Chapter 37

Clara's Hause
Kahahatid lang sa kanya ni Tyron sa bahay nila ng dumating ang mommy niya.
"Mom." Bunggad niya sa ina.
Tinaasan siya ng kilay.
"So, talagang inuwi ka na ng lalakeng ito?"
Ngumiti siya sa ina.
"Nilandi ko nga, Kaya di na niya ako inuwi, Mom." Aniyang tabinggi ang ngiti.
Ngumiti si Tyron sa Mommy niya.
"Parating na po ang mga magulang ko ngayon, Ma'am." Anito na nag pataas ng kilay nito.
"Are you sure?" tila maiiyak na anang mommy niya.
Dahilan ng pagyakap niya sa ina.
"Mommy, don't cry." Aniya na humaplos sa likod ng ina.
Ngayon ay matiyaga silang nag-aantay ni Tyron sa terrace ng bahay nila, Tawagin na lang daw nila ang mommy niya if meron na ang inaantay nila.
They were waiting for Tyron's family.
Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan, Tila luluwa ang puso niya sa kinalalagyan nito sa tindi ng kaba niya.
Hinawakan ni Pepe ang kamay niya.
"Relax." Bulong nito sa tainga niya.
Hindi kasi siya mapakali, kanina pa siya lakad ng lakad at di mapirmi sa isang lugar.
"Kinakabahan ako Pepe." Aniya sa lalake.
Tinitigan siya nito.
"Why?"
"Parang gusto kong umatras na hindi." Pag-amin niya sa lalake.
Hinawakan nito ang balikat niya.
"Close your eyes, Take a deep breath." Anito na ginawa niya.
"Look at me."
Tumingin siya sa lalake.
"I love you." Anito na nag pangiti sa kanya.
Yumakap siya sa lalake.
"I love you too." Tugon niya sa sinabi nito.
"Now tell me, gusto mo pa ba akong pakasalan or hindi na?" tanong nito at hinarap siya sa harapan nito.
Ngumiti siya. "Sino ba ang tatangi sayo, syempre gusto kitang makasama habang buhay, Pero kasi ngayon lang kami nag kaka ayos nina mommy, Parang gusto ko pa silang makasama ng mas matagal."
"Pwede namang mangyare ang gusto mo, Maari mo naman silang bisitahin anytime na gusto mo, So don't make yourself sad ang isipin mo ngayon, Malapit ka ng matali sa akin." Anito na nakapag pa relax sa kanya.
They were now discussing about there wedding, Parang nanaginip lang siya, kasama ang pamilya ni Pepe, Nakilala na niya ang daddy nito na parang alam na niya ang magiging mukha ni Pepe pag tanda nito.
Nginitian siya ng daddy ni Pepe.
"Are you sure iha? Gusto mo talagang pakasalan ang lalakeng to?" Anito na ikinangisi niya.
"Yes po." Tipid na aniya.
"Call me Dad." ngumiting anito kung kaya ginawa niya.
Na set na lahat.
Para ngang wala sila ngayon ni Pepe sa harapan ng mga magulang nila dahil sila-sila lang naman ang nag-uusap.
They were exited sa kasal na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing matitikman niya.
Natapos ang lahat sa isang masayang pag-uusap.
Nakapag paalam na sa kanila ang pamilya ni Pepe at niyaya muli siya ng mga magulang ni Pepe na muling dumalo sa mansiyon ng mga ito, Na siyang pinaunlakan niya.
Sa wakas unti-unti nang nakukuha ni Tyron ang mga pangarap niya.
To be with someone na alam niyang mamahalin siya hanggang sa pumuti ang mga buhok niya.
Ang eksenang kani-kanina lang ay nangyare ay isa sa mga bagay na akala niya ay hindi na dadating, ang maminhakan sa babaeng mahal niya.
Ang maging masaya dahil sa wakas may araw na ang kasal niya.
****
Hindi siya mapakali kung ano ba ang sosoutin niya mamaya sa pagpunta sa mansiyon nila Pepe.
Tinawagan niya ang lalake.
"Good Morning, Mahal?" Swabeng tinig ng mahal niya.
"Morning too, Mahal." Matamis na aniya at humiga sa kama niya.
"Miss mo ako agad?" Pasaring nito sa kanya.
"Hmmm,Miss na miss lang." Aniyang natutuwa sa kausap.
"Sauce, dont tell me, Kinakabahan ka pa rin?"
Kilalang-kilala na siya ng lalake.
"O, Huwag ka ng kabahan, Just be with your self, After lunch tayo punta Mahal." Anito na nag pakunot ng noo niya.
"Why?" takang tanong niya, akala niya ay doon sila mag tatanghalian.
"Business." anito na ikinasimangot niya.
"Ok." matamlay na sagot niya. Naiinis siya sa lalake.
"I-tratrain ko lang si Rex, kasi alam kung magiging busy na ako sa mga susunod na araw." Agad naman na paliwanag ng lalaki.
Nanulis ang mga nguso niya.
"Hey, Mahal! Huwag ka ng mag tampo, Don't worry last na to."
Ayaw niya magsalita, Gusto niya pang marinig ang iba pang sasabihin nito.
"I love you, Bad Girl." Bulong nito.
Na nagpangiti sa kanya.
"Hey, still there? If gusto mo bawiin ko na lang ang meeting ko kay Rex." Anito na hindi niya napigilan ang pagtawa.
"Niluluko mo ako." patampong anang lalake.
"Ofcourse not! Wala lang, bakit masama tumawa?" pagtataray niya.
"Hmmm, di naman."
"I love you too, Tyron ." aniya at binabaan na ito ng phone.
After a second may narecieve siyang text.
Napangiti siya.
Sana laging ganon.
Inayos niya ang pag kakahiga sa kama at ipinasyang matulog muli, tutal naman ay mamayang pagkatapos pa naman ng lunch sila pupunta.
Pero bago siya pumikit nag text muna siya kay Pepe.
At saka niya ipinasyang pumikit at mag beauty rest.
FAST FORWARD...
Nadatnan nila ni Pepe ang mga magulang nito na nagtitipon sa malawak na sala ng mga ito.
Nakita niya ang kapatid na beki ni Pepe at si Althea na matalim ang tingin sa kanya.
"Come here iha." Tawag sa kanya ng daddy ni Pepe.
"Dad, Mymah." Bati niya sa dalawa at nag mano.
"Anong meron, Mymah?" agad na tanong ni Tyron sa ina.
"Ikaw!" Wala sa lugar na bulaslas ni Althea na animo nakakita ng multo.
Tumingin silang lahat dito, Dahil sa eksenang gulat nito.
"Why, Iha?" takang tanong ng Mymah ni Pepe.
Tinuro siya ng babae.
Tumingin siya sa babae at binigyan ito ng babalang ngiti at inabot ang malamig na juice na sineserve ng maid ng mga Razon.
Napansin niyang napalunok ito. Na ikinataas niya ng kilay.
"Nothing tita." Anito na tila umurong ang dila sa mga nais nitong sabihin.
"Bumisita ang pinsan mong si Lanie, kasama ang anak niyang si Joy." Anang daddy ni Pepe na tila walang ginawang eksena si Althea.
Mayamaya saglit ay dumating ang cute na cute na bata.
"Hello, everybody." Nakangiting bati nito sa kanilang lahat.
"My name is Joy Acotta,3 yeah old."Bulol na anito na ikinatawa nilang lahat.
"Joy Acosta, Hindi Joy acotta." pang cocorect ng mama nito.
"Tita." Sabay lapit sa kanya ng bata.
"Tamahan mo ato wewe." paghila nito sa kamay niya.
Grabi close agad sila.
"Tita, name mo po?" nakangiting tanong sa kanya ng bata.
"Clara." magiliw na aniya at lumuhod para pisilin ang pisnge nito.
"Tanda tanda niyo tita, tara." Anito na nagpasimangot sa kanya, at muling hinila ang kamay niya.
Matanda daw siya! woh!
Tumawa pa nga ng bahagya ang bruhang si Althea.
Umismid siya sa bruha.
"Ang ibig sabihin ni Joy, Ganda ganda mo daw tita Clara." Pag iinterpret ni Lanie sa kanya.
Na ikinangiti niya at tumingin sa bruhang Althea.
"Ihing-ihi ka na ba, Joy?" tanong niya sa bata na tumango sa kanya.
Napakamot siya sa ulo kasabay ng panunulis ng nguso. "Uhmm Joy, kasi bago lang si tita mo Clara dito, Di pa niya alam kung saan ang pasikot-sikot." Explain niya sa bata.
Nanulis ang nguso ng bata na tila ginaya siya.
Ang cutee nga nito.
"Lam to naman tong natan, tamahan mo lang ato, Tita. Pleat." pag beau-beautiful eyes pa nito.
Natawa siya ng wala sa oras.
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod.Tumingin siya sa mga matang nakatitig sa kanila ni Joy.
"Sasamahan ko po muna si Joy, saka kami babalik." Pamamaalam niya dahilan ng pag ngiti sa kanya ni Pepe.
"Close agad." Bulong sa kanya ng lalake. Dahilan ng pag siko niya rito.
"Outch!" Kunwareng anito na ikinatalim ng tinggin niya sa lalake at hinawakan ang kamay ng bata.
Madali lang naman intindihin ang bata, dahil pinapalitan lang naman nito ng Letter T and mga ibang letter tulad ng S,G,K at iba pa.
She was impress ang linis ng Cr ng mga ito, pwede ka ng matulog dahil sa luwang nito. Napangiti siya ng wala sa oras.
"Are you done, Joy?" tanong niya sa batang tila dalaga na. Dahil pinagsarahan pa siya nito ng pinto.
Sumagot ito, na saglit lang daw.
Tuminggin siya sa salamin na nakakabit sa loob ng Cr.
Infairness maganda pa rin naman siya kahit papano nang biglang lumitaw ang anino don ni Althea.
Tumaas ang kilay niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang kurap na aniyang humarap sa babae.
"Bakit, Ikaw lang ba ang may karapatang mag Cr?" Pagtataray sa kanya nito.
"Wala naman akong sinabi na ako lang ang may karapatan, Just asking why are you here?" Kalmadong sagot niya sa babae.
"Halata ba? Syempre iihi ako!" Nang-iinis pang sagot nito.
Ngumiti siya ng tabinggi.
Wala siya sa mood, makipag-usap sa mga panget!
Tinalikuran niya ang babae at humarap sa salamin.
At iyon ang pagkakataong sinabunotan siya ng babae.
"Tatanggalin mo ba ang kamay mo, Or makakatikim ka?" Bulong niya sa babae.
Dahil nakita niya sa reflection ng salamin ang paglabas ng batang si Joy.
Nagulat ito.
"Tita Athea ba't mo tabunot tita tanda?" gulat na anas nito.
Ngumiti siya sa bata.
"Wait mo lang si tita ganda ha Joy?" Aniya sa bata.
Pero bigla itong tumakbo kasabay ng paghila ni Althea sa buhok niya.
Sheyte! Namumuro na ito.
Hinawakan niya ang wrist ng babae at pinaikot ito, Napangiwi ito sa sakit at napaluhod.
"Next time, Huwag mong ipakita sa bata ang katangahan mo!" Galit na aniya at tumakbo palabas.
Sh*cks! San na ba kasi siya dumaan?
Waaahhhhhh!
Kailangan niyang makita si Joy bago pa makapag sumbong ito sa mga magulang ni Pepe.
Hangga't maari ayaw niyang may masabi sa kanya ang pamilya ni Pepe, Kasalanan man niya o hindi.
Pero sa kamalasan niya siya pa ata ang naligaw!
Tumabi ng upo si Althea sa lalakeng tila nagulat sa pagyakap niya sa braso nito.
Tumikhim ito, pero mas lalo niyang ihinilig ang ulo rito.
Humahangos siyang nakabalik mula sa pagkawala at naningkit ang mga mata niya sa nakikita.
"Clara, Nasaan si Joy?" tanong ng ina nito.
"Wala pa po ba siya rito?" gulat na tanong niya.
Sa pag kaka-alam niya ay naka pagsumbong na ito sa tagal niyang naliligaw.
Umiling ang mga ito at tuminggin sa kanya.

Komento sa Aklat (117)

  • avatar
    John Deo Andrino

    how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day

    12/11/2024

      0
  • avatar
    PuddaoStephen dave

    khxijawbdkxosannsnx

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Mercy Cornelio

    welcome I just need dais

    10/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata