Homepage/Trapped in a Candy/
Did You Know
Trapped in a Candy
by irshwndy
"Alright, Mita I will assign you to this case. Along with Jump and the rest of the Devon squad."
Utos ni Jasper habang nagmi-meeting ang mga heads ng WSC. Patuloy pa rin ang bulungan ng mga nasa meeting. Rinig na rinig 'yung mga reklamo nila sa desisyon ni Jasper.
WSC Employee no. 35: Huh? Si Jump? Hindi ba hindi na siya part ng WSC?
WSC Employee no. 41: Bakit Devon? Maaasahan ba sila?
WSC Employee no. 16: Importanteng kaso pa naman ito...
Jasper: You may use Devon Studios as your meeting place. Not a lot of people know that it's still associated with WSC. Safe kayo magplano doon. And also...
Lumingon si Jasper kay Jump.
Jasper: 'Pag naging successful kayo sa mission na 'to, hindi na kita sisingilin sa mga utang mo sa WSC, Jump. (smiles)
Jump: U-Utang!? Tulad ng ano? Wala akong utang! (startled)
Jasper: Akala mo ba hindi ko alam na secretly natutulog ka sa Devon kapag nagsasara na ito? I know you've been living there for months, Jump. You should be paying me for your rent. ^o^
Jump: !!!!
Hindi na nakasagot si Jump. Alam niyang talo siya this round dahil tama si Jasper. =__="
Jasper: That's all for our meeting today. Oh, and before I forget...
Paalis na sana ako kaso tila ako nag-freeze sa huling sinabi ni Jasper.
Jasper: Freesia my dear, you'll be the lead on this case. Make me proud. ^__^
WSC Employees: WHAAAAAT!?
Jump: WHAAAAT!?
Fammie: W-W-W-Whaaaat!? Wait, whaaaat!?
Jasper: You're all dismissed!
At ayun, iniwan kaming lahat ni Jasper na nakatunganga at gulat na gulat.
Biglang nag-ingay 'yung buong kwarto. Lahat nagrereklamo at nagchichismisan.
Leon: Hahahaha! Ibang klase talaga si Jasper. May pinagmanahan ka, Miss Fammie. ^o^
Fammie: B-Bakit ako!? T__T
Jump: Bakit 'tong Softy na 'to!?
Leon: Aba, bakit ako ang tinatanong niyo. Si Jasper na mismo ang nagdesisyon. Pero sa tingin ko, dahil ikaw ang pinakamalapit rito kay Charm. Malaki ang maitutulong mo sa kasong ito, Miss Fammie.
Fammie: Gulp! Grabe 'yung pressure!
Mita: Hahaha! Hi, anak! I guess ikaw na ang boss ko sa ngayon! ^o^
Fammie: Mama! Huhuhu! (sabay yakap kay Mita)
Tequila: Miss Fammie, we're at your service!
Gin: We'll do any kind of service, as long as we can serve you. (sabay wink)
Vodka: At unli ang alak sa mga meetings natin, hahahaha!
Huhuhu. Grabe 'yung pressure! Ito 'yung first ever official mission ko under WSC na in-assign akong leader ni Jasper. Kinakabahan ako, pero dito masusubok ang kakayahan ko bilang tagapagmana ng WSC.
Fammie: L-Let's start planning now! Let's head to Devon!
**
After one hour, nakarating na kami sa Devon Studios. Nandito kami ngayon sa bar area para mag-meeting. May malaking white board na ibinaba sila Tequila mula sa office.
Fammie: T-Teka, asan si Leon?
Jump: In case you forgot, hindi siya in-assign ni Jasper sa mission na 'to.
Mita: Yup, tayu-tayo lang na nandito, anak! Kumpleto na tayo! ^o^
Gulp! Napatingin naman ako sa mga members na kasama ko sa kasong ito.
Jump: =__=#
Si Jump, na laging galit...
Mita: ^o^
Ang mama ko, na laging nakangiti. At ang expertise ay... pagiging housewife...
Gin, Vodka, Tequila, and Brandy: Cheers, mga 'tol! XD
Rum, Scotch, Martini, and Whisky: Tara, tagay! (nag-iinuman at nag-iingay)
At ang squad ng Devon, na walang ginawa kundi maglasing...
Waaaaah, bakit ito 'yung team na binigay sa akin ni Jasper!? TToTT
Hindi niya man lang binigay si Leon na matino! May magagawa ba talaga kami!?
Lord, help meee!
Fammie: (clears throat) Ehem. So, let's start. May mga napansin ba kayong kakaiba kay Charm habang nasa WSC siya?
Gin: Nope.
Rum: Don't know her.
Brandy: Don't care.
Fammie: Errm, anyone else? -__-"
Jump: The one I told you about earlier. She replaced the letter I wrote to you.
Bigla kong naalala! 'Yung sulat na binigay sa akin ni Charm. At 'yung mysterious person na nakausap ko sa phone.
Fammie: A-Actually, I also have something to tell you guys.
Naging seryoso ang mga mukha nila. Pati ang mga makukulit na mga taga-Devon, tumahimik at nakinig sa akin. I guess when it comes to work, these WSC employees can be really serious. I feel like I can actually rely on them.
Fammie: Maliban sa sulat na natanggap ko mula kay Charm na ipinapabigay ni Jump, I also received a threat from a stranger.
Mita: What? When did this happen, anak? Why didn't you tell me?
Fammie: Pasensya na, mama. Sinubukan ko rin kasing kalimutan 'yung pangyayari. Pero sa tingin ko ay importante siyang impormasyon ngayon kaya ko na-bring up.
Lahat sila ay nakikinig nang maigi sa bawat sinasabi ko. Tila ba they are all taking down notes in their heads.
Fammie: Someone slipped a note sa bahay. Ang nakasulat doon ay, “Hinding hindi mo makukuha ang kayamanan ng WSC.” Tapos nang subukan kong tawagan si Mama...
Napatingin ako kay Mita, ang nagsilbing nanay ko na nag-alaga sa akin mula pagkabata.
Fammie: Iba ang sumagot ng phone. At pinagbantaan niya akong patayin. Alam niya rin kung ano ang nilalaman ng sulat ni Jump. Kaya naman... sa tingin ko ay konektado siya kay Charm.
Martini: Hmmm, hindi kaya si Charm iyon?
Fammie: Wala akong proof, pero sa tingin ko ay hindi si Charm ang nakausap ko. I-I know Charm... sa tingin ko ay napipilitan lang siyang sumunod sa mga utos ng Crossed Bones, pero hindi niya ako magagawang pagsalitaan ng ganun...
Mita: Hmmm. Ibig sabihin, may naka-hack ng phone wire natin. Mukhang hindi pala dapat maliitin ang Crossed Bones. May ganito pala silang kakayahan.
Jump: Kung mga impormasyon tungkol sa Crossed Bones, makakatulong ako. Kilala ko ang ilan sa kanila at alam ko ang mga kakayahan nila. May mga hackers rin sila na kayang kaya maka-wiretap sa mga telepono. Kailangan nating maging maingat sa pag-communicate sa isa't isa.
Scotch: Kung ako ang tatanungin, lusubin na natin sila! Rambulan na 'to!
Whisky: Oo nga! Magkaka-alaman kung sino ang mas malakas!
Fammie: T-Teka lang! 'Wag tayong padalos-dalos, pagplanuhan natin itong maigi. Hehehe.
Grabe naman sa pagka-war freak itong mga taga-Devon. Kaya hindi umuunlad 'tong studio bar nila eh. =__="
Fammie: Ganito, let's investigate everything we can and learn all about Charm. Halukayin natin ang kwarto niya, alamin natin ang mga paborito niya, down to the smallest details—kung ano paborito niyang kanta, pagkain, fashion store, etcetera! Let's ask around WSC rin kung ano ang alam nila tungkol kay Charm. Kung anong oras siya pumapasok, umuuwi, at kung anong mga araw siya nawawala sa WSC, at iba pa.
Jump: O_O
Mita: O_O
Devon Squad: O_O
Nagulat ako dahil lahat sila natameme at tila hindi makapaniwala sa akin.
Fammie: B-Bakit kayo ganyan makatingin, m-may dumi ba sa mukha ko?
Whisky: Wahahaha! Wala naman, nagulat lang kami sa'yo!
Rum: Oo nga, 'di namin inaasahan na talagang magaling ka palang leader!
Scotch: Now we know why Jasper chose you to lead this mission!
Gin: 'Yan ang future boss ng WSC! *clap*clap*clap*
Brandy: Pero wait lang, kailangan ba talaga pati paboritong fashion store? O gusto mo lang malaman dahil mahilig kang mag-shopping? -__-"
Fammie: G-Grabe maka-judge! Oo mahilig akong mag-shopping, pero kapag nalaman natin ang paboritong fashion store ni Charm, may chance na makita natin siya sa lugar na iyon kapag nagkataong bumisita o namimili siya.
Mita: Anak, I'm so proud of you huhuhu. You've grown so much na. Huhuhu. ToT
Fammie: T-Thanks? Hehehe.
Jump: Hmph.
Aba! Tila itong si Jump lang ang hindi masaya, ah!
Fammie: That's our first mission. I'm expecting a lot from everyone. Let's meet again after a week, and share our individual reports. Good job today, guys! ^__^
Ayun, nag-ayos na kami ng mga upuan. Bumalik na sa inuman ulit ang mga taga-Devon.
Mita: Fammie, anak. Didiretso ako ngayon sa WSC para tignan 'yung kwarto ni Charm. Baka hindi ako makauwi ngayong gabi.
Fammie: Okay lang, Ma. Ingat po kayo. ^o^
Mita: Kaso anak, paano ka uuwi?
Fammie: O__O
Shet, oo nga pala! Wala si Leon dito para ihatid ako pauwi! ToT
Napatingin kaming dalawa ni Mita kay Jump.
Jump: B-Bakit kayo nakatingin sa'kin!? I'm no longer that Softy's bodyguard! =////=#
Mita: Oh, ganun ba? Sige, ire-report ko na lang ito kay Sir Jasper... ^o^ Lalala~
Jump: W-Waaaait! FINE! I'll drive her home! Hmph!
Mita: Hehehehe! Oh ayan anak, you can go home safely na.
Fammie: O-Okay...
Nilabas na ni Jump 'yung motor niya, at sumakay ako sa likod nito. Matagal-tagal na rin simula nung huli akong nakasakay sa likod ng motor niya. We haven't done this for months... and it feels strangely nostalgic.
Pinaandar na ni Jump 'yung motor niya at kumapit ako sa likuran niya.
Jump: ...
Famie: ...
Jump and Fammie: *sa isip lang* (B-Bakit ang awkward!? =_=;;;)
Ako na 'yung unang sumira ng awkward silence.
Fammie: Hehe, I missed this feeling. Riding on your bike. :")
Jump: (hiding his blushing) W-Why are you suddenly spouting nonsense, Softy!? =///=#
Fammie: Hmph. Bakit, hindi mo ba 'to na-miss!? *pouts*
Jump: ...
Fammie: ...
Jump: I did...
Eeeeeeep! Muntik na akong mahulog sa motor sa biglang kilig! O///O
N-Namiss rin daw ito ni Jump. Waaaah. Pakikalma po itong puso ko kasi nagwawala na! I'm blushing super hard right now!
Fammie: Hey, Jump...
Jump: What now, Softy?
Fammie: Did you know all along?
Jump: Did I know what?
.
.
.
"That Charm... likes you?"
xx
SEE YOU NEXT CHAPTER~!
If this story somehow made you smile, please rate and leave a comment. Thank you!
-irshwndyI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (411)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda ng story di lang more lovelife kundi marami ka din matututunan about friendship at iba pa the best ka author iloveyouuu na first story ko itong binasa dito sa apps na ito labyahh na talaga
08/01/2022
0the story is nice, i miss reading story like this and to the author please do more story like this, with the unexpected twist and revelations thank youu. ❤️
23/10/2021
1building
24/05/2025
0Tingnan Lahat