Chapter 14

Pinulot niya ang twalyang nalaglag sa beywang niya sa pag-atake ng babae sa kanya. Sino kaya ang babaeng iyon at anong kailangan nito sa kanya?Huminga siya ng malalim at tumingin sa nakasabit na wall clock sa itaas ng pintuan ng kwarto niya.
9:35 Pm, Super late na siya, at nawalan na siya nang gana para tumuloy pa. Humiga siya sa kanyang kama at nag-isip, napapadalas ata ang pagtibok ng puso niya, Anong ibig sabihin non? Mahal din kaya niya ang babaeng may berde ang mata.
Napakamot siya sa ulo. Ano na ba ang nangyayare sa kanya? Mag mula ng makilala niya ang Badgirl na iyon ay nag-umpisa na siyang makaramdam ng mga bagay na hindi niya mapangalanan. Nababaliw na ba talaga siya!

Pag katapos niyang magbabad sa bathtub niya, ay binuksan niya ang laptop at inumpisahang e-test kung gumagana ba ang mga magic hidden camera na inilagay niya sa bahay ni Tyron.
Napangiti siya ng makita niya ang lalake na patungo ito sa kusina at nag bukas ng refregarator saka kumuha ng beer.Umupo ito sa mesa at nakatitig sa kawalan.
Hinaplos niya ang mukha ng lalake mula sa kanyang laptop, tumayo si Tyron at bumalik sa kwarto nito.Inioff niya ang laptop at dumeretcho siya sa closet niya, namili ng isusuot na damit at handa na muli siyang manloob ng bahay.

FunYumClub
"Kamusta ang pag uusap niyo ni Pepe?" Tanong ni khate kay freda.
"Maayos naman." Tipid na sagot nito.
"Bakit hindi siya dumating?" Takang tanong nito.
"Tawagan mo kaya, baka sakaling may dahilan." anito.
Sinunod niya ang payo ni Freda at tinawagan ang lalake.
"Hello." agad na wika niya pagkasagot ng lalake sa tawag niya.
"Where are you?" agad na usisa niya.
"Oh, bakit hindi ka pumunta?"
"talaga, nakita mo siya?"
"Aww sayang naman, pero sure ka na babae?
"Ang galing naman niya, natakasan ka?
"Talaga?"
"Ganun ba? Ok sige next time na lang if ok ka na."
"Ok bye and take care." Pag baba niya ng cellphone niya.
"What happen?" agad na tanong ni Freda.
"I told you they have chemistry." nakangiting baling sa kaibigan at nag day dreaming.
"Ha?" nalitong sagot ni Freda sa nakangiting kaibigan.
"Nag kaharap si Clara at Pepe." pagbubunyag niya dito.
"How? Paanong nagkaharap?" naguluhang tanong nito.
"Hindi siya nakilala ni Pepe, kaya nalutsutan ni Clara ang pag kahuli sa kanya at nakatakas ito, so don't worry." matamis ang ngiting kwento niya sa kaibigan.
"Napaka delikado talaga ng obligation ni Clara."
"Well hayaan mo si Clara, kayang kaya niya ang mga bagay na ganyan." Tiwalang pahayag niya.
Tumango naman ito bilang pagsagot.
"Sana naman wala tayong ma discover about him, na aayawan natin." ani freda.
"Trust me, He is a good boy para sa bad girl natin." natawang winika niya sabay blink-blink ng mga mata niya sa kaibigan.
Time Check
Friday
3:00 Am
At last, she's done placing hidden cameras for those who had been members of funyum. That was her work, Ang maglagay ng hidden camera, para macheck kung ano ang mga agenda ng mga nag pa-member, ganon sila kahigpit and she was happy cauze wala naman silang nasasagahang myembro.
Ang hidden camera na pinaglalagay niya ay tinatanggal niya din after a week just to make sure kung safe bang maging ka member ang mga ito.
She lay down on her bed, and start thinking after a while, she took her cellphone next to her and call the person who was in her mind.
"Hello partner." Bunggad niya.
"Masyado pang maaga para ma miss mo ako, Clara." Paos na anang kausap niya.
"Jek, naman. Gusto ko lang sabihing ok na, Nalagay ko na ang mga hidden camera." She pouted, kahit hindi siya nito nakikita.
"Good, kung ganoon, don't worry gagawa ako ng copy ng replay." walang ganang sagot nito sa kanya
"Thanks Jek, kaya mahal kita e." tugon niya dito at ngumiti ng bahagya.
"Well pasensiya na partner, may iba na ako." Anito na nagpasigla sa boses ng kausap.
"Sige na, good morning." Aniya at pinindot ang red button, hindi na niya inantay ang sasabihin ng kabilang linya dahil sigurado naman siyang aasarin lang siya nito.

8:00 Am
Late nang nagising si Tyron, kakaisip sa kong sino man ang babaeng nangloob sa kwarto niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at pinagmasdan ang kwarto niya.
Checking if may nawala ba or may nakuha sa mga gamit niya, pero wala siyang makita. Bumaba siya at dumeretcho sa kusina, nagtimpla ng kape at patuloy sa pag-iisip.
Hindi na niya nireport ang nangyare sa kanya kagabi sa mga pulis, baka nagmamatyag lang kasi ang babaeng pumasok sa bahay niya at inutusan ito ng pamilya niya. Napaka imposible kasing mabuksan nito ang pintuan ng bahay niya kung walang nagbigay dito ng susi.
Pero paano kung hindi ito pakana ng mga magulang niya? Tinungo niya ang kinalalagyan ng telepono at ipinasyang tumawag.
Mga ilang ring muna ang narinig niya bago may sumagot.
"Rex, I need you." Agad na bunggad niya sa kaibigan.
"Again." Inaantok namang reklamo ng tinawagan niya.
"Why? ngayon lang kita kailangan so come here." May diing utos niya.
"Naman kasi, Kung bakit di ka pumunta sa funyum kagabi, sayang may nakita ka sanang maganda." Muli ay reklamo nito.
"Come here and let's talk, kakalimutan kung may utang ka pa sa akin kung pupunta ka na ngayon dito." Maawtoridad na aniya.
Tila ata nagising ang kaibigan sa sinabi niya at dali-daling itong nag paalam.
Mahigit isang oras din ang nakalipas bago dumating ang kaibigan niya.
"Problem buddy?" Agad na tanong nito, when he open the sala door.
"Malaki." Ika niya and walk straight toward the sala.
Sumunod ito sa kanya at umupo sa pang isahang upuan.
"Ano namang problema mo?" tanong nito sa kanya at nababagot na tumingin sa kanya.
Umupo siya at bumuntong hiniga."Pinasok ako ng isang sexy na babae." umpisa niya
Tila ata ito nahulog sa kinauupuhan at pinanlakihan siya ng mata. "Be serious, buddy, Hindi ako pumunta dito para lukuhin mo lang." natatawang anito.
"Im dead serious here, Totoo ang sinasabi ko, pinasok ako ng isang sexy na babae, wearing over all black at ang masaklap mata, butas ng ilong at labi niya lang ang nakita ko." walang prenong litanya niya.
Tumawa ito sa sinabi niya. "Baka naman si Althea yon." napapailing na ika nito.
"Paanong si Althea, e hindi nga marunong sumuntok yon." Napasabunot sa buhok na asik niya sa kaibigan.
Bumuntong hininga si Rex at tumayo."Alam mo buddy, hindi tayo makakapag-isip ng matino kung hindi tayo mag titimpla ng kape para sa sarili natin." kumindat na sabi nito.
Napapikit siya ng dis oras. Tama bang tinawag niya ito?
Napailing-iling na lamang siya at sinundan ng tingin ang kaibigan niyang malayang nag titimpla na ng kape.
Ilang minuto din ang lumipas at inabutan siya ng tasa. " kung ganon buddy hindi si Althea ang dumalaw sayo?" usisa nito at sumimsim ng kape.
Inilapag niya ang tasang inabot sa kanya at muling huminga ng malalim."Oo, marunong sa fight scene ang bumisita sa kin buddy." ulit niya sa kaibigan.
"Kung ganon sino sa mga babae na kilala mo ang marunong makipaglaban?" tanong nito sa kanya na ikinaseryoso niya.
"Isa lang ang nasa isip ko, pero hindi ko alam kung bakit niya gagawin kong sakali." Aniyang di makapag isip ng matino.
"Who?" seryosong tanong ni Rex.
"Clara Velmonte, the Badgirl."
Humaglpak ito ng tawa."Budds, isipin mo lang ha, bakit ka naman dadalawin ni Clara dito? Naku naman ang lakas talaga ng tama mo kay Miss Clara." Naaliw na tukso nito sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "Im serious, wala na akong ibang maisip na babae na marunong sumipa at manuntok."
"Ok sige, pero tell me the reason kung bakit ka pa bibisitahin ni bad girl?" tanong nito sa kanya.
Ngumisi siya ng pilyo."Na miss niya siguro ako."
Muli itong tumawa sa sinabi niya.
"Hey, hey Tyron Droid Razon Alyas Pepe, huwag masyado lumipad nang mataas. mahirap bumagsak sa lupa lalo na kung semento ang babagsakan mo." Natatawang wika nito at nailing-iling sa kanya.
"Wala na kasi akong ibang maisip, bukod sa wala naman akong nakitang nawawala sa gamit ko." muli ay sabi niya.
"Saan ba siya dumaan?" tanong nito sa kanya.
"Yan nga ang iniisip ko, pero isa lang naman ang alam ko." Natawang sagot niya
"Saan nga?" Nainis na tanong nito.
"Di sa daan kung saan siya tumakas." Nalukong sagot niya.
"Teka lang, huwag mo sabihin sa akin na pinatakas mo?" naintrigang tanong ni Rex sa kanya.
"Nope, hindi ko siya pinatakas, para lang kasing na hypnotize ako sa titig niya." anas niya at muling rumehestro sa isipan niya ang katawan ng babae. Ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"Lang ya budds, may crush ka kay sexy woman? "
Bumuntong hininga siya bilang pagsagot.
"Paano na si Miss Clara the badgirl?"
"Tumahimik ka nga!" asar na wika niya.
"Ok, ok, Saan ba dumaan kamo?" tanong uli nito.
"Sa veranda." tipid na sagot niya.
"Wow, spider girl ang drama ni sexy woman if sakaling doon siya dumaan."
"Iyon lang ang daan na open papasok sa kwarto ko, pero ang ipinag tataka ko lang, paano siyang nakapasok ng walang susi?"
Tinampal ni Rex ang noo nito. "Syempre kinutingting niya ano pa nga ba, o di kaya'y bihasa na sa panloloob ng bahay." Muling ika nito.
"Pero bakit?" ulit na tanong niya.
"Isa lang kasi ang alam kung may balak sayo budds." Anito na ikinakunot ng noo niya.
"Malamang na si Althea ang may pakana niyan, alam mo kung bakit? kasi super gusto ka ng babaeng iyon at dahil sa subrang gusto ka niya nag hire siya ng pwedeng tumingin sayo. kung nasa bahay ka nga ba o wala." diretsang saad nito.
Kumunot lalo ang noo niya sa pahayag ng kaibigan niya may punto ito pero pwede ring hindi.
"Bakit babae pa ang inutusan niya?" muling tanong niya.
"Because girl knows what girls want."
"hindi kita maintindihan!" reklamo niya.
"Baka may dalang camera iyon at gustong maka kuha ng picture mong natutulog, naliligo at iyong naka huba---------"
Di na niya pinatapos ito at binato niya ito ng unan. "Tumahimik ka na lang at mag kape hindi ka nakakatulong!" sigaw niya sa tumatawang kaibigang.

Komento sa Aklat (117)

  • avatar
    John Deo Andrino

    how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day

    12/11/2024

      0
  • avatar
    PuddaoStephen dave

    khxijawbdkxosannsnx

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Mercy Cornelio

    welcome I just need dais

    10/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata