Chapter 38

"Hindi ba't ikaw ang kasama niya?" Muling ani Lanie sa kanya, ang Mommy ni Joy.
Tumango siya.
"Bigla po kasi siyang tumakbo, Kaya hinabol ko po siya, but the problem is naligaw po ako." Paliwanag niya.
"Bakit naman siya tatakbo?" Kunot noong tanong ng kapatid ni Pepe.
Tumingin siya ng matalim kay Althea
"Nakakita kasi siya ng multo, Kaya ayon natakot kaya tumakbo!" Paliwanag niya.
"What multo?" Sabay na sabi ng mag asawang Razon.
"Opo sa totoo nga lang bruha pa!" Naasar na wika niya na ikinangisi ni Pepe at lumapit sa kanya.
Naiinis talaga siya!
"Kung ganon, nasaan na si Joy?" Tanong ni Pepe sa kanya.
Nag kibit balikat siya at tuminggin kay Althea.
"Naku naman ang batang iyon." Reklamo ng ina nito.
"Sinabi ko naman sa kanya na aalis din kami agad." Naasar pa na anito.
"Pinsan baka naglalaro lang yon." Alo sa kanya ng kapatid ni Pepe .
Andrew pala ang name ng kapatid ni Pepe . Andrea daw pagdating ng gabi.
Nagkibit balikat ito.
Nagtawag naman ng maid ang daddy ni Pepe para hanapin ang bata.
Pero wala pa rin si Joy.
Kaya napagpasyahan nilang pati sila ay mag hanap na.
Hanggang sa napaiyak na ang Mommy ni Joy.
"Clara, Huwag ka sanang magalit sa akin." Umpisa nito.
"Pero ikaw ang kasama ng anak ko, Saan mo siya dinala?"Anito sa kanya na hilam ang luha.
Naiintindihan niya ito.
Huminga siya ng malalim.
"Lanie, ni hindi ko nga kabisado ang bahay na ito, Pano ko naman siya itatago." Malumanay na aniya.
"Pero ikaw lang naman ang kasama niya."Ulit nito.
"At bakit ba tumakbo talaga ang anak ko?" Anas nitong nag hihinagpis sa balikat ni Andrew.
Tumingin siya kay Althea na nakangisi sa kanya.
"Nakita niya kasing inaaway ako ni Althea, kaya malamang baka gusto niya kaming isumbong." Honest na aniya.
Tumingin ang mga ito kay Althea.
"Ops!" Anito, Sabay taas ng kamay.
"Naiinis lang ako sa babaeng yan kasi mang aagaw si---!"
Naputol ang sasabihin nito dahil nagsalita si Pepe .
"Wala siyang inaagaw dahil desisyon kung mahalin si Clara!" May diing putol nito.
"Pagkatapos non, Anong nangyare?" Curious na tanong ng Mymah ni Pepe .
"Hinabol ko po si Joy, pero hindi ko na nakita at isa pa naligaw po ako ng daan, kaya natagalan akong nakabalik." Sagot niya.
"So, Baka ikaw ang nagtago sa bata? Reason mo lang na naligaw ka. But the truth is tinago mo siya?" Ani Althea na nagpainit ng dugo niya.
"Excuse me? Bakit ko naman itatago ang bata kung wala akong dahilan? Baka ikaw, kasi gusto mo akong pag bintangan para masira ako sa pamilyang ito!"
Wala sa loob na patol niya rito.
"Clara." Ani Pepe na hinawakan ang kamay niya.
Mabuti na lang at nandiyan si Pepe kung hindi makakasapak siya.
"Wait lang." Pag papagitna ni Mrs. Razon.
"Tama si Clara, wala siyang dahilan para kidnapin ang bata, but." Anito na nagpakaba sa kanya.
"You are responsible for the lost of the child." Anito sa kanya.
Tumango siya.
Tama ito. "Aminado po akong kasama ko ang bata at nasa pangangalaga ko, but my question her is, bakit kung kailan kasama ko siya saka pa mawawala ito?"
"Wow, Abogada ka ba at ang dami mong tanong?" pambabasag sa kanya ni Althea.
