One Three

**Paula's Pov**
"Bakla ano ba! Umayos ka nga!" Inis na wika ko kay Yvette. Ito ang unang beses na nakasama ko ito ng lasing.
"Bakla, ang gwapo gwapo mo." Wika nito habang nakayakap sa braso ko. Gusto ko nang ilaglag sa hagdan itong si Yvette pero mag puso naman ako.
"Tigilan mo na nga ako Yvette, hindi ako gwapo, maganda ako! Ma-gan-da!" Diin na wika ko dito.
"Kahit ano pang sabihin mo gwapo ka sa paningin ko!" Wika nito.
Napabuntong hininga nalang ako, masisira talaga ng beauty ko sa babaeng to. Kung makulit si Everlie, mas makulit tong si Yvette. Bakit ba ako nag karoon ng mga kaibigan na ganito? Pag dating sa kwarto nya, pabagsak ko itong binitawan sa kama nya.
"Aray ko bakla, nabalian ata ako." Reklamo nito habang nakadapa sa kama nya.
"Mababalian ka talaga pag di ka nag tino dyan! Dyan kana nga!" Inis na wika ko dito. Mag katapat lang naman yung room namin kaya iniwan ko na to.
"Kakaloka talaga ng babaitang yun, makaligo na nga muna." Wika ko sa sarili ko. After kong mag pa freshness, feel na feel ko yung towel na nakabalot sa katawan ko. Feeling ko naka gown ako mga bakla.
*Tok tok*
Ay naku, sino naman kaya ito! Mag bibihis na nga lang ako may mang aabala pa. Pag bukas ko, agad na pumasok sa loob si Yvette.
"Paula, ang init ang init sa kwarto ko." Wika nito at nag h*bad ng t-shirt nya.
"Hoy bakla tigilan mo nga yan!" Saway ko dito. Walang hiyang babaeng to, ano nanamang binabalak nya.
Napatalikod nalang ako ng makita ang dibdib nito. Mas malaki yung kay Mariel, siguro dahil mas matured na ito. Pero bakit ko ba yun iniisip?
"Paula" Muling tawag ni Yvette sakin. Pag harap ko dito naka bra and  panty nalang ito.
"Kakaloka ka Yvette!" Sigaw ko dito. Ako na kakashower lang feeling ko ang init-init. Jusme mababaliw ako sa babaeng to!
"Paula, kahit wag kana mag pakalalaki, anakan mo lang ako ayos na yun sakin." Wika nito kaya mas na windang ako.
"Mag bihis ka nga Yvette, nababadtrip na talaga ako sayo!" Inis na wika ko at dinampot ang mga damit nito.
Pag lapit ko dito bigla nalang nitong hinatak ang towel na suot ko.
"Yvette!!!" Sigaw ko ng lumantad sa kanya ang katawan ko. Dali dali kong tinabunan yung maselang bahagi ng katawan ko.
Sya palang ang kauna-unahang nakakita nito. Na v*rginan na ako mga bakla. Masasabunutan ko talaga ang Yvette na to.
"S-Sorry Paula." Nauutal na wika nito at nag madali ng tumakbo palabas ng kwarto ko.
"Hoy yung damit mo dito!" Sigaw ko dito at agad din itong bumalik. Pero sa pag balik nya nakatingin pa din ito sakin.
"Ano pang tinitingin tingin mo dyan, umalis kana! Kakalerki to!" Inis na wika ko at dali daling ni lock ang kwarto ko.
Huhuh, wala na! Nakita na ng bruhang Yvette na yan ang pinakakatago ko. Ano nalang ang mukang ihaharap ko sa babaitang yun!
**Yvette's Pov**
Jusme bakit ba ako pumunta sa kwarto ni Paula. Ito talaga ang kinaiinisan ko pag nalalasing ako. Hindi tuloy mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.
Grabe mga besh, ang laki ng ano nya hahaha. Pero wag na natin yun pag usapan. Pero ito ang unang beses na makakita ako ng ganun. Napapalunok tuloy ako, kaya hindi talaga pwedeng matuluyan si Paula. Kailangang may gawin ako para maging tunay syang lalaki.
Pero kaya ko kaya? What if mag patulong ako kay Everlie? Mag kasama sila sa iisang bahay kaya mas kilala nya ito.
- Kinabukasan -
"Good morning" Masiglang bati ni nanay Lucy samin.
Napansin kong parang may sari-sariling mundo ang lahat. Si Kuya at ate Mariel hindi pa rin nag iimikan tulad ng dati. Si Sir Garri and Everlie hindi din nag kikibuan. Teka may nangyare din ba sa kanila?
Tiningnan ko si Paula na nakatingin ng masama sakin. Napayuko nalang ako dahil feeling ko pinapatay nya na ako sa isip nya. 
"Mukang napasarap ata ang inuman nyo kagabi." Wika ni tatay Daryo. Pinag hain kami ng sinabawang isda ng mag Asawa.
"Sige humigop na kayo ng sabay habang mainit pa, para bumalik yung energy nyo." Wika ni Nanay Lucy.
  Tiningnan ko ang bawat isa, sobrang tahimik talaga, nakakapanibago. Mukang hindi talaga magandang idea ang paglalasing. Hindi na talaga to mauulit, promise.
"Bukas po ang dating nila mom and dad." Wika ni Sir Garri sa mag asawa.
"Ganun ba, nasabihan ko na ang mga tauhan natin sa Villa. Alam na nila ang gagawin nila." Wika ni nanay Lucy. Napansin kong napabuntong hininga si Everlie. For sure kinakabahan ito.
After namin kumain, napalunok ako ng mapansing nakatingin sakin si Paula. Parang mangangain naman ito kung makatingin.
"Mag usap tayo!" Inis na wika nito ng makaalis na ang bawat isa.
"About naman saan? Ano bang nangyare kagabi at parang ang tahimik ng lahat?" Tanong ko dito na kunyare ay wala talagang alam.
"Anong pinag sasabi mo dyan, wag mo sabihing hindi mo natatandaan yung ginawa mo kagabi?" Nakataas ang kilay nito sakin.
"Bakit may ginawa ba ako? Nakakahiya ba yung ginawa ko? Ito na nga bang sinasabi ko eh, kaya ayuko talaga mag pakalasing kasi nakakalimutan ko Ang mga ginagawa ko." Wika ko sabay tabon ng dalawang muka gamit ang dalawang palad ko. Sana lang talaga ay maniwala si Paula sa mga sinasabi ko.
"Mabuti kung ganun, sa susunod wag ka ng mag papakalasing ah!" Inis na wika nito sakin at nag walk out na. Nakahinga ako ng malalim dahil napaniwala ko ito. Napangiti naman ako ng makita ang pag bounce ng pw*t ni Paula habang nag lalakad. Para kasi itong pato hahaha, ang sexy nyang tingnan.
Ano ba tong nangyayare sakin, tomboy ba ako? Bakit feeling ko nag kakagusto na ako kay Paula? Di kaya dahil sa nakita ko yung ano nya?
Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad nag pahangin sa labas. Feeling ko ang init init, siguro dahil sa mainit na sabaw na ininom ko kanina. Kailangang mabura na sa isip ko yung nakita ko kagabi.

Komento sa Aklat (436)

  • avatar
    AgeasPamela

    nice

    25/07/2025

      0
  • avatar
    RegachoRocelyn

    bet ko to.. gonna read this🥰

    04/07/2025

      0
  • avatar
    April Joy Cañete Gantalao

    hala prang true

    16/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata