three Eight

*Larra's Pov*
Nag simula na ang proyekto ko sa companies nila Garri. Si Gabby ang may hawak nito na dapat ay si Garri talaga, kaso nga diba ikakasal na ito. Pero may plano talaga kami ni Gabby dito.
Ngayong araw kami pupunta sa tagaytay para puntahan ange site kung saan itatayo ang project. Pumunta na ako sa Clinton's Empire. Dumiretso ako sa meeting room dahil nandun na ang mga important person na kakausapin namin.
Pag pasok ko sa loob wala si Gabby, tulad ng plano namin hindi talaga sya aattend dito.
"Darating pa ba si Gabby?" Tanong ng ama nito sa secretary nya.
"Sorry sir, nakausap ko na po si Sir Gabby, his not feeling well po." Wika ng secretary nito.
"Paano yan, hindi na natin ito pwedeng ireschedule. Kilala nyo si Mr Guzman, mahirap mag pa appointment sa taong yun. Baka hindi nya na satin ibenta ang lupa pag nag pa reschedule tayo." Wika ng isa sa share holder namin.
"Garri, okey lang ba sayo na ikaw na muna ang pumunta sa site kasama si Larra?" Tanong ng ama nito.
"Sige dad" Agad na sagot nito.
Ugali talaga ni Garri ang hindi tumangi pag dating sa company nila. Ganyan sya ka sipag at ka hard working dahil gusto nya talaga na makuha ang title bilang CEO at hindi ang kuya Gabby nya.
"Kung ganun lumakad na kayo at baka ma late kayo sa meeting nyo with Mr.Guzman." Wika ng ama nito.
Yes, makakasama ko si Garri. Ito na ang pag kakataon ko para masira ko silang dalawa. Tingnan ko lang kung matuloy pa ang kasal nila ni Garri.
-
Sabay kaming pumunta ng parking lot ni Garri. Akala ko kotse nya ang gagamitin namin pero nag kamali ako. Kotse ng company nila ang ginamit nya. Akala ko pa naman makakasakay na ako sa kotse nya. Pag pasok namin ng sasakyan nag simula na itong mag maneho.
"Okey lang ba kay Everlie na mag kasama tayong dalawa? Baka kasi mag selos yung fiance mo." Nakangiting wika ko dito. Tiningnan nya ako pero saglit lang.
"May dapat bang ipag selos si Everlie sating dalawa?" Cold na tanong nito.
Tshh, hindi nya ba alam na nature naming mga babae na mag selos kapag may kasamang ibang babae ang mahal namin?
"Nag aalala lang naman ako, baka kasi mag away kayo dahil mag kasama tayo." Muling wika ko dito.
"Malaki ang tiwala namin ni Everlie sa isat-isa. Mukang hindi naman sya mag seselos dahil sayo." Wika nito kaya tinalikuran ko nalang sya at humarap sa bintana.
Ibig nya bang sabihin na hindi ako ka selos-selos? Bwésit na Garri to, hindi ba sya nadadala sa ganda ko? Hindi ba ako ka akit akit sa mga mata nya? Sa lahat ng lalaki sya lang talaga itong hindi nag ka interest sakin kahit konte.
Pero huwag kang mag aalala Garri, lahat ay nakukuha ko. Hindi ako papayag na masayang tong plano ko.
-
Pag dating namin ng tagaytay, dumiretso kami sa venue kung saan namin kakausapin si Mr Guzman. Pag dating namin doon ay agad kaming nakipag kamay dito.
"Ikaw pala ang ikakasal na si Garri Clinton, ito ba ang fiance mo?" Nakangiting tanong nito.
"Hindi po Sir, anak po sya ni Mr and Mrs Ocampo." Agad na sagot nito. Asar! Sasabihin ko sana na ako eh.
"Ganun ba, nakita na pala nila ang nag iisang anak nila." Wika nito sabay tingin sakin.
"Sorry po Mr Guzman pero hindi pa po nila nakikita si Erceles. Sa totoo lang po isa din ako sa anak nila." Paliwanag ko dito.
"I see, ikaw pala yung sinasabi nila na adopted daughter nila. Bagay na bagay kang maging anak nila dahil tulad ni Celeste ay napaka ganda mo din." Wika nito kaya napangiti ako.
-
Hindi nag tagal ay nag pirmahan na kami, sabi na nga ba at mapapayag nito si Mr Guzman. Napaka galing talaga ni Garri makipag deal sa tao. After lunch ay pinuntahan namin ang area kung san namin itatayo ang mall na project namin. Siguradong aabutin kami ng gabi sa daan. Tamang tama dahil sinabayan pa ng masamang panahon. Ilang Oras nalang at tiyak na babagsak na ang ulan.
"Thank you Mr Guzman." Wika ni Garri dito at nag paalam na kami. Nag sisimula ng pumatak ang ulan kaya sumakay na kami sa kotse.
Hindi ko inaasahan na bubuhos ng ganito kalakas ang ulan. Wala na kaming mashadong Makita sa daan dahil sinabayan pa ito ng fug.
"Kaya mo pa bang mag maneho Garri? Baka ma aksidente tayo." Wika ko dito. Tiningnan ko ang paligid, sakto naman at may hotel na malapit samin.
"Mag patila nalang muna tayo sa hotel para makapag painit din tayo. Hindi ko kakayanin ang lamig dito." Wika ko dito. Mukang nakikisama talaga ang panahon saming dalawa.
Nag maneho si Garri hanggang makarating kami ng hotel. Maliit lang sya na hotel, hindi katulad ng mga pang mayayaman na hotel sa manila.
Dahil malakas ang ulan, at open field ang parking lot siguradong mababasa kami ni Garri pag lumabas kami ng kotse.
"Gamitin mo tong payong." Wika nya sakin at bumaba na ito. Pwede naman kami mag share sa payong pero mas pinili nyang sumugod sa ulan. Mas romantic pa naman yung iniisip ko.
Pag pasok ko ng hotel, nakikipag usap na si Garri sa recertificationist. Napakunot ang noo ko ng mapansin si Gabby. Sinusundan nga pala kami nito para sa plano namin.
"Sorry sir pero iisa nalang po ang available room namin." Wika nito. Tiyak na si Gabby ang nag pa reserve ng ibang room kaya isa nalang anv available. Napaka talino talaga ni Gabby!
"Sige."
Nakangiti ako habang nasa likuran ni Garri. Tumungo na kami sa kwarto namin. Sana lang talaga ay hindi na tumila ang ulan na ito.
Pag pasok namin ng kwarto ay agad na nag tuyo ng buhok si Garri. Iisa lang din yung kama kaya mas lalo akong napangiti.
"Sa ngayon dito na muna tayo, kapag tumila na ang ulan aalis na din agad tayo." Wika nito at pumasok na sa CR.
Agad kong kinuha ang cp ko at tinext si Gabby. Ito naman talaga ang plano naming dalawa. Ang ikulong kami ni Garri sa isang kwarto. Nag kataon lang talaga na umulan kaya mas napadali ang lahat.
Pag labas ni Garri ng Cr naka white robe ito habang nag pupunas ng ulo. Sh*t mas hot sya kesa kay Gabby.
*Ding dong*
Tiyak na si Gabby yun kaya ako na ang lumabas. Pag bukas ko ng pinto hindi nga ako nag kamali si at Garri nga.
"Siguraduhin mong mapapainom mo yan sa kanya." Wika nito sakin at inabot ang tray na may lamang 2cups of coffee.
"Yung black coffee ang kay Garri." Wika nito.
-
Bumalik na ako sa loob at naabutan ko tong nag cellphone.
"Nag pa timpla nga pala ako ng coffee, uminom ka muna." Alok ko dito.
Kinuha ko yung coffee ko at ganun din si Garri. Ilang sandali nalang Garri at mapapasakin kana.
**Everlie's Pov**
Bigla nalang akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may masamang mangyayare.
"Okey ka lang ba Everlie?" Tanong ni Mariel sakin.
"Oo, nga pala anong oras uuwi si Garri?" Tanong ko dito. Nag text kasi si Garri sakin kanina, pupunta daw sya ng Tagaytay urgent meeting daw. Sinabi nya sakin na dito sya mag didinner sa condo kaya nag pasama na ako kay Mariel mamili ng lulutuin ko. Sabi ko nga dito nalang din sya mag dinner kaso may date daw sila ni Cleo mamaya.
"Pauwi na yun." Sagot nito sakin.
Kinuha ko ang phone ko at napangiti ako ng makitang may message ito sakin.
~Hintayin mo ako for dinner, medyo mali-late lang ako dahil ang lakas ng ulan dito.~ Garri
"Mali-late daw sya ng uwi, inabutan sya ng malakas na ulan." Wika ko kay Mariel.
"Ganun ba, initin mo nalang mamaya itong niluto pag dating ni Sir.
-
6:30 na at nag paalam ng umuwi si Mariel. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Garri.
~Sige, mag iingat ka at mag papakasal pa tayo.~ Nakangiting reply ko dito.
Tatlong araw nalang at ikakasal na kami ni Garri. Palapit na ng palapit ang katotohanang matatapos na ang kontrata ko.
Ilang buwan nalang ba? Isang buwan, dalawang buwan, or tatlong buwan? Parang mas nakakatakot yung sitwasyon ko after ng kasal. Kasi alam kong kasunod nito ay ang wakas.
8:30 na at wala pa rin si Garri. Darating pa kaya sya? Siguro ay malakas pa rin ang ulan sa tagaytay.
Kinuaha ko ang cp ko at tinawagan ito. Hindi ko talaga ugali na tawagan si Garri. Pero late na kasi, willing naman akong mag hintay sa kanya. Gusto ko lang talaga malaman kung ano ng balita sa kanya.
Ilang sandali pa at nag ring na ang phone nito. Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan talaga ako.
"Hello Garri." Wika ko dito.
"Hi Everlie, si Larra to." Sagot nito sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko at the same time parang may kumirot sa puso ko. Bakit si Larra ang may hawak sa phone nya? Mag kasama pala sila sa tagaytay, pero hindi manlang to nabangit ni Garri, pero bakit?
"I-ikaw pala Larra, bakit nasayo ang cp ni Garri, may nangyare ba?" Kinakabahan na tanong ko dito.
"Ano kasi, nakatulog si Garri mukang napagod sa lakad namin kanina. Nakita ko kasing tumatawag ka kaya sinagot ko na." Wika nito pero may masakit na part pa din sa puro ko.
"Sige Larra, paki sabi nalang na tumawag ako. Mag iingat kayo sa pag uwi." Wika ko dito.
"Naku Everlie, baka hindi na kami makauwi ngayong gabi. Hangang ngayon kasi ay malakas pa rin yung ulan dito. Nag hotel na nga lang kami dahil hindi na talaga ni Garri kayang mag maneho." Wika nito kaya hindi na ako nakaimik.
So ibig sabihin mag kasama sila sa iisang kwarto? Pero bakit?
"Everlie nandyan ka pa ba?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Ah oo nandito pa ako." Sagot ko na tila babagsak na yung luha ko.
"Sorry Everlie huh kung mag kasama kami ni Garri sa iisang room. Wala na kasing available kaya nag share nalang kami. Pero don't worry, wala kang dapat na ipag selos sakin." Wika nito pero hindi ko pa rin maiwasan tong nararamdaman ko.
Para bang unti-unti nitong pinapatay ang puso ko. Sobrang sakit, na animoy pinipigilan nito ang pag hinga ko. Hindi ko akalain na mararamdaman ko nanaman ito after naming mag break ni Troi.
Pero bakit nga ba ako nasasaktan ng ganito? Hindi naman kami ni Garri?
"Sige Larra, paki sabi nalang kay Garri na tumawag ako. Mag iingat kayo." Wika ko at pinatay ko na yung call.
Napasandal ako sa sofa at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Pang bihira, bakit ba ako umiiyak ng ganito. Mahal ko na talaga si Garri kaya ako nasasaktan ng ganito. Eh ano naman kung mag kasama sila ni Larra. May tiwala ako kay Garri, ako lang ang babaeng unang beses nyang hinalikan at naulit pa.
Pero paano kung gawin nya din ito kay Larra? Nasa iisang kwarto pa naman sila. Kilala nyo si Garri, bigla bigla nalang yun nang hahalik.
Sh"t naman, ano ba tong pinag iisip ko, hindi ka dapat masaktan dahil wala namang kayo.
What if si Larra na yung piliin ni Garri? End game na ba kami? Hindi na ba matutuloy tong pag papangap namin?
Papaano na yung kontrata namin, yung kasal? Paano na ako? Hindi talaga tama na mahalin si Garri, kasalanan ko to dahil naging marupok ako.

Komento sa Aklat (436)

  • avatar
    AgeasPamela

    nice

    25/07/2025

      0
  • avatar
    RegachoRocelyn

    bet ko to.. gonna read this🥰

    04/07/2025

      0
  • avatar
    April Joy Cañete Gantalao

    hala prang true

    16/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata