Homepage/A Date With the Whole Basketball Team/
Kyle and Bastiel
Chapter 54: Kyle and Bastiel
A Date With the Whole Basketball Team
by irshwndy
✦✧✦
THE FINAL CHAPTER
“Good morning, shark.”
Antok na antok pa ako at may hangover pa mula sa kakainom kagabi. May lalaking topless na naka-apron sa harapan ko at nagluluto. Nananaginip ba ‘ko?
I rubbed my eyes to confirm, but the guy is still there. He gave me a smirk and a plate filled with a fluffy omelette. It smelled super good kaya naman nagising na sa wakas ang diwa ko.
“B-Bastiel!”
Dito nga pala siya natulog sa’min dahil tumakas kami mula sa bahay nila. Hindi ko na masyadong maalala ang mga nangyari, pero medyo nanghihina ang mga hita ko kaya sigurado akong may nangyari sa’min last night. Namula ang buong mukha ko at napainom ako ng tubig nang ‘di oras.
“Here, this is a good cure for hangovers.” Inabutan niya ako ng isang bote ng Pocari.
“S-Si Mama?” tanong ko sa kanya.
"Umalis na siya. Nilutuan ko rin siya ng omelette." Bastiel tilted his head to point towards the empty plate in the sink.
“Nagluto ka ng naka-topless habang nandito ang mama ko?” I asked while gulping down the Pocari.
“Siya ang nag-request na mag-topless ako.”
Nadura ko bigla lahat ng ininom ko, pumasok pa ang ilan sa ilong ko. Si mama talaga! Kailangan ko yatang ingatan si Bastiel mula sa kanya!
“Sharky, it’s Sunday today. Are you free?”
I placed my chin on top of my palm and smiled cheekily. “Ooh, is this handsome topless man asking me out for a date?”
Pinisil niya ang ilong ko. “I’ll introduce you to someone.” Niligpit niya na ang pinagkainan ko at hinugasan ang mga gamit na pinggan sa lababo. Ang swerte ko naman ‘pag napangasawa ko si Bastiel.
Sino kaya ang ipapakilala niya sa’kin? Itinuloy ko na lamang ang pag-inom ng Pocari para mawala ang sakit ng ulo ko.
✦✧✦
Bumaba na kami mula sa Grab na sinakyan namin. Nasa Loyola Memorial Park kami, isang malawak na sementeryo. Doon ko na napagtanto na si Kyle ang bibisitahin namin. I was happy and nervous at the same time.
Hinawakan ni Bastiel ang kamay ko at ngumiti. “Don’t be nervous, I’m sure my brother will like you.” He led the way towards their mausoleum.
We offered Kyle a pot of flowers and some prayers. Dinasal ko na sana ay bantayan niya si Bastiel, at na hiniling na sana ay magkaayos na sila ng pamilya niya.
“Kuya, girlfriend ko nga pala.” Inakbayan ako ni Bastiel. “Medyo mabangis parang pating, pero mabait naman.”
Siniko ko siya agad. “Hindi po ‘yun totoo,” tanggi ko.
“Kuya, belated happy birthday.” Nag-iwan si Bastiel ng isang bola ng basketball na may pirma niya. “Pinangako mo sa’kin noon na ako ang unang-unang magkaka-fansign kapag naging MVP ka. Here I am, honoring that promise in your place. We made it, Kuya Kyle.”
Pinahiran ko ang ilang luhang nakatakas sa mga mata ko nang masaksihan ko ang moment nila Bastiel at ng kuya niya.
“Ano’ng ginagawa niyo rito?”
Nagulat kaming dalawa nang makarinig ng boses mula sa likuran namin. Paglingon ko, nandito rin pala ang mga magulang ni Bastiel para dalawin si Kyle.
Tumayo si Bastiel at humarap sa kanila. “Mom, Dad, sorry kung tumakas kami sa kaarawan ni kuya kahapon.
Lumapit ang nanay niya at dumiretso sa puntod. “Ako dapat ang humingi ng sorry. Unang una sa lahat, sa kuya mong si Kyle.” Hinawakan niya ang pangalan ni Kyle na nakaukit sa lapida. “Kyle, sorry for being a selfish mom. Pinagkait ko ang karapatan mong mamayapa sa langit sa pamamagitan ng pagpapanggap na buhay ka pa. I was a fool for disrespecting your peace. Limang taon na, ngunit hindi ko pa rin matanggap na wala ka na.”
Sumunod ang tatay nila at hinawakan ang mga balikat ng kanilang inang umiiyak. Their dad also said a few words. “It’s time for us to accept that you’re gone. Sana ay mapatawad mo kami, dahil ngayon lang kami naglamay para sa’yo, anak.” Nakita kong nanlulumo rin ang mga mata niya.
Nakasandal lang si Bastiel sa may pintuan ng mosoleyo. Nagulat siya nang hawakan ng nanay niya ang kanyang balikat. Ngunit lalo siyang nagulat sa sinabi nito sa kanya, “Bastiel...”
Hindi napigilan ni Bastiel ang pagtulo ng kanyang luha. This was the first time in years that his parents ever called him by his name. Kahit ako ay naluha nang marinig ang pangalang iyon mula sa mga magulang niya. Sa wakas ay natawag na rin siyang Bastiel ng kanyang pamilya.
“Anak, Bastiel, sana ay mapatawad mo rin kami.” Niyakap siya ng tatay niya. “We’re sorry for turning our backs on you for a long time. Mahal na mahal ka namin ng nanay mo, sana ay bigyan mo kami ng pagkakataon na iparamdam ito sa’yo.”
Bastiel cried and hugged his father back. Hindi na siya nakapagsalita sa sobrang pag-iyak.
I was also crying, but my heart is smiling for them. Nilingon ko ang puntod ni Kyle. Sigurado akong nakangiti rin siya sa langit ngayon, at nagpapasalamat sa regalong nasaksihan niya sa kaarawan niya.
“Well, dahil nandito na rin tayo. Would you like to introduce us to this lady?” His dad suddenly turned towards me.
“G-Good morning po!” Yumuko ako sa kanila. Napasinghap ako nang bigla akong yakapin ng nanay niya.
“Hija, maraming salamat. Pasensya ka na kung nasungitan ka namin kahapon. Pero pagkatapos ng mga pangyayari, I realized why my son loved you so much, and why he deserves someone like you.”
Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos ito nang marahan. “You had the guts that no one in our family had. The guts to shatter the lies and expose the truth. Wala kaming lakas ng loob na harapin ang katotohanan, at kinailangan namin ang tapang mo para lang magising.”
I blushed and looked at Bastiel. He was smiling at me, and I could tell that he was also proud. Nahiya ako bigla, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko bilang bida.
✦✧✦
Nagpaalam na sila sa’min. Napagdesisyunan namin ni Bastiel na mag-ikot muna sa Loyola. Umupo kami sa isa sa mga bench doon na nakapwesto sa ilalim ng puno.
“Uhm, Bastiel...” I was fidgeting with my fingers, trying to fight my shyness away. “May regalo rin ako para sa’yo. Akala ko kasi birthday mo talaga.”
“Huh?” Natawa siya bigla.
Inabot ko sa kanya ang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at bumungad ang isang makintab na perlas.
“It’s a real pearl, like the one you gave me.” Inilabas ko ang suot kong kuwintas na may perlas rin sa dulo mula sa kanya. “I realized that a pearl suits you perfectly, Bastiel.”
He gazed at the gift, and gazed at me next. “Cherry...”
I brushed away the few strands of hair hanging above his forehead. “Bastiel, you are like a pearl. You’ve been hiding inside a shell for a long time. Pero dahil doon, lalo kang naging matibay. Inside that shell, you were able to grow stronger and shape yourself into the person you are now.” Hinaplos ko ang kanyang pisngi pababa, papunta sa mga labi niya. “And now, that shell is wide open. People can finally see the precious Bastiel, shining bright and beautiful.”
Kinapa ng mga daliri ko ang malalambot niyang mga labi. “Alam mo ba kung ano ang kulay ng perlas, Bastiel?”
Umiling lang siya at ngumiti. “Tell me, Sharky.”
“It doesn’t have a single color. It is iridescent. It is a simple hue but it reflects all the different colors around it. Parang ikaw, akala mo walang emosyon. ‘Yun pala, punong puno ng kulay—kailangan lang pagmasdan mabuti para mapansin.”
He suddenly grabbed the back of my head and pulled me in for a kiss. Hinalikan niya ako nang marahan pero punong puno ng sari’t saring emosyon. I tasted his sadness, happiness, and his overwhelming love, all swirling together in a sweet kiss.
Pagkaalis ng mga labi niya, ngumiti siya sa’kin at nagtanong. “Hindi mo nga pala alam kung kailan birthday ko. Do you wanna know when?”
“Kailan!?” pasigaw kong tanong. I really wanna know.
He smiled and whispered in my ear, “When I went to your house for the first time and saw the bare-faced Sharky.”
A reddish blush appeared across my cheeks. ‘Yun rin ang gabi na una kaming nag-kiss.
“I did what I wanted to... because it’s my birthday. Kaya ako nagyayang pumunta sa inyo.” Ngumisi siya at sinundan ito ng hirit, “And I got what I wanted.” His fingers pulled my chin in for another kiss.
Here I am, blushing in a black dress, kissing the captain of the Green Giants in a cemetery. Sa lahat ng lugar, hindi ko aakalaing nakakakilig rin pala ang sementeryo. It’s all thanks to this dashing man across me. I swear he can make my heart beat like a non-stop drum anywhere.
“I love you, Sebastiel.”
“I love you, Sharky.”
#####
That was the last chapter of Date Series #1, “A Date With the Whole Basketball Team.” Antabay lang po kayo dahil may EPILOGUE pa pong lalabas! Kumbaga sa sine, may after credits pa haha. Isusulat ko na rin po ito agad mamaya kaya abangan niyo rin po. :)
Please SHARE, RECOMMEND, and SPREAD the wonderful story of Cherry and Bastiel to others! Feel free to post about it on Facebook, Twitter, or TikTok!
Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga SHARKIES na sumuporta! Don’t worry, mahaba pa naman po ang Date Series. Nasa “Drunk Date” din po ang Green Giants at magkakaroon sila ng kanya-kanyang stories and leading ladies. 💚
SEE YOU ON THE UPCOMING EPILOGUE!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (235)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this is awesome
12/05/2025
0very good
31/01/2025
0this is so buetiful book ever
19/11/2024
0Tingnan Lahat