Time Check 10:30Pm Tama ang ina ni Pepe, sira na nga ang building na nasa harapan ng dating hotchill bar na ngayon ay napabayaan na! Bumaba siya mula sasakyan kasama si Jek at Jun, Naiwan sa loob si Freda at Khate. "Tara na!" Bulong niya sa dalawa na tumango sa kanya. Pumasok sila sa loob ng maalikabok at panay basag na bote ang makikita. "Where here!" Sigaw niya at pumalakpak. Bilang pamamaalam na nasa loob na sila. Ngunit wala siyang sagot na nakuha. Tama kaya ang sinabi ng Mymah ni Pepe? "Jek."Check the place aniya sa Partner niya na siyang ginawa naman nito. Nang biglang lumiwanag ang lugar kung saan nasaan sila. Awtomatikong lumikot ang paningin niya sa lugar ngunit hindi pa nakaka apak si Jek sa isang pinto upang buksan ay lumabas na mula roon ang isang balbas saradong lalake na diretsong nakatingin sa kanya. "As you can see, Miss Botiful." Matinis na ika nito at pumalakpak na siyang ikinalabas ng isang maliit ngunit may katabaang lalaki. Agad itong yumuko at pagkatapos ay itinukod ang kamay sa tuhod nito. Umupo ang balbas saradong lalaki rito. Napalunok siya! Napakawalang puso nito. "Nasaan ang bata?" May diing tanong niya tama na ang patalastas nito. Kailangan niyang unahan si Tyron sa pagkuha sa bata. "Nasaan ang pera!" Sagot nito na nagpangisi sa kanya. Ipinitik niya ang mga daliri. At lumapit sa kanya si Jek-jek, Binigay ang malateng naglalaman ng pera. "Kailangan kong makita ang pera!" Diskompyadong tanong ng lalake. "Kailangan ko ring makita ang bata!" Pag-ngisi niya sa lalake. Na ikinatawa nito. "Hindi ka lang pala maganda at sexy, Matalino ka rin!" Anito at pumitik naman ngayon na siyang nagpalabas sa isa pang kasama nito. Kung wala sana sila sa ganong sitwasyon ay humagalpak na siya ng tawa, gaya-gaya pala ang bruho. Lumabas ang isang lalakeng naka kulay pula ang damit bit-bit ang tulog na si Joy. "Ngayon makukuha mo ang batang ito kung ibibigay mo sa akin ang pera na hinihinge ko." Umpisa nito. "Naiintindihan ko, kaya nga narito na ang hinahanap mo." Aniya at inilapag ang maletang iniabot ni Jekjek sa kanya. "Buksan mo." Utos nito sa kanya na ikinangisi niya. "Ang isang magandang babae ay hindi pinagbubukas lang, bagkos ay pinagsisilbihan, ano kaya kung ikaw ang tumayo riyan at buksan ito kung nais mo?" Sinumpong na winika niya. Hindi pa ngayon ang tamang oras para magretiro ang titulo ng pangalan niya at hindi isang pangit na lalaki ang mag-uutos lang sa kanya. Tumayo ang balbas saradong lalake na nahinuha niyang leader ng mga kasama nito. "Dagul, kunin mo ang maleta." Utos nito sa maliit na lalaki. Agad na lumapit ang inutusan ngunit binitbit niya ang maleta at linampasan si Dagul. Ngumiti siya at lumapit sa balbas saradong lalake. Inilapag niya ang maletang dala niya. "Galingan mong magbilang baka kulang." Paalala pa niya. Akmang bubuksan ng lalake ang dala niyang maleta ng nagpakawala siya ng isang malakas na Flying Kick na tumama sa mukha nito. Swabe! Kumilos ang mga kasama ng lalake pero hindi nagpapahuli sina Jek at Jun sa pagsaklolo sa kanya. Bumangon ang balbas saradong at gumanti ng suntok sa kanya. Umilag siya at bumawi ng suntok, Dumaplis ang kamao niya sa pisnge ng lalake. Gumanti rin ang lalake pero nakailag muli siya. Umikot siya mula sa harapan ng lalake at tinadyakan niya ang pagmumukha nito, dahilan ng pagbagsak ng pwet ng lalake sa semento. Tumakbo siya mula kay Joy na nakahiga sa may upuan ng biglang humarang sa kanya ang kalaban ni Jun-jun na walang iba kundi si Dagul. Ngumiti siya kay Junjun. Ano man ang dahilan ng kaibigan at hindi pa nito napapatulog ang maliit na damuhong humarang sa kanya ay hindi niya alam. Kumindat muna siya kay Dagul at kasabay niyon ay pinaikot niya ang katawan at wala ano-anong tumigil sa nagulat na lalake saka niya ito tinadyakan sa twetty bird nito. "Ahhhhhh!" Sigaw ng nasaktang lalake. Napaluhod ito sa sakit. Nilampasan niya ang lalake at dumeretcho kay Joy. Kinarga niya ang bata at humarap kay Junjun, nakangisi ito kung kaya't pinanlakihan niya ito ng mata. Nakuha nito ang ibig niyang sabihin kung kayat agad na humarap ito at nag pakawala ng malakas na sipa. Samantalang si Jekjek ay nakamasid lang sakanilang dalawa. Knock down na ang tatlong kidnapper,pero nagtataka lang siya, wala ni anong armas ang mga ito. Kinuha ni Junjun ang maletang walang laman at nagpati una sa paglabas ng biglang may pumalakpak sa likuran nila. Nagulat siya sa nakita! "Mymah?" takang anas niya. Ngumiti ito sa kanya. "Congrats, nalampasan mo ang hamon ng pamilya Rivera." Nakangising pagbati nito. Kumuot ang noo niya. "Hamon?" Takang tanong niya. Lumabas mula sa kung saan ang Daddy ni Pepe. Lumapit sa kanya at kinuha ang batang karga niya. "Let's go." Yaya sa kanya ng Mymah ni Pepe. "May daan sa likurang bahagi ng building na ito. Paunahin mo na lang ang mga kasama mo, Clara." Anito sa kanya. Tumango siya sa ginang at tumingin sa mga kasama. Ngumiti siya sa mga kasama at ipinakita ang sout na bracelet. Tumango naman ang mga ito at tumalikod na. Alam na ng mga kaibigan niya ang nais niyang ipahiwatig. Sumabay siya ng lakad sa mga magulang ni Pepe. "This is one of our family tradition, Clara." Umpisa ng ginang. "Katulad mo rin ay nagdaan kami sa gantong pag subok, Ang harangin ang kasal namin sa pamamagitan ng mapagbibintangan ang ikakasal sa amin mula sa pagkawala ng isang bagay." Nakangiting humarap ito sa kanya. "At hindi ko iniexpect na magaling palang mag patumba ng kalaban ang papakasalan ng anak ko." Humagikhik na anito na ikinangiti niya. "Your soon to be father, ay hindi sangayon sa balak ko ngayon, dahil sa babae ka nga at malamang matatakot kang patunayan ang paglinis mo sa pangalan mo!" Anito at pinagbuksan siya ng sasakyan. Naka-abang ang sasakyan ng mga ito.Umupo siya sa tabi ng ginang na kinarga ang batang si Joy. "Im not expecting na pupunta ka talaga, ang alam ko lang tatawagan mo si Tyron para sabihing alam mo na kung nasaan si Joy, pero hindi mo ginawa instead sumugod kang may mga ibang kasama." Tuwang-tuwa na kwento ng ginang. "Ang alam ko po ay papunta na rin sina Pepe ngayon dito." Agad na sagot niya. "Hindi sila dito pupunta, dahil ibang lugar ang sinabi namin sa kanila." Agad na sagot ng ginang at hinawakan ang kamay niya. "What?" gulat na aniya. Ngumiti ito at hinaplos ang kamay niya. "Katulad ng sinabi ko akala ko tatawagan mo siya." muli ay ulit nito. Umiling siya. "Im proud of you iha." baling sa kanya ni Mr. Razon, na siyang may hawak ng manebela. "Ako kasi rati, Im too nervous hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko, para mahanap ang babaeng mahal ko na tinago ng pamilya nito." Umpisa nito. Nagulat siya. Hindi niya akalaing maging ito ay dumaan nga talaga sa hamon na sinasabi ng mga ito. "Yes Iha, Tinago ako ng pamilya ko sa lalakeng mahal ko, Gusto raw nilang subukin ang lalake, kung hahanapin ba ako at kung mahanap niya ako saka raw niya ako papakasalan, which is pumayag ako." Singit ng Mymah ni Pepe. "Ibig sabihin po ba ay alam ni Pepe ang mga plano niyo?" Agad na tanong niya. Muling umiling ito. "Hindi! kasi hindi mo pinaalam." Anito sa kanya na nakangiti ng maluwang. "Ganon po ba?" Tipid na sagot niya. Tumango ang ginang. "Kung sana sinabi mo sa kanya, malalaman niyang may kinalaman kami, pero hinayaan mo lang naman, dahil gusto mong mauna, Hindi ba?" Tanong nito na ikinangiti niya. "Youre a Bad girl, ngayon alam ko na kung bakit ka niya minahal." Natameme siya. "Bakit po?" kusang lumabas sa bibig na tanong niya. "Kasi mas matapang ka kaysa sa kanya and that's the reason she love's you, because he want to take care of you." Komento ng Mymah ng lalakeng mahal niya. Hindi siya makapagsalita. "Next time, Magsabi ka sa mahal mo iha, para sa susunod, parehas kayong dumaan sa test hindi lang ikaw." Sita sa kanya ng daddy ni Pepe . "Mr. Razon, Huwag mo ng sisihin si Clara, Ayaw niya lang masaktan ang mahal niya. That's the reason na inunahan niya si Pepe, Not knowing that it's just a test. So thanks iha, At sana huwag kang magalit sa amin." mahabang paliwanag nito. Ngumiti siya bilang pagsagot. "It's a pleasure too pass the test, Ma'am." Aniya. "At sana ipamana mo ito sa mga susunod na henerasyon natin, kung sakaling magkaroon na ako ng apo." Natawa siya. "Don't worry Mymah, Kami nang bahala ni Pepe sa mga apo niyo." Tumawa ito at niyakap siya. "I don't expect na action star pala talaga ang babaeng napili ng anak ko." hindi pa rin makapaniwalang anito. "So paano na yan, Paano mo malalaman na dalisay din ang pagmamahal ng anak natin kay Clara? Kung si Clara lang ang nakapasa sa test mo?" Anang asawa nito na tila nagagalit. "Ikaw Mr. Razon, Hindi ko alam kung gusto mo ipabogbog ang anak mo or what? At pwede ba, huwag mong igaya sayo ang anak mo na kunware matapang pero hindi pala!" Natatawa siya. Nag babangayan man ang Mymah at Daddy ni Pepe, Nakikita niya pa din ang pagmamahal sa bawat pag titinginan ng dalawa. How she wish na tumanda man sila ni Pepe ay mananatili pa rin ang pagmamahalan nila. Well, sure naman siyang mahal na mahal na niya si Pepe dahil sa klase rin ng pagmamahal na ibinibigay ng lalaki. Napakapalad niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (117)
John Deo Andrino
how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day
how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day
12/11/2024
0khxijawbdkxosannsnx
12/11/2024
0welcome I just need dais
10/11/2024
0Tingnan Lahat