"Alam mo kasi iha, itong si Mr. Razon, Lampa yan ni hindi kayang sumuntok kasi nga nerd yan nong kapanahonan namin, Pero nagbago ang mundo nito nong makilala niya ako." Kwento ng ginang sa kanya. Tumingin siya sa Daddy ni Pepe na bigla na lamang sinalpakan ang dalawang tainga ng earphone. Napangiti siya, naaliw siya sa ginang pero parang mas naiintriga siya sa Daddy ni Pepe. "So the nerd turns too gorgeous man, kasi ginupitan ko siya, Inayusan ko then ako ang pumipili ng mga isusuot niya." Pagbibida pa nito. Nagulat siya. "Nagsama po kayo?" Tanong niya. "Hindi! kaya lang malandi ako ayon nalaman ng Mommy ko na may nagugustuhan ako at lagi ko pang kasa-kasama, That's why inilayo ako kay Mr. Razon." Nakangiting kwento nito sa kanya. Tumango-tango siya. "Pero hindi pumayag si Mr. Razon na malayo ako sakanya, because that's the time na natutunan na pala niya akong mahalin, kung kaya bago niya ako napakasalan, nagpabogbog pa yan sa tauhan ni Mommy." Muli ay ungkat nito. Tila tawang-tawa ito habang binabalikan ang nakaraan.Napakasarap nga talagang balikan ang nakaraan, lalo na kung sa tagal na at niluma na ng panahon ay nananatili pa ring buhay ang pagmamahalan ng isat-isa. "Kaya siguro gusto nitong mabogbog ang anak nito!" Nakaismid na anang ginang. "Don't worry sir, Nabogbog na po ang anak niyo." Aniya na ikinalingon ng daddy nito sa kanya. "I once kidnap by my ex, at siya po ang tumulong sa akin para makawala." Pag oopen-up niya, sa isa sa mga pangyayareng itinago nila. Nagulat ang mga ito sa sinabi niya. "It's a secret, But since you want proof kung talagang mahal ako ng anak niyo sinasabi ko na po." Aniya. "Are you serious?" Nagulat na tanong ng ina ng Mahal niya. "Yes Mymah, Itinago po namin siya at nag pagaling siya sa bahay, Umalis po ako sa kadahilanang kasalanan ko kung bakit nangyare sa kanya iyon. But hindi siya sumuko sa akin Mymah dahil natagpuan muli niya ako." Malungkot na kwento niya ngunut may ngiti sa kanyang labi. "Hindi ko akalaing nadanas na pala ng anak mo ang mga gusto mong maranasan niya Daddy." Anang Mymah ni Pepe . Tuminggin sa kanya si Mr.Razon. "And you were lucky, Kasi napatunayan na pala ng anak ko ang sarili niya." Seryosong ika nito sa kanya. "At hindi lang po iyon ang dinanas niya." Muli ay sambit niya. Tuminggin sakanya ang mga ito. "My one friend flirt on him, pero hindi siya nag patinag kasi mahal daw niya ako." Proud na sabi niya. Ikinataas ng kilay ni Mrs. Razon ang sinabi niya. "Well, sa akin nagmana ang anak mo Mr. Razon." Anito at tumawa. "Your wish Ms. Rivera." Pag salungat ng lalake. "Correction, It's Mrs. Razon now." Na ikinatawa nilang tatlo. She feel like, she is belong to the family now. Ang sarap pala kasama ng pamilya ni Pepe , Lalo na ang Mymah nitong pilya. Hindi eneexpect ni Clara na ganon pala ang kwento ng love life ng mga ito. Kung hindi niya talaga nakasama ang Daddy ni Pepe malamang na masasabi niyang napakaseryosong tao nito, ngunit nagbago ang pagkakakilala niya ngayon rito dahil sa mga nasabi ng asawa nito at sa mga inaasta nito ngayon. She is now comportable with Pepe's family iyon ang malinaw ngayon sa kanya. Kung hindi pa siya tenest malamang ilag pa din siya sa pamilya ng lalake, But now ang saya-saya palang kasama ang mga ito. Nagbabangayan man,nakikita at masisilip mo pa rin ang ka-sweetan ng mga ito. Natatawa pa rin siya sa sinabi ng Mymah ni Pepe. Nerd daw dati ang asawa nito and it turns out na nong makasama niya ito ay naging gorgeous hunk na ang lalake. Siya kaya ano kaya ang nangyare kay Pepe ng minahal niya na ito. Well let's see, Kapag nakaharap ko na siya. Pero may isa pa siyang iniisip. Sasabihin pa ba niya kay Pepe , Ang nangyareng test sakanya or hindi na? Well, Sabi nga ng daddy nito. Kung sana hinayaan niyang ipinaalam kay Pepe ang sinabi ng Mymah nito sa kanya, di sana'y dalawa silang na test. Meaning, Kailangan niya pa ring sabihin, magalit man ito or hindi. Napangiti siya. Ano rin kaya ang e- kwe-kwento niyang story niya sa magiging mga anak niya? Imagining things. Siguro sasabihin din niyang— The badgirl life's change when Pepe's came out and catch her heart. Sweet naman masyado! Parang Panget! Or The bad girl turn's to a beautiful Princess? Swabe, pwede rin. Ito na pala talaga ang feeling ng inlove. Kinakausap ang sarili niya, Kinikilig sa kawalan at ngumingiti sa mga iniisip. This is life. And she love what is happening to her. *** Kanina pa sila nag aantay ng tawag mula sa kidnapper, pero ito sila at hindi pa rin tinatawagan. Naiinis na nga sila dahil kanina pa sila nilalamok! Napabuntong hininga siya, kung hindi lang para sa pamangkin niya ay hindi siya mag aantay ng ganitong katagal na oras. Kung bakit ba naman ayaw ng pinsan niya na itawag na lamang sa pulis ang magaganap na transaction nila. Napailing-iling na lamang siya. Kamusta na kaya si Clara? "Pepe, Relax." Bulong sa kanya ni Lanie na ngumiti mula sa tabi niya. Ngayon siya pa talaga ang kailangang mag relax, hindi niya maintindihan ang pinsan kung pano pa nito nagagawang ngumiti gayong mukhang peke ata ang natanggap nilang tawag. Dala nila ang tatlong guard nila sa Mansiyon. Pero ito sila, nga-nga pa rin hanggang ngayon. Wala pang text ang mga kidnapper na nakikipag meet sa kanila. Naisip nga niya e,mabuti pa ang mga lamok may mga nasipsip na! Samantalang sila bokyang-bokya pa rin! Sa inis niya ay di niya napigilang ini-on ang cellphone niyang kanina lang ay pinatay niya. Dahil alam naman niyang kukulitin lang siya ng fiance niya kung nasaan siya. Pero wala naman ni anumang text ang babae. Sh*t! Mas lalo atang uminit ang ulo niya. What happen at ni hindi man lang siya tenext ni Clara? Nakakabadtrip! "Pepe, Uwi na lang tayo, Mukhang pinaasa lang tayo ng mga kidnapper." Ani Lanie sa kanya. Wala na siyang magagawa pa. Nagsayang lang siya ng oras! At uminit lang ang ulo niya. Isa pa, bakit kaya hindi nag tetext si Clara sa kanya! Nakakainis lang kasi nageexpect siya na makakatanggap siya ng madaming mensahe galing dito pero wala pala. At masakit tanggaping tila walang pakialam ito. Napabuntong hininga siya. Dumeretcho si Clara sa Mang Jerry's Coffe hause, Siguro panahon na para tanggapin niya ang free service niya. Well, Magsisi si Pepe, kung kaya siya nitong patayan ng cellphone, pwes kaya niya rin. Time Check 12:05Am Kauuwi lang nila sa mansiyon ng sinalubong sila ng maid nila. "Maam Lanie, Sir Tyron, Gusto raw kayong kausapin ni Ma'am." Anito na ikinatango nila. Nakita nila sa sala ang nagkakapeng ina niya. "Mymah." Bunggad niya sa ina at humalik sa noo nito. "Pinapasabi pala ni Clara, Puntahan mo daw siya sa Mang Jerry Coffe Hause." Agad na salubong sa kanya ng Ina. Kumunot ang noo niya. "What?" Nagulat na ika niya. Hindi siya pinansin ng ina, Bagkos ay bumaling ang mga mata nito kay Lanie. "Nasa loob na ng kwarto ang anak mo, Lanie." Nakangiting anang Mymah niya. "So, Nakapasa po ba sa test si Clara?" Walang anumang tanong ni Lanie dito. Mas lalong kumunot ang noo niya. Ano ang mga sinasabi ng mga ito? Test? Anong test? At Anak? Kwarto? Paano? Sh*t! Tila napagdugtong-dugtong na niya ang lahat ng nasa isipan niya, pero gusto niya pa ring marinig. "Clara well explain it to you iho, Kaya puntahan mo na siya." Pag tataboy pa sa kanya ng ina, na tila nahulaan ang nagsusumigaw sa isipan niya. Hindi niya maintindihan ang mga ito, pero parang may na sesense siyang may ginawa na naman, na hindi niya nalalaman ang Badgirl niya. Grr! Mukhang maaga ata puputi ang mga buhok niya! Mang Jerry's Coffe Hause 12:36 Am Panay hikab na siya. Inaantok na siya sa totoo lang. Dumeretcho siya sa Information Desk. "GoodMidnight Sir." Magalang na bati sa kanya ng Magandang Babae. Ngumiti siya rito. "May naka check-in ba ditong Clara Velmonte?" Tanong niya sa babae. "Ohhh, Si Miss Mask po ba?" Nakangiting tanong nito. Na ikinatango niya. "Name niyo po?" Magalang uling tanong nito. "Tyron Droid Razon." Seryosong aniya, kahit na inaantok siya. Ngumiti ito. "Kayo po pala si Mr. Mask, Bagay po kayo ni Miss Mask." Kinikilig pang anito. Ngumiti lang siya sa babae at nagpasalamat. "Room no. 143 po sir, Go straight and liko lang po, tas makikita niyo na po ang room ng mga puso." Ngiti-ngiting anito. "Salamat." Aniya at nagpaalam na. Kanina pa siya atat na atat magalit at magtanong, Kung ano na naman ba ang nangyareng hindi niya alam. Kumatok siya sa pintong sinabi sa kanya ng babae. Pero tila wala atang tao. Kaya ipinasya niyang siya na ang magbukas, pero nagulat siya at hindi iyon naka lock. Inilock niya ang pinto at pumasok sa loob, patay ang mga ilaw sa sala. Pero may liwanag siyang nakikita sa pinaka kusina ng silid. Dumeretcho siya roon at nagulat siya sa nakita.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (117)
John Deo Andrino
how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day
how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day
12/11/2024
0khxijawbdkxosannsnx
12/11/2024
0welcome I just need dais
10/11/2024
0Tingnan Lahat