Chapter 10

Katok sa pintuan ang nakapag pagising sa kanya.
"Open the door Clara." Sigaw sa kanya mula sa pintuan ng kwarto niya.
Kinusot niya ang mga mata at tumingin sa mesa niya kung saan naroon ang maliit na alarm clock niya.
Pasado alas dose na pala ng tanghali.
Umupo siya mula sa pag kakahiga at tinitigan ang pintuan niyang magigiba na ata sa kakakatok nang nasa pintuan.
Tumayo siya at pinagbuksan ang sino mang umistorbo sa kanya.
"What?" angil niya sa ate niya.
"May bisita ka." Mataray na wika nito at iniwan siya.
Isinara niya ang pintuan ng kwarto niya at muling humiga, wala siyang eneexpect na bisita niya.
Lalo pa at alam niyang hapon pa magigising ang mga kaibigan niya.
But to make it sure, kinuha niya ang phone niya at tinignan kung may message ang mga ito, pero waley.
Pumikit siya at ipinagpatuloy ang pag tulog nang muling may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
"What!" Sigaw niya.
Bumukas ang pintuan at niluwa ang mommy niya.
"May bisita ka anak." anito.
"Wala akong expected visitor mom, and gusto ko pang matulog." anas niyang muling pumikit.
Hinaplos nito ang buhok niya.
"Please anak wake-up." Anang mom niya.
"Why mom, sino ba ang bisita ko?" takang tanong niya at bakit kailangan pang mag please nang mommy niya. Nakapagtataka iyon.
"Si Wilson." Tipid na wika nito.
"Si Wilson Lucas, ang ex ni Ate,why?" takang tanong niya.
"Kaya sige na anak, bumangon ka na." may halong paki-usap na tugon nito.
"Ok mom, mag aayos lang ako at bababa na ako." Tinatamad na sagot niya.
Bumuntong hininga siya. Anu na naman kaya ang kailangan ng Wilson na yan sa kanya. Napangiwi siya binulabog na nga siya kagabi may panibago na namang bubulabog sa kanya.
Bumaba siya sa hagdan at nakita niya sa sala ang ate niya at ang mommy niya kasama ang magaling na Wilson.
"Why are you here?" Bunggad niya sa sala at umupo sa pang isahang upuan. Bastos na kung bastos pero hindi ito ang taong dapat irespeto.
"I came here para sabihin sayo na, I want your ate, back to me." Seryosong anito.
She laugh. "Uso ba ang makipagbalikan?" pasaring niya.
"I realize na hindi ko kayang mawala ang ate mo." Agad na wika nito.
Ikinataas ng kilay niya ang sinabi nito. Kumbaga sa pelikula, gasgas na ang sinabi nito.
"Why are you telling me that?" Wala sa loob na tanong niya.
"Para malaman mong mahal ko ang ate mo at hindi ikaw." Mayabang na sagot nito.
Mas lalo siyang tumawa sa sinabi nito.Nagising ata ang tulog niyang diwa."Who told you that I love you?" Maanghang na wika niya.
Tumahimik ito na akala mo ay waring nag-iisip.
"First of all, I dont like you." May diing wika niya at tumingin siya sa ate niyang tahimik.
"I just challenge you, if totoong mahal mo ang ate ko." aniya na ikinagulat nang ate niya.
"Well yes, I flirt with you and the result is positive, Madali ka lang makuha ng iba sa simpleng pakikipag fling lang." Matigas na wika niya at muling tinapunan ng tingin ang ate niyang tila nagtitimpi sa pag-iyak.
"Sinakyan lang kita." depensa ng lalaki sa mga pasaring niya.
"To the point that you want more than fling?" Angal niya na ikinapitlag nang ate niya.
"Ayaw kung magaya sa akin ang ate ko, na nag mahal, nasaktan at iniwan. Kaya mas pinabilis ko sa paraang alam ko. To make sure na masasaktan ang ate ko sa kadahilang ako ang may kasalanan at hindi ang iba." matigas at may diing aniya saka siya nakipagtitigan kay Wilson.
"Kung iba siguro ang nakipag fling sayo, Im sure hindi lang fling ang mangyayare, dahil sa totoo lang hindi mo naman mahal ang ate ko." Siguradong-sigurado na patama niya kay Wilson.
"Clara." Pag papatigil sa kanya ng mommy niya dahilan kung bakit tumayo ito at lumapit sa ate niya.
"What are you trying to say?" anang lalaki na ayaw magpatalo sa kanya.
"You want her body." Matigas na wika niya.
Na ikinagulat nang ate niya at nagsimula ng lumandas ang mga masasaganang luha sa pisnge nito. "Clara." Naibulong nito sa kawalan.
"Tama ba ako, ate?" seryosong tanong niya sa kapatid na inaalo ngayon ng mommy nila.
Tuminggin ang ate niya sa lalake. "Get out!" May diing utos nito kay Wilson ngunit kulang iyon sa lakas. Tila naubosan sa lakas ang kapatid niya sa mga sinabi niya.
"Babe, don't listen to hear! Nagsisinungaling siya." palusot pa ng walang kwentang Wilson sa kapatid niya.
Tumayo ang kapatid niya at sinugod ang lalaking napatayo din sa ginawang pagsugod ng kapatid niya. Pinagsuntok-suntok ito ng kapatid niya ngunit para sa kanya ay walang lakas ang mga iyon.
"Huwag kang makinig sa kapatid mo." Angil ng lalake dito.
"Tama naman siya, you always say that if I love you, ill make love to you!" Galit na wika nitong umiiyak at pinag hampas-hampas ang mukha ng lalake.
"Stop it Claire." Sita ng mommy niya.
Na ikinatigil ng ate niya na wala pa ding patid ang pagtulo ng luha nito.
Get out! you son of a bitch!" Sigaw ng mommy niya sa lalake at hinila ang ate niya sa upuan at saka ito niyakap.
Gustong sumunod ni Wilson sa kapatid niya ngunit hinarang niya ito. "Hindi ka naman binge ano?" Pasaring niya at itinuro ang pintuan palabas.
Napabuntong hininga ang lalaki at maya-maya ay sumunod din ito, naglakad ito palabas ng bahay nila na sinundan niya.
"Hey wilson!" Sigaw niya sa lalake na na nakalayo na sa bakuran nila.
Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa kanya.
"Are you happy now?" tanong nito sa kanya.
Ngumisi siya.
"Don't play with love." Payo niya sa lalake na ikinangiti nito.
"Your right, but make sure you apply it to yourself." Payo din nito sa kanya at ngumiti.
Naglakad siya palapit sa lalake.
"Your beautiful Clara, Kaya hindi mahirap ang matukso sayo, But thanks for your move, Kahit papano ay nauntog din ang ate mo sa pag pipilit nito sa sarili niya sa akin."Natawang wika nito at binuksan ang pintuan ng kotse nito.
Naningkit ang mata niya at hinabol ang pag pasok ng lalake sa kotse nito.hindi siya papayag na pinapalabas nitong kasalanan pa ng ate niya na nagmahal ito ng gago.
"What are you saying?" Pigil niya sa pag pasok ng lalake sa kotse nito at iniharap niya ito sa mukha niya.
"Ipinipilit nang ate mo ang sarili niya sa akin!" Ulit nito dahilan ng pag taas ng dugo sa ulo niya.
Na sampal niya ang lalake. "Bastos!" sigaw niya.
"Why, tanongin mo ang ate mo, Pero kapag sinabi kung make love to me aayaw ayaw pero enjoy na enjoy kapag hinahali—."
Pinutol niya ang sinasabi nito sa pamamagitan ng pagsuntok niya sa labi ng lalake.
"Ituloy mo pa at makakatikim ka." Umatras siya sa lalake.
Ngumisi ito. "Your wild." Anito at lumapit sa kanya. Nakakadiri ang uri ng ngiti nito para itong manyakis na gusto siyang gapangin.
Umatras siya pero sumusunod pa din ito sa kanya kaya agad siyang tumakbo palayo dito at tumama ang sapatos niya sa mukha ng lalake.
Bumagsak ito sa damuhan at pinagtaasan niya ito ng kilay saka matamis itong nginitian.
"Ibahin mo ako Wilson, My name is Clara Velmonte at habang narito ako wala kang karapatan na bastusin ang ate ko sa harapan ko." Saka niya ito dinuruan at tinalikuran.
Napahawak siya sa kanyang kamao at napasandal sa gate ng bahay nila, napangiti siya sa ginawa niya sa gagong lalaki.
Pagkatapos bastusin ni wilson ang ate niya sa harapan niya ay inatake siya ng highblood kaya hindi niya napigilang sinuntok ang labi nito, dahilan ng pagtigil ng lalake sa pagsasalita.
Umatras siya, hindi dahil sa natatakot siya.
She need space dahil hindi siya makakakilos kung malapit lang si wilson sa kanya, pero sa bawat atras niya ay sumusunod ito sa kanya, dahilan ng pagtakbo niya kung kaya't sumusunod rin ito sa kanya. Akala siguro nito ay natatakot siya, pero dito ito nagkamali , dahil kumagat ito sa pain niya.
Lumundag siya habang tumatakbo upang bumwelo at sa pag lundag niya ay umikot ang katawan niya para sa isang sipa na natikman nito sakto sa kanang pisnge ng lalake.
Napangisi siya, pag apak nang paa niya sa lupa.
Tahimik na pumasok sa loob si Clara at napasulyap sa dalawang aninong magkayakap sa sofa, napahinga siya ng malalim at dahan-dahan na lumapit sa mga ito.
Nakita niya ang ate niyang napatingin sa kanya at agad na tumakbo sa pwesto niya at ginawaran ng mainit na yakap. Parang kaylan lang nong huli siya nitong niyakap.
"Im sorry sis for everything." Anito na ikinangiti niya ng tipid. Masarap talaga sa pakiramdam ang pinapasalamatan. "It's ok." aniya at yumakap sa kapatid.
"I thought na inaagaw mo siya sa akin, dahil nag break kayo ni clarence, not knowing the real score kung bakit?" Bumitiw ito sa yakap niya at humarap sa kanya.
"Pero sana naman sis, sinabi mo naman sana sa akin kung bakit mo ginawa iyon kay wilson." Humawak ito sa kamay niya.
"At sana hindi mo hinayaan ang sarili kong sisihin ka sa mga kabaliwan ko!" Umiiyak pa ding wika nito.
Pinahid niya ang luhang pumapatak sa pisnge ng kapatid niya gamit ang malayang kamay niya.
"Kapag sinabi ko bang icha-chalenge ko iyong bf mo gusto mo? Syempre hindi di ba? Kasi nga takot ka ate, kasi alam mong mas maganda ako." Biro niya sa kapatid.
"Bad Girl ka talaga." anito at suminghot singhot pa sa harapan niya.
"Gusto ko lang sabihin sayo ate na, Kung mahal ka ng isang tao, makakita man ito ng nakahubad, Sayo pa din ito titingin kahit balot na balot ka na."
Mas lalo ata itong umiyak sa nasabi niya.
"Tahan na ate, isa lang iyong pinopoint ko dito." Aniya at huminga ng malalim.
"Kapag mahal ka ng isang tao hindi ito titingin sa ganda kundi dito ate." Sabay turo niya sa puso ng kapatid.
"Di ba?" aniya na, ikinatango nito.
Saka siya nito niyakap. "Sorry sis." Madamdaming sabi nito.
Pero sa isip-isip niya. Mayroon pa bang lalakeng ganon?

Komento sa Aklat (117)

  • avatar
    John Deo Andrino

    how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day

    12/11/2024

      0
  • avatar
    PuddaoStephen dave

    khxijawbdkxosannsnx

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Mercy Cornelio

    welcome I just need dais

    10/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata