Chapter 28

Ini-off ni Clara ang pinapanuod na link.
Nag send si Jek-jek sa kanya ng link, that she need to watch, dahil importante raw iyon.
That's why she do! Pero hindi niya inaasahang ang importanteng sinasabi nito ay tungkol kay Pepe na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabagsak sa kamay ni Venus.
What's wrong with Pepe ? Na kay Venus na ang lahat, pero bokya pa rin ang score ng bata niya.
Yes, dear readers bata niya si Venus hehehehhe.
Venus is one of her luckycharm sa ganda ba naman nito ay agad mo na siyang mapapansin.
Pero hindi ito umubra kay Pepe ! Bakit?
Bulag ba si Pepe? O pepe na rin sa pag-ibig? Napangiti siya sa naiisip. Hay naku! Bulag, pepe at binge na ba ito sa pagmamahal? Ganon na ba talaga kalala ang nagawa niya sa taong minsan ay minahal niya? Teka, Minsan nga lang ba talaga o patuloy pa rin niyang minamahal? Napailing-iling siya kasabay ng pagbuga ng hangin. Nakakainis pero bakit ganon si Pepe bakit naging pepe na ang pag-ibig nito sa ibang babae? Bakit naging binge na ba talaga ito sa tibok ng puso nito at mas lalo pang naging bulag sa pagmamahal na inaalay sa kanya ni Venus?
Ano ba ang mali? May mali ba o sadyang umaasa ito na babalik siya? Natigil siya sa pag-iisip at naibulong sa sarili. "Babalik ba siya?".
Babalikan ba niya si Pepe? o mag sstay na siya sa pagiging sister niya? kung puso ang paiiralin niya ay alam na niya ang sagot ngunit kung ang isipan naman niya ay tila may agam-agam pa ito sa pwedeng mangyare sa kanila ni Pepe. Natatakot siya! Natatakot siyang baka gantihan siya ni Pepe at papaasahin siya nito. Pero tama bang ganoon pa rin ang nasa isipan niya, ngayong nakasalang na sa harapan niya ang mga ebidensya na siya lang ang mahal ng lalaking minamahal niya. Bumuga siya ng hangin at sinabunotan ang buhok! Matalino ka naman Clara e, tanga ka lang talaga sa pagmamahal, nakakainis ka!
Napangiti si Venus sa tinuran ng lalaki.
"Why are you smiling?" Kilala mo ba siya? Takang tanong ni Pepe sa babaeng hinila ang kumot sa kama niya at ibinalabal sa sarili nito.
"Masamang ngumiti?" Pairap na winika nito kasabay ng pag-upo sa kama niya at kinuha ang bag nito at may kung anong ginawa roon.
Tumingin si Venus kay Pepe.
"Clara Velmonte, ba kamo?" ulit nito sa sinabi niya.
Tumanggo siya bilang sagot, kasabay ng pagdukwang niya sa kanyang damit at walang apog na sinuot sa harapan ng babae.
Ngumisi ito ng nakakaluko. "Sino bang hindi makakakilala sa kanya!" Nakangiting sagot nito.
Bumuntong hininga siya at biglang may pumasok na kung ano-ano sa isipan niya.
"Tell me, Siya ba ang nagsabi sayong akitin mo ako at paibigin?" kunot noong tanong niya sa babaeng prenteng naka-upo at tila sayang-saya na nakatitig sa kanya.
"Huwag kang masyadong assuming, Pepe." Pambabara nito sa kanya saka inabot ang damit na pinulot niya mula sa sahig kasabay ng pagtalikod niya upang malaya itong makapag bihis.
"Clara Velmonte is one of my saviour." Seryosong anito maya-maya. Dahilan ng pagharap niya sa babaeng ngayon ay nakasuot na ng jacket.
"Nakilala ko siya sa daan and she save me." Uminom ito ng beer na kinuha nito sa mesa at tuminggin sa kanya.
"Thats why, inutusan ka niyang bantayan ako?" hula niya sa nais sabihin pa ng babae.
Ngumisi siya. "She doesn't tell me that, Instead sinabi niya lang sa akin na e-assure ko raw na babagsak ka sa aking mga kamay."
"Which is hindi nangyare, Tama ba?" Pinagtaasan niya ito ng kilay.
"Yeah, you pass my challenge! Kaya nga masaya ako dahil may nagmamahal ng totoo kay Miss Clara." lumagok muling anito.
"Paano kung may nangyare sa atin, ok lang sayo?" Galit na bulyaw niya sa babaeng hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya.
Ngumisi ito.
"And please Venus, tigilian mo ako sa titig mo!" May diing winika niya at lumagok din ng beer na kanina ay iniinom niya bago pa ito sumulpot sa pamamahay niya.
"Why Pepe, may pag-asa pa bang matuloy ang naudlot kanina?" Pagpapacute ng babae sa kanya, dahilan ng pag buga niya ng beer na nasa bibig.
Kanina pa siya nagtitimpi sa babae, kung hindi lang nito inamin na kilala nito si Clara kanina pa niya ito kinaladkad palabas ng bahay niya.
Huminga muna siya ng malalim, baka hindi na niya mapigil pa ang sarili at mabulyawan na talaga niya ang babae.
"And to answer your question Pepe, Hindi na ako lugi if may nangyare sa atin. To be honest na starstruck ako sayo ng tumigil ka sa daan and you choose to help me kahit na hindi mo naman ako kilala, and you know the rest is natutunan ka ng mahalin ng puso ko." Honest na wika nito at muling lumagok ng beer na wala na atang laman.
"Venus." Nangunot ang kilay na aniya.
"Yeah, At isa pa, hindi ko kayang sulutin ang isa sa mga taong pinagkaka-utangan ko ng buhay, Dahil unang-una mahal mo ang taong sinasabi ko." Seryosong anito at ibinba ang iniinom tshaka tumayo at pumantay sa kanya.
"Ano bang tulong ang binigay sayo ni Clara?" Interesanteng tanong niya sa babaeng sa ngayon ay ipinatong ang ulo sa dibdib niya at yumakap sa baywang niya.
"Isa lang akong palaboy-laboy sa daan, Madumi, Mabaho at Namamalimos sa mga taong nadadaanan ko." Kwento nito at hinila ang kamay niyang nanahimik at idinantay sa baywang nito.
Muli ay hindi niya itinago ang malalim na pagbuntong hininga.
"Just sway and dance with me Pepe. This make us comportable while talking." Bulong nito na ikinatango lamang niya.
"Napakabuti sa akin ni Miss Clara, at kung iniisip mong iniinis kita or inaasar kita sa ngayon the answer is No! I just want you to remember this night with me. Baka kasi hindi ko na ito magawa sa mga sumusunod, pagbigyan mo na ako, Ngayon lang naman e."
"Ibig mo bang sabihin kanina, Dinamitan ka ni Clara at pinatuloy sa bahay nila, kaya nasabi mong napakabuti nito sayo? " Tanong na lamang niya at pinagbigyan ang nais ni Venus.
Umiling ito sa tanong niya. "Nope! Pinagalitan niya ako!" Natawang sagot nito sa kanya na sinabayan ng pagugyug ng balikat nito.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ng babae."Lasing ka na ba, Venus?" Takang tanong niya rito.
"Ang lakas lakas ko raw para mamalimos, Madami daw akong kayang gawin, Kaya dinala niya ako sa Club, Pinaliguan at inayosan." Sagot nito sa kanya.
Lumaki ang mga mata niya sa mga sinasabi ng babae. "You mean, ginawa ka niyang babae sa Club?" Nalukong tanong niya. Ang daming tulong na pwedeng ioffer dito pero bakit gagawin pang prostitut* ni Clara ang babae.
Tinawanan siya ng babae."Mukhang hindi ka pa nakakatshamba, Kilala mo ba talaga ang taong mahal mo o hindi?"Nang iinsultong anito sa kanya.
Hindi siya nakaimik sa sinabi ni Venus.
"Niyaya niya akong maging janitor ng club, swe-swelduhan daw niya ako every month na siyang nangyare, Pinatuloy niya ako sa isang bording hause na ito ang nagbabayad hanggang sa umayaw na ako dahil ang inaabot na lang sa aking sahod ay 500 pesos."
"Then, why you say na niligtas ka niya?" Nalitong tanong niya.
"500 pesos lang daw ang sahod ko, dahil pinambayad na raw niya ng renta at ang mga pagkaing kinakain ko ay naka awas na sa sahod ko. Natuto ako sa buhay na walang libre kung kayat niligtas niya ang buhay ko, Not in the real word pero natuto akong kumayod ng galing sa hirap ko."
"Why are you telling me all of this?"
"Dahil ganon ang buhay, ma sa pag-ibig man o hindi, You should need to work hard, para makuha mo ang gusto mo. And I think you pass my challenge." Ngumiti siya sa lalakeng nag-iisip ng malalim at humiwalay na rito.
"Pinakiusapan ko si Miss Clara na mag work na lang ako as a dancer of club para mas malaki ang kita ko, But she refuse ang madaling pera raw hindi mahirap gastusin."
Iniwan niya muna ang lalake at kumuha sa mini refrigerator nito ng isa pang beer at binuksan ito.
"Just like love, Ang mabilisang pag mamahal, Hindi mahirap bitawan." muling ika niya at lumagok muli ng beer na kabubukas niya lang.
"What?" Singgit nito sa sinasabi niya.
"Hindi niya ako pinayagan kasi baka raw hindi ako marunong tumanggi, kaya ginawa niya akong guest girl, Kung may guest saka niya ako sinasabak sa entertainment na siyang trabaho ko sa club."
"So you mean, Planado ang pagkikita natin?"
Tumango ito, "But It's your decision,
kung titigil ka o hindi at dahil sa nagawa mo nag kakilala tayo."
"Bakit mo ito ginagawa maliban sa may utang na loob ka kay Clara ?" Muling tanong niya kay Venus.
"Because I love her, Hindi siya mahirap mahalin kahit panandalian mo lang siya nakilala, Oo nong una akala ko bruha siya, pero kung nakilala mo na siya. Makikita mong busilak ang puso niya." Ngumiting aniya kay Pepe na nahihiwagaan pa rin sa mga sinsabi niya. "And I know that you know it." Hirit pa niya sa lalakeng blangko ang ekspresyon ng mukha.
Tumango ito sa kanya, bilang sagot.
"Pero may isa kang hindi pa nalalaman!" muli ay winika niya.
"Ano iyon?" Kunot noong tanong nito.
"Yes she is a bad girl, but she have a soft heart!"

Komento sa Aklat (117)

  • avatar
    John Deo Andrino

    how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day

    12/11/2024

      0
  • avatar
    PuddaoStephen dave

    khxijawbdkxosannsnx

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Mercy Cornelio

    welcome I just need dais

    10/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata