Homepage/Trapped in a Candy/
Clingy
Trapped in a Candy
written by irshwndy
Chapter Forty-Eight
#####
“Oh siya, Jump! Mauna na ako. Baka hanapin na ako ng teacher dahil masyado na akong matagal na nasa cr.” nagpaalam na ako kay Jump.
“Ano naman ang problema kung matagal kang nasa cr? Tch. Mas marami ka pa ngang natututunan sa akin dito kaysa doon sa classroom niyo.” mayabang na pagsagot ni Jump.
“Che! Baka akala nila nag-number two ako! Balik na ako!”
“Wait!”
Tila huminto ‘yung mundo ko sa sunod na ginawa ni Jump. Hinawakan niya ang kamay ko, ANG KAMAY KO, at pinigilan akong umalis.
“W-What now?” nahihiya kong sabi.
Hinawakan niya lang ‘yung kamay ko. Inangat niya ito malapit sa mukha niya at tinitigan.
“W-What are you doing, Jump?” I stuttered while blushing.
I don’t know what he is up to, but this is making me melt!
“Nothing.” His thumb started caressing my hand slowly, “Even your hands are too... softy.”
“Bwiset. Makaalis na nga! Hmph!”
Binawi ko ‘yung kamay ko at tumakbo na ako paalis doon para itago ‘yung namumulang mukha ko. Baka mag-burst na lang bigla ‘yung puso ko kapag nag-stay pa ako sa kwartong ‘yon kasama ni Jump.
Na-excite ako sa nalaman namin dahil kahit papaano ay may mga bago kaming impormasyon ngayon at may patutunguhan na ang misyon namin.
Also, is it just me? Or is Jump being a little clingy lately? Hinawakan niya ‘yung kamay ko just now! Waaah~! Kinikilig si me!
.
.
.
“Miss Fernandez, ano’ng nangyari sa CR at nakangiti ka nang ganyan?” hirit ng teacher namin pagkabalik ko sa classroom.
“W-Wala naman, ma’am! Success lang! Hehehe.” Nagtawanan tuloy ang mga classmates ko. Kaasar!
** ** **
JUMP’S POINT OF VIEW
Pagkaalis ni Softy, ibinalik ko na ‘yung folder ni Charm sa shelf. Tinitigan ko ‘yung kamay ko na humawak kanina sa kamay niya. Gamit ‘yung kabila kong kamay, sinukat ko ‘yung difference ng size ng kamay niya sa kamay ko.
“Hmmm. As expected, napakaliit ng kamay niya! Hahaha! What a Softy!”
Isinuksok ko ‘yung kamay ko sa bulsa at kinapa ‘yung nakatago rito.
“Mukhang sakto naman at kasyang kasya lang ito.”
Kinuha ko ‘yung singsing na lagi lang nakalagay sa bulsa ng pantalon ko. Ito ‘yung singsing na binili ko dati nung naghiwalay kami ni Softy. ‘Yung singsing na pinag-ipunan ko gamit ang sarili kong pera simula nung nawala ako sa WSC.
“I guess this ring would fit her cute tiny finger just right.” I smiled.
“Kapag natapos na ang lahat ng kaguluhang ito, I’ll do my best to make you mine. I’ll make you happy.”
Tumambay lang ako sa labas ng school habang hinihintay na matapos ang klase ni Softy. Ano ba ‘yan, ang tagal naman!
Nag-send ako sa kanya ng text, “Hoy Softy, lumabas ka na.”
Nakakuha naman agad ako ng reply sa kanya, “I can’t just leave class! May apat na subjects pa!”
Hays. Apat na subjects pa!? Ibig sabihin, mga tatlo hanggang apat na oras pa ang hihintayin ko? What the hell. I’m not used to waiting. This is killing me!
Girls don’t make me wait! I’m the one they always wait for!
Nilabas ko ulit ‘yung phone ko at nag-send ulit ng text, “Tapos na?”
Nag-reply naman siya ulit agad, “Gosh, Jump! Five minutes pa lang ang lumilipas!”
Sinagot ko ‘yung text niya, “Ano bang mga subjects ‘yan? Ako na lang magtuturo sa’yo.”
Sumagot naman siya, “Let me study my class in peace! Stop texting!”
Naisip ko naman siyang asarin bigla kaya nag-text ulit ako, “Sus. Ikaw diyan ang panay text habang nagkaklase. You just can’t stop thinking about me. You can’t resist my charm.”
Napangiti ako dahil excited ako sa ire-reply ni Softy. For sure kinilig ‘yun sa akin. Hehehe. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Ang cute siguro ng reaction sa mukha niya ngayon! Iniisip ko pa lang, natutuwa na ako.
Hmmm? Lumipas na ang sampung minuto pero wala pa rin siyang reply.
Aba! I-seenzone ba raw ako!? Hoy, Softy! No one dares to NOT text back to Jump! Every girl is dying for me to message them, tapos ini-ignore mo lang ako!?
Hmph! Akala ba ng Softy na ‘yan cute siya? Well... Okay, fine. She is cute. Stupid but cute. -_-
Tinext ko ulit siya, “HOOOOOOY.”
Tumunog ‘yung cellphone ko at nagmadali akong tignan kung ano ang sagot niya, “Isa pang text, iba-block na kita.”
Nag-type naman agad ako sa phone, “Bilisan mo na sa klase—”
Kaso napatigil ako bago ko i-send. Kaya ba talaga akong i-block ni Softy? Magagawa niya ba talaga ‘yun sa akin?
Kinabahan ako bigla at binura ko ‘yung message ko. Hindi ko na muna siya tinext.
Kaasar! Bakit ba ako natataranta diyan sa Softy na ‘yan! She’s just an... average girl! Napakaraming mas sexy at mas maganda na any time ay ready ibigay ang sarili nila sa akin. Tapos siya, kung maka-threaten na iba-block niya raw ako!? Ha! As if!
Kinuha ko ulit ‘yung phone at nag-type ulit ng message. Biglang lumabas sa utak ko ‘yung mga scenario na hindi ko na mako-contact si Softy kapag naka-block ako.
Kapag kailangan niya ng magsusundo sa kanya, imbis na ako ay si Leon ang tatawagan niya.
Kapag naghahanap siya ng sasama sa kanya kapag namimili siya sa mall, baka ‘yung mga kumag sa Devon ang i-message niya.
Natakot ulit ako at hindi ko ulit tinuloy 'yung message.
.
.
.
That’s it. I have failed myself as Jump. Ang lalaking pinagkakandarapaan ng mga babae. Ngayon ay takot na ma-block ng isang Softy. TT_TT
** ** **
BACK TO FAMMIE’S POINT OF VIEW
Finally, natapos na ang klase. Tinignan ko ‘yung phone ko. Aba, himala. Natakot ata sa threat ko kaya hindi na nag-text ang kumag.
Bumaba na ako at pinuntahan siya sa may gate.
“Jump! I’m here!”
Huh? Nakakapagtaka dahil hindi siya lumilingon. Hmm? May problema ba?
Lumapit ako sa kanya at tinignan ‘yung mukha niya. Nakatulala siya at tila wala sa malay.
“Jump?” Kinaway-kaway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya.
“S-Softy?” Dahan-dahan siyang lumingon sa akin.
“SOOOFTYYYYY!!! I’m so fcking glad you’re now here! Akala ko hindi ka na lalabas!” TToTT
Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap out of nowhere! Mukhang matagal nga yata siyang naghihintay na makauwi ako.
Ramdam na ramdam ko ‘yung hardness ng muscles niya. Nakasubsob ‘yung mukha ko sa chest niya. ‘Yung strong arms niya, nakapulupot sa katawan ko. Waaah! Ang sherep. Mami, help!
Na-realize ata ni Jump ‘yung ginawa niya kaya binitawan niya agad ako at lumayo sa akin.
He cleared his throat, “Ehem. I mean, buti nandiyan ka na. Kanina pa kita hinihintay! Mahal ang bayad sa oras ko, tapos sinasayang mo lang!”
Bumalik na ulit siya sa pagiging jerk niya. =_=”
“I was STUDYING, Jump! I wasn’t flirting, okay!?” inis kong sabi sa kanya, “‘Wag ka ngang magselos sa lessons!”
“S-Selos!? Who, ako? Sa gwapo kong ‘to, magseselos ako? Excuse me!” todo-deny na sabi ni Jump.
Figure of speech lang naman ‘yung sinabi ko, hindi ko akalain na ililiteral niya. =_=”
Maya-maya ay bigla siyang nagtanong, “B-Bakit... marami bang lalake sa k-klase mo...?”
Namumula ‘yung mukha niya at hindi makatingin. Napabuntong hininga na lang ako. This stupid jerk can really be childish at times.
“‘Wag kang mag-alala. Sa lessons ako naka-focus, saka dun sa lalakeng panay text sa phone ko.”
Pagkasabi ko sa kanya nun ay dire-diretso akong naglakad paalis.
Iniwan ko siya na nakatunganga doon sa may entrance.
‘Yung mukha naming dalawa, parehas na namumula dahil dun sa sinabi ko.
“H-Hoy, Softy! Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo! When you said na 'yung panay text sa phone mo, do you mean...?”
“Huh? Wala akong sinasabing ganun! Guni-guni mo lang ‘yun! Tara na!”
.
.
.
Buti nasa bungad ako at nauunang maglakad sa kanya, para hindi niya makita ‘yung mukha ko. Hindi ko kasi mapigilang ngumiti na parang baliw.
xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx
If this story somehow made you smile, then please give 5 STARS for Trapped in a Candy~!
Ano ang favorite chapter niyo so far?
Sa akin, ‘yung Chapter 29: All My Flaws at Chapter 8: Our First (kiligness!)
How about you? Ano favorite chapter mo? Let me know sa comments!
Try my other stories: A Date With the Whole Basketball Team and Well of True Cherries. May kanya-kanya silang flavor! :)
Like my Facebook Page: irshwndy
Thank you for your support!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (411)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda ng story di lang more lovelife kundi marami ka din matututunan about friendship at iba pa the best ka author iloveyouuu na first story ko itong binasa dito sa apps na ito labyahh na talaga
08/01/2022
0the story is nice, i miss reading story like this and to the author please do more story like this, with the unexpected twist and revelations thank youu. ❤️
23/10/2021
1building
24/05/2025
0Tingnan Lahat