logo text

Chapter 21: COURT ME FIRST

“How is it?” he asked after I took a spoon of the food he cooked for me. It’s a hangover soup.
Nilasahan ko muna ang pagkain at halos madura ko ito sa harap niya. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko, agad akong uminom ng tubig at sapilitan ‘tong linunok. I don’t have the heart to ruin his excitement on my reaction.
“M-masarap,” utal na sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya.
“Really?” he said surprisedly, i nod. White lies.
Akmang susubo na s’ya, pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan. He looked on that..
“Why?”

“Alam mo kasi mas gusto kong kumain ng sopas ngayon,” dahilan ko. Naghihinala syang tumingin sa ‘kin, pagkatapos ay ginamit niya ang kabilang kamay para sumubo. It’s fast, kaya hindi ko na siya napigilan.
Umubo-ubo sya pagkatapos ay uminom din ng tubig, binitawan ko ang kamay niya at umiwas ng tingin.
“You lied,” he concluded.
“It's white lie,” dipensa ko. “I just didn’t want to hurt your feelings,” dagdag ko pa.
He just let out a deep sigh. “I’m sorry, i’m just really suck at cooking.”
“Well, sabi nga nila nobody’s perfect,” i said. “Kahit mukhang perfect ka na,” wala sa sariling dagdag ko pa.
“Do i?” tanong niya.
I nod, ba’t ko pa itatanggi. Narinig niya na, tapos kitang-kita rin naman sa mukha niya e’. “Oo nga.”
He smiled widely. I stood up.
“Ako na lang ang magluluto,” presinta ko.

