TAHIMIK na nakikinig si Carmella sa mga sinasabi ng lalaki. Mula nang mahimasmasan ay tumigil na siya sa pagwawala at minabuting makinig na lamang sa mga sinasabi nito. Pero habang tumatagal ay parang nararamdaman niyang gumagaan ang dibdib niya habang patuloy itong nagsasalita at sinasabi ang lahat ng tungko sa pagkatao niya. Ang mga nakalimutan niyang 'alaala'. Pero dapat ba siyang maniwala? Ang mga panaginip niya gabi-gabi na tila bangungot ay isang pangitain na ayaw siyang hiwalayan. At ang paulit-ulit ding paglitaw sa kanyang balintataw ng isang barkong nasusunog. Mga mukha ng taong hindi niya kilala kagaya na lamang ng isang babaeng may hawak na baril na tila gusto siyang patayin. Nagsasabi nga kaya ng totoo ang lalaki? "Carmella, totoo ang lahat ng mga narinig mo. Ngayon, naniniwala ka na bang ako si Prince at ako rin ang totoong nobyo mo? Na tayong dalawa ang nakatakdang ikasal at hindi sa lalaking 'yon?" Bakas sa mukha ni Carmella ang pagkalito. Napatitig siya sa mukha ng lalaki. "Ewan ko, hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinasabi mo. Naguguluhan ako." Umiiling ang ulo na sabi niya. "Ang mabuti pa ay ibalik mo na lamang ako kay Juan Miguel, tiyak akong nag-aalala na siya sa'kin. Sa kanya ako higit na may tiwala kaya siya lang ang makapagsasabi ng lahat sa'kin." "Pero isa siyang sinungaling," mariing turan ni Prince. "Tumahimik ka!" hindi niya nagustuhan ang sinabi nito patungkol kay Juan Miguel. "Totoo namang sinungaling ang lalaking tinuring mong nobyo." Paninindigan ni Prince. "Ang sabi mo sa'kin ay tatlong taon na kayong magkarelasyon. Papaano mangyayari 'yon, mag-iisang taon ka pa lang nawawala?" Natigilan siya. "Mapagsamantalang lalaki siya!" Muli siyang nagalit dahil sa sinabi nito. "Mabuting tao si Juan Miguel. Marahil nga ay isa kang kidnaper. Kinidnap mo ako para dalhin dito at ikulong. Alam mo bang sa mga kamay mo ako nanganganib dahil kinuha mo ako sa mismong araw ng kasal ko?!" "Dahil mahal kita, Carmella," sagot nito. "Hindi ko hahayaan na maikasal ka sa lalaking iyon lalo na nga at tila may amnesia ka." Napatitig siya sa mukha ng lalaki. "Paano mo nalaman na may amnesia ako?" maang niyang tanong. "Siguro nga ay masamang tao ka at matagal mo na akong minamanmanan. Sina Juan Miguel, Aling Nita at Mang Baste lamang ang nakakaalam sa kondisyon ko." "Dahil isa akong doktor," mahinahon na sagot nito. "Marahil ay may nangyari sa'yo na naging sanhi ng pagkakaroon mo ng amnesia at iyon ay sinamantala ni Juan Miguel. Pinaniwala ka niya sa mga kasinungaling." Bumaba-taas ang dibdib niya. Nalilito pa rin ang utak niya. "At itong lugar na pinagdalhan ko sa'yo," dagdag pa nito. "Ito ang Destiny Island. Dito kita unang nakita. Isa ka sa mga survivor sa barkong nasunog at lumubog sa dagat. Nagmamahalan tayong dalawa. Hindi mo ba ako mahanap sa puso mo, ha, Carmella?" "Umalis ka sa harapan ko! Iwan mo ako!" bulyaw niya. "Wala akong maalala sa mga sinasabi mo!" Bagsak ang mga balikat na lumabas ng silid ang lalaki. At saka lang niya ibinuhos ang luha nang mawala na ito sa kanyang paningin. BANDANG hapon ay dinalhan siya ni Prince ng pagkain sa kanyang silid. Ngunit dahil galit siya ay hinampas lang niya ang dala nitong tray na may lamang pagkain. Dahilan para sumabog ang pagkain sa sahig. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtiim-bagang nito. Nagtitimpi itong huwag magalit sa kanya. Hindi kumikibong sinamsam ni Prince ang pagkaing sumabog sa sahig at pagkatapos ay lumabas ito ng kanyang silid. Maya-maya lang ay bumalik ito at dinalhan na naman siya ng pagkain. Tinignan niya lang ng masama ang lalaki. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon at bumalik sa piling ni Juan Miguel. "Kumain ka na," sabi ni Prince. "Alam kong nagugutom ka na dahil kagabi ka pa hindi kumakain. Gusto kitang tulungan na maibalik ang nawala mong alaala, pero sana ay makiayon ka sa'kin." Hindi siya sumagot kaya minabuti na lamang nitong ilapag ang pagkain sa isang maliit at marangyang lamesa at muling lumabas ng silid. "Hindi ko kakainin ang pagkaing dala mo! Hindi bale nang mamatay ako sa gutom!" sigaw niya nang magsara ang pinto ng silid. "Ayoko rito! Ibalik mo ako kay Juan Miguel!" Malungkot na napasandal na lamang si Prince sa labas ng pinto nang marinig ang sigaw ni Carmella. Nasasaktan siya sa tuwing binabanggit ng dalaga ang pangalan ni Juan Miguel. Siguro nga ay tuluyan na siyang pinalitan ng lalaking iyon sa puso ng dalaga. Pero hindi siya makakapayag lalo na't minahal lang nito si Juan Miguel dahil nagkaroon ito ng amnesia. "Mi Amor, nakahanda akong magtiis at masaktan bumalik lamang ang pagmamahal mo sa akin. Kung wala kang amnesia, alam kong ako pa rin ang pipiliin mo at iyong mamahalin at hindi si Juan Miguel. Hindi ako susuko hangga't hindi bumabalik ang alaala mo at ang dati mong pagmamahal sa akin." Sa loob-loob ni Prince. Pagkuwa'y humakbang palayo sa silid si Prince. Inabala niya ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro at panood nang alon sa dagat. Naroong tumambay siya sa lighthouse, pumunta sa batuhan kung saan niya nakitang walang malay-tao si Carmella. Ang kanyang bride from the sea. At nang inaakalang tapos nang kumain si Carmella ay muling nagtungo si Prince sa silid ng dalaga. Huminga muna ng malalim si Prince bago pinihit ang seradura. "Carmella?" tawag niya sa pangalan nito. Nagtaka siya nang hindi makita sa loob ng silid ang dalaga. Tinungo ni Prince ang banyo, nagbabakasakaling naroon ang dalaga. Ngunit natigilan siya nang tawagin nito ang pangalan niya. "Prince!" Lumingon si Prince. Kasunod niyon ay ang pagpalo sa mukha niya ng tray. Nagulat siya at hindi niya iyon napaghandaan kaya lumagpak sa mukha niya ang tray. Pakiramdam ni Prince ay saglit siyang nakakita ng mga bituin. Muling sumugod sa kanya ang dalaga pero nakailag siya. "Carmella! Maghunos-dili ka!" sigaw ni Prince habang sinasalag ang bawat palo ng dalaga ng tray sa kanya. "Sinabi ko na sa iyong pakawalan mo ako!" sigaw ni Carmella. Patuloy siya sa pagpalo sa lalaki. "Ayoko rito! Ibalik mo na ako kay Juan Miguel. Hinihintay niya ako!" "No! Stop it!" Maagap na pinigil ni Prince ang dalawang kamay ng dalaga para tumigil sa pagpalo sa kanya. "Parang awa mo na, pakawalan mo na ako..." umiiyak na pagsusumo ng dalaga. Nawala na sa direksiyon ang palo ng dalaga kaya humihingal ito na napasubsob sa dibdib ni Prince. "Pakiusap, pakawalan mo na ako. Ayoko rito!" sabi ni Carmella habang humahagulgol ng iyak. Nahabag si Prince sa dalaga. At nasasaktan siya sa nakikita niya dahil takot na takot ito sa kanya. "Hindi ako masamang tao, Carmella at alam mo 'yan." Sabi ni Prince habang hinahagod sa likod ang umiiyak na nobya. "Okay, iiwan muna kita para makapagpahinga. At mamaya ay kukunin kita rito para doon na tayo magkasalong kakain sa komedor." Lumabas sa silid si Prince. HUMIHINGAL na napaupo sa kama si Carmella. Galit na galit siya sa lalaking pilit na isinasaksak sa isipan niyang iyon daw ang nobyo niya. Nasaan ka na ba, Juan Miguel? Tulungan mo akong matakasan ang baliw na lalaking kumidnap sa'kin... hiyaw ng utak niya. Alam niyang mahal na mahal siya ni Juan Miguel. At sigurado siyang labis na itong nag-aalala sa kanya. Malamang ay hinahanap na din siya nito. Maraming sandali ang lumipas. Mayamaya ay pilit niyang pinakalma ang sarili. Hanggang sa ipasya niyang mahiga sa kama. Hindi ako susuko. Makakaalis ako sa lugar na ito sa kahit na anong paraan! Matatakasan ko ang baliw na lalaking iyon! Gusto niyang matulog kahit sandali para maipahinga ang nalilito niyang isipan, ngunit maramot sa kaniya ang antok. Sinikap na lamang niyang mag-isip nang matino. Kailangan niyang lansihin ang lalaki para matakasan ito. NAG-AATUBILING pumasok si Prince nang mabuksan niya ang pinto ng silid na kinaroroonan ng dalaga. Iniisip niyang baka maging bayolente na naman ito at magrambol na naman sa loob ng silid. Isa pa, masakit pa rin ang mukha niyang tinamaan ng tray kanina nang hampasin siya nito. Ngunit awa sa dalaga ang nasa puso ni Prince. Pumasok sa siya sa silid at lumapit sa nobya na tahimik na nakamata lang sa kanya. Hindi man lang nito ginalaw ang dinala niyang pagkain kanina. "Carmella, alam kong nagugutom ka na. Bakit hindi ka pa rin kumakain?" malumanay ang tinig nito na tila humahaplos sa puso ni Carmella. Bumangon si Carmella at naupo sa gilid ng kama. "Patawad sa nagawa ko kanina," mahinahong wika ni Carmella. Nagulat si Prince sa sinabi niya. Marahil dahil naging mahinahon na siya at wala na ang galit sa kanyang tinig. "P-patawad dahil nasaktan kita. Desperada lang talaga akong makauwi sa Eguada dahil alam kong nag-aalala na sa'kin si Juan Miguel. P-please, payagan mo na akong umalis?" pagsusumamo niya. "Pangako, hindi ako magsasampa ng demanda laban sa'yo, basta payagan mo lang akong makaalis sa lugar na ito," Natigilan si Prince. Pagkuwa'y hinawakan sa magkabilang balikat ang nobya. "Patawarin mo rin ako," sabi ng lalaki. "Pero hindi ako papayag na umalis ka. You'll stay with me hanggang sa unti-unting bumalik ang iyong nawalang 'alaala'. At hanggang sa ma-realize mong ako pala ang lalaking mahal mo at siyang dapat na iyong pakasalan. At muli ay humihingi ako sa'yo ng kapatawaran."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1096)
Vy My
Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán
26/12/2021
1
VillaflorCeline
I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!
21/12/2021
1
BALILIMAYLYN
IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️
thumps up sayo writers👍👍
nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla
Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán
26/12/2021
1I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!
21/12/2021
1IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla
20/12/2021
3Tingnan Lahat