Tila siya natuklaw ng ahas sa nakikita niya. Napalunok siya ng wala sa oras. Tila inanod lahat ang galit niya sa nakikita niya ngayon. Nakaupo ang fiance niya sa mesang gawa sa kahoy na tangging twalyang puti lang ang nakabalot sa katawan nito. Tila ata pinagpawisan siya ng malapot. Nawala na rin ang antok na kanina ay nararamdaman niya at napalitan ng hindi maipintang damdamin. Nakangiti ito sa kanya habang nakahawak ng tasa at nagkakape. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang babaeng tila inaakit siya. Pinagalaw nito ang mga balikat dahilan ng pagkalaglag unti ng twalyang nakabalot sa katawan nito. Swabe! Ngayon ay tila hindi na ata niya maialis ang paningin niya sa babae. Ang anumang katanungan niya sa isip ay tila ata nabura nang lumapit sa kanya ang babae at nawaglit sa katawan nito ang puting twalyang tumatakip sa katawan nito. Sh*t! Inilapag ni Clara ang hawak nitong tasa sa mesang nalampasan. "Bakit ang tagal mo?" Anito at yumakap sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin niya. "Tssskk, Don't tell me na traffic lang kaya ang tagal mo?" Bulong nito sa tainga niya. Napalunok siya sa ginagawa sa kanya ng babae. kinakagat-kagat nito ang tenga niya. Nakikiliti siya. "Clara." Anas niya na hindi makapagsalita ng maayos. Hinawakan niya ang braso ng fiance niya. Tumigil ito sa ginagawa at tumitig sa kanya. "Yes?" Ngumiti ng pilyang tanong nito. Pero bago pa siya makapag pigil ay hinawakan na niya ang batok ng babae at hinalikan ito. Parehas silang humihingal at ngumiti pag katapos nilang pag saluhan ang isang masarap na halik. Tumaas ang kilay niya sa babae, dahil bigla itong tumalikod at pinulot ang twalyang sinadyang hinulog nito kani-kanina lang. "So, Sige umpisahan mo na po ang sermon mo, Mahal na Pare." Pilyang anito sa kanya at lumapit muli sa kanya. Ipinaikot nito ang braso sa batok niya. Kusang yumakap ang mga kamay niya sa likod ng babae. They were now dancing without sound, Only there heart beats with a rhythm. Nakipag nose to nose siya sa babae. Dahilan ng pagngiti nito. "I just want to ask, Ano na naman ba ang kalukuhang pinasok ng badgirl ko?" Umpisa niya sa malumanay na paraan. Ngumiti ito sa kanya, At mas lalong isiniksik ang katawan sa kanya. Bakit ba napakaswerte niya kay Pepe. Napakabilis lang matunaw ang galit nito at nagpapasalamat siya sa Diyos at ito ang ibinigay sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata habang ninamnam ang init at sarap na pinagsasaluhan nila ni Pepe. At inalala ang huling pag-uusap nila ng Ina ni Pepe. "Mymah, alam po ba ni Althea ang plano niyo?" Tanong niya pag kauwi nila sa mansiyon ng mga ito. Umiling ang ginang. "Wala akong planong sabihin sa kanya, Isa pa mas gusto kita para sa anak ko kasi ikaw, hindi ka lang puro salita kundi talagang nasa gawa." Anito at ngumiti. "Ganon po ba? Sino po ang mga nakaka alam sa plano niyo?" Curious na tanong niya. "Si Lanie, ako at ang soon to be next dad mo." masayang anito at niyakap siya. "Sory talaga iha, ha?" Muli ay hinge nito ng paumanhin. Ngumiti siya bilang pagsagot. "It's a pleasure, Mymah." Aniya at yumakap din sa ginang. miminsan lang ang mga ganoong sitwasyon at sasamantalhin niya iyon. "Clara." Tinig ni Pepe na nagpabalik sa kanya sa ngayon. "Uhhmmm." Ungol niya upang iparating ritong hindi siya natutulog . "Speak."Pangungulit nito sa kanya. "Wala naman akong ginawa na masama, Uhmm, Isa lang pala." Hirit niya kasabay ng kanyang pagtawa at pagtingin sa lalaking nakatingin rin sa kanya. Pinisil nito ang ilong niya. "Pepe naman, tatangos ang ilong ko, matangos na nga!" Reklamo niya at ngumiti. "Kasi ikaw, Pasaway ka! Kaya dapat lang na pinipisil ang ilong mo.Baka mag sinungaling ka pa sa akin hahaba pa ang ilong mo." Pananakot nito na ikinahagalpak niya ng tawa. "Hindi ah, Tyaka magsasabi talaga ako ng totoo, hindi katulad nang iba diyan, bigla na lang pinapatay ang phone." Nakairap na ika niya. Kumunot ang noo nito. "Ooopppsss, Don't try to put the blame on me, Ikaw itong may kailangang linawin tapos binabaliktad mo na naman, Husssh, strategy!" Pangangatiyaw sa kanya ni Pepe. Natawa siya rito. "Halata ba?" Pilyang sagot niya at umismid. Dahilan ng pagkagat ni Pepe , sa ibabang labi niya. "Outch." Reklamo niyang nakikiliti. Hindi naman kasi masakit, Nakakakiliti nga lang. Nangislap ang mga mata ni Pepe na tila may gustong iparating sa kanya. Napangiti siya. "Sa totoo lang naiinis ako sayo, kaya ayon. Naisip ko iyong bracelet na binigay ko sayo dati, Remember?" Aniya sa lalakeng kasayaw. Kumunot ang noo nito at maya-maya lang ay nagsalita na. "Ah iyon ba?" Tipid na anito at humigpit ang yakap sa kanya. "Ayon pinaconnect ko uli kay Jek, Para i-check location ka." Pagtatapat niya. "Tapos?" Atat na ika nito. "Tapos ayon, biglang tumawag si Mymah." Napangiting sagot niya. "Si Mymah?" Kunot noong tanong nito. "Opo si Mymah, Sinabi niya sa akin kung saan ko matatagpuan si Joy." Pag amin niya. "Ha? Teka di ko lang ma gets. " Nalukray na ika nito. "Hindi mo magegets kasi dimo ako pinapatapos." Natatawang reklamo niya. "Ay sauce, May ganyan ka ng reklamo, Sister?" Pagbibiro nito sa kanya. "Ikaw naman kasi, Lalandiin mo ako o mag kwekwento ako?" Napataas ang isang kilay na ika niya rito "Hala, Hindi kita nilalandi ah." Painosenteng ika nito. "Hindi daw, ei yang kamay mo po, Humahaplos sa pwet ko! Akala mo hindi ko alam!" Pagpapasaring niya sa lalakeng, Ngumiti ng pilyo. "Bastos!" "Gustong-gusto mo naman." Hirit naman nito. "Talagang gustong-gusto ko." Aniya at tinuhod ito sa twetty bird nito. "Outch!" Daing nito at nag tatalon-talon sa sakit. "Oh, ano?" Taas kilay na aniya. "Sorry na Misis." Nakangiting iling nito. "Misis, Kailan pa?" Nang-iinis na usig niya. "1 week for now, magiging akin ka na." Pilyong ngiti nito at sumunod sa kanya. "Uy, Sorry na." Nakasunod pa rin ito sa kanya. Tinanggal niya ang twalyang nakatakip sa katawan niya at binato sa pag mumukha ni Pepe. Dumeretcho siya ng higa at agad na nagkumot. She was wearing her favorite panty and bra. Iyon lamang ang tanging sout niya. "Sorry na kasi." Nag mamakaawang ani Pepe sa kanya at umupo sa kama. "Papatawarin lang kita if sasabihin mo sa akin, Kung ano ang nabago sayo na hindi mo nakasanayang gawin nong hindi mo pa ako nakikilala?" Aniya dito. "Hmm Ang dali naman, Walang mas mahirap?" Reklamo naman nito. Binato niya ito ng unan. "Hush, ito na!" Pagsagot nito at tumingin sa kanya. "Iyong ngumiti kapag naiisip ka, Tapos nag sasalita ng walang kausap, Iyong tipong nababaliw ako kapag hindi kita nakikita at nakakausap." Kumislap ang mga matang anito. "Totoo ba yan?" paniniguro niya. "Oo, I swear." Sabay taas ng kanang kamay nito. "Maliban sa mga ganyang bagay ano pa?" Pilit na tanong niya. "Hmm, Di ako makatulog kapag hindi ka nag gogoodnight sa akin sa text, tapos nag a-i love you!" Kumindat na ika nito. Nag blushed siya sa sinabi nito. Parehas pala sila ng lalake. "Maliban diyan ano pa?" Pangungulit niya. "Ahhhmmmm, Gusto ko lagi tayo magkasama, tapos hawak ko ang kamay mo." Sabay hawak sa kamay niya. "Hmmm." Pag bawi niya sa kamay niya. "Ano pa sa trabaho mo, may nagbago ba?" Napakamot ito sa batok. "Ang dami namang, ano pa?" "Nag rereklamo ka?" Pilyang saad niya. "Hindi po." Agad na anito na ikinatawa niya. "Ok, Sa work ko. Ayon pinag katiwala ko na kay Rex, kasi alam kung gusto mo na sayo lang ako, Sayo lang ang isip ko, ang puso ko at ang kataw-----!" Di niya naituloy ang sasabihin, dahil hinila na siya nito pahiga sa tabi nito. "I told you, Gusto mo ako." Anito at humalik sa kanya. Inilayo niya ang sarili sa lalake. "Wait a second! Pwede patanggal ng damit mo?" Request niya sa lalake. "Bakit?" Takang tanong ni Pepe. "Basta!" Nagkibit balikat ito, pero tinanggal din lang naman. Napangiti siya sa nakikita. "Check pala ang abs mo, Pepe." Aniya sa lalake. "Di ba iyan ang nagustuhan mo?" Anito at humiga sa tabi niya sabay hila ng kumot niya. At nakikumot sa kanya. "Hey, Hindi no! Nagustuhan kita kasi nagustuhan kita. Not in your abs kasi kung abs lang ang usapan, di sana na inlove na ako kay Jek-jek, Perfect abs kaya yon." Himutok niya sa lalake. "So may hidden agenda ka sa abs ni Jekjek." "Hala! Nagseselos." "Hindi no." "Pa kiss nga!" "Ayaw." "Sabi na nagseselos." "Di nga!" "Kiss nga?" Hinalikan naman siya pero mabilis lang. "Selos nga, Hindi po abs ang labanan sa pagmamahal, kundi iyong taong magpapakaba sayo, Tas iyong tipong tila matatae ka sa nerbyos kapag tintigan ka na!" Seryosong aniya. Tumitig ito sa kanya. "Ayan ganyan, Kapag tinititigan mo ako, hindi ako mapakali kasi may mga nag rarace dito." Turo niya sa puso niya. "Tapos may mga lumilipad dito!" Turo niya sa sikmura niya "Kaya hindi ko alam kung matatae ba ako o masusuka sa kamandag ng titig mo." Aniya at pumikit. Nang biglang niyakap siya nito. "I love you, Clara." Anito na nagpangiti sa kanya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (117)
John Deo Andrino
how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day
how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day
12/11/2024
0khxijawbdkxosannsnx
12/11/2024
0welcome I just need dais
10/11/2024
0Tingnan Lahat