“Zen, huwag ka magpuyat. Exam na ninyo bukas. You need enough sleep.” Napangiti ako. “Opo, Ma. Matutulog na ako mayamaya.” Uminom muna ako ng gamot saka nahiga na ulit. Tinignan ko kung may chat si Yuhan pero wala pa. Nakatulog na ata ito. Tinulugan na naman ako. Nag-offline na lang ako. Kinumutan ko na ang sarili saka pumikit. Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. 5 AM na pala. Agad akong bumangon. “Zen! Bangon na.” “Oo, Ma! Gising na ako.” Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakahanda na ang mga pagkain. Mabubusog ako nito. Adobong manok ang ulam. Uminom muna ako ng tubig. “Ang aga mo po nagluto,” puna ko kay mama. “Hindi naman ‘nak. Mas okay na ‘to kaysa late, ‘di ba?” “Opo,” sambit ko. Kumuha na ako ng kakainin ko. “Final exam na ninyo, anak. Galingan mo.” “Opo, Ma. Gusto ko ako top 1. Sulitin ko na ngayon.” “Sa college, hindi mo susulitin?” “Depende ‘yan, Ma. Hindi naman ako gano’n kagaling e.” “Ang mahalaga naman sa amin ay ang makapagtapos ka ng pag-aaral gaya ng mga kuya mo. Pareho sila cum laude. Ikaw, baka kayanin mo ang magna o summa.” “Hindi natin alam, Ma. Basta makakapagtapos ako. Sayang si ate.” “Hayaan mo na ang ate, mapayapa na siya.” “Opo, Ma. Sige na po. Huwag ka na madaldal, kumakain ako e.” Natawa naman si mama. “Sige ah, Ma, tumawa ka riyan. Sabay ka na rin kaya kumain sa akin.” “Ay oo nga,” sambit niya at tumayo siya mula sa pagkakaupo. Naglakad siya patungo sa pinaglalagyan namin ng plato. Kumuha na rin siya. Hindi ko na pinagmasdan ang sunod niyang ginawa. Nag-focus na lang ako sa pagkain. After kong kumain ay nag-toothbrush na ako. Huhugasan ko sana ang pinagkainan ko pero pinigilan ako ni mama. “Ako na maghuhugas. Maligo ka na,” sabi ng aking ina. “Maaga pa, Mama.” “Kahit na. Mabagal ka kumilos e.” “Mama naman,” maktol ko. Tinawanan lang ako. Nagpunta na ako sa kwarto. Imbes na kunin ang tuwalya ko ay nahiga ako. Kinuha ang phone at nag-online. Bungad ang messages ni Yuhan. Yuhan: Sorry nakatulog ako😭 Yuhan: Good morning! Gising ka na ba? Yuhan: Kain ka breakfast ah. Huwag magpagutom. Nag-reply na ako. Me: Good morning din. Ikaw ha, antukin era mo na naman. Tapos na ako kumain, ikaw? Agad naman siyang nag-reply. Yuhan: Sorry na... Mabuti naman at kumain ka na. Kakain pa lang ako hehe. Me: Sige. Eat well! Yuhan: Oums. I'll chat you later. Me: Okay! He reacted heart to my message. Nilapag ko sa table malapit sa kama ko ang phone ko saka napatitig sa kisame. Ayaw kong maagang pumunta sa school. ___ “Kumain ka na. May pasok ka pa.” “Hindi ako papasok, Ma.” “Yuhan, isa. Hindi pa ninyo bakasyon.” “Oo na. Papasok na. Mga kapatid ko?” “Maaga silang hinatid ng papa mo.” “Akala ko ako maghahatid sa kanila.” “Tulog mantika ka!” “Sorry naman.” “Nga pala, kailan graduation ng girlfriend mo?” “Wala pa ako balita, Ma. Bakit?” “Tinanong ko lang. Maghanda ka ng mabuti ah.” “May ireregalo ka sa soon to be daughter-in-law mo?” “Ikaw talagang bata ka. Gusto mo na ba mag-asawa?” Natawa ako. “Mama naman. Sinasabi ko lang naman ang totoo.” “Hanggang hindi ko siya nakikilala sa personal, hindi ako pumapayag sa relasyon n’yo.” “Mama naman e. Akala ko ba payag ka na? Payag na nga si papa e.” “Akala mo lang ‘yon. Hindi ako ang papa mo. Manahimik ka. Kumuha ka na nga ng kakainin mo.” “Ito na, Ma. Meron na oh. Sisimulan ko na kumain,” sabi ko habang ipinapakita sa kaniya ‘yong plato ko na may laman. Nagsimula na nga ako kumain. After kumain ay sipilyo na saka naligo na rin. Ang bagal ko raw kumilos. Para daw akong babae. Grabe si mama. Palabas na ako ng bahay nang makasalubong ko si papa. “Oh ‘nak, pogi natin ngayon ah!” “Syempre naman, Pa. Mana sa’yo!” “Aba dapat lang na sa akin ka magmamana. Sperm kita e.” Humalakhak ako sa tawa. “Si papa talaga oh.” Natawa rin siya. “O siya, ingat ka.” “Opo.” Tinamad akong gamitin ang motor ko. Sakto! Tumatawag si Hance. “Sunduin mo ako rito. Sabay na tayo,” sabi ko pagkasagot na pagkasagot sa tawag. “Okay. Akala namin, mauuna na kami.” “Akala n’yo lang.” Tumawa lang ito saka pinatay na ang tawag. * * * “Ang hirap ng first exam,” sabi ni Chaskalyn. “Madali lang ‘yon para kay Zenaida,” sabi naman ni Ninita. “Nahirapan din ako ‘no!” sabi ko naman. “Duda ako, Zen,” sabi ni Winston. “Grabe naman. Mag-review na nga tayo.” “Huwag ka na mag-review, Zen. Kayang-kaya mo naman magsagot kahit walang review,” bulalas ni Nallia na kanina pa tahimik lang sa kumakain. “Oo nga!” sabay na sang-ayon nina Korina at Maria. “Pahiram ng notebook mo, Zen. Mag-re-review kami ni Roldan.” “Pati kayong dalawa, no need to review,” sabi ni Korina. “Ito oh,” sabi ko at iniabot kay Nash ang notebook ko. “Magpakopya na lang kayo,” sabi ni Maria. “Sige!” sabi naman ni Nash. Naglakad na ito paalis at pumunta sa isang sulok na kinaroroonan ni Roldan. “Bakit pa kayo nag-re-review, ayaw n’yo ako gayahin?” sabi ni Amlani. “Ayaw. Lalong wala kami masasagot ‘pag gano’n,” sabi ni Nallia. Mayamaya pa ay nag-time na. Itinuloy namin ang exam. Then snack time na. Exam ulit and free time tapos lunch na. “Bilisan n’yo! Babagal n’yo maglakad mga sis!” sabi ni Winston. “Teka lang, nakakapagod kaya maglakad,” sabi naman ni Chaskalyn. “Ang ikli kasi ng mga binti n’yo!” sabi ni Nash saka tumawa. Napalo tuloy siya ni Amlani. “Tama,” sang-ayon ni Roldan. “Nahiya naman kami sa inyo ni Roldan na kawayan!” sabi na lang ni Chaskalyn. Nakarating na kami sa eatery at agad silang umorder ng budget meal. Ako at si Amlani naman ay dumeretso sa dati naming pwesto. Buti na lang talaga at nauna kami. “Hindi ka nag-order, Zen. Hindi ka kakain?” “Okay na ako sa ensaimada.” “Wow. Pahingi ako.” Natawa ako. “Isa lang ‘to. Huwag ka na makihati. May budget meal ka naman mamaya.” “Ay okay. Sayang!" may paghinayang na sabi ni Amlani. Mayamaya ay nagsidatingan na ang iba dala ang kanilang pagkain. Nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan na rin. Puro about naman sa exam. Kung paano ang kopyahan nila. ‘Yong kaninang may nakuhaan ng kodigo sa mga kaklase namin. “May mga awards sa graduation, ‘di ba? Nag-apply na kayo?” tanong ni Winston. “Hindi pa. Apply tayo!” tugon ni Amlani. “Applyan natin lahat,” nakangiting sabi ko. “Ay ‘di kami qualified sa lahat. Ikaw na lang beh. Go! Hakutin mo lahat ng award. Ay ‘wag pala lahat, magtira ka para sa amin,” sabi ni Ninita. “Okay na ako maging with honor sana,” sabi naman ni Winston. “Sana all makakaabot sa with honor,” sabi ni Chaskalyn. “Guys, I challenge you,” panimulang sabi ko. “Ano naman ‘yon, Zen?” tanong ng ilan sa kanila. “Pagbutihin n’yo ang exam at may projects na hindi n’yo pa napapasa. Kapag may honor tayo lahat, sagot ko lahat ng outing natin bago magpasukan. Same university naman ata papasukan natin, ‘di ba?” “Bago magpasukan, not after graduation?” tanong ni Maria. “Mas maganda ‘yon ‘no.” “O sige sige.” “Paano kapag ‘di kami makaabot? Wala kami laban,” sabi ni Nallia. “Kung ‘di man kayo with honors sa graduation, basta with honor kayo sa 4th Grading. Ask natin si Sir ‘yong results soon,” sabi ko. “Sige!” After namin kumain ay bumalik kami agad sa school para mag-fill up ng form para sa awards. Saktong time at naipasa na namin ang forms. * * * “Tapos na exam! Sa wakas! Yes! Uwian na!” sigaw ng mga kaklase ko. “Sshhh! Ang ingay n’yo! May nagkaklase pa!” pagsita sa amin ng adviser namin. “Sino marunong mag-compose sa inyo? Compose your graduation song, farewell song, and tribute song.” “Yay. Kaya ba namin ‘yan, sir?” tanong ni Roldan. “Kaya n’yo ‘yan. First time in our school history na own composition ng students ang makakanta sa graduation n’yo. I believe in you, kiddos.” “Okay po!” sambit namin. “Gawin n’yo na ‘yan ngayon. Tulungan kayo,” sabi ni sir saka lumabas na. Tumayo ako. “Ganito guys, let’s divide our class into three tapos bunutan tayo kung ano ang gagawin natin. Chaskalyn, gawa ka bunutan.” “Kaming boys na magkakasama,” sabi ni Ethan. “Kami naman magkakaibigan magkagrupo,” sabi ni Wenia. Apat lang sila pero kaya nila ‘yan. “Ah okay by friendship pala. Sige kami namang natira magkakasama. Paki-sali ‘yong wala pang group sa inyo kasi marami na kami sa grupo!” sabi ni Winston. Alam kong may inis na nararamdaman ito. “Ready na ang bunutan. Ethan, Wenia, at Winston, kayo na ang bumunot,” sabi ni Chaskalyn. Lumapit naman ang tatlo kay Chaskalyn at bumunot na sila. “Tribute song sa amin,” sabi ni Wenia. “Farewell sa amin,” sabi ni Ethan. “Graduation song ang atin,” sabi naman ni Winston. Pumalakpak ako. “Okay! Simulan na natin. May 1 hour and 30 minutes pa tayo bago dismissal.” Lumabas kami ng mga kaibigan ko at nagpunta sa may kubo ng school na katatapos lang gawin last week. “So guys, may naisip na kayo ilagay sa song natin?” excited na tanong ni Chaskalyn. “Pwede ba ‘to. Wait awitin ko. Don't laugh at my voice ah,” sabi ni Winston. “Sige, go beshy!” sabi namin. “This is the day of our graduation, all graduates await this celebration,” pag-awit niya. “Iyan lang kaya kong i-ambag.” “Maganda siya,” sabi ni Nash. “Pwede ‘yan sa first verse then pwedeng ito ang isunod... Another chapter comes to an end, but a new journey will soon begin.” Kinanta rin. Sana all singer. “Ayan may first verse na tayo! Sorry wala ako maaambag, taga-agree