Her POV Nagising ako ng sobrang sakit ang ulo. Parang pinupukpok ng martilyo. Pagmulat ng mata ko ay sumalubong sa 'kin, ang itim na ceiling. Hindi naman itim ang ceiling namin a'. 'Anong nangyari sa 'kin?' Babangon na sana ako, pero agad din ako napahiga ng maramdaman may mabigat na braso ang nakadagan sa 'kin. Liningon ko ito, agad na namilog ang mga mata ko ng makita ko kung sino sya. Si Xander. Agad ko kong nilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Kwarto niya 'to. Bakit ako nandito? Ba't ko sya katabi? Hindi ko maalala lahat. Ang huli ko lang na natatandaan e' sumayaw ako sa dance floor, tapos- tapos blurred na lahat. Nagulat ako ng gumalaw ang katabi ko at mas yumakap pa sa 'kin, siniksik niya pa ang ulo sa leeg ko. Habang ako parang tuod lang, hindi ako makagalaw. May nangyari ba sa 'min! Agad kong pinakiramdaman ang sarili ko down there. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong maramdaman na masakit. Akala ko sinuko ko na ang bataan ng hindi ko man lang naalala. Maingat kong sinubukang tanggalin ang braso niya, pero hindi ako nag tagumpay lalo lang humigpit. "Where are you going?" he whispered, gulat akong napatingin sa kan'ya na dapat pala hindi ko na ginawa dahil halos gahibla na lang ng buhok ang pagitan namin. "Finally, you're really back in my arms now." Kumabog ng matindi ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan, dahil sa sinabi niya. Sinubukan kong lumayo, pero hinapit niya ang bewang ko papalapit. "B-bitawan mo 'ko," tapang-tapangan na utos ko. "'Tsaka ano bang ginagawa ko dito?" He smirked devilishly. "O' baby you don't remember?" "Bakit ano bang nangyari? Did i do something ridiculous?" Misteryoso lang syang ngumisi. "It's for you to know baby." Kanina pa sya baby ng baby a'. Kaya sigurado akong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon. 'Ano na naman ba 'to?' "Tigilan mo ang pag tawag sa 'kin ng gan'yan." "What?" "Baby-." "Yes baby do you need anything?" putol niya sa 'kin. "Tigilan mo nga ako tawagin ng gan'yan e'," naiinis na sabi ko. Hindi ko alam kung para sa kanya ang inis o para sa sarili. Dahil alam kong umaasa na naman ako sa wala. His eyebrows shot up. "Why would i stop?" "K-kasi baka anong isipin ng iba," dahilan ko. Kahit ang gusto ko talagang isagot ay baka kung anong isipin ko. Pagkatapos ay mabilis akong umalis sa tabi niya, kaya 'di niya na 'ko napigilan. "Nasaan ang bag ko?" tanong ko. "Why?" he asked back. "Kasi aalis na 'ko," sagot ko, kahit masakit pa rin ang ulo. Siguro naman kaya ko ng bumiyahe ngayon. Tumayo sya, agad akong napaiwas ng tingin ng makitang nakasuot lang pala sya ng boxer shorts. Kaya pala mainit siya kanina. Sa mukha niya lang kasi ako nakatingin. Humakbang sya papunta sa 'kin, mabibigat ang hakbang. May galit at inis rin sa mga mata niya. "A-anong gagawin mo?" natatakot na tanong ko. Habang umaatras, naalala ko yung nangyari noon. Gagawin niya ba ulit? Tumigil ako sa pag hakbang at lakas loob na hinarap siya. Magkalapit na kami, pero parang 'di pa 'yon sapat sa kaniya, dahil hinapit niya pa ang bewang ko. Pinilit kong alisin 'yon, pero mas humigit lang na naman at mas nilapit niya pa 'ko. "I'll not allowed you again to leave me again," he hardly said, while looking straightly on my eyes. "You're mine now," dugtong niya. At bumaba ang tingin sa labi ko, napatingin din ako din sa kaniya. Isa-isang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari kagabi. Yung bumastos sa 'kin, yung pagbugbog ni Xander sa lalaki. His blood shot eyes. At yung. . . Halik. Halos matumba ako ng naalala ko lahat ng 'yon, mabuti na alng at hawak niya 'ko sa bewang kaya 'di ako natumba. Nag-ngising aso sya. "Remember something baby?" he asked in a playful tone. "Totoo bang nangyari 'yon?" i murmured. "Yeah, do you want to repeat it?" Nanalaking mga mata akong napatingin sa kaniya. "It's doesn't mean that we kiss, pagmamay-ari mo na 'ko. I own myself, 'tsaka lasing lang ako no'n k-kaya nagawa ko 'yon," sabi ko, while not looking on his eyes. "Yeah it does Sunshine. When you kiss me back akin ka na. You're my Sunshine now," matigas na aniya. 'His Sunshine.' "Baka lasing ka lang ngayon," ani ko at sinubukan muling umalis. Akala ko kaya niya ko binitawan ay para pakawalan ako. But i'm wrong, nilagay niya ang isang kamay sa batok ko at ang isa ay sa pisngi, then he kissed me. Dilat ang mata ko, habang siya ay nakapikit. He sucked my lower lip. Hindi ko alam kung bakit napapikit rin ako, at mahigpit na napahawak sa braso niya. He kissed me passionately, i kiss him back with same ferocity. Nauna syang humiwalay, at hindi ko namalayan na pahabol pa 'ko sa labi niya. Dinilat ko ang mata, nakita ko syang mariin na nakatitig sa 'kin. 'Nakakahiya 'yon.' "Now that you're not drunk. You kissed me back. So you're officially mine," may pinalidad sa boses niya. "It's just. . ." sagot ko na hindi ko na madugtungan. "It's just what?" he asked, smirking. "Lust?" patanong na sagot ko, dahil wala na 'kong maisip na ibang dahilan. Tumalim ang tumingin niya sa 'kin, nawala ang ngisi sa mukha kanina. "Don't you dare said that again, or i'll give you the real definition of that." he angrily said, then turned my back on me. 'Am i harsh, nasaktan ko ba sya sa sinabi ko.' "A-aalis na 'ko," utal na paalam ko. "And i'm sorry on what i said earlier. . . Hindi ko sinasadya." Then i bowed my head. "No eat here first, i know that you have a hangover right now," he hardly commanded. Kahit halatang naiinis sya sa 'kin, inaalala niya pa rin ako. Sunod-sunod akong umiling. "Ayoko, baka anong isipin nila Manang Estella." Walang emosyon naman syang tumingin sa 'kin. "If you want me to forgive you, eat with me and all my maids are not here." "Nasaan sila?" "They're on a vacation," he answered pagkatapos ay tumayo sya sa kama n'ya at pumasok sa walk in closet niya. Paglabas niya ay naka sweat pants na at naka t-shirt na sya. Hinagisan niya 'ko ng puting t-shirt at isa niyang boxer shorts. Mabuti na lang at nasalo ko, bago ko pa tumama sa mukha ko. "Take a bath first in my bathroom," utos niya. Wala akong nagawa kung 'di tumango na lang. Pagkatapos ko syang bigyan ng tango ay lumabas na sya ng kwarto. Dali-dali kong nilapag sa kama ang binigay niya, pagkatapos ay hinanap sa buong sulok ng kwarto ang bag ko. Mabuti na lang at nakita ko agad 'to sa sofa. Pagbukas ko pa lang ng bag ay sumalubong sa 'kin ang cellphone kong umiilaw. May tumatawag. Agad ko itong kinuha at sinagot si Mica, ang caller. Ano kayang nangyari sa kan'ya kagabi, nakalimutan ko na sya. "H-hello," natatakot na bati ko sa kabilang lin'ya. Dahil sigurado akong galit na galit sa 'kin ang isang 'to. ["Ikaw na babae ka nasaan ka ngayon!"] sigaw niya, bahagya kong nailayo ang cellphone sa tainga. ["Alam mo bang kanina pa 'ko nag-aalala!"] sigaw niya ulit. "Sorry na, kumalma ka muna." Narinig ko ang malakas n'yang buntong hininga, ng maramdaman kong sa wakas ay hindi na n'ya ko sisigawan ay nag salita na 'ko. "Nasa bahay ako ni Xander," panimula ko. ["Ano! Ano namang ginagawa mo dyan?"] "Hindi ko rin alam kung bakit dito n'ya 'ko hinatid. Lasing na lasing na yata talaga ako kagabi." ["Umamin ka sa 'kin Sunshine Denise Agoncillo!"] Ano ba 'yan sigaw na naman. Nakakabingi. "Ano namang aaminin ko sa 'yo Micaella Marie Yanna Salsedo?" ["Sinuko mo ba?"] medyo pabulong na tanong n'ya. Agad kong na-gets ang ibig niyang sabihin. Pinamulahan ako ng pisngi. "Syempre hindi 'no," agad na sagot ko. Bumuntong-hininga sya na parang nakahinga ng maluwag ng dahil sa sagot ko. ["Salamat naman at hindi mo agad isinuko ang Bataan, bata ka pa Shine,"] parang nanay na sabi niya pa. 'Anong bata 20 na kaya ako.' "Ba't ba puro na lang ako," angil ko. "E' ikaw pa 'no ka nakauwi?" i asked. Hindi agad siya naka sagot sa tanong ko. ["Dumating sya,"] sagot niya. "Si Doc Caleb?" ["Oo."] "Pagkatapos anong nangyari?" interesadong tanong ko. "Hindi ko maalala ang huli ko lang naalala ay binuhat niya ko papa labas ng bar. Pagkatapos nagising ako nasa kama na niya 'ko." Namilog ang mga mata ko. "Ikaw naman ang umamin ngayon." ["Syempre wala 'no!"] mabilis na tanggi niya. "Sabi mo e'," ani ko. "Nandon ka pa ngayon?" ["G*ga syempre wala na 'no."] "E' nasaan ka kung ganon." ["Sa Hospital."] Namilog ang mga mata ko. Masyado akong naging pre-occupied, hindi ko naalala na may trabaho nga pala ako. Siguradong hinahanap na 'ko ngayon. ["Hinahanap ka na nga pala ni Ma'am Abby, kaya din ako tawag ng tawag. Plano mo na yatang tumira dyan, kasa ang bebe mo e'."] "Syempre hindi, masyado lang akong naging abala kanina. 'Tsaka pwede bang pasabi kay Ma'am, na hindi muna ako makakapasok ngayon, kasi may emergency, please." ["Ano pa nga ba, sige ako ng bahala."] "Talaga! Thank you talaga ng marami. I owe you one Mica."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (274)
DondonayChary Saarenas
This was my first time reading this Story the title "His Sunshine". I just wonder of the title itself that's why I choose to read it. In the chapter one, I can see the braveness and Integrity of Ms. Sunshine to her work as a nurse and I can also see that she's brave enough to face any challenges of whatever and whoever patients she wants to serve for. As long as she willing to help. I love her attitude instead.
16/12/2021
0
TobelArwina
your story is bua
04/09/2024
0
Ivan Kyle Bauya
l want cp
500
and lutos flame DLQ33 please 🥺 sana mapansen
thank you novelah lang Ang pag asa ko 11i2i2i2i2i2i2ibssbbssbsbsbbssbsbsbsbsbsbdbsbsbsbsbshshdhoqowhsajsjshsjjsshshhsbssbsbsbshshsjjspqqowbsnsnsnsxbzbNnzznzjzjsiw9wiehjsjsjssjsjjsjsnsnenenendsnnsnddndndnsnsnsnsndndndndndndndndndndndndndndndnddndndndndnjwoeieu8qi🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏✅✅✅✅✅✅🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
This was my first time reading this Story the title "His Sunshine". I just wonder of the title itself that's why I choose to read it. In the chapter one, I can see the braveness and Integrity of Ms. Sunshine to her work as a nurse and I can also see that she's brave enough to face any challenges of whatever and whoever patients she wants to serve for. As long as she willing to help. I love her attitude instead.
16/12/2021
0your story is bua
04/09/2024
0l want cp 500 and lutos flame DLQ33 please 🥺 sana mapansen thank you novelah lang Ang pag asa ko 11i2i2i2i2i2i2ibssbbssbsbsbbssbsbsbsbsbsbdbsbsbsbsbshshdhoqowhsajsjshsjjsshshhsbssbsbsbshshsjjspqqowbsnsnsnsxbzbNnzznzjzjsiw9wiehjsjsjssjsjjsjsnsnenenendsnnsnddndndnsnsnsnsndndndndndndndndndndndndndndndnddndndndndnjwoeieu8qi🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏✅✅✅✅✅✅🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
10/08/2024
0Tingnan Lahat