logo text

It’s Do or Die, Baby

#####Chapter 50: It’s Do or Die, Baby

Trapped in a Candy
written by irshwndy

Chapter Fifty

**


Hindi pa rin umaalis si Jump doon sa table kahit mga sampung minuto nang nakaalis si Baste.
“Grrr. Bakit nandito pa rin siya, wala naman na si Baste ah! Balak niya bang mag-stay!?” inis na reklamo ko kay Rum.
Maya-maya lang ay tumayo na si Jump, pero hindi upang umuwi dahil dala-dala niya ‘yung baso niya na may lamang alak. Huh? Saan kaya siya pupunta? Lumayo na siya mula sa lamesa niya at naglakad.
Laking gulat ko dahil bigla siyang umupo sa lamesa namin ni Rum!
He crossed his legs and spoke, “Ano, may napala ba kayo sa pagpunta rito?”
“Yikes!” Parehas kaming nagulat ni Rum.
“P-Paano mo nalamang nandito kami?” nauutal kong tanong sa kanya.
Nagbuntong-hininga muna siya bago sumagot, “I can smell your perfume all the way across the table.”
Hinila ko naman ‘yung blouse ko at inamoy ito. Medyo malakas nga!
“P-Paano mo nakilala ‘yung pabango ko!? Pervert ka talaga!”
“I already slept with you. Of course I can recognize your perfume,” he smirked.
“Kyaaah!” Biglang napatili at nagtakip ng tenga si Rum sa narinig niya.
“Hoy, Rum! Magkatabi lang kaming matulog at walang nangyari. Don’t get the wrong idea!” Hinila ko ‘yung collar niya. Madilim ‘yung lugar pero kitang kita ‘yung pamumula ng mukha ko.
“Anyway, I’m sure you heard it,” bigkas ni Jump, “Sa Eastdeck Mall sa Sabado. Charm will be there tulad ng sabi ni Baste.”
Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Jump. Kinuha ko ‘yung kamay niya at tumingin nang diretso sa mga mata niya.
“W-What are you doing!?” he asked while blushing, “Magpo-propose ka ba sa’kin?”
“Jump... please let me go with you on Saturday! I need to see Charm.” I looked at him with eyes full of resolve.
He sighed and answered, “Fine. Tutal hindi rin naman kita napigilan ngayong gabi. I’m sure hindi ka rin magpapapigil sa Sabado.”
“Yehey!” I swung my arms up and rejoiced, “Salamat, Jump!”
I was grinning, but I suddenly remembered that I did go against his wishes.
“S-Sorry, Jump...” Yumuko ako at nakonsensya bigla.
Nagulat ako dahil ngumiti siya sa akin.
“H-Hindi ka galit?” nagtataka kong tanong sa kanya.
He placed his hand on top of my head and gave me a light pat, “Sino’ng magagalit kung ganito kasaya ‘yung babae sa harap mo?”
Tila tumigil saglit ‘yung mundo namin for about five seconds nang biglang nagsalita si Rum, “Uhm... una na po ba ako? Hirap maging third wheel eh.”
Saka lang namin napansin ni Jump na magkalapit na pala masyado ang mga katawan namin kaya lumayo agad kami sa isa’t isa.
Nagpasya na kaming umuwi. Si Jump ay nakasakay sa motor samantalang kasama ko sa kotse si Rum.
“Miss Fammie, sure ka bang dito mo gustong sumakay? Ayaw mo bang sumabay kay Jump?”
“Hindi na.” Lumingon ako kay Rum, “Uy, salamat ha. Sinamahan mo ako.”
“Syempre basta ikaw, Miss Fammie! Ano, magkaka-raise na ba ako?” asar niya, “Akala ko magiging action-packed itong gabi eh. Hindi ko alam na ihahatid ko lang pala kayo sa date hehe.”
Napangiti ako sa sinabi ni Rum. Hinawakan ko ‘yung dibdib ko at inihanda ang sarili ko.
Because I’m sure... that Saturday will be different. That’s where the action begins.
**
Dumating na ang Sabado. Lahat kami ay nandito sa Devon at nagbabasta. Ang mga Devon Squad ay naghahanda na at inaayos ang iba’t ibang mga baril nila.
Kinakabitan ako ng bulletproof vest ni Mita nang bigla siyang nagsalita, “Ready ka na ba, anak?”
I faced my mom, “Actually Ma, kinakabahan po ako. Hindi mapakali ‘yung dibdib ko. ‘Di rin po ako nakatulog nang maayos kagabi.”
My mom smiled and gave me something from her pocket, “Dalhin mo ito, baka makatulong magpakalma sa isipan mo. Nakita ko rin ito sa kwarto ni Charm sa WSC.”
Tinignan ko ‘yung binigay niya sa’kin at nagulat ako. Hawak-hawak ko ngayon ang litrato namin ni Charm na kinunan namin sa school. Isa itong selfie shot at si Charm ang may hawak ng camera. Magkadikit na magkadikit ang mukha naming dalawa at nakabelat kaming parehas.
Napangiti ako nang makita ito. At tulad ng sabi ng mama ko, nawala ‘yung kaba sa dibdib ko. “Nasa kwarto po ito ni Charm?”
Itinali na ni Mita ‘yung vest ko at hinawakan niya ang mga balikat ko, “Yup. Isa ‘yan sa mga nakatago sa drawer niya, kasama ‘yung sulat ni Jump.”
Inayos niya rin ang buhok ko na may kasamang paglalambing ng isang ina, “Feeling ko, Charm was really conflicted that time. Pinag-isipan niyang maigi siguro kung ibibigay niya ba ‘yung tunay na sulat sa’yo.”
Inipit ni mama ‘yung naligaw na hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko, “She may be part of Crossed Bones, but she’s still your friend. ‘Yan ang sinabi mo noong isang araw, hindi ba?”
Ngumiti ako at niyakap ko si Mita nang mahigpit, “Thank you, Mama! I’m feeling more confident and calm now.”
Sumakay na ang mga Devon Squad sa mga kotse nila. Si Mita ay sumabay sa sasakyan ni Tequila.
“Yahoo! Let’s go, Devon!”
“Time to fight some motherfuckers!”
“Bring it on!”
Naghihiyawan sa saya at halatang excited ang mga taga-Devon. Mukhang matagal-tagal rin noong huli silang sumabak sa aksyon.
Nakaupo ako sa passenger’s seat at hinihintay ang driver ko. Teka, sino nga ba’ng sasabayan ko?
I heard the opening of the car door and he sat on the driver’s seat. Ipinasok na niya ‘yung susi at pinagana ang makina ng kotse. I felt my heart igniting along with the engine’s ignition.
“‘Wag kang masyadong kabahan,” sabi sa’kin ng driver ko, “I’m here to protect you.”
His words made my face blush for a bit and I smiled, “Thanks, Jump.”
Lumingon siya sa akin at ngumiti pabalik, “After all, I’m your bodyguard. Always remember that.”
Pinaandar na niya ‘yung sasakyan at kasunod lang namin sa likuran ang mga kotse ng mga taga-Devon. I have to admit, I’m getting a little excited as well.
Jump opened his car window and raised his fist upwards, signaling the others to do their best on the upcoming fight. He then shouted from the top of his lungs, and it was the first time that I saw him filled with so much energy—I swear he was on fire.
.
.
.
“It’s do or die, baby!”
xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx
Hi, Softies! Donchuwori I’m writing the next update na rin!
I just wanted to end this chapter with a happy and pumped up feeling bago sumabak sa bakbakan! Kahit ako, excited na rin. Feeling ko kasama ako sa eksena eh hahaha.
Let's save the world by voting 5 Stars for Trapped in a Candy!
Nasa ikalimampung kabanata na tayo, mga Softies!
Suportahan niyo ang Trapped in a Candy kapag naging libro, ha? Aayusin ko ‘yung format into a formal novel when that time comes + special chapter. Pero syempre, need ko muna ma-complete ‘yung story hahaha.
Hindi po ito announcement ah haha, this is irshwndy manifesting~! Please manifest with me! Magkakalibro tayo soon, Softies! CLAIM IT!
Facebook Page: irshwndy

Komento sa Aklat (411)

  • avatar
    guntanjuliane sagaoinit

    ang ganda ng story di lang more lovelife kundi marami ka din matututunan about friendship at iba pa the best ka author iloveyouuu na first story ko itong binasa dito sa apps na ito labyahh na talaga

    08/01/2022

      0
  • avatar
    RuizJocel

    the story is nice, i miss reading story like this and to the author please do more story like this, with the unexpected twist and revelations thank youu. ❤️

    23/10/2021

      1
  • avatar
    SebastianKatelyn

    building

    24/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata