Weakness

Trapped in a Candy
Chapter Forty-Nine
**
Dahil wala pa ring motor si Jump, nag-commute ulit kami papunta sa Devon Studios. Pag-uusapan namin ang mga susunod na hakbang para sa misyon.
Kumpleto kami ngayon na nasa meeting room, at handang mag-report sa mga naipon naming impormasyon.
Si Mita ang naunang nagbahagi ng mga nalaman niya, “I searched through Charm’s old room in WSC.”
Lahat kami ay nakikinig sa kanya.
“Ayon sa mga nakasulat sa kalendaryo niya, mukhang once a week ay hindi siya umuuwi sa WSC. Ito ay every Thursday, kaya maaari nating i-consider na ito ang araw na siya ay bumabalik upang mag-report sa Crossed Bones.”
Nagtinginan kaming mga nasa kwarto. Malaki nga ang posibilidad na totoo ang sinabi ni Mita. Every Thursday... naaalala ko nga ang mga panahon na laging nagmamadaling umuwi si Charm galing klase tuwing Huwebes.
Charm...
“Nalaman ko rin na isa siyang fan ng One Direction! Hehehe!” habol ni Mita.
Uhm, Mama... Mahal kita pero sana ‘yung mga importantent info na lang ang i-share natin. =_=”
“We’ll go next.” Tumayo si Jump at pumunta sa harap. “We discovered that Charm has been with Crossed Bones ever since she was an infant. And she was raised by someone I know named Sebastian Geronimo.”
“Gaano mo siya kakilala, Jump?” tanong ni Martini.
“He... was the one who raised me too.” sagot ni Jump, “Kaya I know the person very well. Mahilig siyang tumambay sa isang bar na alam ko gabi-gabi. Balak ko siyang puntahan doon mamaya.”
“S-Sama ako!” sigaw ko sabay tayo mula sa upuan.
“Nope, you’re not going.” sagot ni Jump habang hindi nakatingin sa akin.
“Why not!?”
“It’s too dangerous. Parte ng Crossed Bones si Baste.”
“I want to go. I’ll go with you.” diin ko sa kanya.
“No. You’ll stay in your house.”
“I’ll go!”
“You won’t!”
“I will!”
“No!”
Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko at tinitigan niya ako sa mga mata.
“We’re not going at some mall to go shopping, Softy. We’re going straight to the enemy’s territory. It’s not a place for someone like you.”
Binitawan niya na ako sabay alis dun sa kwarto.
Napahawak ako sa braso ko, medyo mahapdi ito dahil sa diin ng pagkakahawak ni Jump kanina.
Natahimik na lamang ang lahat ng mga nandoon na nakasaksi sa pangyayari.
Bakit hindi ba ako kayang pagkatiwalaan ni Jump...?
Unti-unti nang nahulog ang mga luha ko.
Lumapit sa akin ang nanay ko at niyakap ako, “Tahan na anak... I’m sure Jump is just concerned for your safety.”
“Fammie, ‘wag ka nang umiyak!” sigaw ni Tequila.
“Oo nga! Hindi namin bati si Jump dahil pinaiyak ka niya!” hirit ni Whisky.
“Saan ba nagpunta ang Jump na ‘yan!? Gugulpihin ko mamaya. Pinaiyak ba naman ang Fammie namin!?” dagdag ni Scotch.
Pagkasabi nun ni Scotch ay naglabasan silang lahat para habulin si Jump. Natira na lamang sa kwarto ay si Mita at ako.
“Hey, maybe this can make you smile.” Biglang may inabot sa akin si Mita na sulat.
Binuklat ko ito at nagulat sa nakita ko.
"Softy, kung binabasa mo na 'to ngayon, malamang naibigay na sa’yo ni Charm ang sulat na 'to. Uhm... Paano ba 'to? Hindi ako magaling sa mga ganito eh.
Kaya pasalamat ka, ikaw ang kauna-unahang binigyan ko ng sulat! Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa’yo. Tulad ng sinabi ko sa’yo, gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Gusto kong malaman ang mga sagot sa mga gumugulo sa utak ko. Gusto kong mahanap kung ano ba talaga ang purpose ko sa buhay.
At kapag nahanap ko na ang sarili ko, babalikan kita. Sa panahong 'yon, isang mas malakas at mas handang Jump na ang makakaharap mo. Kaya na kitang ipagtanggol... at higit sa lahat, karapatdapat na ako sa pagmamahal mo.
Pero gusto kong magpasalamat sa lahat ng pag-aalaga mo sa’kin. Magaling na ako ngayon. Magkita tayo sa Sherwood. Sa Friday. 6pm. Magpapaalam ako nang maayos. Sige ‘yun lang.
From: Jump
P.S. Kahit ano'ng mangyari, SOFTY ka pa rin :P"
Naramdaman ko ‘yung sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.
I looked at my mom and asked, “Ma, is this...?”
“Nakita ko ‘yan habang naghahanap sa kwarto ni Charm.” sabi sa akin ng nanay ko, “Looks like this was Jump’s real letter to you.”
Pinahiran ko ‘yung mga luha ko gamit ang likuran ng kamay ko. Itinupi ko na ang sulat at itinago sa bulsa ko.
“I think Jump really cares for you, sweetie. Have faith in him.” Niyakap ulit ako ng nanay ko.
**
Dumating na ang gabi ng pag-alis ni Jump papunta kay Baste. Narito pa rin ako sa Devon Studios kasama ng mga Devon squad.
May tiwala ako kay Jump. I know he only got mad earlier because he was concerned for me. Pero... concerned rin ako para sa kanya.
‘Yung last time na pumunta siya sa Crossed Bones, ay ‘yung nahuli kaming dalawa. Nagpaiwan siya at matagal siyang hindi nakabalik. I don’t want that to happen. I don’t ever want to lose Jump again.
“Rum...” Tinawag ko si Rum na kasama ko ngayon at naglilinis sa lounge area.
“Y-Yes, Miss Fammie?”
“Paalis pa lang si Jump ‘di ba?”
“Opo.”
“Let’s follow him.”
“WHAT!?” Bigla niyang nahulog ‘yung hawak niyang mop.
“Sshhhh! Quiet ka lang! Tayo lang dapat ang makakaalam na susundan natin siya.”
“Pero Miss Fammie—”
“It’s an order.” I looked at him with eyes that are full of determination.
“O-Okay po. Sige Miss Fammie. Sundan natin si Jump.”
Lumabas kaming dalawa at sumakay ng kotse. Naabutan namin si Jump na kakasakay pa lamang ng motor.
Teka, nagnakaw na naman siya! Grrr. Pagkatapos nitong misyong ‘to, ipapasoli ko ‘yan sa kanya!
Sinundan na namin si Jump at napunta kami sa isang suspicious-looking na red light district.
“B-Bakit tayo nasa red light district!? Hahanapin ba talaga ni Jump si Baste o naghahanap ba siya ng aliw!?” Kinukurot ko nang maigi si Rum dahil sa inis at selos.
“M-M-Miss Fammie, kalma lang po kayo. M-M-Masakit po kayong mangurot!” iyak ni Rum.
“Marunong ka rin namang makipaglaban kung sakaling may mangyari ‘di ba?”
Hindi siya nakasagot agad.
“R-Rum?” bigla tuloy akong kinabahan sa kanya.
“Ang totoo po niyan Miss Fammie, ako ang pinakabago sa Devon Squad. Kakapasok ko lang sa WSC mga three months ago. Hehehe.”
“H-Hehehe!” tawa ko pabalik habang ninenerbyos.
“Hahahahaha!” tumawa na lang kaming dalawa nang malakas dahil wala na rin kaming magagawa. Narito na kami, at parehas kaming mga softy! “OTL
“Miss Fammie! Ayun, pumasok si Jump sa isang bar!”
“T-Tara, sundan natin siya!”
Pagpasok namin, maraming mga strippers na sumasayaw. Umupo na si Jump sa isa sa mga lamesa at nag-order ng alcohol.
“Grrrrrr! Kapag walang lumitaw na Baste, lagot ka talaga sa akin Jump!!!” bulong ko kay Rum.
“Look, Miss Fammie!”
May dumating na matandang lalake sa may lamesa ni Jump.
“Well, look who’s here. If it isn’t the most wanted Trap Xanders.” sabi niya.
“Hah. Hindi ka pa rin nagbabago, Baste. Suki ka pa rin sa club na ‘to.”
“Of course! Narito ang mga pinakaseksing babae. At bakit ka nandito, sa mismong table ko?”
“I know that this is your favorite table. Lagi mong sinasabi sa akin noon kapag dinadala mo ko rito na this seat has the best view.”
Katabi ng lamesang iyon ang catwalk ng mga stripper. May dumaang babae doon sa stage at sumayaw sa pole. Kitang kita nga ni Jump at Baste ang performance niya nang malapitan.
Medyo nanuyot ‘yung lalamunan ko habang pinapanood ‘yung stripper na sumayaw. Naalala ko na isa nga palang womanizer si Jump, at mahilig siya sa mga seksing babae.
Lumingon ako kay Jump, at nagulat ako dahil hindi man lang siya nakatingin doon sa sumasayaw na babae. Umiinom lang siya ng alcohol at nakaharap kay Baste.
Totoo ba ito? Si Jump, hindi pinapansin ‘yung babaeng sumasayaw malapit sa kanya?
“Miss Fammie? Kanina lang galit na galit ka. Bakit tila kumalma na po kayo ngayon?” ngiti ni Rum.
“SH-SHUT UP!” sagot ko pabalik habang namumula.
Nagpatuloy lang kami sa pakikinig sa usapan nila. Nakaupo kami sa lamesang malapit sa kanila. Nakasuot kaming dalawa ng malaking trench coat para hindi kami mamukhaan.
Nagsalita na ulit ‘yung matandang lalake, “Why are you not enjoying the show, Trap?”
“I came here to ask you something.” sabi sa kanya ni Jump.
Pinagmasdan ni Jump ang buong paligid ng club. Nagtago kaming maigi ni Rum para hindi kami makita.
“You don’t need to be so cautious. Mag-isa lang ako rito.” sabi sa kanya nung lalake, “And I have no interest in bringing you back to Crossed Bones. Ang tanging role ko lamang ay magpalaki ng mga kriminal, capturing runaways is not part of my job.”
“May kilala kang Charm, hindi ba? College student around the age of nineteen.”
“Of course, I raised that young lady.” Uminom ng isang shot ‘yung lalake at nagpatuloy sa sinasabi niya, “By the way... why are you asking about another girl? Kinalimutan mo na ba si Carmen?”
Biglang kumirot ‘yung dibdib ko nang banggitin ‘yung pangalang Carmen.
Naalala ko bigla ‘yung time na naghalikan sila ni Jump sa harapan ko. Pati ‘yung journal ni Leon kung saan nakasulat kung gaano ka-importante si Carmen kay Jump ay naalala ko rin.
“Miss Fammie? Okay lang po ba kayo?” tanong sa akin ni Rum. Napansin niya atang medyo nalungkot ako bigla.
Jump filled another glass before answering the guy, “I’m not here to ask about Carmen. Si Charm ang tinatanong ko.”
“Siya ba ang dahilan kaya ka nagbago?” ngumiti ‘yung lalake sabay inom ng alak, “You’ve changed, Trap. You look... more calm and at peace. Dati, lagi kang nakasimangot at punong puno ng galit ang puso mo. Ngayon, tila ba may dahilan ka na para maging masaya ulit sa buhay.”
Uminom ulit si Jump ng isa pang shot.
“Is there a girl behind your sudden change?”
Nasamid bigla si Jump, “Accck! I’m the one asking questions, Baste! D-Don’t turn the tables on me!”
“Ahahahaha! My bad, hindi ka pa rin pala nagbabago. Hahahaha!”
Hindi ko alam kung bakit pero medyo napapangiti ako habang nakikinig sa kanila. Why do I get the feeling that this Sebastian Geronimo might actually be a good guy?
“Nakabalik na ulit si Charm sa Crossed Bones after niyang maging spy sa WSC. If you want to catch her, try visiting the Eastdeck Mall this Saturday. She has a mission there.”
“W-Why are you helping me?” Jump asked with a confused look on his face.
“Tulad ng sabi ko kanina, my only job is to raise kids. You were my kid, Jump. And you were one of my favorites.” Pagkasabi nun ni Baste, ay sinalinan niya ng alak si Jump. “I remember you taking care of me from time to time. Kapag may sakit ako o nasa panganib, ikaw lagi ang dumarating para tulungan ako.”
Niyaya ni Baste si Jump na makipag-toast sa kanya. Jump took the other glass and clinked it against the old guy’s glass, then the two of them drank together.
Nagpatuloy ulit si Baste sa pagkwento, “The other kids only see me as a trainer. But you... You treated me like your father.”
“Wala naman akong ibang choice, eh.” biro ni Jump.
“Be careful, kid. The new guys are extremely skilled.” paalala sa kanya ni Baste.
“Did you forget how good I am?” pagyayabang ni Jump.
“I know you’re good at fighting. But like what I said, you’re different now.”
“Huh?” Nagtaka si Jump.
“Now... you have a weakness.” Nag-iwan na ng bayad si Baste at umalis na sa club.
Naiwang nakatulala si Jump doon sa lamesa.
Jump has a weakness? Ano kaya iyon?
“You’re wrong, Baste...” Narinig kong bumulong si Jump, “She’s not a weakness.”
.
.
.
“She’s the one who gives me strength.”
xx irshwndy’s corner xx
Kyaaah. Subtle kilig ‘yarn!?
Please give 5 STARS for this Chapter~!
Tips are highly appreciated huhu labyu.
Please LIKE my Facebook page, “irshwndy” for memes and fun posts!
See you on the next chapter, Softies!

Komento sa Aklat (411)

  • avatar
    guntanjuliane sagaoinit

    ang ganda ng story di lang more lovelife kundi marami ka din matututunan about friendship at iba pa the best ka author iloveyouuu na first story ko itong binasa dito sa apps na ito labyahh na talaga

    08/01/2022

      0
  • avatar
    RuizJocel

    the story is nice, i miss reading story like this and to the author please do more story like this, with the unexpected twist and revelations thank youu. ❤️

    23/10/2021

      1
  • avatar
    SebastianKatelyn

    building

    24/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata