"Clara!" Malakas na sigaw ni khate pag ka labas niya ng club. Natameme siya sa nakita. Clara and Pepe was kissing. O.M.G. Sigaw ng isip niya. Bumitaw mula sa pagkakapit sa batok ng lalake si Clara at tila natauhan. "Khate?" Pagharap niya sa kaibigan at hinanap ng kanyang mga mata si Clarence. "He's gone." Bulong ni Tyron sa likod niya. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Anung nangyare bakit tila wala siyang maalala. Lumakad siya papasok sa club at walang lingong nilampasan si khate sa kinatatayuan. "Mr.Pepe good job." ani khate sa kanya habang ang mga kamay ay nakaturo sa kanya. Huminga siya ng malalim. "Who is Clarence Chan?" wala sa loob na tanong niya. "Bukas mag memeet naman tayo so don't worry, ill tell you any detail you want, but for now, pwede ka nang umalis and thanks for being here." Ngumiting anito. "Thanks for being here for Clara." Dugtong nito at tumalikod na. Ngumiti din siya at tumalikod papunta sa kotse niya para siyang nakalutang habang naglalakad, binuksan ang kotse niya at umupo saka niya inisip kong ano nga ba ang nangyre kanina. Kanina pa nakatulala si Tyron, Nalingat lang siya saglit ay wala na sa kinauupuan nito si Clara. Umikot ang paningin niya sa dance floor kailangan niyang bantayan ang babaeng nagugustuhan ng puso niya. Pero na bigo siyang hanapin ito. So he try to search again, sinanay niya ang mata niya sa dilim trying to catch the beautiful face of clara and he did it, Pero hindi siya natutuwa na may kahalikan ito, aatras na sana siya at aalis nang makita niyang pumapalag ang babae kaya mula sa kung nasaan siya ay pinilit niyang makipagsiksikan sa mga tao at hinila ang damit ng gago at sinuntok niya ito. Huminga siya ng malalim, Napapaaway na siya dahil sa babae na dati naman ay hindi. Napangisi siya, Kung pwede lang sanang turuan ang puso na huwag mag mahal ng Bad Girl, di sana'y wala siyang natamong pasa sa pisnge niya. Natawa siya sa sarili. Inilabas sila ng mga bouncer sa loob ng Club at inutasang doon mag suntukan, He feel the air napakalamig para sa babaeng naka tube dress lang ang sout kaya napatinggin siya kay Clara na nakatinggin din sa kanila, Sumugod sa kanya ang lalake at inumbayan siya ng suntok, Naka puntos man ito sa pisnge niya na tadyakan naman niya ang lalake sa sikmura nito. At ang mga sumunod na nangyare ay langit para sa kanya. Yumakap sa batok niya si Clara at bigla na lang siyang hinalikan, He feel the heat na nang gagaling dito, Yumakap siya sa beywang ng babae at ang lamig ng simoy nang hanggin ay napawi. Nakita niya sa sulok nang kanyang mga mata ang pag taboy ng bouncer kay Clarence Chan, na kusa namang umalis at pinaarangkada ang motor na gamit nito, at ang huli niyang nasulyapan ay ang pag alis ng bouncer na nakabantay sa kanila at kusa nang pumikit ang mga mata niya. He was kissing like theres no tomorrow, parang uhaw na uhaw siya sa init na binubuhay ni clara sa kanya. Humigpit ang yakap niya sa babae nang idiniin nito ang labi mula sa kanya. "Clara!" Sigaw na narinig niya. dahilan ng pag bitaw nila ni clara sa isat-isa na ikinahinggal nila nang parehas. "Anung drama mo ngayon, Miss Clara?" basag sa katahimikan ni Freda. Bumuntong hininga siya. "Hindi ko alam bff." Mahinang bulong niya. "Let's go girl's." Ani khate sa kanila. Tumingin siya kay khate. "Quarter to four Am na girls, malapit nang mag sara ang club." Nakangiting wika nito. Tumayo siya at naunang humakbang pauwi. Para siyang isang robot na bigla na lamang ginagawa ang mga bagay na hindi na niya iniisip. Ano ba Clara! Sita niya sa sarili.Anu na lang kaya ang sasabihin sa kanya ni tyron sa mga inasta niya kanina? Tama bang idinawit niya ito sa problemang wala naman itong alam? Tama bang nang gagamit siya nang tao para makaiwas lamang? At ang nangyare kanina, Anu iyon? Bigla na lamang siyang nanghahalik at nakalimot kung nasaan siya? It's that possible? Posible bang nakalimot siya kahit na kunti sa halik na pinagsaluhan nila ni Tyron? Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya kanina. Hinalikan niya ang lalake upang mapatunayan kay Clarence na may iba na siya, Pero nakalimot siya dahil nasarapan siya, Ganun ba iyon? Nasarapan nga ba siya? O di kaya'y nangungulila siya? Ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay para siyang nakaramdam ng tahanan sa yakap ng lalake sa kanya. At gusto niya ang pakiramdam na iyon. Ang pakiramdam na yakap siya ng lalake habang hinahalikan siya. Shocks! Ang landi niya. Umaga na kung tutuusin ng makauwi nang bahay niya si Tyron.Wala naman siyang uuwian sa bahay niya kasi nga mag isa lang naman siya. Matagal na siyang di umuuwi sa mga magulang niya mag mula nang makapag tapos siya bilang isang Civil Engineer, Mapalad nga siya at galing siya sa isang mayamang angkan, kung saan ay ginamit niya ang ipon upang makapag patayo ng sariling sa kanya. Iyong swak at hindi malulugi, kaya ginawa niya ang unang proyekto niya ang pag papatayo ng heaven hotel. He designed and build it. Isang matagumpay din na ngiti ang kapalit nang pag pupuyat niya. After that nagkaroon muli siya ng isang project dahil nga nagustuhan ng mga nakakita ang disenyo at gawa niya hanggang sa nagtuloy-tuloy ang tagumpay niya. And now bilang kabayaran sa mga pagod at pawis niya sa mga proyektong natapos niya, siguro naman ay kailangan niya na ding pagtuunan ang puso niya. Humiga siya sa kama niya. Tama ang mga magulang niya hindi na siya bumabata. Sila lang naman kasi ang nangungulit sa kanya, para daw magasawa na siya at magkaroon na ang mga ito ng Apo na hindi pa niya kayang ibigay. Dalawa silang magkapatid, pero wala! Masyadong maganda ang kapatid niya para mag pakasal ng isang babae kaya siya na lang ang pag asa ng mga magulang niya. Napabuntong hininga siya. At tumingin sa cellphone niya. 10 Missed Calls and 50 text messages. Swabe na sana, kaso galing kay althea lahat. Kaya wala siyang choice kundi delete all. Pumikit siya at pinagbigyan ang sariling matulog. Pero ayaw siyang dalawin ng antok. Mukha ni Clara ang naiisip niya. Ang mukha nitong nakangiti sa kanya. Palapit ng palapit hanggang sa naghinang ang mga labi nila. Napailing siya. Napahawak siya sa sariling labi. Bakit ba pakiramdam niya, ngayon lang siya nahalikan. Ngayon lang siya nakahalik? Natawa siya sa sarili niya. Nababaliw na ata siya. Maaring ito ang unang babaeng nag pa-ibig sa kanya, Pero tama bang isipin niya din na ito ang first kiss niya? Ang first kiss na tinatawag ng mga taong may halong spark? Dati ay natatawa lang siya at hindi naniniwala sa mga ganong bagay. Pero ngayon. Tsk. Naniniwala na siya.
Humiga sa kama niya si Clara at pinagbigyan ang sarilang pumikit. Umaga na at kauuwi lang niya. Sanay na ang bahay nila na lagi siyang umaga kung umuwi, anu ba naman kasi ang trabaho niya, Night shift nga kasi siya. Ngumiti siya kahit nakapikit. "I miss you dad." Bulong niya sa kawalan. Kailan lang ng ito lagi ang kasama niya. Dinadala siya sa kung saan-saan, tinuturuan ng Martial Arts para daw magamit niya kung sakaling may mang bastos sa kanya. Tama naman ang daddy niya at pinapakinabangan niya ito ngayon. Pero kung kailan wala na ang daddy niya at kailangan niya ng yakap ay wala na ito. Akala niya dati sila na talaga ni Clarence, pero sadyang ayaw ata talaga ng tadhana sa kanila. Ayaw ng daddy niya sa lalake kasi daw gwapo ito at habulin ng chicks, natawa nga siya kasi totoo naman at iyon pa ang naging dahilan ng paulit-ulit nilang pinag-aawayan. Hanggang sa sumuko na siya dahil mismong mga mata na niya ang nakasaksi sa pakikipag sex ng bf niya sa flirt na babae. Ang manhid niya dati sa mga sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya, She have always a reason para ipagtanggol ito kina khate at freda. Pero ngayon wala na, pigang-piga na siya. Masakit! oo, dahil ito ang una niya. Unang minahal, unang pag ibig, unang inayalan niya nang sarili niya. Ganun ba talaga kahirap tanggapin na minsan sa buhay ng isang tao may kabiguan? Pinunasan niya ang luhang pumatak sa pisnge niya. Kailangan niyang maging matatag, dahil ito na lang ang natira sa kanya. Niyakap niya ang unang katabi, at isinubsob niya ang mukha doon. Mula sa dilim ay lumitaw ang mukha ni pepe, ang mukha nitong nakangiti sa kanya. Humigpit ang yakap niya sa unan. Kung sana ay ito na lang ang lalakeng minahal niya? Sasaktan din kaya siya nito? Teka lang bakit niya ba iniisip na ito na lang? May gusto na ba siya sa lalake. Shoockks. Napailing-iling siya.No way! Hindi maari, Hindi siya maaring magkagusto sa lalakeng may mabahong pangalan! Isinusumpa niya! Pero paano kung biruin siya ng tadhana? May puwang kaya ito sa puso niya? Pumikit siya ng mariin. At nakatulugan na ang mukhang nakita niya sa isipan niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (117)
John Deo Andrino
how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day
how to create a few minutes ago but it was a good day of work to do inside the house and I will be there at I hove a little bit I think it's just I love you too baby I love you so much I appreciate it so much for the day of work to create a few minutes to talk about it tomorrow morning to pick up the kids today and then the truth is going to be a long time ago but still no word yet on the day of the day we can get together soon as I have it I can get it done before the election and then the day
12/11/2024
0khxijawbdkxosannsnx
12/11/2024
0welcome I just need dais
10/11/2024
0Tingnan Lahat