Homepage/A Date With the Whole Basketball Team/
The Birthday Boy
Chapter 53: The Birthday Boy
A Date With the Whole Basketball Team
by irshwndy
✦✧✦
“And now, we welcome our birthday boy, Kyle André Razon!”
Lumabas si Bastiel sa entablado nang nakasuot ng puting amerikana. Lalong lumitaw ang kanyang kagwapuhan sa suot niyang damit. He’s wearing an all-white suit that complements his dark blue inner polo and black tie.
I don’t know if I’m just too in love with him, but he looked like an angel under that white spotlight being shone above him. He was mesmerizing.
“Happy birthday, Kyle!” sabay-sabay na bati ng mga imbitadong bisita.
Ngunit kitang kita sa mukha niya na hindi siya masaya. Nararamdaman kong pilit lamang ang ngiting pinapakita niya.
“Let’s welcome the birthday boy’s parents to the stage!” hiyaw ng host.
Nakita kong umakyat ang mga magulang ni Bastiel. Napakaganda ng kanyang ina at papasa pa bilang dalaga dahil sa kanyang makinis na kutis. Sobrang gwapo rin ng tatay niya, matangos ang ilong at matulis ang panga. Seeing them all three together is like watching a scene from a movie. Mukha silang mga mayayamang artista.
“My son Kyle has turned twenty today, and I couldn’t be more proud,” naiiyak na kwento ng kanyang ina. “Bata pa lang si Kyle ay napakahusay niya na sa iba’t ibang larangan. Maaga siyang natutong maglaro ng basketball. Pag-apak niya ng high school ay nag-aral na agad siyang magpiloto. Habang lumalaki ay lalo pa siyang gumagaling at tumatalino. He’s currently the rising MVP in the UAAP.”
Habang nagsasalita ang magulang niya, nakikita kong nakatikom ang mga kamay ni Bastiel at hindi siya makatingin nang diretso sa mga panauhin.
“Kyle, your late little brother Bastiel would have been so proud of you,” sambit ng kanyang ina.
Nanlaki ang mga mata ni Bastiel sa narinig niya. Napanganga siya at nakatulala lang sa nanay niya.
That’s it. I can’t take this bullshit anymore. Tumayo ako mula sa upuan at nag-martsa papunta sa entablado.
“Cherry! Sa’n ka pupunta?” tinatawag ako nila Anlex ngunit hindi ako nagpahinto.
Nagtinginan ang mga tao nang makita nila akong umaakyat sa hagdan, lalo na nang kunin ko ang mikropono mula sa host.
“Tama po ang inyong sinabi ma’am, napakahusay ni Kyle,” sabi ko sa mic. “Ngunit mahusay rin po ang inyong anak na si Bastiel. Sa sobrang husay niya, nagawa niyang mapaniwala ang lahat ng mga tao rito na siya si Kyle.”
Nagulat ang madla sa narinig nila. Nagsimula silang magtinginan at magbulungan.
“Who are you? What are you doing here?” galit na reklamo ng kanyang ina. “Guards, kunin niyo siya!”
May mga lumapit na guwardiya ngunit pinigilan sila ni Bastiel. “She’s my guest,” pirming sabi niya sa kanila.
Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy sa pag-anunsyo sa mikropono. “Narito kayong lahat dahil kaarawan ni Kyle. We’re all celebrating him for everything that he is done. And for that, I am sure that he is thankful from above.”
Panay tsismisan ng mga guests sa lamesa. Nakatulala ang mga magulang ni Bastiel at hindi makapaniwala.
“And I’m sure that Kyle is most thankful for having a brother like Sebastiel André Razon. A brother that gave up his own life in order to keep Kyle alive. Hindi si Bastiel ang namatay ngunit hininto niya ang kanyang sariling buhay, ang kanyang sariling mga pangarap... at alam niyo ba kung para kanino?” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Punong puno na ng galit at lungkot ang dibdib ko at ibinubuhos ko ang lahat sa mikropono. “Hindi para kay Kyle. Ginawa niya ‘to para sa inyo!”
Nakaharap ako ngayon sa mga magulang niya. Tinuro ko sila at sunod kong itinuro ang mga taong nanonood mula sa kanilang mga lamesa. “Nagsakripisyo si Bastiel para sa inyong lahat! Dahil si Kyle ang lagi niyong hinahanap. Si Kyle ang gusto niyong nasa entablado. Samantalang isang umiiyak na Bastiel ang nakatago sa anino ng kuya niya. Wala na si Kyle sa mundo ngunit hinahanap niyo pa rin siya sa katauhan ni Bastiel!”
Niyakap ako ni Bastiel mula sa likuran at kinuha ang mikropono mula sa’kin. “Maraming salamat sa pagdalo ng kaarawan ng kuya ko. Tapos na ‘kong magpanggap at maging artista sa harapan ninyo. The show is over!” Hinagis niya ang mic. A high-pitched sound came out from the microphone, signaling the end of the program.
Nagtayuan at naghiyawan ang mga Green Giants. Lahat sila ay nagbigay pugay para kay Bastiel.
“Wohoo! Captain namin ‘yan!”
“Mabuhay si Bastiel!”
“Ikaw ang idol namin, Bastiel!”
“Bastiel is the one and only captain of the Green Giants!”
Lahat ng mga tao sa lugar na iyon ay takang taka at hindi makapaniwala, samantalang kami lamang ng mga Green Giants ang tuwang tuwa at nagkakasiyahan. Hinahagis namin ang mga confetti sa ere.
Kinuha ni Bastiel ang kamay ko at bigla niya akong itinakas palayo mula sa stage. “Let’s go, Sharky!”
“S-Saan tayo pupunta?” Inangat ko ang dulo ng bestida ko para makatakbo nang maayos.
“Bye everyone! Bye, girls!” sigaw ni Tobin. Sumunod rin sila sa’min at tumakbo rin paalis.
“Thank you for coming to our show!” hiyaw naman ni Nikko habang kinakaway ang kanyang kamay at nagpapaalam.
“H-Hindi ko pa nakakain ‘yung nakahandang steak!” reklamo ni Anlex na hawak-hawak na ang kanyang pinggan at nakapila nang maaga sa catering. Inawat na siya ni Denz at hinatak na siya paalis.
Lumabas na kami at bumaba patungo sa limousine na sinakyan namin kanina.
“Manong, let’s go!” bilin ni Joon sa driver nang makasakay na kaming lahat.
Nagpatugtong nang malakas si Gin mula sa kanyang phone na ikinabit niya sa speakers. Tumugtong ang ‘Abcdefu’ ni Gayle.
“Hoy Baby Gin, playlist mo ‘yan?” gulat na tanong ni Anlex.
Ngumiti lang nang malaki si Gin sa kanya.
“Hahaha! Ibang klase kayo!” tawang tawa si Denz habang hinihingal mula sa kakatakbo. Nakahawak siya sa kanyang noo at tiyan sa sobrang pagod.
“Sobrang saya! Best birthday party ever!” hiyaw ni Joon at sabay labas ng bote ng champagne. Nakakupit pala siya mula sa party kanina bago umalis.
Binuksan nila ni Tobin ang champagne at tumapon ito sa loob ng kotse. Nagtawanan lang kaming lahat dahil basang basa si Anlex, siya ang sumalo lahat ng bumuhos na champagne.
“Cheers!” yaya ni Nikko sabay angat ng champagne glass na nakuha niya mula sa compartment ng sasakyan.
“Cheers!” sigaw naming lahat at nag-toast kami sa loob ng limousine.
Umandar na ito nang mabilis paalis. Lahat kami ay nagkakatuwaan at nagsasayawan. Gulat na gulat kami sa playlist ni Baby Gin.
“Sharky, thank you from saving me from that shit show.” Inakbayan ako ni Bastiel at inilapat niya ang noo niya sa noo ko.
“Sorry for ruining your brother’s birthday,” sabi ko sa kanya.
“Nope. I’m sure that this is what my brother wants,” nakangiting sagot sa’kin ni Bastiel. “Sigurado akong masaya siya para sa’kin. This is the best birthday gift for him, finally setting myself free.”
Nagulat ako nang hatakin ako ni Bastiel patayo. Binuksan niya ang sunroof ng limousine at inilabas namin ang mga katawan namin sa ibabaw ng kotse.
“Wohoo!” hiyaw ni Bastiel.
Malakas ang hangin dahil mabilis ang andar ng kotse. Nililipad ang buhok ko at nakakapit akong maigi sa sasakyan. Napatingin ako kay Bastiel na panay sigaw. I’ve never seen him so happy. My heart is smiling for him. Finally, he can be himself. He can shout and laugh all he wants. He no longer needs to hide, he can now express his real feelings out loud. And I’m so, so happy for him.
“Oy, umiiyak ba ang mga shark?” tanong niya sa’kin habang nakangisi.
Grabe, sobrang gwapo niya talaga. Katabi ko ngayon ‘yung mukhang artista kanina sa stage na nakasuot ng all-white americana.
Hinatak ko ang necktie niya at hinalikan siya. Hinahangin ang buhok naming parehas. The moment felt so surreal. Feeling ko ay nakipagtanan ako sa isang leading man. He cupped my cheeks and continued kissing me. I could taste the champagne from his mouth and I became intoxicated with the sweetness of his lips.
Kaming dalawa lang ang nakaangat ang mga katawan sa ibabaw ng sunroof kaya hindi kami nakikita ng mga Green Giants, ngunit sigurado akong alam nilang naghahalikan kami kaya panay kantyaw at hiyawan nila.
Niyakap ko siya at nilaliman ang halik namin. Hindi ko na alam kung nasaan kami. Sigurado rin akong kitang kita kami ng mga tao sa daan dahil nakalabas ang mga katawan namin, ngunit wala na akong pake. I don’t care about anything else, I only care about the man in front of me.
“I fucking love you, Sharky.”
“Kailangan ba talagang may ‘fucking’ na kasama?” natatawa kong sabi sa kanya.
Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “Gusto mo, mamaya?”
Namula ang tenga ko. Wala na akong nagawa, I’m helpless when it comes to Sebastiel André Razon.
“I fucking love you too, Bastiel.”
#####
SEE YOU NEXT CHAPTER.
Sobrang saya! Gusto ko ring maka-experience nang nakatayo sa ibabaw na bintana ng limousine hahaha. Huhuhu last chapter na po ang next update. Waaaah!
Pero may epilogue pa po pagkatapos no’n.
Huling kapit para sa final updates, Sharkies! Maraming maraming salamat sa mga sumuporta sa A Date With the Whole Basketball Team. One final chapter and one epilogue na lang po ang nalalabi.
Sana ay suportahan niyo rin po ang kasunod na istorya ng Date Series, ang “Drunk Date” na published na sa Wttpad kung saan si Joon ng Green Giants ang bida. :) Pagkatapos po noon ay love story naman ni _e_z ang nakaabang sa susunod na book hehehe. The story continues!
Lagi niyo pong i-check ang Facebook page ko (irshwndy) para po sa mga announcements.
SALAMAT, SHARKIES! I love you all! 💚 Makinig rin kayo sa abcdefu hahaha. Please SHARE and recommend this story to others too~!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (235)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this is awesome
12/05/2025
0very good
31/01/2025
0this is so buetiful book ever
19/11/2024
0Tingnan Lahat