xx A Date w the whole BB team? I’m gonna DIE! by irshwndy Chapter 19 Sally Quirino.. Sally Quirino.. Sally Quirino.. My gosh! Nagriring ‘yung name niya sa utak ko kanina pang buong maghapon! Grrrrrr!!! *scratches head with both hands* Grabe parang kanta ni Bieber, nakaka LSS na nakakainis! Pagtingin ko sa baba, napansin kong nasulat ko na pala ‘yung pangalan niya sa buhangin.. wtf?? Ano ‘to inception!? ???: Cherry? OH EM! Nagmadali akong burahin ‘yung pangalan sa buhangin gamit ‘yung kamay ko, tumayo ako at pinagpag ng paa ko ang kung anomang naiwang bakas. Cherry: Y-Yes? *straightens up* Denz: Ano pang ginagawa mo dito sa beach? Gabi na. Lahat sila nasa loob na ng hotel. Cherry: uhh.. wala.. gusto ko lang magsenti.. Umupo na ulit ako at tumabi sa’kin si Denz. Ang sarap ng simoy ng hangin… ang sarap pakinggan ng pagbagsak ng mga alon sa dagat.. malamig pero masarap sa pakiramdam.. Marahan na hinahangin ang buhok ko, this is the perfect scenery of peace and calmness. Malamig ang paligid pero nagulat ako ng biglang may mainit na kamay na dumampi sa kamay ko. Cherry: D-Denz? Hindi ko alam kung bakit pero bumilis ‘yung tibok ng puso ko sa sudden contact. Hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko. Denz: Wow.. ganito pala ‘yung feeling na may maka holding hands :) Cherry: H-Huh? Eh andami mo nang naging girlfriend ah! Denz: Ewan ko ba, iba ‘yung feeling na binibigay mo sa’kin Cherry. Cherry: O////O;;; Denz.. ano bang ginagawa mo.. tinutunaw mo ang puso ko! T^T Denz: Does it bother you? Cherry: Uhmm.. slight? Pero ayos lang. Denz: After all.. this whole thing is a date, right? I’m just collecting my share ;) Cherry: *blushes* Napangiti na lang ako. Oo nga may point siya. Hindi ako dapat nalulungkot. Maraming mishap na nangyari, unang araw pa lang, dahil kay Custard tapos nalunod pa ‘ko. Ngayong 2nd day wala akong ginawa kundi magmukmok sa nalaman ko kay Kyle. We’re on vacation, dapat nagpapakasaya ako at ineenjoy ko ang beach! *Tok!* Cherry: Aw! Biglang my tumamang beach ball sa ulo ko. Tumayo ako habang hawak ‘yung tinamaang parte sa ulo ko. Cherry: Oy! Ansaket nun ah! >O< Joke lang ‘yun kasi di naman talaga masakit matamaan ng beach ball, pero pagdilat ko nagulat ako. Kyle: Hinahanap na kayo sa hotel. Kanina pa nag-aalala si Joon. My heart raced. Naka poker face lang si Kyle. Denz: (tumayo na rin) Bro, ‘di mo ba nakikita na nagmomoment kami ni Cherry? Istorbo ka, you know? :p Kyle: Wala akong paki bukas niyo na lang ituloy ‘yan. Inutusan lang ako ni Joon na tawagin kayo. Hmph! Sungit talaga neto! >.< Denz: Tsk tsk tsk. As always, Kyle… Nakangiti si Denz na hindi ko maintindihan. Denz: Tara na, miss? Humarap sa’kin si Denz at inalalayan ako Cherry: O-Okay.. Nauna na kaming naglakad. Paglingon ko, nakita kong kinuha ni Kyle ‘yung beach ball at after a while naglakad na rin. Denz: Sinumpa ata ako Huh? Bumalik ‘yung tingin ko kay Denz. Denz: Wala wala, forget it ^__^ … In my room… Hindi pa rin ako makatulog. Kahit nasa kabilang dulo sila parang naririnig ko ‘yung mga hilik at hinga nila. Ang sasarap ng mga tulog nila, buti pa sila =__= Cherry: ASDFGHJKL… ‘di pa rin ako mapakali! I remember Denz telling me that Kyle had an ex, siya kaya ‘yun? Grabe ang daming pumapasok sa isip ko. Huhuhu. . . . Cherry: Lord, bat ansakit? … ???: Morninngggg!!!! Hindi pa ‘ko nakakatulog nang maayos.. pinili kong ‘di pansinin ‘yung naririnig ko. Cherry: Zzzz ???: Carpe diem!! Sieze the day!!! Cherry: shaddap.. Zzzzz.. ???: Another day is another chance! Let’s help the poor! Huh? San galing ‘yun?? Cherry: antok pa me… Umalog ‘yung mundo ko at naramdaman kong may lumundag sa kama. ???: Cherry!!!! Gising naaaaa! Medyo dinilat ko halfway ‘yung mga mata ko. May seven figures akong nakita na nakaikot sa paligid ko. Cherry: gimmeabreak.. zzzz.. Niko: Cherry Pie Pikachu! BANGON NA! Tobin: Cherry ano ba! Itutulog mo lang ba ‘yung last day natin dito sa beach!? Cherry: *covers ears with pillow* Anlex: Oo nga! ‘Di pa tapos ‘yung date!! Cherry: nakikipagdate pa ko sa kama ko… zzzz.. Gin: Y-You’re so unfair!! T__T A-Akala ko ba may deal tayo?? Niko: Tahan na Baby Gin.. *pats his back* Zzzz.. ‘di pa ‘ko gigising.. may ‘di pa ‘ko naririnig.. Joon: Cherry, madami akong hinandang fun activities para sa last day natin!! Denz: Haha, no need to rush our princess. Sleeping beauty is still taking her rest.. Anlex: Baka need niya ng kiss from Prince Anlex!! ^3^ Kulang pa… zzzzz.. Cherry: (nakaabang ‘yung tenga) Kyle: Kung ayaw niya pa gumising, mauna na tayo. Ipa-escort na lang natin siya sa mga katulong ni Joon kung nasan tayo. Cherry: (sabay bangon) San ba tayo guys today? ^o^ Boys: Hooray! Bumangon na din si Cherry!! Grr!! Nakakainiz ka talaga Kylester! … Umiikot ‘yung paningin ko.. Isa.. dalawa.. apat.. may pitong katawan na lumulutang kasama ng mga piraso ng speedboat.. Sinubukan kong alalahanin ang nangyare.. Si Anlex ang nagdrive.. nagkakasiyahan.. Biglang nagkagulo.. pumalpak ‘yung makina.. May malaking bato sa daan.. Ayaw huminto.. Tumalon kaming lahat.. Pagsabog.. Dahan dahang sumara ang mga mata ko… Bakit puro na lang trahedya ang nangyayari.. . . Napapagod na ‘ko… xx SEE YOU NEXT CHAPTER -irshwndy
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
this is awesome
12/05/2025
0very good
31/01/2025
0this is so buetiful book ever
19/11/2024
0Tingnan Lahat