Homepage/Choosing my Forever (Book Two)/
Kabanata 36
Kabanata 36
Truth
--
When I met him, I was really annoyed. Unang araw ko palang, hindi ko na sya nagustuhan. Suplado sya, masungit at palagi akong pinapahirapan. Lahat ng bagay na ayaw ko sa isang tao ay nasa kanya na. Pero... akala ko lang pala lahat ng iyon.
I don't know him very well yet. All I can see are his bad sides. Wala rin naman kasi syang ibang pinapakita kundi iyon kaya hindi ko sya magawang magustuhan.
But when I gradually got to know him, all of a sudden, everything changed. Naisip ko... mabait naman pala sya. He just really doesn't want a maid because he's already grew up and it's embarrassing to have that. He only tortured me because he wanted me to leave. Mabait syang tao at matulungin. Even though he doesn't show it and he's always serious, I know he's still concerned about the people around him.
At dahil roon, hindi ko manlang namalayan na... unti unti na pala akong nahuhulog. I just woke up one day annoyed because a lot of women approached and talked to him. Nagising nalang ako na kinakabahan, natataranta at naiilang kapag malapit sa kanya. Wala akong kamalay malay na... nagugustuhan ko na pala sya.
Ayoko man, subukan ko mang pigilan, hindi ko pa rin napigilan, nagpatuloy pa rin at mas lalo lang akong nahulog. Wala, eh. Masyadong mapaglaro ang tadhana. Hindi mo alam, tinitira ka na pala patalikod.
Ngayon... sa dami ng nangyari, sa maraming taon na lumipas... nandito pa rin ako, minamahal sya ng lubusan. Kaya lang... ang hirap. I feel like I'm trapped in a dark place. Pakiramdam ko hindi ako malaya. Dahil alam ko sa sarili ko... na may isang bagay pa akong hindi nagagawa. And that is to tell him the truth. Ang totoong nangyari sa nakaraan. Kung bakit ko sya iniwan.
I feel guilty. I feel like if I don't tell him all this, he will continue to be locked up in the dark. I didn't give him the real reason why I left him. The reason I gave was the most painful reason and I felt even more guilty.
Kahit sabihin nyang alam nyang may iba akong dahilan at ayaw nya nang malaman pa yon, alam kong gusto nya pa ring malaman dahil paulit ulit na papasok sa isipan nya ang maling dahilan na sinabi ko sa kanya. Na hindi ko na sya mahal. Paulit ulit iyong papasok sa isipan nya dahil hindi nya alam ang totoong dahilan ko, kahit pa alam nyang may iba akong dahilan sa pag iwan ko sa kanya noon.
So maybe... this is the time to tell him everything. He has the right to know this. And this is for me as well. For me to be free from the pain I feel. Because honestly... I want to get rid of the past. I want to forget everything. I want to rest from all the pain.
The Salvador Maountain is still unchanged. It's still beautiful. Siguro ang nagbago lang ay yung mga kubo. Mas lalong dumami ang mga kubo ngayon kumpara noon. Maybe a lot of people are visiting here so that's why.
May iba't ibang kulay ng ilaw ang nakasabit sa dulo ng bundok. Hindi madilim dahil maraming ilaw. Maraming nakasabit na christmas lights sa railings sa dulo, kung nasaan ang bangin. Tahimik na rin at wala nang tao. We could only hear the dancing of the tree and the breeze of the cold air.
Ngayon, nakatulala ako sa nag iilawang mga buildings sa ibaba. Sobrang ganda talaga ng tanawin rito. At gusto ko mang ngumiti, hindi ko magawa sa pagod at bigat na nararamdaman. Kanina pa ako hindi nagpapahinga pero... hindi rin naman yata mababawasan itong sakit na nararamdaman ko kahit magpahinga o matulog ako. No matter how hard I try, I will not be able to get away with it.
I took a deep breath. Joshua was behind me, tahimik at hinahayaan muna ako. Kanina pa ako nakatulala rito at nag iisip. Pero ngayon... sa tingin ko handa na ako.
"Naniwala ka bang... pera ang pinili ko?" Panimula ko.
Wala pa man, nararamdaman ko na agad ang kirot sa puso ko.
"No..." halos hindi ko sya marinig.
Hindi ko makita ang ekspresyon nya dahil nasa likod ko sya.
Natawa ako. "Bakit naman? Hindi ba sinabi ko nang pinili ko ang pera?"
"Kung pinili mo ang pera, hindi ka na dapat nagtrabaho roon," mariin nyang sinabi, para bang kinukumbinsi nya rin ang sarili nya na ganon nga.
"Hindi ba sinabi ko nang binayaran namin ang mga utang ni Papa? Sobrang laki ng utang nya na halos nagkulang pa ang binigay ng lolo mo?"
Hindi sya nagsalita. Narinig ko ang paghinga nya ng malalim. Kinagat ko naman ang labi ko habang nagsisimula nang mangilid ang luha sa mga mata ko.
"I still believe that you didn't choose the money. Even though it's so fucking stupid to believe that," mariin nyang sinabi.
Mas lalo pang lumabo ang mga mata ko dahil sa mga luha. Even though I hurted him, even though I said I chose the money, even though I drove him away, even though my reasons are so convincing, he still believes that I didn't choose the money.
"But I don't care if you do choose the money. Masakit sa akin na pinagpalit mo ako sa pera pero hindi ko na magawang isipin yon. Because during those times, I was scared. Natakot ako dahil unti unti mo nang binibitawan ang kamay ko..."
Mabilis na nag unahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Yumuko ako. Pero sa huli tumango ako at humarap sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan sya ng maayos. Nakita ko ang namumungay nyang mga mata. Agad syang lumapit sa akin pero umatras ako.
"Please... I know you can't do it yet. You don't have to do this," he pleaded.
Umiling ako. "No. Kaya ko. Kaya ko to..." sabi ko. Pati sarili, kinukumbinsi ko.
Huminga ako ng malalim. Hindi nya magawang lumapit sa akin dahil umaatras ako. Tumigil rin naman sya pero nag aalala ang tingin sa akin. He closed his eyes firmly and took a deep breath.
"Even if you don’t say it, I know you want to know what really happened. Yes, I have reasons. And I will say all that now. I will tell you the truth now," deretso kong sinabi. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang sabihin iyon nang hindi nanginginig ang boses.
"Amora..." he pleaded but I didn't stop.
"Kasinungalingan lang ang lahat," sabi ako. "Tama ka. Tama ang pinapaniwalaan mo. Hindi ko pinili ang pera."
Nagtagal ang titig nya sa akin. Para bang nagulat sya at hindi makapaniwala kahit hindi iyon kita sa mukha nya. Seryoso nya lang akong tinignan. His jaw moved.
"Pinili kita..." I said painfully.
Pagkasabi ko noon ay sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko. His jaw clenched again. Ngayon, parang galit na sya, hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Pinili kita, Joshua. But no matter how I tried to choose you, they still don't want me to be with you. They still tried to keep me away from you just because I come from a poor family..."
His lips parted now. Hindi ko na naman napigilan ang paghagulgol habang inaalala ang nangyaring iyon. Ang pangyayaring nagkukulong sa akin sa dilim at patuloy na sinasaktan ako. I can't forget that damn scene!
"So choose, Amora Braze. Your dreams... or Joshua."
Tumigil ako sa pag iyak at pinunasan ang mga luha kong nagkalat sa pisngi ko. Tumayo ako ng maayos at matapang na tinignan si Mr. Antonio Salvador. Humakbang ako ng isang beses para mas lalo akong makalapit sa lamesa nya. Kahit may kaunti pang luha sa mga mata, deretso ko pa rin syang tinignan.
"Sinabi ko na po. Kahit ano pang ibigay nyo sa akin, kahit bilyong pera pa ang ibigay ninyo, kahit bigyan nyo pa ako ng malaking mansyon, hinding hindi ko iiwan si Joshua. Hindi ko sya ipagpapalit sa kahit ano. Pipiliin at pipiliin ko sya kahit anong mangyari," mariin kong sinabi.
Natawa ang matanda. "Matigas ka talaga, ah?"
"Hindi ko po maintindihan kung bakit nyo ito ginagawa. Wala ba kayong pakialam sa mararamdaman ng apo nyo?"
"Joshua will inherit all the property of the Salvadors. Do you think I will let him be with someone like you?"
"Kung ganon sinasabi nyong mas importante ang pera nyo kesa sa nararamdaman nya?"
Mariin nya akong tinignan. "Shut up! Wala kang alam sa mga ginagawa ko. Ginagawa ko ito para sa apo ko. You just came from a low family so you wouldn't understand what I'm doing."
Halos matawa ako roon. "Kahit ang pinaka mayamang tao sa mundo ay hindi maiintindihan itong ginagawa nyo."
"What did you say?" Tumaas ang boses nya.
"Hindi ko po iiwan si Joshua. Kahit anong sabihin nyo at kahit anong gawin ninyo," mariin at matapang kong sinabi.
Natawa sya. Umiling sya at tumayo. Pinanood ko sya gamit ang matatapang na mga mata. Nakangisi naman sya habang mabagal na naglalakad sa likod ng upuan nya. Tumingin sya sa akin.
"Sa tingin mo ba talaga hahayaan kong makatuluyan mo ang apo ko?" Tumawa ulit sya. "Kung ganon makinig ka sakin. Pakinggan mo ng mabuti itong sasabihin ko."
Nawala ang ngiti nya at huminto sya sa paglalakad. Pinatong nya ang dalawang kamay sa mesa at mariin akong tinitigan. Matapang ko syang tinitigan pabalik.
"Kung ipagpapatuloy mo ito, sa tingin mo hindi ako makakagawa ng ibang paraan?" Ngumisi sya. "Kung hindi mo ito ititigil, itatakwil ko si Joshua. Sisiguraduhin kong hindi sya makakapag tapos sa pag aaral. I will also make sure that he can't work anywhere. Even small jobs, sisiguraduhin kong hindi nya magagawa."
Umawang ang labi ko roon Hindi makapaniwala sa lahat ng sinabi nya.
"You said you love Joshua. Makakaya mo bang mangyari yon sa mahal mo?"
Nagtiim bagang ako. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko.
"Kaya nyong gawin yon sa apo nyo?" Pilit kong pinatapang ang nanginginig kong boses.
"Of course. Kung iyon lang ang paraan para matigil ang kahibangan na ito, gagawin ko. Bakit hindi, diba?"
Umawang pa lalo ang labi ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala sa kasamaan ng matandang ito!
"Ano? Kaya mo bang mangyari yon sa mahal mo? Kaya mo ba syang mahirapan? Matulog sa kalye? Walang makain?"
Hindi ko akalaing kaya nyang gawin ito sa sarili nyang apo. Kung ako na hindi kayang makitang ganon si Joshua, paano pa kaya sya? Pero bakit pa nga ba akong magtataka? Sa kasamaan nya, paniguradong kayang kaya nyang gawin yon.
Bumuhos ang luha ko. Hindi na alam ang sasabihin pa.
Ngumisi ang matanda. "Hindi na kita bibigyan ng panahon para mag isip, Amora. Ngayon, alam mo na siguro ang gagawin mo, hindi ba?"
Hindi ako sumagot. Tuluyan na akong umiyak. Wala nang tigil ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na yon.
"Get out of the mansion. I want it now. I will not give you any more time. Leave my grandson."
Humikbi ako. Mahigpit kong hinawakan ang damit ko.
"I'll just send you the money. Don't worry, I keep my promises. I will buy you a dance studio. Pag aaralin ko kayong dalawa ng kapatid mo sa ibang bansa. I will take your mother there too--"
"Hindi na kailangan," namamaos kong putol sa kanya.
Ngumisi sya.
"Hindi ko kailangan ng pera nyo. Hindi ko kailangan ang lahat ng iyon. Wag kayong mag alala, aalis na ako. Pero may isang hiling lang sana ako."
Natawa sya. "Sa tingin mo ibibigay ko ang kung ano man ang hiling mong yan?"
"Kung hindi nyo ito gagawin, hahayaan kong itakwil nyo si Joshua. Hindi ako magdadalawang isip na isama sya sa amin," mariin kong sinabi.
Natawa ulit sya. Pero kahit ganon, nagpatuloy pa rin ako.
"Gusto kong wag nyo na syang pakialamanan. Hayaan nyo na sya sa mga gusto nyang gawin. Kung gusto nyang kumanta, hayaan nyo nalang sya. Wag nyo na syang ipilit sa kumpanya nyo. Kahit ngayon lang, hayaan nyo syang sumaya..."
Ngumisi ang matanda at umiling. "All right. If that's what you want. Just get out of here. What are you waiting for? Get out. Kapag nabalitaan kong hindi ko pa umaalis kinabuksan, alam mo na ang mangyayari."
Mabigat ang dibdib akong tumalikod ng dahan dahan. Sunod sunod na bumuhos ang mga luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko sa puso ko ang pagkirot.
Nang maisarado ko ang pintuan ay natakpan ko ang bibig ko. Kasabay noon ay ang pagbasak ko sa sahig. Napaluhod ako at tinukod ko naman ang isang kamay sa sahig habang ang isa ay nasa bibig ko. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol.
Why? Why is this happening? Nagmamahal lang naman ako, ah? All I want is to be with Joshua. Pero bakit ayaw akong pagbigyan na makasama sya? Did I do something wrong? Is it wrong to ask to be with a man like him? Is it wrong?
I wiped away my tears and looked at Joshua who couldn't speak. Pilit pa rin akong nagsalita kahit nagbabara ang lalamunan ko.
"Alam ko kung paano maging mahirap! Alam ko ang pakiramdam ng halos hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw! At ayokong mangyari yon sayo! Kaya bumitaw ako! Kaya iniwan kita! Kaya sinaktan kita! Kahit hindi ko gustong gawin lahat yon!" Buong puso kong sigaw sa kanya.
I saw his eyes spark a little. Humagulgol ako. Tinakpan ko ang mukha ko pero agad ko ring inalis para magpatuloy.
"Masakit yon para sakin pero mas ayaw kong mahirapan ka. Malakas ang impluwensya ng lolo mo kaya alam kong magagawa nyang pahirapan tayong dalawa. Mas gugustuhin kong iwan at saktan ka kesa sa mahirapan ka at halos hindi makakain sa isang araw. Ayokong maranasan mo ang mga naranasan ko. Mas gugustuhin kong magsakripisyo kasi mahal na mahal kita..."
Humagulgol ako. His eyes spark more and in just a second, tears flew in his eyes. He couldn't speak. Can't believe what I said. I covered my face and there I cried. I'm very tired. Not just because I haven’t had a break since this morning, but because of the pain I feel. My heart is so tired.
But somehow, I felt relieved. It was as if that heavy object behind me had been removed. My heart was lightened and all that was left was fatigue. Pagod na pagod na yon.
"Why didn't you tell me? Amora, I can work!" He said after a long silence.
Tinanggal ko ang kamay sa mukha at tinignan sya.
"Nag iisip ka ba? Alam mong maimpluwensya ang pamilya mo! Hinding hindi ka makakahanap ng trabaho! Sinabi ko na, diba?!"
His jaw clenched and he walked towards me. Napa atras ako.
"Dapat sinabi mo pa rin. Kaya kong mabuhay kahit ganon!"
Nag iwas ako ng tingin at hindi na nagsalita. Nakarating na ako sa railings kaya wala na akong maatrasan pa. I wiped away my tears. He put his both hands on the railings, locking me up.
"What are you doing?" Tanong ko kahit may mga luha pa rin sa mata, naiiyak pa rin.
Madilim ang mga mata nya. Nawala na agad ang luha nya.
"Sinabi mo pa rin dapat sakin!" He said.
"Tapos na yon," tanging sinabi ko.
Pumikit sya ng mariin at huminga ng malalim. Nag iwas ako ng tingin.
"Ngayong nasabi ko na ang lahat, gusto kong hindi na tayo magkita pa ulit--"
"What?" Agad nyang putol, kunot na kunot ang noo.
"Gusto kong hindi na tayo magkita pagkatapos nito. Ito lang rin naman ang hinihintay mo, diba? Hindi mo naman ako mahal. Naapakan ko lang ang ego mo noon kaya hindi ka matigil sa akin. Kaya ngayong nalaman mo na--"
"What are you saying?" Mariin nyang tanong, madilim na madilim ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.
Bahagya akong kinabahan. Tinulak ko sya pero hindi manlang sya gumalaw sa kinatatayuan nya.
"Totoo naman, ah! Si Daniella naman na ang mahal mo ngayon, diba? Kaya ngayong nalaman mo na ang totoo, pwede ka nang bumalik sa kanya--"
"Shut up!" He said harshly.
Ngumuso ako. Galit na galit sya.
"Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo, ayan ang sasabihin mo?"
"Totoo naman, eh!"
Mariin nya akong tinitigan. Natahimik ako at mas lalong ngumuso. Nag iwas ako ng tingin.
"So you did all of that for the sake of my life, huh? Because you love me?" He said.
Kunot noo ko syang tinignan. Hindi ko alam pero... bakit parang iyon lang ang narinig nya?!
"After saying that, do you think I would let you go?" Tanong nya habang nilalapit ang mukha sa akin.
Pilit kong iniwas ang mukha ko sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nang sabihin nya yon.
"No..." he said and kissed my cheek to my neck. "Hinding hindi na kita pakakawalan pa, Amora," nagpunta sya sa tenga ko. "Akin ka lang."
Lumunok ako.
"P-Pero si Daniella ang--"
"Shut up. Obviously, she's not the woman I love," mariin nyang sinabi.
"P-Pitong taon na ang lumipas! Imposibleng... mahal mo pa rin a-ako!"
Hinarap nya ako. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Halos mahulog na ako sa railings para lang umiwas sa kanya.
"Yeah. Imposible nga," he said.
"E-Eh, bakit sinasabi mo pa ring mahal mo ako?!" Iritado kong tanong.
"Ayan rin ang tanong ko. Bakit mahal pa rin kita?"
Natahimik ako roon.
"Seven years have passed, but I still can't forget you. Mahal na mahal pa rin kita. I also want to know why... Why?" He said seriously and painfully.
Hindi ako nakapag salita. Tinitigan ko sya ng mabuti. Nangilid ulit ang luha sa mga mata ko.
Mariin nya ulit akong tinitigan, para bang galit na galit talaga sya sa akin.
"Tapos ngayon sasabihin mong ibang babae ang mahal ko? Are you blind? Huh?"
Hindi pa rin ako nagsalita. Tinitigan ko pa sya ng mabuti.
"If you're not satistied, then fine. I--"
Hindi ko na sya pinatapos. Humawak ako sa dibdib nya at tumingkayad. Inabot ko ang labi nya kahit halos hindi ko yon maabot sa tangkad nya. Marahan ko syang hinalikan. Mabilis lang yon at humiwalay agad ako.
"You don't have to say it. Naniniwala na ako. I'm sorry..." guilty kong sinabi.
His jaw moved. Bumaba ang tingin nya sa labi ko. Kinabahan ako. Bigla kong naisip na hindi yata magandang hinalikan ko sya.
"Ako gusto ko," sabi nya at binalik ang mga mata sa akin. "I want to hear it from you. I want you to say it."
Napakurap kurap ako sa gulat. "N-Ngayon na?"
Hindi sya nagsalita. Tinagilid nya lang ang ulo na para bang sinasabing 'obviously'. Lumunok ako. Binasa ko ang labi ko at kumuha ng lakas ng loob para magsalita.
"I..." hindi ako makatingin sa kanya. "I--"
"Look at me," utos nya.
Gusto kong mairita sa kanya. Hindi nga ako makatingin sa kanya, eh! Pero sumunod nalang ako kahit nahihirapan. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Binalewala ko ang ilang at kaba na nararamdaman at nagsalita.
"I... uh..." hindi ko masabi sabi!
"Naiinip na ako, Amora," he said!
Agad akong nataranta. "I... uhm... I-I love you!"
Oh gosh! Umangat ang gilid ng labi nya.
"Good," sabi nya at walang sabi sabing hinalikan ako sa labi!
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero agad ring napapikit nang gumalaw sya. Napahawak ako sa braso nya para kumuha ng lakas. His kiss was a bit aggressive. Buong puso ko syang hinalikan pabalik.
"You will never leave my side again. And you also have to promise it. Promise me you will never leave me again," he said after the kiss.
Namumungay pa ang mga mata ko nang tumango ako, gustong gusto pa syang halikan.
"Yes. I promise..." I said.
Muli nya akong inatake ng halik. I kissed him back. Naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko pababa sa pulsuhan ko at pababa sa kamay ko. Dinala nya ang dalawang kamay ko sa batok nya at agad ko namang pinaghawak ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang kamay nya sa baywang ko at ang isa namang kamay sa pisngi ko, ginigiya ako sa dapat na anggulo.
The world is not unfair. We just think it's unfair because of the problems that come into our lives. But the truth is, we are only given a problem to learn, to be strong, to be brave and to be ready for the next trials. Sabi nga nila, umiikot ang mundo, umiikot ang buhay mo. Hindi pwedeng nasa ibabaw ka lang. Minsan, kailangan mo ring mapunta sa ilalim.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (158)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
It's an interesting story and how painful they suffer as well
22/12/2021
0ehemmm, baka naman may book 3 author, ganda ng story. Gawan mo ng book 3 plsss
31/01/2025
0makayanan ko ito.
18/10/2024
0Tingnan Lahat