lang,” sabi ni Maria. “Take note ko na lang ‘yan sa phone,” sabi niya then tumawa. “May naisip ako for chorus!” sabi ni Chaskalyn. Mahilig din ‘to sa music kaya talagang may maiisip. “Sabihin mo na,” sabi ni Roldan. “Finally, this is the day we await all through the years of togetherness. We shall soar high to reach the skies above. Together hand and hand we’ll reach the top. And we will shout: a day of victory! This very moment we proudly say, we’ve achieved it.” “Okay siya. Ano gagawin natin verse, chorus, verse, gano’n ba?” tanong ko. “Let’s see. Create muna tayo possible lyrics then ikaw na mag-ayos,” sabi ni Nallia. “Bakit ako?" “Ito poem writer ka kaya, ZeZoCutie. Napa-download pa kami ng Wattpad dahil sa iyo e,” sabi ni Korina. “Oo na. Sige, ano pa naisip n’yo na lyrics?” Natahimik kaming lahat. Kaniya-kaniya kaming sulat sa papel. Kumuha kasi si Roldan kanina ng papel. Lahat kami nagsulat sa papel. “Tapos na kayo?” tanong ko. Nilapag namin ang nasulatan naming papel sa table. “Zen, bahala ka na rito.” Aba naman, nagsihanap na sila ng pwesto at sabay tutok sa phone. “Ay grabe kayo sa akin.” Kinuha ko na lang ang papel at binasa isa-isa ang mga sinulat nila. “Sa bahay ko na lang ayusin. Dismissal na rin naman. Sa Monday na lahat i-practice.” “Sige. Lagyan mo na rin tune with chords. May gitara ka naman,” sabi ni Winston. “Sure.” “Balik tayo sa classroom, may sasabihin daw si sir,” anunsyo ni Amlani. Bumalik na nga kami sa classroom. “May lyrics na ba kayong lahat?” “Kaunti lang sa amin, Sir,” sagot ng grupo ni Ethan. “Same here,” sabi ng grupo ni Wenia. “Kami rin, Sir,” sabi ni Winston. “Okay. Good. Next week ay start na ng practice n’yo kaya dapat okay na lahat ‘yan next week. With tune and such. Ayaw ko ng chucky na gawa. Gusto ko maganda.” “Ma-a-amaze ka, Sir!” sabi namin. “Talaga lang ha. Nga pala ‘yong mga hindi pa nagbabayad, magbayad na kayo.” “Next week na, Sir!” sabi ng ilan sa amin. “25 kayong ga-graduate dapat. Kaya ‘yong mga hindi pa nakapagpasa ng portfolio, magpasa na kayo.” “Yes, Sir!” “Maglinis kayong lahat. Don’t forget to segregate your garbage. Kayo parati ang hindi segregated ang mga basura. Mahiya kayo sa mga ading n’yo!” “Yes, Sir!” “Bye.” “Bye Sir! Ma-mi-miss ka namin!” Lumabas na si sir sa classroom namin. “Friday cleaners! Maglinis!” sigaw ni Anthony. “Sayo ata nagmana ‘yang si Anthony,” natatawang sabi ni Chaskalyn. “Bakit sa akin?” “Sumisigaw na rin siya.” “Naku naku. Tara na nga mag-segregate.” “Tayo na naman?” “Anong magagawa natin e masipag tayo?” “Fine.” Hinila namin ibang kaibigan namin at kami na ang nag-segregate. After namin ay naisipan namin na mag-barbeque. “Libre mo kami, Zen!” sabi ni Maria. “100 lang pera ko,” sabi ko naman. “Pwede ‘yan basta ako lang ilibre mo,” sabi naman ni Winston. “Magsitigil nga kayo. Inubos n’yo nga pera ko kahapon.” Tumawa lang sila at nagturuan kung sino ba raw ang may sala. Mga kaibigan ko talaga.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
15/11/2024
0good story
08/11/2024
0nice....😉😉😉
05/11/2024
0Tingnan Lahat