"You know why? Kasi ikaw lang naman ang nakikita kong maaring gumawa ng bagay na ito, siguro para ma puspone ang kasal namin ni Pepe , That's your reason kaya tinatago mo ang bata."
"Wow, hindi ka lang abogada, director ka rin pala, ang galing mo naman gumawa ng kwento binabaliktad mo pa ako. Kinuha mo ang bata dahil naiinis ka sa kanya kasi tinawag ka lang namang tanda!"
Anito na ikinatawa niya ng nakakainsulto.
Pinigilan siya ni Pepe sa aktong pagsagot.
Tumingin siya sa mga kasama niya.
Walang tigil ang pag iyak ni Lanie na ngayon ay inaalo pa rin ni Andrew, samantalang si Mr ang Mrs. Razon ay tila nag iisip kung sino ba talaga ang kakampihan sa kanilang dalawa ni Althea.
Napabuntong hininga siya.
She need to do something!
Katulad ng inaasahan ni Clara.
Siya ang prime suspect sa pagkakawala ni Joy.
Dumating ang mga pulis na pinatawag ng pamilyang Razon, para imbistigahan ang biglaang pagkawala ng bata.
Kinuha ang bawat statement nila kung paano at saan huling nakita ang bata, at dahil siya ang huling kasama ng bata ng mawala ito ay siya ang tila pinagsususpetsahan.
Pero hindi lang ang mga pulis ang gagawa ng imbistigasyon.
Kailangan niya ding linisin ang pangalan niya lalong-lalo na sa pamilya ni Pepe.
At isa pa hindi lang siya ang huling kasama ng bata ng mawala ito.
Si Althea ang hinuha niyang kumuha ng bata, Dahil ito lang ang may dahilan, Maliban na lang kung ayaw sa kanya ng pamilya Razon.
Isa pa, Baka nga si Althea ang kumuha talaga sa bata.
Dahil maaring humabol din ito sa kanya ng tumakbo siya para habulin ang bata para pigilin ito sa pag susumbong, kaya lang nawala siya sa tamang daan kung kaya't si Althea ang nakahuli sa bata.
Dahil base sa kwento ng mga taong nasa sala, Halos magkasabay lang silang dumating ni Althea at ang reason nito ay umihi daw muna ito at nag ayos ng sarili bago lumabas ng Cr.
Which is kataka-taka rin sa panig niya.
FUNYUM
9:00 pm
"Are you sure, Na si Althea talaga ang nagtago sa bata?" Gulat na tanong ni Freda?
Katatapos niya lang ikwento sa mga kaibigan niya ang nangyare sa kanya sa mansiyon ng mga Razon.
Tumango siya.
"Inaantay ng pamilyang Razon ang tawag mula sa kidnapper ngayon." Muli ay balita niya.
"Meaning, Talagang may nag tatangkang kumuha sa bata?" Ani Khate na nagpatango sa kanya.
"Yeap, Kabisado nito ang routin ng mansiyon, Pati ang change guard na oras ay alam ng kumuha sa bata, Around 3 pm ng nawawala ang bata which is change guard kung saan aalis ang nakabantay sa gate at makikipagpalit sa kasama." Paliwanag niya.
Tumango si Jun-jun.
"Anong balak mo?" Tanong nito sa kanya.
"Ako ang pinagbibintangan na may kasalanan, Hindi man nila sabihin iyon, Nararamdaman ko." Aniya dito.
"So paano na?" muling tanong ni Jek-jek.
"Kailangan kong imbestigahan ang bawat isa sa kanila. At kailangan kita, Partner." Ngumiting aniya sa lalake
Tumango ito.
"No choice, Sino ang uunahin natin?" Tanong nito.
"Si Althea!" Aniya sa lalake.
"Akin na siya." Singgit ni Jun-jun.
Kumunot ang noo niya.
"Remember the days na muntik ng malaglag ang panty niya sa ak----!"
Tinampal ito ni Freda na nagpangiti sa kanya.
"So whats your plan?" Usisa niya sa lalake.
"Ako ng bahala sa kanya." Kumindat namang sagot nito.
Tumaas ang kilay niya nang biglang nag vibrate ang phone niya sa mesa.
"Hello." agad na sagot niya kay Pepe.
"Tumawag na ang mga kidnapper."
"Are you sure?" Agad na tanong niya.
"Oo, Humihinge sila ng 5M."
"What 5M, ang laki naman?" gulat na aniya.
"Buo na ang pasya nina Mymah na ibigay ang pera."
Ngumiwe siya kahit hindi siya nito nakikita.
"Sino ang magbibigay ng pera?" Wala sa loob na aniya.
"Ako at si pinsan, kasama ang mga guard sa bahay."
"What ikaw? San daw ba kayo magkikita?" Muling tanong niya.
"Basta, so huwag mo ng pagurin ang isip mo kung sino ang kumuha kay Joy, Ok?" Mahinahong saad nito sa kanya.
"Sasama ako!" Ika niya.
"Nope, Ako na bahala dito, Just relax, matatapos din to."
"Pero Ty----"
Tunog ng end call ang narinig niya.
Sh*t!
Tumingin siya sa mga kasama.
"Jek! Check mo nga if naka connect ang bracelet dati ni Tyron." baling niya sa lalake na tumango.
Maya-maya ay lumingon sa kanya si Jek-jek.
"Positive!" Anito na ngumiti.
Agad siyang tuminggin sa monitor ng laptop nito, pero Black screen lang ang nakikita niya.
"Location, Jek!" Muling tanong niya.
Maareng nakatago ang bracelet kaya malamang wala itong pinapakita.
"Hindi ko macheck ang exact location kasi gumagalaw." Sagot nito sa kanya.
Na nagpangiti sa kanya.
"Jun, handa mo ang sasakyan." Utos niya sa lalake na agad namang tumango.
"Malamang na sa kotse niya tinago ang bracelet nito." Aniya na malakas ang kutob.
"Anong plano?" Tanong ni Khate.
"Susundan namin sina Pepe." May diing aniya.
"Sasama pa ba kami?" tanong uli ni Khate.
Ngumiwi siya.
"Pero alam ko naman na hindi kayo papayag di ba?" Kumindat na aniya na nagpangiti sa mga ito.
Unknown Person
Samantalang
May dalawang aninong nag-uusap sa dilim.
"Hindi mo na sana itinuloy." anang isa.
"We should! Ngayon pa ba tayo aatras? e-tapos na!" pagalit na sumbat ng isa.
"But you should not compare it to us!"
"Im not comparing."
"Fine!"
***
Nakarecieve ng unknown call si Clara at sinagot niya ito.
"Clara, Iha!" Umpisa nito.
"Mymah?" Anas niya.
"Ako nga, Help Pepe." Mangiyak iyak na anito.
"Why Mymah?" takang tanong niya.
"Papunta na sila ngayon sa ilusyonada road sa may tabi ng tower kung saan mo makikita ang pink building, Kung pamilyar ka sa dating hotchill bar na dating naroon ay tiyak kung alam mo kung nasaan ang sira-sirang building na nasa harapan nito!" Mahabang paliwanag ng ginang.
Tumango-tango siya.
"Kailangan ka niya don, Clara! Promise me pupuntahan mo siya!" Pakiusap pa nito.
"Don't worry Mymah, Papunta na po ako sa tinutukoy niyong lugar." Aniya at ngumiti sa mga kasama.
"Hindi na natin kailangan pang antayin sina Pepe, Mauna na tayo sa kanila!" Aniya sa mga kasama sa sasakyan na ikinatango ng mga ito.

Komento sa Aklat (117)

  • avatar
    John Deo Andrino

    how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day

    12/11/2024

      0
  • avatar
    PuddaoStephen dave

    khxijawbdkxosannsnx

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Mercy Cornelio

    welcome I just need dais

    10/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata