Homepage/Unconditional Love/
Chapter 50
"SINO nga ba ako?" Iyon ang katanungang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Carmella.
Nang magkamalay siya ay wala siyang matandaan. Wala siyang maalala sa kanyang pagkatao.
Ang tanging nalalaman niya ay ang sinabi sa kanya ni Juan Miguel na siya raw ay si Carmella. Kung saan siya nagmula ay hindi pa niya nalalaman dahil hindi naman sinasagot ng lalaki ang mga tanong niya.
Nang araw na iyon ay isinama siya ni Juan Miguel at Aling Nita sa bahay na minana ng lalaki mula sa tiyahin nito na nag-migrate na sa Austria kasama ang asawa nito at hindi biniyayaan ng anak.
Katabi ni Carmella sa likurang bahagi ng kotse si Aling Nita. Tahimik lamang siya at nakikiramdam.
Lumiko ang kotse sa kanan at nang dumating sa pangalawang kanto ay natanaw niya ang isang malaking bahay na parang bahay Kastila. Napapikit siya nang biglang may pumasok na alaala sa kanyang isipan.
Malaking bahay.... sa loob-loob ni Carmella. Sumakit ang ulo niya kaya hindi niya muna pinilit na mag-isip.
Nang iparada ng lalaki ang sasakyan sa tapat ng gate ay mabilis itong umibis at tinulungan siyang makababa ng kotse.
May naamoy si Carmella na napakabangong halimuyak. Amoy ng bulalak na rosas. Parang libo-libong bulaklak ng rosas ang nasa malapit sa kanya. Huminga siya nang malalim at sinamyo ang mabangong simoy ng hangin.
Kumatok si Aling Nita sa pintuan.
Bumukas ang pintuan sa pangalawang pagkatok nito at isang may edad na lalaki ang nagbukas ng pinto.
"Pasensiya na, iho, abala ako sa kusina. Hindi ko agad nalaman na nakauwi na pala kayo." Sabi ng matandang lalaki.
"Ayos lang po, Mang Baste," sagot naman ni Juan Miguel. Inalalayan nito si Carmella na makaupo sa pahabang upuan na gawa sa narra'ng kahoy.
"Siya na ba si Carmella?" tanong ng matandang lalaki.
Nag-angat ng mukha si Carmella. Pilit siyang ngumiti sa matanda.
"M-magandang gabi po," bati niya rito at muling binawi ang paningin.
Magsasalita pa sana si Mang Baste pero agad itong sinaway ng asawa nitong si Aling Nita.
"Halika na sa kusina," sabi ni Aling Nita. Hinila nito sa kamay ang asawa. "Tutulungan kitang maghain ng pagkain sa hapag-kainan."
Nagtungo na nga sa kusina ang mag-asawa.
Tumikhim muna si Juan Miguel bago nagsalita.
"Pinalinis ko na ang iyong magiging kuwarto. Gusto mo ba munang magpahinga?" tanong ng lalaki sa kanya.
Tumango siya bilang tugon.
Kahit sa pag-akyat sa hagdanan ay nakaalalay pa rin sa kanya ang lalaki.
Nang makapasok sila sa kanyang magiging kuwarto ay inilibot niya ang kanyang paningin.
Maaliwalas ang kuwarto at maluwang ang mga bintana nito. At tama si Juan Miguel sa sinabi nito sa kanya. Mula doon ay tanaw niya ang bukirin patungo sa mga bundok. At sa bukiring iyon ay maraming mga nakatanim na mga halamang namumulaklak.
"Ang mga nakikita mong mga bulaklak ay dahlias, calla lily at baby's breath. At rosas na may iba't-ibang kulay." Sabi ng lalaki mula sa kanyang likuran. Tumayo ito sa tabi niya.
"Kaya pala napakabango nang simoy ng hangin na naggagaling doon." Halos bulong na sabi ni Carmella. Hindi niya inaalis ang paningin sa mga bulaklak. "Sino ang nagtanim ng mga ito?"
"Ako. Iyan ang trabaho ko, Carmella. Isa akong agriculturist at nabili ko ang flower and vegetable plantation na iyan. Maraming mga bumibili sa akin ng mga bulaklak at gulay para dalhin sa iba-ibang markets dito sa Eguada Mountain Province at hanggang sa Maynila."
"Ikaw lamang ang nagtanim ng mga iyan?"
"May tatlong natives akong mga katulong. Hindi naman kailangan madalas diligin ang mga iyan dahil malamig ang climate dito at medyo madalas ang pag-ulan. Even in summertime."
"Kaya naman pala napaka-lusog ng mga halaman. At malalaki ang mga bulaklak." Napabuntong-hininga siya. "Wala akong maalala sa nakaraan ko. Hindi ko alam kung mayroon din ba akong trabaho."
"Carmella, magpahinga ka na." Pag-iiwas ni Juan Miguel. "Kapag nakahanda na ang pagkain ay tatawagin kita."
"May maitutulong ba ko?" tanong ng dalaga.
"Hindi na kailangan. Magpahinga ka na lang dahil iyon ang higit mong kailangan. Iwasan mo rin munang alalahanin ang iyong nakaraan at baka sumakit na naman ang ulo mo."
Napatingin si Carmella sa mukha ng lalaki. Lalaking-lalaki si Juan Miguel pero maamo ang mukha nito. Kahit saang anggulo niya ito tignan ay hindi niya makapa sa kanyang alaala na minsan na niya itong nakasama. Pero magaan ang loob niya rito.
Marahil ay totoo ngang may relasyon silang dalawa. Pero dahil may amnesia siya ay hindi niya iyon maalala.
Nagpaalam sa kanya si Juan Miguel na lalabas na ng kuwarto. Tumango lang siya.
Pakiramdam ni Carmella ay nanlilimahid siya sa dumi. Ilang araw din kasi ang inilagi niya sa ospital. Sariwa pa ang sugat niya sa ulo kaya katawan lang ang nilinis niya.
Nakita niya ang kabinet na tinutukoy kanina ni Juan Miguel, at ayon sa lalaki ay sa kanya raw ang mga damit na nasa loob ng kabinet.
Nagbihis siya ng pambahay at nagsuot na rin ng sweater. Inayos niya ang sarili at pagkatapos ay sumandal sa nakasalansang mga unan sa kama.
Nakatitig siya sa puting kisame. Susubukan niya alalahanin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Juan Miguel. Mabait at maginoo ang lalaki pero hindi tamang manirahan sila roon na magkasama lalo na kung mag nobya't nobyo pa lang sila.
Pilit niyang kinakapa sa kanyang puso kung may pag-ibig ba siya kay Juan Miguel, pero bigo siya. Tila ibang lalaki ang sinisigaw ng kanyang puso. At hindi niya alam kung sino.
Ilang sandali pa ay naidlip si Carmella at napahimbing ang kanyang tulog.
Naalimpungatan siya nang makarinig ng marahang pagkatok. Iinut-inot na bumangon siya at bumaba ng kama. Kinukusot niya ang mga mata at binuksan ang pinto. Hindi naman niya ini-locked ang pintuan.
"Pasensiya na kung nagising kita, pero kailangan mo nang maghapunan dahil iinom ka pa ng mga gamot mo," sabi ni Juan Miguel. Napansin niya ang ginawa nitong pagsuyod sa kasuotan niya. At tila naging malungkot ang anyo nito.
"Hindi ko ba pagmamay-ari ang suot kong damit? Pasensiya ka na, wala akong maalala-" naputol ang sasabihin niya nang biglang magsalita ang lalaki.
"It's your's!" mabilis na sabi ni Juan Miguel. "Halika na, bumaba na tayo at tiyak kong nagugutom ka na,"
Hindi na siya tumanggi nang hawakan nito ang kanyang kamay.
BIGLANG nagutom si Carmella nang makita ang pagkain sa mesa.
Humugot ng silya si Juan Miguel at pinaupo ang dalaga.
"Maging ang mga pagkain ay tila nakalimutan ko na rin. Pero natitiyak kong masarap ang mga ito dahil biglang nag-alburoto ang tiyan ko." Sabi ni Carmella na nakangiti sa mag-asawa.
"Naku, Ineng!" sabi ni Aling Nita. Magkakasama sila sa hapag-kainan. "Tiyak akong mapapadami ka ng kain dahil masarap magluto itong asawa kong si Baste."
Pakbet, inihaw na isda at ensaladang talbos ng kamote na may ginayat na kamatis at sibuyas. At may ginisang bagoong alamang pa. Ito raw ang tawag sa pagkain na nasa mesa ayon kay Mang Baste.
Kinuha ni Juan Miguel ang plato niya at nilagyan ng pagkain. Natakam siya.
"Hmmm, ang sarap ng mga ito, Mang Baste," sabi niya habang ngumunguya.
Natuwa naman ang matandang lalaki sa papuri niya.
"Ganyan lamang kasimple ang mga ulam dito sa kabundukan. Isda at gulay. Pero may alaga akong mga manok at baboy. Hindi ako mahilig sa karne dahil vegetarian ako at ang paborito ko ay itong pakbet," sabi ni Juan Miguel.
"At ang pakbet ang espeyalte nitong asawa ko." Pagmamayabang na turan ni Aling Nita. Tinapik nito sa balikat ang asawa.
Napasarap ang kain ni Carmella. Nagkamay na din siya dahil nakita niyang nagkamay si Juan Miguel.
"Halos nakalimutan ko nang gumamit ng kutsara at tinidor," biro ng lalaki. "Masarap kumain na nagkakamay."
Napangiti si Carmella. Nakita iyon ni Juan Miguel kaya natuwa ito.
PAGKATAPOS nilang kumain ay niyaya siyang manood ng TV ni Juan Miguel. At hindi rin naman nagtagal ay inantok si Carmella.
"Hindi ko na kayang pigilan ang antok ko. Matutulog na ako, Juan Miguel." Paalam niya rito.
"Sige, mauna ka na matulog. Good night, Carmella," sabi nito. "Pero kung may kailangan kang kahit ano, naroon lamang ako sa aking kuwarto."
Tumango siya at medyo namula.
Ano nga kaya ang posibleng magiging kailangan niya kay Juan Miguel sa karimlan ng gabi?
Pero wala naman siyang nabakas na malisya sa tinig at anyo ng lalaki. Marahil ay nasa isip niya ang malisya.
Ang sabi sa kanya ni Juan Miguel ay tatlong taon na raw ang kanilang relasyon. Pero hindi pa nito sinasagot ang katanungan niya kung taga-roon ba talaga siya at kung may mga magulang pa ba siya.
Nakahiga na si Carmella sa kama pero hindi siya makatulog. Maraming gumugulo sa kanyang isipan at isa na roon ay ang pansamantalang pagkawala ng kanyang memorya.
Nababahala marahil siya sa kanyang sitwasyon.
May narinig siyang strums ng gitara mula sa di kalayuan. At ang malamyos na tinig ng isang lalaking umaawit ng isang lumang kundiman.
Dahan-dahang tumayo mula sa kama si Carmella at sumilip sa kurtina ng bintana ng kanyang kuwarto. Naka-off naman ang ilaw at tiyak na hindi siya makikita.
Nakita niya si Juan Miguel na tumutugtog ng gitara. Isa sa dalawang lalaking kasama nito ang umaawit.
Marahil sila ang mga kasama ni Juan Miguel sa pagtatanim, sa isip ng dalaga.
May maliit na bonfire sa harapan ng tatlong lalaki at tila nag-iinom ang mga ito.
Napangiti si Carmella. Nawili siya sa pakikinig. Mahusay umawit ang kasama ni Juan Miguel.
Nagbalik siya sa kama hanggang siya'y makatulog.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1096)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán
26/12/2021
1I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!
21/12/2021
1IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla
20/12/2021
3Tingnan Lahat