngayon.
“No, wag na. Alam kong puyat ka, ‘di ba kasi sabi mo gumawa ka ng business proposal kagabi,” tanggi ko. Huling text niya sa ‘kin kagabi na gagawa daw siya ng business proposal, kaya sa driver niya ko pinasundo.
“No, don’t be stubborn again,” he hardly said.
I breathed heavily. “No ikaw ang wag matigas ang ulo diyan. sleep now or else wala kang kiss for one month,” pananakot ko pa. Sigurado akong masama na naman ang itsura niya ngayon. Kissing Maniac ang isang ‘to e’.
Tapos ikaw nagpapamanyak. My subconscious mind said.
Namula ang pisngi ko at agad kong pinilig ang ulo.
“No of course you can’t do that to me,” he ranted. Mahina na lang akong napa hagikhik.
“Of course i can do that,” pang-uuyam ko. “So it’s you’ll sleep now o ihahatid mo ‘ko pero no kiss until one month. Choose wisely. . . Baby.”
narinig ko ang pagkahulog ng kung ano s kabilang linya. Kinain agad ako ng pag-aalala. “Xander, anong nangyayari diyan? Ayos ka lang ba?” sunod-sunod na nag aalala na tanong ko.
“Fu*k don’t shock me like that!” he exclaimed on other line, matapos ng ilang segundo. Napatawa na lang ako, oo nga pala lagi siyang nagugulat pag tinatawag ko siya sa endearment na ‘yon. Ako nga pag tinawag niyang ganon yung puso ko parang gusto na lang na lumabas sa kinalalagyan.
“Oo na, so pili ka na. mali-late na ‘ko,” ani ko at tiningnan ang wrist watch.
He let out a deep breath. “Fine, as if I have a choice. But promise me baby. Promise me na ngayon lang ‘to.”
“I promise,” agad na sagot ko.
“And don’t forget me to send me the plate number of the vehicle you’ll ride in,” paalala niya pa. Ewan ko pero lagi niyang pinapagawa sa ‘kin ‘to, pa ‘di niya ‘ko nahahatid.
“Yes sir,” pabirong sagot ko.
“Shut up Baby,” he hissed. Ayaw niya na talagang tinatawag ko siyang Sir. E’ yon ang tawag ko sa kanya noon.
“Joke lang, sige na bye,” paalam ko sana.
“You forgot something Baby!”
Napangiti na lang ako. “I love you,” malambing na ani ko.
Narinig ko lang ang paghinga niya sa kabila. “Xander!” sigaw ko.
“I love you too,” mas malambing niyang sabi. Puso kalma.
“Sige na bye. Mali-late na ‘ko,” paalam ko na at binaba na ang tawag. Hindi ako makakaalis nito e’.
Paglabas ko ng bahay ay agad kong nilock ang pinto, si Mica nandon pa sa bahay ng Mama niya. Hindi pa ulit siya umuwi dito, gusto ko ngang dalawin pero tanggi siya ng tanggi. Gustong-gusto ko pero hindi ko magawa, dail nirerespeto ko pa rin ang privacy niya.
May mga bagay naman talagang hindi ko na kailangan malaman ‘di ba kahit matalik na magkaibigan kaming dalawa.
Napalingingon ako sa gilid ng parang may naramdaman akong nakatingin sa ‘kin. Pero wala naman akong nakitang tao. Weird.
Sinampal-sampal ko ang sarili ko, dahil baka tulog pa ‘ko. ano-ano na lang ang nararamdaman ko e’.

Lumabas ako ng gate at hindi ko alam kung nagkataon lang o swerte ako, dahil paglabas ko ay saktong may dumaan agad na taxi.
Mabuti na lang din, dahil mali-late na ‘ko.
Agad ko itong pinara, huminto agad siya. Kaya sumakay na ‘ko. Pero bago ‘yon ay sumilip muna ako sa likuran nito, para makuha ang plate number.
“Manong, sa San Sebastian Hospital nga po,” sabi ko. Tumango si Manong driver at agad na pinaandar ang sasakyan.
Agad kong kinuha ang cellphone at tinext kay Xander ang plate number. Maya-maya lang ay agad siyang nag-reply.
From: Hubby
Got it Baby. Take care okay. If anything happenes call or text me ASAP. I love you.
Napangiti ako ng makita ang pangalan niya Cellphone ko, na siya pa mismo ang naglagay.
Nagtipa ako para mag-reply.
To: Hubby
Okay. Love you more.

Agad siyang nag-reply.
From: Hubby
No, I love you most.
Ayaw talaga patalo ng isang ‘to, lagi niyang sinasabi na mas mahal niya ‘ko. Gusto niya daw mas mahal niya ‘ko kesa mas mahal ko siya. Minsan talaga hindi ko siya maintindihan e’.
Magre-reply na naman sana ako ng tumigil ang sasakyan ko.
Taka akong napatingin sa paligid, wala pa naman kami sa Hospital.
“Manong bakit po kaya tumigil?” nagtataka na tanong ko sa Driver.
Lumingon siya sa akin.
“Iha, may bigla kasing humarang na van sa harap nati,” aniya. Napatingin tuloy ako sa hrap, oo nga ‘no.
Ilang beses bumusina si Manong, pero ayaw pa rin umalis ng nasa unahan. Hanggang sa may bumaba ng mga tao dito.
Mga nakaitim at may mga nakatakip na bonet sa mukha nila. Agad akong kinain ng takot at kaba.
“Manong, paandarin mo na po!” sigaw ko. Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko, akmang liliko kami papunta sa likod ng paputukan ng baril ang gulong ng sasakyan namin. Agad akong napatakip ng tainga.
Naalala ko si Xander, akmang kukuhanin ko ang cellphone at tatawagan siya ng biglang bumukas ang pinto sa gilid ko.
Agad kong tinaas ang dalawang kamay ng tutukan ako nito ng baril.
“Maawa na po kayo sa ‘kin,” naiiyak na pakiusap ko.
Magsasalita pa sana siya ng may mga naka Men in black ang humila sa leeg niya. Kahit nanlalabo na ang paningin, dahil sa unti-unting pagpatak ng luha ko ay namumukhaan ko ang mga ito. ang mga tao ni Xander.
‘Ba’t sila nandito?’
Sa harap ng kotse dinala ng tao ni Xander ang tumutok sa ‘kin ng baril, may iba pa akong nakitang tao rin ni Xander na nakikipaglaban.
HIndi ko alam kung anong nangyayari basta nagsusuntukan sila, yung iba gumagamit na ng baril.
Kaya napapa yuko na lang ako at napapatakip ng dalawang tainga. Nanginginig na ‘ko sa takot.
Nakita ko ang cellphone ko sa sahig ng kotse. Gamit ang nanginginig na kamay ay pinulot ko ito. At tinipa ang number ni Xander, nanginginig ang mga daliri ko kaya ilang beses pa ‘kong nagkamali.
Laking pasasalamat ko ng agad niyang sinagot ang tawag.
“X-xander help me please,” humihikbi ng pakiusap ko agad.
“Why? What’s going on? Where the are you?” sunod-sunod na tanong niya, bakas ang pagkataranta sa boses.
Hikbi lang ang naisagot ko, dahil may marahas na humila sa ‘kin palabas ng sasakyan.
Hinila ako nito sa braso, napunta ang tingin ko sa harapan nakita ko doon ang mga tao ni Xander at ang ibang lalaki kanina na nakahandusay, puro dugo. Naalala ko sila Mama.
Gamit ang buong lakas ay sinubukan kong mag pumiglas pero, ayaw niya talaga akong bitawan. “Bitawan mo ‘ko!” sigaw ko.
Pero parang wala lang siyang narinig at patuloy lang ang paghila sa akin.
Lumingon ako sa taxi na sinasakyan ko kanina at malakas akong napatili ng makita ko kung paano, pinaputukan ng isa sa mga lalaki ang driver ng taxi. Lalo akong napaiyak.
Buong lakas kong kinagat ang lalaki, napasigaw sya at nabitawan ako. kaya agad kong ginamit ang pagkakataong ‘yon para tumakbo. May nagpaputok ng baril, pero hindi ako tinamaan. Pero sandali pa ‘kong napaigtad dahil sa gulat at takot.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng may braso na na naman na pumulupot sa bewang ko.
Binuhat ako nito na parang isang sako ng bigas. Nagpumiglas na naman ako at pinagpapalo ang likod niya. Pero wala lang ‘yon sa kaniya at patuloy pa rin siya sa paglalakad papunta sa van nila.
Marahas niya ‘kong binitawan sa loob ng van.
“Pakawalan niyo na ‘ko please!” sigaw ko.
“Tumahik ka!” sigaw din ng driver.
“Ano bang kailangan niyo sa ‘kin!” ummiyak na ani ko pa. Dahil sa pagkakatanda ko naman wala naman akong kaaway o inaapakan. Pero bakit may ganito. “Wala naman akong pera, so please pakawalan niyo na ‘ko. Please maawa kayo, please. Pakawalan niyo na ‘ko.” Pinagkiskis ko pa ang dalawang palad ko.
Tumawa ang isa sa mga lalaki. “Kahit na lumuhod o lumuha ka pa ng dugo dyan Miss, hindi ka namin papakawalan,” tawa pa nito.
“Busalan at talian niyo na yan, malapit na ang mga pulis!” utos ng bumuhat sa ‘kin, pagkatapos niyang sumakay ng van.
Agad na may lumapit sa ‘kin at tinaliaan ang dalawang kamay ko ang isa naman ay pilit akong binusalan kahit na pilit rin akong umiiwas.
Naririnig ko na ang sirena ng mga pulis, mabilis na naman nilang inaandar ang van.
Nagulat ako ng biglang takpan ng katabi ko ang mukha ko ng isang sako.
Tahimik na lang akong umiiyak, walang tigil sa pag agos ng luha ko.
‘Lord, help me please. Tulungan niyo po ako, makawala sa mga tao na ‘to. Tulungan niyo po ako, ayoko pa pong mamatay. Please, please po.’
Naglilikot ako, kahit na wala na kong makita at hindi na ‘ko makagalaw ng maayos dahil sa pagkakatali a ‘kin.
May nag alis ng takip sa mukha ko, hinawakan ako ng mga kasamahan nito at sapilitan sa ‘king pinaamoy ang panyo.
Nahilo na lang ako bigla, unti-unti na ring bumibigat ang mga talukap sa mata ko.
‘Xander, tulungan mo ‘ko.’

Komento sa Aklat (274)

  • avatar
    DondonayChary Saarenas

    This was my first time reading this Story the title "His Sunshine". I just wonder of the title itself that's why I choose to read it. In the chapter one, I can see the braveness and Integrity of Ms. Sunshine to her work as a nurse and I can also see that she's brave enough to face any challenges of whatever and whoever patients she wants to serve for. As long as she willing to help. I love her attitude instead.

    16/12/2021

      0
  • avatar
    TobelArwina

    your story is bua

    04/09/2024

      0
  • avatar
    Ivan Kyle Bauya

    l want cp 500 and lutos flame DLQ33 please 🥺 sana mapansen thank you novelah lang Ang pag asa ko 11i2i2i2i2i2i2ibssbbssbsbsbbssbsbsbsbsbsbdbsbsbsbsbshshdhoqowhsajsjshsjjsshshhsbssbsbsbshshsjjspqqowbsnsnsnsxbzbNnzznzjzjsiw9wiehjsjsjssjsjjsjsnsnenenendsnnsnddndndnsnsnsnsndndndndndndndndndndndndndndndnddndndndndnjwoeieu8qi🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏✅✅✅✅✅✅🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

    10/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata