Homepage/2 hot to handle/
Kabanata Limampu't-isa
Isang taon na ang lumipas simula ng umalis sila. I miss him, so much. Gaya ng sinabi niya ay wala akong natanggap na kahit anong message mula sa kanila. I always check his personal accounts pero wala namang bago doon. He's a private person kaya naman wala kang makikita sa mga accounts niya.
"Aj!" sigaw ni Ade mula sa labas.
Tumayo na ako saka nag-asikaso ng sarili, weekends ngayon pero mamaya pa ako uuwi sa bahay. May research kasi ako na kailangang tapusin dahil defense na namin sa lunes. Hindi ko pa masyadong na-a-aral ang research namin!
"Where's fur?" tanong ko kay Ade ng makalabas ako ng kwarto, nginuso nito kung nasaan si Fur, gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita si Fur kasama si Boo, fur's husband.
"May lumabas ng isa," sabi ni Ade sa akin, nanlaki ang mata ko at naglakad palapit kay Fur, mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ang una niyang baby.
"Ang cute!" gigil na sabi ko.
"Ilan kaya anak niyan?" tanong ni Alfred sa akin, ngumiwi ako sa kanya. "Huwag kang mag-alala, reserve na ang isa sa'yo." sabi ko, mahina naman siyang natawa.
"Goods iyan,"
Halos lahat sila ay humihingi ng anak ni Fur, hindi ko pa naman alam kung ilan ang magiging anak niya, sana ay madami. Ganon naman manganak ang mga aso 'di ba? Madami.
"Try to pet her," sabi ni Ade sa akin.
"Hindi kaya mangagat?" tanong ko, baka kasi mangagat siya e, nanganganak kaya siya.
"Hindi no, amo ka niyan, Aj."
Dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa ulo niya, napangiti ako ng hindi man lang ito nag react. Hinawakan ko si boo na nasa harapan ko, himala at hindi siya maingay ngayon a.
"You can do this, fur." mahinang sabi ko sa kanya, tatlong puppies na ang lumabas at tingin ko ay meron pa.
"Hala, ang kyut!"
"Huwag kang maingay, Ade!" saway ko sa kanya.
"Ayy, baket?" Hindi ko na lang siya pinansin, mas maganda pang pagtuunan ng pansin ang asong nasa harapan ko.
"Omo, lima anak niya!" sambit ko sa kanila.
"Akin isa!" sabi ni Ade, agad akong ngumiwi sa kanya. "Hindi ka naman marunong mag-alaga!" sabi ko sw kanya.
"Anak namin ni Kian, ba't ba?" ismid na tanong nito sa akin.
"Ayy, broke si Kian?" tanong ni Alfred sa kanya, mahina akong natawa ng makita ang pikon na itsura ni Ade, binato ni Ade ang unan kay Alfred na muntikan ng tumama kay fur kaya tinaliman ko siya ng tingin.
"Basta akin isa," aniya sabay tayo, naglakad ito papunta sa kusina.
Inasikaso si fur, nilipat ko sila sa mas komportableng pwesto. Ang mahal ng bili ko sa hinihigaan nila ngayon a dapat lang na dito sila ilagay. Maayos na nilagay ko ang mga puppies niya para makadede sa kanya, napangiti ako ng lapitan ni Boo si Fur. Ang sweet lang.
"Kanino mo ibibigay ang mga iyan?" tanong ni Ade sa akin, tumabi ako ng upo sa kanya. Katatapos lang magluto ni Alfred pero hindi ko alam kung nasaan na naman siya. Lagi na lang kasi siyang umaalis kahit na weekend.
"Dalawa ang ipamimigay ko," sabi ko sa kanya.
"Kanino nga?" ulit na tanong nito.
"Kay Seb ang isa pati kay Aivan naman ang isa,"
"Kila Trish?" Umiling ako. "May aso na kaya sila," sagot ko.
"Sabagay,"
Pagkatapos kong kumain ay pinakain ko naman ang dalawa. Ang tamlay ng mga mata ni Fur, halatang pagod. Marahan kong hinaplos ang ulo niya saka kinuhanan sila ng litrato, nilagay ko sa IG story ko ang picture nila.
"Congrats, fur!" ang naka caption.
Ilang minuto lang ay may mga nag reply na sa IG story ko.
@Avn
Hoy, nasaan akin diyan?
@JadeGnzls
Wala.
Natawa ako ng mahina ng i angry react niya ang message ko.
