Homepage/A Date With the Whole Basketball Team/
The Razons’ Residence
Chapter 52: The Razons’ Residence
A Date With the Whole Basketball Team
by irshwndy
✦✧✦
“Mag-ready ka, Cherry! Birthday ni Bastiel at may party sa kanila!”
Nagtaka ako kasi wala namang nabanggit sa’kin si Bastiel. Although knowing him, siya nga ‘yung type na ililihim ang birthday niya.
Tinanong ko sila kung anong oras ang party at ano dapat ang suotin. Napatayo ako sa kama nang sabihin nilang formal event raw ito.
“Ma! Emergency!” Nagtatatakbo agad ako pababa. “Kailangan ko ng formal dress!”
“Formal dress ba kamo? I got you!” Dinala ako ng mommy ko papunta sa kwarto niya at naglabas ng isang makalumang dress mula sa baul.
“Ma! Medyo old style na po ‘yan, hindi na po uso ‘yung may mga ganyang matataas na manggas.”
“Ako bahala, anak. Ikaw ang magiging pinakamaganda sa party ng jowa mo!”
Sabi ng nanay ko ay kumain lang daw ako at asikasuhin ang buhok at makeup ko. Nanood ako sa YouTube ng mga makeup tutorial. Napapabuntong-hininga ako dahil mukhang madali pero mahirap gawin kapag ikaw na ang gumagawa.
Halos sumuko na ako nang biglang nilabas ng nanay ko ang bestidang hawak niya kanina. Napanganga ako dahil sobrang ganda nito. Ginawa niyang modern ang kaninang makalumang bestida. Iniksian niya ang palda at tinanggal ang mga manggas.
“Ma! Ang ganda!” Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
“Anak, ito ang sinuot kong bestida noong nagkakilala kami ng tatay mo. Kaya napakaimportante nito sa’kin.” Habang sinasabi niya iyon ay inaayusan niya ako ng buhok. “Gusto kong suotin mo ito bilang pamana ko sa iyo.”
“Ma, ‘wag mo ‘kong paiyakin, masisira ang makeup ko!” Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko. Dinampi ng nanay ko ang tissue sa gilid ng mga mata ko para hindi ito kumalat. Ngumiti ako at niyakap siya ulit.
Maya-maya ay may bumisina na sa labas. Nagpaalam na ako sa nanay ko at nakita ang isang mahabang limousine na nakaabang sa may pintuan namin.
“I-Ito ba talaga ang sundo ko?”
Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko sila Anlex sa loob.
“Cherry chuchu, tara na!” yaya nila sa’kin.
Pag-upo ko sa loob, nagulat ako dahil sobrang luwag. Magkakaharap kaming pito, katabi ko si Anlex at Denz, tapos katapat naman namin sina Tobin, Joon, Gin, at Nikko. Nakasuot silang lahat ng mga tuxedo at amerikana. Lumilitaw lalo ang pagiging makisig nila.
“Welcom back, Joonie boy!” Ginulo ni Tobin ang buhok ni Joon.
“Hoy, kakalagay ko lang ng pomada, ‘wag mong guluhin!” reklamo ni Joon. “Cherry, nagbati na kami ni Bastiel. Humingi ako ng love advice sa kanya.”
Natuwa ako sa magandang balita ni Joon. Buti naman ay nagkaayos na sila.
“Humingi ka rin ba ng advice sa blue balls?” hirit ni Tobin.
“Gago!” sigaw sa kanya ni Joon at nagtawanan ang lahat.
“Mommy Cherry, ano pala ang regalo mo kay Daddy Bastiel?” tanong sa’kin ni Gin.
Ngumiti ako at hinawakan nang maigi ang bag ko. “Maliit na bagay lang,” nakangiti kong sagot.
“Ikaw Gin, anong regalo mo?” tanong ni Anlex habang tinatago ang sarili niyang regalo. Hindi ko alam kung ano ito pero napansin kong may malaki siyang box na dala.
“Teddy Bear!” Inilabas ni Gin ang regalo niya. “Teddy Bear na nakasuot ng jersey ng Green Giants!”
Napatitig kaming lahat kay Gin. Hindi namin siya magawang asarin dahil medyo sweet at nakaka-touch ang regalo niya. Narinig kong nagbubulungan ang mga Green Giants.
“Tol, talo tayo ni Baby Gin,” bulong ni Tobin
“Oo nga, ‘di ko inaasahang may point siya this time,” bulong naman ni Joon kay Tobin.
Itinago nila bigla ang mga regalo nila dahil nahiya sila sa regalo ni Baby Gin.
“Ikaw, Anlex, ano regalo mo?” excited na tanong ni Gin. “Parang malaki yata ‘yung kahon?”
“Hehehe!” proud na tawa ni Anlex habang kinakamot ang ilalim ng kanyang ilong. Iniharap niya ‘yung kanyang regalo at pinakita ang laman ng box. “Tada! Rice cooker!”
Bigla siyang pinagbabatukan ng mga Green Giants.
“Baliw! Regalo ‘yan ‘pag kinakasal!” sunggab ni Tobin.
“Oo nga! Birthday kasi ‘yung pupuntahan mo, hindi kasal!” dagdag naman ni Joon.
Tawa ako nang tawa sa kanila. Hindi pa rin sila nagbabago after all these months na nakilala ko sila. Masaya rin ako dahil nagbalik na si Joon at buo na ulit ang Green Giants.
“Ang yabang niyo, ah! Bakit ano ba’ng mga regalo niyo?” hamon sa kanila ni Anlex.
“Can’t we just go to the event quietly?” Naiinip na si Nikko.
“Hahaha! Masaya nga ito na kumpleto tayo,” nakangiting sabi ni Denz. Bigla siyang bumulong sa’kin dahil katabi ko lang siya. “Ikaw rin, kailangan mo nang masanay sa mga kaguluhan namin, lalo na ‘pag kinasal na kayo ni Bastiel.”
Namula ‘yung buong mukha ko. Humarap ako kay Denz at nakangiti lang siya sa’kin sabay kindat. Pati si Denz, hindi pa rin nagbabago!
“Ha! Wala ka sa regalo ko!” Parang batang niyabang ni Tobin. “Isang box ng condo—”
Dali-daling tinakpan ni Nikko ang dalawang tenga ko. “Hoy! Mahiya nga kayo, nandito si Cherry!” sigaw niya sa kanila.
Kinuha ni Joon ang kwelyo ni Tobin at hinatak palapit sa kanya. “Hoy! Parehas tayo ng regalo! Gaya-gaya ka!” At ayun na nga, nag-away na ‘yung dalawang bullies ng Green Giants. “Kaya mo pala ‘ko tinatanong no’ng isang araw kung ano regalo ko!”
Naging maingay ang buong biyahe namin papunta kina Bastiel. Kinalabit na lang ako bigla ni Denz at sinabing, “We’re here. Welcome to your future husband’s house.”
Tila nahulog sa sahig ang panga ko sa sobrang pagkamangha ko. Pagkabukas ng malaking gate ay isang hacienda ang bumungad sa amin. Dumaan kami sa isang mahabang kalye na may nakahilerang mga malalaking puno. Tila umabot pa yata ng sampung minuto bago ako nakakita ng bahay.
“Hindi pa ‘yan ang bahay nila,” biglang sabi ni Denz na tila nababasa ang nasa isip ko. “Bahay ‘yan ng mga helpers nila.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Sa mga kasambahay pa lang iyon? Ang laki na no’n ah!
Sa pinakadulo ng daan ay nakita ko na ang malaking mansyon nila Bastiel. May malalaking hagdan pataas bago makarating sa entrance. Matataas ang mga kisame at may mga matatangkad na mga haligi.
“B-Bahay ba talaga ‘to nila Bastiel? H-Hindi ba nila ‘to nirentahan lang na event space?” nanginginig kong tanong.
Ngumiti lang silang lahat sa’kin.
“Ayiee, kabado siya.” Tinutukso ako ni Anlex. “Ayiee, kinikilig siya.”
Kinurot ko ang tagiliran niya dahil sa sobrang kulit ni Anlex.
Bumaba na kami at inalalayan nila akong umakyat sa hagdan. Pagkarating namin ay nagtitinginan agad ang mga bisita. Of course, I’m with the whole basketball team of the Green Giants.
Nang tinitignan ko ang mga guests ay hindi ko mapigilang mamangha. May mga ilang kilalang artista at mga personalidad kasi na narito. Birthday ba talaga ‘to ng boyfriend ko, o Star Magic Ball ang napuntahan ko?
Umupo na kami sa isa sa mga lamesa doon. Dahil matalik na kaibigan ni Bastiel ang mga Green Giants, nakapwesto kami malapit sa stage.
Dumating na ang host at pinaunlakan niya ang mga bisita. Nagkaroon rin ng mga performance numbers sa stage. May mga sumayaw at nag-awitan na mga kilalang celebrities.
“Birthday ba talaga ‘to? Bakit para akong nasa concert?” bulong ko kay Baby Gin na natatawa sa sinabi ko.
Nagsalita na ulit ang host. “And now, we welcome our birthday boy, Kyle André Razon!”
Nagpalakpakan ang lahat, ngunit imbis na matuwa ay kumirot ang puso ko nang marinig ang pangalang Kyle André Razon. Nagtayuan ang mga bisita at naiwan akong nakaupo. Tila napako ang mga paa ko sa sahig.
That’s when I realized. Kaya pala hindi sinabi sa’kin ni Bastiel na birthday niya ngayon, dahil hindi niya ito kaarawan. Today is the birthday of his brother Kyle, not him.
xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx
Dundundun! We're down to our last chapters of A Date With the Whole Basketball Team huhuhu. Sa totoo lang, nakakalungkot kapag patapos na ang mga stories ko dahil enjoy talaga akong isulat sila at napapamahal na ako sa mga characters. Ngunit lahat ng mga libro ay may huling pahina. Less than five chapters na lang ang story ni Bastiel. Sana ay suportahan niyo po ito hanggang dulo! Marami pang mangyayari hanggang sa Epilogue. 💚
Pero 'wag kayong mag-alala, magbabalik ang Green Giants sa #DateSeries! Nauna nang ma-publish ang kwento ni Joon sa "Drunk Date" at nasa Chapter 5 na ito. Lalabas rin doon sila Papa Bastiel haha.
Salamat, Sharkies! LIKE my Facebook Page rin para updated sa mga announcements at mga tsismis. 😉 Hope you can recommend this story to others too~!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (235)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this is awesome
12/05/2025
0very good
31/01/2025
0this is so buetiful book ever
19/11/2024
0Tingnan Lahat