Homepage/Unconditional Love/
Chapter 61
NASAPO ni Carmella ang kanyang sintido. Sobrang sakit ng ulo niya kaya hindi niya napigilang mapasigaw ng malakas.
"Aaahh! Ang ulo ko, napakasakit!" nakapikit ang mga matang sabi niya.
"Anong nangyayari sa'yo?" nababahalang tanong ni Prince. Humigpit ang yakap nito sa kanya.
"Parang mabibiyak ang aking ulo sa sobrang sakit!" patuloy siya sa pagsigaw at pagdaing. Hanggang ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nilagom ng kadiliman.
Kahit na isa siyang doktor ay nataranta siya at hindi malaman ang gagawin. Mabilis na binuhat niya ang dalaga at maingat ang bawat hakbang niya habang tinutunton ang daan pabalik sa castle.
Maingat na inilapag ni Prince ang katawan ng dalaga sa kama nito. Nagmulat ito ng mga mata at umungol.
"Mi Amor,"
Muling ipinikit ng dalaga ang mga mata at payapang natulog. Binalot naman ng awa ang puso ni Prince para sa nobya.
Masuyong hinaplos niya ang maganda at maamong mukha ng nobya. Pero mayamaya ay muli itong nagmulat ng mga mata at bumakas sa mukha nito ang labis na pagtataka nang ilibot nito ang paningin sa kabuuan ng silid.
Napatayo si Prince at napalayo sa kinahihigaan ng dalaga.
"Nasa langit na ba ako o namamasyal lang ang kaluluwa ko?" naiusal ni Carmella. Kilala niya ang silid na kinaroroonan niya. Ito ang silid na ginagamit niya noong nasa Destiny Island siya.
"Mi Amor, kumusta ang pakiramdam mo?"
Bigla ang ginawa niyang paglingon sa likuran nang marinig ang pinagmulan ng tinig na iyon.
"Dok, Prince?" bulalas niya. Mabilis siyang bumangon at bumaba mula sa kama. "Totoo ba ang nakikita ko o guni-guni lang kita?"
"Nakikilala mo na ako?" nanlalaki ang mga mata sa tuwa na tanong ni Prince sa dalaga.
"Ikaw nga Dok, Prince!" sa labis na tuwang nadarama ay patakbong nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap.
"Salamat at naaalala mo na ako," naluluhang hinalikan siya ng lalaki sa labi.
Bahagya niyang itinulak ang nguso ng lalaki nang akmang hahalikan na naman siya nito sa labi.
"Sandali, bakit ako naririto sa Destiny Island?" tanong niyang gulong-gulo ang isipan.
"Mahabang istorya pa kung sasabihin ko sa iyo ang lahat. Basta't ang importante ay nagbalik na ang iyong alaala."
Kumawala si Carmella sa mga bisig ng lalaki.
"Naguguluhan ako. Bakit ako napunta rito sa Isla? Sabihin mo sa'kin, dahil nais kong malaman."
"Mag-iisang taon kitang hinanap," umpisa ni Prince. Napatiim-bagang ito nang maalala si Juan Miguel ang lalaking muntik ng umagaw sa babaeng minamahal niya. "Dinukot kita noong araw na ikakasal ka na kay Juan Miguel."
Gulantang siya sa narinig. "Ano? Ako, ikakasal sa lalaking nagngangalang Juan Miguel?"
"Oo. Pero alam kong hindi mo naman iyon kagustuhan dahil pansamantalang nagkaroon ka ng amnesia. Nawala ang iyong memorya. At tulad nga nang sinabi ko, mahabang istorya kung sasabihin ko pa sa iyo. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa'yo kung bakit nagkaroon ka ng amnesia."
"Si Nicole?" sambit niya. Inalihan siya ng takot nang maalala ang tagpo na nasa kagubatan sila.
"Nakita ko ang singsing mo sa loob ng drawer niya sa opisina. Doon ko nalaman na siya ang kasama mo noong araw na umalis ka sa mansiyon. Pero ayon kay Nicole, noong nasa isang restaurant kayo ay umalis ka na lang daw ng walang paalam.
"Ang sama niya!" napaiyak siya. At ngayon ay muling nananirawa sa kanya ang namagitan sa kanila ni Nicole bago siya mahulog sa bangin.
Muli siyang niyakap ni Prince.
"Dinala ako ni Nicole sa isang magubat na lugar. Takot na takot ako dahil may hawak siyang baril. Sinubukan kong agawin sa kanya ang baril subalit higit na malakas siya sa akin. Ang huling naalala ko, nahulog ako sa bangin. Hindi ko akalain na nakaligtas ako. Ang akala ko kanina ay isang ligaw na kaluluwa na lamang ako." Nanginginig ang kanyang tinig. "Marahil ang Juan Miguel na tinutukoy mo ay siyang nagligtas sa'kin?"
Nagtagis ang bagang ni Prince sa nalaman. Hindi niya akalain na kayang gumawa ng karumadal-dumal ni Nicole na itinuring niyang mabuting kaibigan.
"Dahil kay Nicole ay maraming buhay ang nagulo. Nadamay pati ang mga taong nagmagandang loob sa'yo, kagaya na lamang ni Juan Miguel." Turan ni Prince. "Hindi na galit ang nadarama ko para sa lalaking muntik mo nang pakasalan. Ngunit kailangan pa din niyang itama ang mga hinabi niyang kasinungalingan."
Pero paano nga ba nangyaring ikakasal na sana siya kay Juan Miguel? Nagkaroon ba sila ng ugnayan ng lalaking iyon habang wala siya sa sariling pag-iisip? Tulala siyang napatitig sa mukha ni Dok, Prince.
Muli siyang niyakap ni Dok, Prince at masuyong hinagod ang kanyang likod.
"C'mon. Huwag mo nang isipin pa ang mga nangyari baka sumakit na naman ang iyong ulo. Ang isipin mo na lang ay ligtas ka at nasa feeling ko. Okay?"
"Ngunit paano si Nicole?" tanong niya. "Natatakot ako. Paano kung malaman niyang nakaligtas ako?"
"Ako na ang bahala kay Nicole. Kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niya sa'yo."
"Pero matalik kayong magkaibigan ni Nicole?"
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki.
"Matagal na niyang sinira ang pagiging magkaibigan namin. Siya ang dahilan kung bakit nanggulo sa engagement party natin ang iyong Tiya Matilda at mga anak nito."
"Ano?" hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Tama ang narinig mo," sabi nito. "Ngunit t'saka na lamang natin pag-usapan kapag lubusan ka nang magaling."
Napatango siya.
NAPABALIKWAS ng bangon si Prince sabay sulyap sa katabing higaan. Kagabi kasi ay sa tabi niya si Carmella natulog dahil binantayan niya ito. Ngunit paggising niya ay wala na ito sa higaan.
"Mi Amor!" sigaw niya. Kinakabahan siya. "Nasaan ka Mi Amor?"
Nang walang sumagot ay mabilis siyang lumabas ng silid at nagtungo sa kusina. Ganoon na lamang ang katuwaan niya nang makita itong nasa kusina lang pala at nagluluto ng almusal. At ngayon naman ay inabutan niya itong nagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa.
Sa bugso ng katuwaan ay nilapitan ni Prince ang dalaga at niyakap. "Tinakot mo ako. Akala ko ay iniwan mo na ako!"
"Bakit naman kita iiwan? At saka paano naman akong makakaalis dito, e, wala naman akong nakikitang sasakyan pang-dagat?" natatawang sabi niya at pinisil ang dulo ng ilong nito.
"Basta, mangako kang hindi mo na ulit ako iiwan?" hinuli nito ang kanyang kamay at masuyong dinampian ng mumunting halik.
Tumango si Carmella at saka ngumiti. "Ano ka ba?" Bahagya niya itong itinulak. "Akala mo naman puwede akong umalis dito. Makakaya ko ba namang languyin ang lawak ng karagatang nakapaligid dito sa castle para lamang makaalis dito?"
Hindi pa rin mapigil ang matawa ni Carmella. Natigil lamang siya nang angkinin nito ang kanyang mga labi at hindi siya tumutol. Sa halip ay nagpaubaya siya.
"Mi Amor, mahal na mahl kita..." paanas nito bulong sa kaliwang tainga niya.
"Mahal na mahal din kita, Dok, Prince. At sana'y hindi na magwakas ang lahat nang ito para sa ating dalawa."
Kapwa sila napakislot nang may marinig silang ugong ng sasakyang panghimpapawid. Alam ni Prince na ang chopper niya iyon dahil sila lang naman ng Tita Camellia niya ang malimit magtungo sa Islang iyon.
Dumungaw sila sa bintana. At tama si Prince, pagmamay-ari nga niya ang chopper.
Patakbo silang bumaba para salubingin ang paparating. Hindi malaman ni Prince kung papaano niya haharapin ng galit ng tiyahin dahil sa ginawa niya. Alam niyang nalaman na nito ang tungkol sa ginawa niyang pagdukot kay Carmella.
Pero bakit ba siya kakabahan? Siya ang mas may higit na karapatan sa dalaga dahil siya ang talagang nobyo nito.
Sa isang banda ay naisip niya rin na kasama ng tiyahin niya si Juan Miguel. Ang lalaki lang naman ang nakakaalam na dinukot si Carmella sa araw ng kasal ng dalawa.
Mahal siya ni Carmella at ramdam niya iyon. At alam niyang nabura na rin sa alaala nito ang dapat sana'y kasalang magaganap dito at kay Juan Miguel.
"Si Tita Camellia ba ang lulan ng chopper na iyan?" mayamaya'y tanong niya sa lalaki.
"Oo," sagot naman nito.
"Alam ba ni Tita Camellia na narito tayo sa Isla?"
"Ang paalam ko kay Tita ay may importante akong nilakad. Kahit maglihim ako sa kanya sa totoong dahilan ng pag-alis ko sa mansiyon ay malalaman rin niya."
"Paano kung kasama niya ang sinasabi mong si Juan Miguel?" tanong niya na titig na titig sa mukha nito. "Tiyak na magagalit sa iyo si Tita Camellia kapag sinabi ni Juan Miguel na kinidnap mo ako."
"Ako naman talaga ang nakatakda mong pakasalan, naalala mo hindi ba?" humarap ito sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. "Ito lamang ang tatandaan mo, mahal na mahal kita Mi Amor. Anuman ang mangyari ay ipaglalaban kita.
"Mahal na mahal din kita,"
PIGIL ang hininga ni Carmella habang inaabangan ang pagbaba ng lulan ng chopper. At nang ganap nang makababa ang mga sakay niyon ay nanlaki ang kanyang mga mata sa huling lalaking bumababa sa sasakyan.
Siya na ba si Juan Miguel? tanong ni Carmella sa sarili.
Matangkad ang lalaki. Matikas ang pangangatawan nito, kuyamanggi ang kulay ng balat at guwapong katulad ni Dok, Prince.
Huminga ng malalim si Prince. Tama nga siya ng hinala. Lumapit si Juan Miguel sa kanyang tiyahin upang humingi ng tulong kung saan siya maaring matagpuan dahil may hinala itong siya ang may kagagawan ng pagkawala ni Carmella.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1096)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán
26/12/2021
1I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!
21/12/2021
1IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla
20/12/2021
3Tingnan Lahat