@Avn
Apakadamot. Sumbong kita diyan e.
Napangiwi ako sa reply niya. Hindi niya nga makausap, sumbong pa kaya?
@JadeGnzls
Ha ha ha
Pati sila Seb at Rachel ay nag reply sa story ko. Napailing na lang ako, gusto nila ng isa pero alam ko naman na ibibigay ni Alfred sa kanya ang aso na ibibigay ko.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nag-i-scroll sa conversation namin. Ngumiti ako ng mapait, binasa ko ang huling message niya sa akin.
@AndresS
Happy birthday, babe. Words can't decide how much I love you, and now... I fucking miss you. The memories that we create is so much mean to me. I know that someday...we will create more memories together.
I love you.
Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin. Pinunasan ko ang pisngi ko ng maramdaman kong tumulo ang luha doon. I shake my head para pigilan ang luha ko, no, don't cry, Jade. Don't cry again.
But, I miss him...so bad.
Inayos ko ang sarili ko saka tumayo. Napatingin ako kay Fur ng tumahol ito, umupo ulit ako at marahan na hinaplos ang kanyang ulo.
"Did you miss him?" tanong ko sa kanya, ngumiti ako ng mapait. "He missed you too, Fur."
Hindi naging madali ang mga araw na lumilipas. Nasanay akong narito siya sa tabi ko, kasama siya o nakakausap siya. Pero ngayon, gusto kong ilibre ang sarili ko dahil nakayanan kong magpatuloy sa buhay simula ng umalis siya.
The pain and the struggle. Lahat ng iyan ay nalampasan ko kahit alam kong ilang beses na akong sumubok na bumigay.
Hinawakan ko ang kwintas na nasa leeg ko, it's been 3 years simula ng ibigay niya sa akin ito. Kamusta na kaya siya? Is he thinking about me? Is he miss me? Kasi ako, sobra ko siyang miss.
Sinandal ko ang katawan ko sa upuan saka inunat ang dalawang kamay. Ngumisi sa akin si Rachel kaya sinimangutan ko siya.
"Congrats," aniya, mas lalo lang ako sumimangot sa kanya.
"Tantanan mo ako,"
Mahina itong natawa, umayos ako ng upo at inumpisahan ng ayusin ang gamit ko. Pumunta sa harapan ko si Seb, inangatan ko siya ng kilay.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"Wala bang libre diyan?" mahina akong natawa saka umiling. "Ako ba dapat ang manlibre, Seb? Ikaw kaya dapat." sambit ko.
"Oo tama, ikaw dapat." sabi ni Dominique sa kanya.
"Ayan, pagtutulungan nyo na naman ako?" nakaangat kilay na tanong nito sa amin.
"Arte mo," sabi ni Rachel, mabilis na tumakbo palabas si Rachel ng habulin siya ni Seb, natatawang sinundan namin siya ng tingin.
"Parang hindi mga graduating e," umiiling na sabi ni Marvin habang nakatingin sa dalawa na naghahabulan pa rin. Wala namang prof kaya dito lang sila sa room nagtatakbuhan.
"Hindi ako makapaniwala, we're already a 4th year. Tatlong araw na lang at gra-graduate na tayo," sabi ni Marvin sa amin, tumigil na ang dalawa sa habulan. Hinihingal silang umupo sa upuan nila.
"Ano'ng drama na naman iyan, Marvin?" tanong ni Rachel sa kanya.
"Kahit kailan basag trip ka," irap matang sabi ni Marvin sa kanya.
"Para kayong hindi graduating students, mga isip bata e." sabi naman ni Seb.
"Sino kaya 'yong nakikipaghabulan kanina? Sige, sinong mas bata sa atin?" ani Marvin sa kanya.
"Tara na nga," aya ko sa kanila.
Katatapos lang ng practice namin for our graduation ceremony. Ang bilis ng panahon, we're going to graduate na, parang no'ng kailan lang ay gusto na naming sumuko dahil sa kursong kinuha namin. Hindi madali ang marketing a! Kailangan mo talaga mag decide ng mabuti, kailangan marami kang baon na ideya for the strategies.
Napagdesisyonan naming kumain sa UP town para mas malapit. Sasakyan ni Dominique ang gamit namin papunta sa UP town, maayos niyang pinarada ito saka pumasok kami sa isang restaurant.
"Ito na ata ang huli nating punta rito," sabi ni Seb ng makaupo siya. Nakaramdam ako ng lungkot, sa tuwing stress kami sa research ay dito kami laging tumatambay.
"Hindi no! Kahit may work na tayo need pa rin natin mag hang-out no," sabi ni Rachel sa amin.
"Tama," pag sang ayon ko.
"E, may mag-i-ibang bansa dito e," sabi ni Seb sabay tingin kay Dominique na nasa tabi ko.
"Marami pang pagkakataon, Seb." sagot nito.
"Bakit kasi binusted mo? Ayan tuloy at pupunta ng ibang bansa," binato ko ang tissue na nahawakan ko sa pagmumukha ni Marvin, malakas na tumawa ito. Malakas pa rin talaga siya na mang-asar.
Dominique tried to court me pero agad akong tumanggi sa kanya. I tell him the real reason, hindi siya 'yong tipo ng lalaki na ipipilit sng sarili kahit alam niyang walang kasiguraduhan kong may inaantay ba ako. Instead, he helps me. Isa siya sa mga tumulong sa akin sa muling pagbabalik loob ko sa pag-aaral.
"Alam mo namang masyadong loyal ang Aj natin," sabi naman ni Seb, tinaliman ko siya ng tingin pero balewala lang iyon sa kanya.
"Tigilan nyo nga si Aj, buti nga si Dominique nakita na niya ang kanyang love of my life e," singit ni Rachel. Agad naman namin tinukso si Dominique na ngayon ay namumula na.
"Well, it's all thanks to, Aj." sabi ni Seb.
"Small things," sambit ko. Agad naman nila akong kinantyawan.
After graduation ay pupunta ng UK si Dominique para sa kanyang trabaho, may business doon ang kanyang tatay. Ang sabi naman niya sa amin ay babalik siya rito sa pilipinas, maybe 1-2 years lang siyang mananatili doon.
"Nakakamiss college days," maya-maya ay sabi ni Seb, bakit ba ang tagal dumating ng order namin? Nagsisimula na naman silang mag drama e.
"Truth, 'yong muntikan ng pagbagsak ni Aj dahil walang Andres sa piling niya," ngumiwi ako sa sinabi ni Rachel.
"Hoy, hindi ako pabagsak a." depensa ko.
"Sus, dalawang absent na lang ay bagsak ka na, baka nga ay third year ka kung sakali."
Muli kong naalala 'yong mga araw na iyon. Simula ng umalis sila Andres ay naging malungkot na ang buhay ko, hindi ko lang matanggap na sa mismong birthday ko ay umalis siya. Kinabukasan non ay umaasa akonh makakatanggap ng mensahe sa kanya pero wala, isang mensahe lang pero mismong birthday ko niya si-nend sa akin. After that, wala na. Wala na silang paramdam.
Kahit papaano naman ay nangangamusta si Tasha, pero hindi ito agad nakakasagot sa mga DM's ko dahil masyado siyang busy. I heard na magkakaroon siya ng sariling boutique sa Spain. Are they staying there for good? Akala ko ba good for 5 years lang? Gustuhin ko mang tanungin siya tungkol sa kakambal pero nahihiya ako, wala naman kasi siyang sinasabi sa akin. Baka mapahiya lang ako kapag nagkataon.
Muntik ko nang mapabayaan ang pag-aaral ko ng hindi ko namamalayan. It's because I miss him, so bad. Pero sa tulong ng mga taong nasa paligid ko ay nakaya ko. Nakayanan ko.
"Pero 'wag ka, summa cum laude iyan." sabi ni Marvin sa kanya, nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ano ba' yan! Bakit niya pa inopen ang topic na iyan.
"Oo nga, and because of that. You're going to treat us," sabi ni Rachel, nilapag na ng waiter ang mga pagkain na inorder namin.
"Rich naman si daddy kaya hindi ka na broke," sabi pa ni Rachel.
"Oo na," sagot ko.
Kakain na sana ako ng maramdaman kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko na muna ito, isang mensahe ang natanggap ko mula kay Adelaida.
Adelaida:
Hoy, nasaan ka? Susunduin ba kita?
Ako:
Nasa UP town ako, oo pasundo ako please. Walang mag uuwi sa akin.
Adelaida:
Mag commute ka gaga.
Mahina akong natawa sa reply niya. Tinago ko na ito at hindi na siya ni replyan. Nag umpisa na kaming kumain, kumaway ako kay Andres ng makitang pumasok ito. Agad siyang lumapit sa amin at umupo sa tabi ni Rachel.
"Eto, ang tagal nyo na pero kinikilig pa din," pang-aasar ni Seb kay Rachel, namumula na naman kasi ang pisngi nito.
"Pake mo ba? Atleast sa'kin may nagpapakilig, kamusta ka naman?" boom!
Humawak sa dibdib niya si Seb, kunyaring nasasaktan. "Wow, sapol te a." maarteng sabi nito, kinalabit ako nito, "Wala daw nagpapakilig sa'yo." sabi nito sa akin, sumimangot ako sa kanila ng marinig ko ang tawanan nila.
"Ako na naman trip nyo, hindi ko kayo ilibre diyan e." sambit ko, agad naman akong niyakap ni Rachel.
"Sorry te, pasmado lang."inirapan ko si Seb.
Wala kaming ginawa kun'di ang magtawanan sa mesa, dumating din si Ade kasama si Kian. Dagdag na naman sa ililibre ko, kuripot pa naman ito si Ade.
" Bakit nandito ka?"tanong ni Seb kay Ade.
" Bakit? Pag mamay-ari mo ba ito?" balik tanong ni Ade sa kanya.
" La? Masama bang magtanong, huh?"
" Paano, 'yong isa kasi diyan. May sasakyan naman nagpapasundo pa din,"pagpaparinig ni Ade, alam ko naman na ako ang pinariringgan niya.
" May sinasabi ka, Adelaida?" tanong ko sa kanya.
" Pinapabulok mo lang 'yong sasakyan mo sa bahay nyo, mag-aral ka na kasi!"
Niregaluhan ako ni papa ng sasakyan last year, pero hindi naman nagagamit dahil hindi ako marunong na magamaneho. Nag-aral naman ako for 6 months pero hindi ko talaga magawang i drive kapag nasa highway, kahit sa subdivision lang ay hindi ko pa magawa.
"Paano, mat inaantay siya---
Tinaliman ko ng tingin si Alfred, alam ko na sasabihin nito e. Papansin! Ngumisi ito sa akin saka uminom ng tubig.
" Wala pa akong time,"sagot ko.
" Walang time, ayaw mo lang talaga,"irap matang sabi nito sa akin.
Nagtagal pa kami sa restaurant bago nag desisyon na umuwi na. After graduation ay balak namin pumunta sa boracay, dahil alam kong magiging busy na sila sa pag hahanap ng trabaho.
" Oy, 'yong boracay a, ituloy natin." sabi ni Seb sa amin, siya lang ang sasabay sa sasakyan ni Dominique, susunduin kasi ni Marvin si Tanya.
"Buti na lang at hindi pa nauwi si Maybeline, solo ko pa si Dominique." nagtawanan kami sa sinabi ni Seb.
"Maghanap ka na kasi ng susundo sa'yo," sabi ko sa kanya.
"Kung marunong kang magmaneho edi ikaw na lang sumundo sa akin,"
"I'm busy." agad na sagot ko, ngumisi naman ito sa akin.
"Parang sa'yo may nagsusundo a," sabi ni Ade sa akin.
"Oo nga," pag sang ayon naman ni Rachel, here we go again. Dapat talaga ay tinikom ko na lang ang bibig ko.
"Ikaw,"
"Tsh, pinagbigyan lang kita." inirapan ko na lang siya.
May sariling sasakyan na rin si Alfred, galing kay papa, last year lang din niregalo sa kanya. Ang galante ng tatay ko, ano? Namimigay lang ng sasakyan.
"See you, bukas."
Kumaway ako sa kanila bago sumakay sa sasakyan ni Ade, dahil narito si Kian ay sa likod ako sumakay.
"Daan tayo sa mall," sabi ni Ade.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Nagkaroon ng problema sa delivery ng mga damit," sabi ni Kian sa akin, bahagyang umawang ang bibig ko.
"Bakit daw?"
"Kaya nga dadanaan e," sungit a!
Mabilis lang ang byahe kaya agad kaming nakarating sa mall kung saan nakatayo ang boutique ni Adelaida, after two years of struggling ay naging successful ang boutique niya. Kahit na nag-aaral pa lang siya ay talagang pinush niya ito. Kian is a businessman, kaya naman mas natulungan niya si Ade sa pagmamanage ng business niya.
"Good afternoon, ma'am." bati sa amin ng staff, ngumiti ako sa kanya.
"Where's layla?" tanong agad ni Ade sa kanya.
"Nasa opisina po,"
"Dito muna ako," sabi ko sa kanila, mukang importante ang pag uusapan nila.
"Sige, pumasok ka na lang sa loob." sabi ni Ade sa akin, tumango ako sa kanya.
Nag ikot-ikot ako sa loob ng boutique ni Ade, malaki ang boutique niya at ang lahat ng damit na naka display dito ay design niya. This is her own brand. Hindi pa man ganoon kakilala ay kahit papaano ay may bumibili na.
"How's the sale?" tanong ko kay Lana.
"Ayos naman ma'am, nagkaproblema lang po sa delivery."
"Bakit daw?"tanong ko.
"Hindi daw po nakarating agad 'yong mga items sa isang reseller. Kaya nagrereklamo po iyong reseller kila madam." sagot nito.
Bakit naman kaya?
"Ganoon ba?" tanong ko, tumango ito sa akin. Nawala ang atensyon niya sa akin ng may customer na dumating. Nagpaalam ako sa kanila na papasok ako sa loob ng opisina.
"What happened?" tanong ko sa kanila, umupo ako sa isang single sofa. Mga blangko ang ekspresyon ng mukha nila.
"Someone's copying my design." seryosong sabi ni Ade sa akin.
"What?" takang tanong ko.
"May dumating na mga items sa reseller, nakatanggap kami ng reklamo dahil kulang daw ang pinadala. Pero, bigla daw may dumating pa na delivery at iyon ay galing sa boutique."
"Paanong nangyari?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
Nagkibit balikat si Ade sa akin, "Hindi ko alam."
"Damn!" she cursed. "Ang hirap mag isip ng mga design a, ta's gagayahin lang." frustrate na sabi nito. I understand her, para lang sa pag-iisip ng strategy, nakakagigil kapag may gumaya.
"Report it, Ade." sambit ko sa kanya.
"I'm already working on that," sabi ni Kian sa akin, tumango ako.
"Someone is jealous, may ideya ka ba kung sino?" tanong ko sa kanya.
Marahang umiling si Ade sa akin at tila nag-iisip.
"Wala naman," aniya.
"The worst case, Ade. The owner of those clothes ay CEO ng isang malaking kompanyan dito sa pilipinas. She's selling clothes din and nabasa ko dito ay, she loves stealing someone's design at ibebenta ng mas mura."sabi ni Kian.
Tinignan ko si Ade, may bahid na galit na sa itsura nito. Paanong nagiging success ang mga ganoong tao? She's copying someone's design, hindi ba't nakakahiya iyon?
"It's Trinidad Company." isang basag ng baso ang narinig namin ng tumayo si Ade at nagmadaling lumabas ng opisina.
"Yari na!" sabi ni Kian at nagmadali itong sundan ang girlfriend.
Napahawak ako sa sentido ko, mukang magpapasundo ako nito sa driver ni daddy.
"Layla," tawag ko kay Layla, agad naman itong lumapit sa akin.
"Yes madam?"
"That Trinidad company, maliban sa mga damit, ano pang business nila?" tanong ko.
"Meron po silang sariling private resort sa batangas, pero ang alam ko po ay nag-invest lang sila doon. Meron din---
" Email all their business to me."putol ko sa sasabihin niya.
"P--po?"nagtatakang tanong ni Layla sa akin.
Tumayo ako at nagpagpag ng damit." You know my email right?" tumango siya sa akin. Ngumisi ako." All the information about Trinidad Company ay ibigay mo sa akin. "
" Yes madam," mabilis na sagot nito.
" Good, aantayin ko a."
Naglakad na ako palabas ng opisina, wala na ang dalawa kaya wala na akong nagawa kun'di tawagan ang driver ni papa.
" Yes po ma'am?"
" Papasundo po ako," sambit ko, binanggit ko sa kanya kung nasaan ako.
"Otw na po,"
"Ok, ingat."
Pumunta na muna ako sa milktea shop para mag uwi kila mama. Sana lang ay nasa bahay sila mama para hindi masayang ang pasalubong ko sa kanila.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (555)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
mahilig akong mgbasa ng mga novela like horror lang...napunta lang ako dito dahil sa scary... OMG...SOBRANG GANDA...AT ISA PANG OMG...super duper ganda...❤️❤️ keep it up po..🙏
26/01/2022
0more more more 📣 sa sobrang ganda tinapos ko na agad ng 2 araw yung 28 chapters 😆 thank you so much author! ♥️
15/01/2022
0this story give butterflies in my stomach owemji icant forget this, i reallyy love it... <3
06/01/2022
0Tingnan Lahat