He nodded. “I’ll help you then.”
“Why you’re looking me like that?” naiilang na tanong ko. His staring me weirdly, hindi ko mapangalanan.
“Because you looked so hot on my t-shirt and boxer shorts.” Tiningnan niya ‘ko mula ulo, hanggang paa. My cheeks heated up.
Dali-dali akong umiwas ng tingin at mabilis na naglakad papunta sa kusina niya.
Ilang beses ko pang pinilig ang ulo ko para mawala sa isip ko si Xander. Dahil hindi ako makapag isip ng maayos at makapag-concentrate.
Agad kong pinakialaman ang mga gamit do’n. Mabuti na lang at mukhang kaka-grocery lang nila kaya kumpleto ang mga ingredients na kailangan ko sa lulutuin ko.
Ilang minuto pa ang lumipas, bago siya sumunod sa ‘kin sa kusina.
Sumandal siya sa island counter. At mariing tumingin sa ‘kin. Tumalikod ako at nagkunwaring may pinagkakaabalahan.
“Who’s the boy?” he suddenly asked.
“The boy who?” I asked back.
“The Caleb,” he hardly answered.
Naalala ko na. S’ya ‘yon yung akala ko wrong number, kaya binigay ko kay Mica, yung cellphone.
“You didn’t remember him?” tanong ko pa.
He gave me a death glare. “Who is he?”
“His your Doctor remember?”
Tumahimik siya, inalala niya yata. Pero maya-maya pa ay iling niya ang natanggap ko. “I don’t really remember him. And are you avoiding our topic here, that Caleb. What really is his role in your life. And please don’t lie in front of my face again,” mahabang lintanya niya pa. Wow improving na siya, makipag usap sa ‘kin ngayon.
“Role sa buhay ko? Siguro kaibigan ganon. His my friend ex boyfriend at wala sa bukabularyo ko ang pumatol don.”
“You don’t like him, more than a friend?”
Malisyoso talaga ang isang ‘to.
I shrugged my head rapidly “Of course i’m not,” taggi ko.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano, dahil nakita kong umangat ang gilid ng labi niya ng marinig ang sagot ko.
Gaya ng sabi niya, tinulungan niya nga ‘ko. Naghihiwa siya ng mga ingredients.
“The f*ck!” sigaw nito, kaya agad akong napaharap sa kanya.
“Ano ba ‘yan Xander,” ani ko sa kanya ng makitang nagdudugo ang daliri niya. Agad ko itong pinunta sa lababo, para mahugasan.
Pagkatapos ay agad kong kinuha ang first aid kit. Mabuti na lang at alam ko kung saan ‘to nakalagay.
“Pati ba naman kasi paghihiwa hindi ka marunong,” i ranted on him, habang kumukuha ng alcohol at bulak. Kinuha ko ang daliri niya.
“It’s an accident you know,” he defended.
Hindi na lang ako nagsalita at tahimik na lang na nilinisan ang sugat niya. Pagkatapos ko ‘tong lagyan ng band aid, ay agad akong tumayo at ipinagpatuloy ang pagluluto ko.
“Are you mad?” he asked.
“Of course not, why would i?” agad na tanggi ko. HIndi naman talaga ako galit e’, pina pakiramdam ko lang ang sarili ko. Kung bakit ganon na lang katindi ang pag-aalala ko sa kaniya. Am i really falling on him. Masamang pangitain ba ‘to.
Hindi na siya nagsalita, kaya nagsalita na ulit ako.
“Pagkatapos ko palang gawin ‘to uuwi na ‘ko,” paalam ko. “Lutuin ko na lang ‘to pagkatapos uuwi na ako.”
Balak ko na lang sana na pumasok na lang sa trabaho. Half day lang, pwede pa naman dahil may oras pa ‘kong pumasok. Para naman ma-divert ang utak ko.
Baka din kailangan ako a Hospital, dahil sa biglaan kong pag-absent ng walang paalam.
“Can you eat first?”
“Hindi na papasok ako sa trabaho,’ sagot ko.
“I can pay your salary for today, just stay here with me.”
“I don’t need your money Xander.”
“But I need you.”
Napatigil ako sa ginagawa at tumingin sa kanya
“Are you playing some trick on me or what. Kasi alam mo hindi ako natutuwa,” prangkang sabi ko. Masakit umasa sa wala. “You’re giving me mixed signals. Sabihin mo na lang kaya sakin ‘di ba para hindi na ‘ko malito sa mga ginagawa mo,” frustrated na dagdag ko pa.
“Is it not obvious?”
“What iba-iba naman kasi yung signal e’. Hindi ko alam kung ano talaga ang totoo. Hindi ko alam kung it’s just me assuming-.”
“I have feelings for you,” he cut my words. Pagkatapos ay lumapit siya sa ‘kin at hinapit ang bewang ko, papalapit sa kanya.
Kumabog ng matindi ang puso ko, parng gusto niya na lang lumabas sa kinalalagyan niya ngayon.
We looked at each other's eyes. Pagkatapos ay unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa ‘kin. Sinubukan ko siyang itulak habng nakokontrol ko pa ang sarili ko. Pero hindi siya nagpatinag kay maya-maya lang ay nakita ko na ang sarili ko na gumaganti sa halik niya.
His kissing me passionately. Mabagal ang mga galaw ng labi niya. Napapa sabay na lang ako sa kanya. Then in one snap our kiss became wild, parang kaming uhaw na uhaw sa isa’t isa. Napaungol pa ako sa gitna ng halikan namin.
It’s so fast, namalayan ko na lang na nakaupo na ‘ko sa Island counter, at nasa gitna siya ng mga hita ko, nakatayo.
Tumigil lang kami ng halos mag kulay ube na kami. Dahil halos mawalan na kami ng hangin. Hinihingal kaming tumingin sa isa’t isa.
My hands are on his neck while his hand is on my waist.
Inipit niya ang nagkalat kong buhok sa kaliwang tainga ko. Pagkatapos ay sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at kinuskos ang ilong don.
“I’m your boyfriend now,” he whispered.
Namilog ang mga mata ko. Ano siya si Flash.
“Anong boyfriend ka diyan. Hindi basta ganun lang yun ‘no,” pagpapakipot ko.
Hhinarap niya ako at sinserong tumingin sa mga mata ko.
“What do I need to do then,” he sincerely said.
“Court me first.”
“I can do that everyday, while we’re in a relationship you know,” he suggested.
“Yes you can, but I want to experience the courting stage too.”
He let out a deep sigh. “I’ll court you then. But don’t you dare entertain another man to court you. I can literally kill them.”
Tumawa lang ako.
Sinamaan na naman niya ako ng tingin. “Don’t laugh i’m not joking.”
“Oo na, sige na,” suko ko. I don’t think I can entertain another man too, except him.”
“Very good then, baby. So now can we go back on what we’re doing earlier,” aniya at akmang ilaapit na naman ang mukha sa ‘kin.
“Sorry but no kissing from now on. You’re just allowed to kiss me, pag sinagot na kita,” sabi ko at hinarang ang palad sa mukha niya.”
“What the- Are you serious?” he unbelievelu asked.
“Do I look like I'm joking.Of course, I'm serious,” I answered at bumaba na ng Island counter.”
“Uuwi na ‘ko,” sabi ko pa. Dahil baka ako pa ang unang sumuway sa sinabi ko kanina, mahira na ‘no.”
“I’ll drive you home then,” alok niya.
“Kaya ko na nga ‘di ba,” tanggi ko muli.
“Don’t be so stubborn Sunshine. Do you really think that I allowed you to go outside, just wearing that.”
‘Oo nga pala, hindi ko naman pwedeng isuot ulit yung suot ko kagabi.’
“Sige na nga,” payag ko na, dahil sa tingin ko wala naman akong ibang pagpipilian. Ngumiti siya ng malapad sa ‘kin.
“Great! I’ll just get my key and you’re things.” I nodded on him at umakyat na sya sa taas.
Ito na nga ba ang simula ng love life ko? I hope so. I’ll risk it.
Habang hindi pa siya bumablik ay nilinis ko muna ang mga kalat namin kanina, dahil sa pagluluto. Sayang hindi ko man lang natapos ang sopas ko.
Saktong pagkatapos ko ay siya ring pagbaba niya.
Naghugas muna ako ng kamay, bago lumapit sa kanya.
Agad niyang binigay sa kin ang pouch at cellphone.
“Where’s my dress, yung suot ko kagabi?” I asked on him. Ng ang mga iyon lang ang inabot niya sa ‘kin.
“On the trash can, I’ll throw it earlier,” inosenteng sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pa naman akin ‘yon, pinahiram lang ni Mica..
“No of course you didn’t,” hindi makapaniwala na ani ko pa.
“Yes I did. That dress is too revealing for you. You’re showing too much skin. Many men are drooling over your body,” pangangatwiran niya.
“That’s not mine Xander, kay Mica, yon e’ pinahiram lang sa ‘kin.
He just shrugged his shoulder on me. “Then i’ll just pay her. Come on wala akong i’ll drive you home now.” He walked away from me. Wala na akong nagawa kung ‘di sumunod na lang sa kanya.
‘Hindi naman siguro magagalit si Mica sa ‘kin ‘di ba. Because we’re best friends.’
Nang makasakay na ‘ko sa front seat ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Tinuturo ko lang sa kanya ang daan.
“Do you have someone with you on your house?” he asked on the middle of our trip.
“Meron yung kaibigan ko. Si Mica,” i answered. He nods.
“How about your parents?”
natigilan ako. “They passed away two years,” maya-maya ay sagot ko. Iniwasan ko ang pag-crack ng boses sa gitna ng pagsasalita. Ayokong kaawaan niya ‘ko o ng kahit sino. I don’t need that.
“I’m sorry to hear that,” sinserong aniya.
“Okay lang ‘yon ano ba,” tawa ko to lighten up the atmosphere. Ayokong maging awkward.
Pasimple kong pinunasan ang mata ko. Pagkatapo ay wala sa sariling napatingin ako sa bintana ng kotse. Heavy tinted pala ‘to, ngayon ko lang napansin.
“Bullet proof ba ‘tong kotse mo?” i randomly asked. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela, hindi siya lumingon sa ‘kin.
“Yeah it is,” alang emosyong sagot niya. Parang yung Xander, na una kong nakausap
Pero kinakain ako ng kuryosidad. “Para saan?” inosenteng tanong ko pa.
“For business purposes.”

Komento sa Aklat (274)

  • avatar
    DondonayChary Saarenas

    This was my first time reading this Story the title "His Sunshine". I just wonder of the title itself that's why I choose to read it. In the chapter one, I can see the braveness and Integrity of Ms. Sunshine to her work as a nurse and I can also see that she's brave enough to face any challenges of whatever and whoever patients she wants to serve for. As long as she willing to help. I love her attitude instead.

    16/12/2021

      0
  • avatar
    TobelArwina

    your story is bua

    04/09/2024

      0
  • avatar
    Ivan Kyle Bauya

    l want cp 500 and lutos flame DLQ33 please 🥺 sana mapansen thank you novelah lang Ang pag asa ko 11i2i2i2i2i2i2ibssbbssbsbsbbssbsbsbsbsbsbdbsbsbsbsbshshdhoqowhsajsjshsjjsshshhsbssbsbsbshshsjjspqqowbsnsnsnsxbzbNnzznzjzjsiw9wiehjsjsjssjsjjsjsnsnenenendsnnsnddndndnsnsnsnsndndndndndndndndndndndndndndndnddndndndndnjwoeieu8qi🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏✅✅✅✅✅✅🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

    10/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata