Jen's POV "Maraming salamat at hindi mo ko pinabayaan" pagpapasalamat ko kay Michael ngayon mas ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ni Michael. "I'm sorry kung hindi ko nasabi agad sayo. Nag aalala lang kasi ako para sayo" sabi ni Michael sakin "Sana.... Sana maalala ko na sila" sumilip ako sa bintana at nagmuni muni "Jen?" tawag niya sakin Ngumiti ako at lumingon sa kanya, nakita ko siyang nakatingin sakin. "Alam mo bang yan ang gusto kong maging pangalan nun? pero Charmaine ang sinabi mo. Yun pala yun ang totoo kong pangalan" natatawa kong kuwento sa kanya "Kahit ano pa pangalan mo, ikaw parin yung babeng mahal ko" nakangiti niya rin na sabi sakin "Salamat Michael. Mahal na mahal kita alam mo ba yun?" inakap ko siya ng mahigpit "Ayoko ng malaman ang nakaraan, yung nangyari sa engagement ko. Ikaw lang Michael masaya na ko" sabi ko sa kanya "Let's move forward and forget the past? Kasi ito ang importante" sabi ko dito "Yeah. Let's forget the past" sabi niya naman sakin "Bukas, mag lulunch daw tayo kasama sila. Kikilitisin ka ata nila eh hahaha" pagbibiro ko dito "Ako bahala dun, basta tuloy ang kasal natin okay?" nakangiti niyang sabi - Kinabukasan.... Ram's POV Nasa bahay ako ni Sammy ngayon. Nandito si Christian, nagkausap na rin kami at oo nagkaayos na rin kaming dalawa. "Anong balak mo pare?" tanong ni Christian sakin Nag iinuman kami ngayon at kasama rin namin si tatay pero di ito umiinom. "Pare, mahal ka ni Sam" sabi niya sakin "Mahal na mahal ko rin siya pare" sabi ko sa kanya sabay shot "Sana mapaglaban mo siya pare" ngumiti ito at nag shot din "Kung talagang kayo kayo" biglang sabi naman ni tatay "Si tito naman nakakagulat" pagbibiro ni Christian Ngumiti lang si tatay saamin at nginitian rin namin siya. Pero iba ang nararamdaman ko eh, bakit ba kailangan mahirapan kami ng ganito ni Sammy? "May lunch pa nga pala kami kasama sila ate" bigla kong naalala "Oo nga pala anak mabuti naman at nakita mo na ang kapatid mo" nakangiti sabi ni tatay "Salamat tatay" ngumiti rin ako sa kanya "Ram? uuwi ka na?" tanong ni Sam ng pumasok ako ng bahay at makita silang nagluluto "Ah oo, may lunch pa kasi kami kasama si ate nakalimutan ko" sabi ko naman dito "Ah sige sige ihahatid na kita sa labas" tumayo siya at lumapit sakin "Nay, una na po ako ah? salamat po nanay" paalam ko kay nanay "Salamat din anak" kumaway naman sakin si nanay at nginitian ako Paglabas naman namin ni Sam, para kaming mga tangang nagkakahiyaan. "Pano? uhm una na ko Sammy" paalam ko sa kanya "Mag iingat ka ah?" sabi niya sakin at tsaka ako nginitian Hinawakan ko ang kamay niya tapos humarap ako sa kanya. "Uhm... ano... uhmm..." nauutal niyang sabi "I love you too" yumuko ako at hinalikan siya Alam ko nagulat siya sa ginawa ko. What can I do? I can't resist. I love her very very much. This is the first time na hindi ako nag alinlangan at ginawa at sinunod ko kung ano yung nararamdaman ko. "Bye" nginitian ko siya at nagdere deretso na sa kotse ko - Jen's POV "Tito pupunta nga pala ako sa Japan bukas baka matagalan ako dun" paalam ng mapapangasawa ni Ram "Iha, pano ang kasal niyo ni Ram?" tanong ni papa dito Papa daw ang itawag ko sa kanya simula ngayon, para daw masanay ako "Tito, kung hindi niyo kami pinilit magpakasal ni Ram hindi po kayo magkakaganyan" Biro nito kay papa "Don't worry may papapuntahin ako kung sakaling di ako maka uwi on my 'wedding day' okay" natatawa tawa niyang sabi Mahal ba nila ang isa't isa? bakit ganito ang mga sinasabi ng babaeng to? at bakit hindi maka imik si papa? "Uhm.. Si mama po?" tanong ko kay papa Wala pa kasi si mama kanina pa nagpaalam tapos naiwan na kami dito kakatapos lang namin kumain. "I don't know, princess" ngumiti si papa pero halatang matabang ang ngiti niya "Sir andito na po sila ma'am" excited sigaw nung kasambahay Paglingon namin nakita namin sa mama kasama si Melissa at ang asawa niya. "Anong ginagawa niyo dito?" galit ang tono ni papa "Kain na" pag aaya ko para naman maiwasan na ang sigawan at awayan "Anak?" tanong sakin ni papa na parang nagulat sakin "Papa, nakalimutan ko na po ang lahat. Wala akong galit na nararamdaman. Patawarin na po natin sila puwede po ba?" tanong ko dito at tsaka siya nginitian Hindi nakapagsalita si papa, sila mama naman umupo na at pinaghainan naman sila ng mga maids. "Melissa? sino mas matanda satin?" tanong ko sa kanya "Anak magkalapit lang kayo halos ng edad" paliwanag ni mama sakin. Nakuwnento na din sakin na half siblings kami and anak siya ni mama sa ibang lalaki. "Ah.... Kailan ka manganganak?" tanong ko kay Melissa "Uhmm... baka.. mga anim na buwan pa" nauutal na sabi ni Melissa "Michael, kailan ang kasal niyo ng anak ko?" tanong bigla ni papa kay Michael "This year sir, wala pang official date pero this year. Do you have any suggestions po ba?" tanong ni Michael kay papa "Good, ang bilin ko lang sana. Wag kang gumaya sa ibang taong hindi kayang manindigan." bilin ni papa kay Michael "Yes sir" sabi ni Michael at tsaka ito uminom "Tito, bakit hindi na lang sila ang maunang ikasal? baka sakaling magbago pa ang isip niyo sa pagpapasakal samin ni Ram?" diretsong tanong ng mapapangasawa ni Ram "Mahiko, matutuloy ang kasal niyo ni Ram" pagdidiin ni papa "Sorry late ako, traffic eh" sabi ni Ram habang naglalakad palapit samin "Anong oras na ngayon ka lang dumating" galit na sabi ni papa "Traffic nga diba? mahirap bang intindihin yun?" sagot ni Ram na medyo mainit ang ulo "Traffic? nagpunta ka nanaman sa babaeng yun! Diba sinaktan ka na nun?!" sigaw ni papa na ikinabigla naming lahat "Bakit? kung hindi mo kami pinilit ni Mahiko hindi magkakagulong ganito!" sigaw naman ni Ram "Basta ikakasal kayo ni Mahiko!" sigaw ni papa "Nakita na natin si ate! ano pa bang problema mo?!" sagot naman ni Ram "Ikakasal kayo ni Mahiko and that's final!" sigaw ni papa "Sana mamatay na lang ako!!" nagdadabog siyang lumabas ng pinto at naiwan kaming gulat na gulat "I-I'm S-sorry" sabi ni papa ng matauhan siya sa mga nangyari "I think we better leave" sabing bigla ni Michael t tsaka nito hinawakan kamay ko "Maaga pa" sabi ni papa na halatang naiistress "Sorry pero kung ganito lang pala ang makikita ni Jen sana hindi na lang kami nagpunta. Hindi siya pwedeng ma stress" tumayo siya at hinawakan ang kamay ko kaya naman sumunod ako kay Michael Lumabas na kami agad at nakita naman naming kasunod rin namin sila Melissa at Jasper. "Jen" tawag sakin ni Melissa "Oh? hindi pa kayo nakakatapos ng pagkain ah?" naka ngiti kong tanong "Pwede niyo ba kaming samahan?" tanong ni Jasper Hinawakan ko ang kamay ni Michael para siya ang sumagot kung oo o hindi. Sa totoo lang gusto ko silangvmakilala gusto kong malaman ang nangyari. "It's up to you" sabi naman ni Michael Kaya naman pinag usapan namin kung saan kami kakain at nag convoy na lang kami. Nakarating kami sa isang lugar, para siyang burger cafe na luma. Familiar yung place pero hindi ko maalala kung saan ko to unang nakita. "Anong order niyo?" tanong ni Jasper "Coffee lang ako" sabi ni Michael "Ganun din ako" sabi ko "Uhm malaking burger na may maraming keso at ketchup tapos fries na may mayonnaise at ketchup tsaka chicken wings" bilin ni Melissa Nagkamot na lang ng ulo si Jasper tapos si Michael naman nakita ko parang nandidiri dahil puro mayo at ketchup yung gusto ni Melissa kaya naman nagpipigil ako ng tawa. "Melissa" tawag ko sa kanya "Hmm?" tanong niya na parang nahihiya sakin "Ano ba ang nangyari? pwede mo bang ipaliwanag ang lahat?" tanong ko sa kanya Natulala siya sa tanong ko. Nakita ko namang tumingin si Michael samin. "Uhm... Ano.. Boyfriend mo si Jasper" pag uumpisa ng kuwento niya "Ito na mga order niyo" singit namang bigla ni Jasper "Nagkagustuhan kami Jen, nasaktan ka namin... Sobrang nasaktan ka namin... Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo pero gusto ko kahit papaano mawala yung sakit na idinulot ko sayo" nakayukong sabi ni Melissa Nakita kong tinapik ni Jasper ang likod niya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya naman napatingin siya sakin. "Magkapatid tayo... Siguro oo sobra akong nasaktan noon pero alam ko din na pinapatawad na kita may memory man o wala. kaya sana wag mo ng sisihin ang sarili mo okay? pare parehas na tayong masaya na kaya wala ng sisihan okay?" sabi ko sa kanya at tsaka siya nginitian "M-Maraming salamat Jen" inakap niya kong bigla kaya naman inakap ko rin siya. "Kalimutan na natin yun okay?" bilin ko sa kanya Sana mapatawad na rin sila ni papa. Alam ko sobrang lalim ng sugat nila dahil sa sobrang masasakit na nangyari. Sana maging maayos na ang lahat. Sana hindi na magkagulo. Sana maging masaya na ang lahat.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
14/06/2024
0awesome 😁
02/06/2024
0So nice
25/03/2024
0Tingnan Lahat