Nagtapos ang klase namin ng hapon ay hindi na pumasok ang mga boys.Nagpasiya na kaming tatlong girls na umuwi ng matapos ang klase namin ng hapong iyon. Ang sabi ni Mikee ay baka nasa bahay na nila ang kuya niya at baka naglalasing na naman kaya kailangan niya naring umuwi. Si Ella naman ay gusto na daw magpahinga nakakahagard daw ang araw na ito para sa kanya kaya kailangan niya nang umuwi. Ako naman ay umuwi narin matapos naming magpaalam sa isa't isa. Nang makauwi ako sa bahay ay wala pa si kuya Ice maging si kuya Arch. Nahiga muna ako sa sofa dahil kahit ako ay napagod din ngayong araw mamaya na ako magluto ng haponan namin pagod na talaga ako eh.. Hindi ko namalayang napasarap pala ang tulog ko,nagising nalang ako ng tinig at pagtapik sa akin ni kuya Arch. "Baby girl gising kana. Kakain na tayo."gising sa'kin ni kuya Arch. Agad naman akong naupo at kinusot-kusot ang mga mata. "Naku! Sorry kuya ha? Napasarap ang tulog di tuloy ako nakapagluto ng hapunan natin."hinging paumanhin ko kay kuya. Ginulo lamang nito ang aking buhok at ngumiti." Ayos lang yun babay girl. At saka isa pa maaga naman akong nakauwi kaya ako nalang ang nagluto ng hapunan natin. Hindi na kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo at ayokong istobuhin ka."mahabang sabi ni kuya. "Medyo pagod lang kasi ako kanina kuya kaya hindi ko na napigilang makatulog." Nakapuot na sabi nito. "Ganon ba? Pero paalala ko lang sayo wag masyadong magpagod ok. Alam mo namang bawal na bawal kang masyadong napapagod." Paalala nito." Wag ka pong mag-alala hindi ko po nakakalimutan ang kalagayan ko." Nakangiting sabi ko. " Oh siya sige magbihis kana ng makakain na tayo tiyak gutom kana."sabi nito." Teka lang kuya.. Si kuya Ice po dumating na ba?" Tanong ng makatayo na ako at binitbit na ang mga gamit ko." Ah, Oo kanina pa halos magkasabay lang kaming umuwi. Tinulungan nga niya akong magluto eh. Iwan ko ba dyan sa kuya mo may nakain yata kaya naging masipag." Naiiling at natatawang sabi nito. Ngumiti na lamang ako at nagpaalam na upang magtungo sa'king kwarto ng makapagbihis na. Nang makapagbihis na ako ay agad na akong lumabas ng kwarto at nagtungo agad sa may kusina. Nadatnan ko sina kuta Ice at kuya Arch na naghahain at himala at sinipag itong isang to. "Himala kuya Ice sinisipag ka yata ngayon?" Taas kilay kong tanong dito at naupo na." Tss.. Wag ka ng maraming tanong at kumain ka nalang dyan. Buti nga at tumulong ako." Masungit na sabi nito at umismid pa sa'kin" Oh ,tama na yan wag na kayong magbangayan dyang dalawa. Para kayong mga aso't pusa." Iling iling na sabi ni kuya Arch at umupo na rin. Hhhmp! Ang sungit talaga ng gurilyang yan. Bagay na bagay nga sa kanya ang pangalan niyang Ice. Nagsimula na kaming kumain na puno ng asaran at tawanan. At gaya ng dati asar talo parin si kuya Ice ayun nag walk out tawa tuloy kami ng tawa ni kuya Arch. Pero kahit ganon yung isang yun mahal na mahal ako nun kami ni kuya at ganon din kami ni kuya sa kanya . Matapos naming kumain ni kuya Arch ay tumulong akong magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin. Wala kasing pasok bukas dahil sabado kaya pinayagan ako ni kuya Arch na tumulong dahil kung meron tyak, di ako papayagan nun. Matapos naming makapaghugas ay nagpaalam na kami sa isa't isa ni kuya at nagtungo na sa aming mga kwarto upang makapagpahinga. Nang makahiga na ako sa aking kama ay niyakap ko ang paborito kong malaking teddy bear na pinangalanan ko kong Archy na parang pangalan lang ni kuya Arch. Regalo niya kasi sa akin ito ng 13th birthday ko kaya importante at paborito ko ang teddy bear na ito. " Alam mo Archy miss ko na si mama. Nakakalungkot lang dahil hindi ko manlang siya nayakap at nahawakan. Siguro kung hindi umalis ang papa buo at masaya siguro kami ngayo. Hay! Archy! Bakit kaya kami iniwan ni papa no? Sa tingin mo ayos lang kaya siya? May asawa't anak na kaya siya? Naaalala pa kaya niya kami? Hinahanap niya kaya kami? Kailan kaya niya kami babalikan? Ano Archy? Ano sa tingin mo" tanong ko kay Archy." Tss. Bakit ko nga pala kinakausap si Archy hindi nga pala siya nagsasalita buti si Icy nagrerespond kapag kinakausap ko " nakapuot kong sabi. Si Icy ay ang alaga kong aso. Regalo siya sa'kin ni kuya Ice kaya pinangalanan kong Icy na parang si kuya Ice lang. Mana rin sa nagbigay minsan ang asong yun,minsan kasi mapili sa pagkain si Icy at take note hindi talaga kakain yun kapag ang pagkain na hinain mo ay ayaw niya talaga. May pagkatamad din, tapos masungit. Hay! Makatulog na nga... Kinabukasan ay maaga akong na gising kaya ako ang naggayak ng agahan namin. Matapos nun ay pinakain ko na si Icy. Mayamaya pa ay nagising narin si kuya Arch may pasok pa kasi siya ng sabado." Goodmorning kuya!" Masiglang bati ko rito." Goodmorning din baby girl. Ang sigla mo yata ngayon!?" Nakangiting sabi nito at umupo na ako naman ay umupo na rin para kumain. Dahil walang pasok ngayon ay tyak 10 o 11 na gugusing si kuya Ice. Matapos naming kumain ni kuya ay ako na akong nagpresintang magligpit ng pinagkainin para makagayak na siya. Ng makaalis na si kuya ay naligo na ako at naglinis ng bahay nilabhan ko narin ang mga damit namin na kaya kong labhan ng sa gayon ay kunti nalang ang labada ni kuya bukas siya kasi ang naglalaba ng damit namin minsan naman ay tumutulong ako kapag may oras ako.... Thirdperson's pov. Busy noon ang binatang si Arch sa pagluluto ng dumating ang isa pa niyang kasama na tagaluto rin at sinabing pinapatawag siya ng kanilang manager." Hala ka Arch baka may nagawa ka kaya ka pinatatawag ni Sir Clark." Pabirong pananakot sa kanya ni Roque na kapwa niya tagaluto at kaibigan niya rin. "Gago! Manahimik ka dyan baka masapak kita." Natatawang sbi niya sa kaibigan." To naman di mabiro sige na lakad na baka mabungangaan ka alam mo naman minsan mainit ang ulo ng boss natin. Palibhasa brokenhearted." Iling iling na sabi ni Roque. Tinawanan niya lang ito at nagtungo na sa office ng kanilang boss. Nang makarating siya sa office ng boss nila ay kumatok muna siya."Come on in!" Aniya ng baritonong boses. Agad naman siyang pumasok. Nang makapasok siya ay may nakita siyang hindi pa katandaang lalaki sa may sofa ng office ng boss nila hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito. "Pinapatawag niyo daw po ako Sir?" Pormal at magalang na saad ni Arch sa kanyang boss. "Ah, oo may isang tao kasing gusto kang makausap." Seryoso nitong sabi." Ho? Sino po?" Takang tanong nito sa kanyang boss." Ako anak."malumanay at malalim na saad ng isang tao mula sa likuran ni Arch na siyang nagpahinto sa kanya." Hindi ako maaaring magkamali ang boses na yun. Ay ang boses ng isang taong kinaiinis,kinasusuklaman at kinamumuhian kong tao.." Napakuyom ng kamao si Arch at napapikit upang pakalmahin ang sarili ng sa gayon ay hindi niya masuntok ang taong iyun sa mismong harapan ng kanyang boss. Nang medyo kumalma na siya ay unti-unti siyang humarap sa taong nasa kanyang likoran tumingin dito ng walang emosyon." Ano pong kailan niyo sa'kin Mr. Villamor?" Malamig na tanong nito sa lalaking tinawag niyang Villamor." Anak!" Halos pabulong na sabi nito at kakikitaan ng halo halong emosyon ang mga mata ng lalaki. Pangungulila,pagkasabik,kasiyahan,sakit at pagmamakaawa. Thirdperson's pov. Napapikit si Arch sa nakita." Hinding- hindi ako magpapaapekto sa kanya!" Mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ni Arch upang pakalmahin ang sarili dahil kapag hindi niya ginawa iyun ay baka sumabog siya bigla at mabugbug ang taong nasa harapan niya." Maiwan ko po muna kayo Mr. Villamor ng sa gayon ay makapag-usap kayo ng maayos."pormal na sabi ng boss niya na tinanguan lang ng huli. Nang makaalis na ang kanyang boss ay isang mahabang katahimikan ang bumalot sa silid na iyun. Pawang nagpapakiramdaman ang dalawa." Anong kailan mo sa'kin at gusto mo akong makausap?" Mariing tanong ni Arch dito ."Ana-" "'Wag na wag mo akong matawag tawag na anak! Dahil ng umalis at iwan mo kami! Pinatay at kinalimutan ko nang mayroon akong amang walang kwenta kagaya mo!" Sigaw na sabi ni Arch dito,hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili basta ang alam niya ngayon ay galit siya. "Anak pakiusap pakinggan mo muna ak-" "Bakit! Pinakinggan mo ba ang pakiusap ni mama sayo na wag mo kaming iwan ha! Pinakinggan mo ba ang pagmamakaawa namin ni Ice na wag ka nang umali! Diba hindi?! Tapos sasabihin mo sa'kin yan!"galit na sigaw ni Arch." I'm so sorry son! I'm really sorry! Hindi ko gusto ang saktan at iwan kayo!" Lumuluha nang sabi nito "Hindi mo gustong saktan at iwan kami?! Pero yun ang ginawa mo! Alam mo kung anong hirap ang dinanas namin ng iwan mo kami lalong lalo na si mamaa! Halos araw't gabi siyang umuiiyak simula ng iwan mo siya! At alam mo kung anong mas malala?! Muntik ng makunan si mama! Muntik ng mawala sa'min Mace!" Umiiyak na ring sabi ni Arch. "Kung hindi pa ako nakiuusap kay mama na kahit ilang buwan at araw lang kalimutan ka muna niya,ang pang-iwan mo para sa kaligtasan ng kapatid namin ,ni Mace! Naipanganak nga niya si Mace ng maayos at ligtas pero.." Pumiyok siya." Pero binawian naman siya ng buhay! At ng dahil sayo yun! Ng dahil sayo hindi manlang nakita,nasilayan, nahawakan at nayakap ni Mace si mama! Lumaki siyang hindi man lang naramdaman ang kalinga at pagmamahal ng isang ina! At dahil yun sayo!" Umiyak na sabi ni Arch punong-puno ng galit na natitig sa kanyang ama. "I'm so sorry anak! I..I didn't know! "Umiiyak na ring sabi nito ." Paano mo malalaman ni sulat o kahit isang text at tawag wala ka man lang naibigay! Anong klase kang ama at asawa.. Oh,hindi nga pala kayo kasal ni mama na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko dala ang palyedo ng taong nanakit at pumatay sa mama ko.'' Galit na sabi Arch at marahas na pinunasan ang kanyang mga mata at mukha na basa na sa kanyang pagluha . "Anak hindi ko gustong iwan kayo! Kung alam mo lang kung gaano kasakit para sa'kin ang makita kayong nasasaktan habang nagmamakaawa sa'kin na huwag kayong iwan, anak ang saki sakit! Kung may pagpipiliaan lang ako hindi ko kayo iiwan. Pero kung mas pinili kong manatili sa piling niyo,siguro....siguro wala na kayo ngayon. Anak nasa panganib ang buhay niyo ng mga panahon na yon at ang paglayo ko lang sa inyo ang tanging paraan para maprotektahan at mailigtas ko kayo! Mahal na mahal ko kayo kaya kong ang paglayo ko ang tanging paraan upang maligtas at manatili kayong buhay ay gagawin ko. Kaya sana anak mapatawad mo ako." Mahabang sabi nito na may pagsusumamo sa kanyang boses. Napakuyom naman muli si Arch at napapikit." Hindi.. Hindi na ako maniniwala pa sa kanya. Ayoko ko ng sumugal. Baka masaktan lang muli kami lalo na si Mace. Hindi.. Hindi ako papayag na maranasan niya ang sakit na naramdaman namin ni Ice noon dahil.. dahil baka hindi niya kayanin at bigla niya kaming iwan. Hindi ako papayag na mawala sa'min si Mace. Nangako ako kay mama na aalagaan at poprotektahan ko siya sa ano mang sakit at paghihirap." Mas napakuyom pa siya at mas lalong napapikit ng mariin. "Anak pata-" "Enough! Hndi ko na kailangan ang mga paliwanag mo. Hindi ka namin kailangan. Kaya kong itaguyod ang mga kapatid po,kaya silang pag-aralin at pakainin tatlong beses sa isang araw at kaya kong ibigay ang mga kailangan nila.Kaya hindi ka namin kailangan." Malamig nitong sabi at tumalikod na sa ama at handa nang iwan ito ng magsalita ito. "Ngunit anak gusto kong makabi sa inyo! Gusto kong punan ang lahat ng mga pagkukulang ko sa--" " Sinabi na ngang hindi kana namn kailngan eh! Kaya ko! Kayo ko silang buhayin at hindi namin kailangan ang pagpuna at pagbawi mo dahil ng kailangan namin yun wala ka. Sana ito na ang huling pagkikita natin. Ayoko ko ng makita ka,wag na wag ka nang magpapakita sa'kin at sa kahit na sino sa mga kapatid ko." Malamig at madilim nitong saad bago tuluyang lumisan sa silid na iyun. Naiwan naman ang lalaki na luhaan at bigo. Anchel's pov. Nagising ako ng hindi pa nagigising si kuya Ice. Aba ang lalaking yun wala na yatang balak mag-agahan magtatanghalian na oh. Kung sa bagay sabado at linggo lang siya nakakapagpahinga. Hay! Wala akong magawa kung pumunta kaya ako ng Mall? Hhhmm? Tama!. Gigisingin ko kuya Ice para may kasama naman ako, ako nalang din ang maggogrocery para kahit papano ay may oras namang makapagpahingi si kuya bukas kawawa naman ang kuya kong yun. Agad na akong nagtungo sa kusina upang tingnan kung ano ang wala at ang dapat bilhin para sa isang linggo namin upang mabili ko mamaya. Ng mailista ko na ang lahat ng dapat bilhin ay nagtungo na ako sa aking kwarto upang makapagbihis na. Matapos kong makapagbihis ay nagtungo na ako sa kwarto ni kuya Ice. Kapag siniswerte ka nga naman hindi pa nakalock ang pinto.sabi sa aking isipan sabay ngiti ng nakakaloko. Ng makapasok na ako ay tumambad agad sa akin ang parang binagyong kwarto ni kuya. Nandaming soda can na nakakalat sa sahig mga balat ng chocolate may mga papel at.. At yack may briek at boxer pa. Ano bang pinaggagawa sa buhay ng guriyang to at ni paglinis man lang sa sarilingbkwarto ay hindi magawa. Dahan-dahan at maingat akong naglakad patungo sa kama ni kuya noon ay sarap na sarap pa sa pagtulog nakanganga at humihilik pa eh. Buti nakakaya niyang matulog sa ganito kakalat na paligid ako hindi yata kaya kahit isang oras lang, naku hindi ko kery." Paano ko kaya gigisingin ang gurilyang to?" Sabi at umaktong nag-iisip. Aha!alam ko na! Patay ka sa'kin ngayon gurilya ka. Evil grin. 1,2,3" Kuya!!!!!! Gumising ka nasusunog na ang bahay natin!!!!"malakas kung sigaw. Biglang napabangon si kuya."Ano! Yung laptop ko yung cellphone ko asan,asan?!" Natatrantang sabi nito at hanap sa mga gamit. Putik nakakatawa ang mukja niya. Gulo-gulong tapos na kaboxer lang." Ano pang tinatayo mo dyan tulungan mo akong hanapin ang laptop ko mahalaga pa yun sa buhay ng aso mo!"natatrantang bulyaw nito sa'kin havang paroo't parito. Grabe hindi ko na kaya to . "Hahahahahaa! K-kuya hahaha. A-ang epic ng m-mukha mo hahahaha,hahahaha!" Hindi ko na talaga kaya ang sakit na ng tyan ko. Hahahaha!. Napatigil naman ito at masamang tumingin sa'kin." Anchel Mace Montefalco!" Galit na sigaw nito sa pangalan ko. Ooooops kapag binanggit na nyan ang pangalan ko galit at asar na talaga siya at bago pa man ako makatakbo papalabas ay nahuli na niya ako at kiniliti. "Ikaw na bata ang sarap sarap pa ng tulog tapos bubulabugin mo." Inis nitong sabi at mas lalo pa akong kiniliti." Hahahah, k-kuya t-tama n-na hahaha."maluluha ko nang sabi dahil satawa. Tumigil naman ito at matalim parin akong tinitigan." Ano bang trip mo at nangbubulabog ka ha?!" Inis na sabi nito habang pinupulot ang mga kalat niya sa sahig." Eh kuya, magpapasama kasi sana ako sayo sa Mall may bibilhin kasi ako tapos maggogrocery narin wala kasing magbubuhat ng iba eh."sabi ko. " Yun lang bubulabugin mo ako ng ganito kaaga e pwede namang mamaya paggising ko." Inis na sabi nito at pinanglakihan pa ako ng mata." Hoy kuya! Para sabihin ko sayo tanghalina, 10:30 na kaya. Kaya sige na kuya please samahan mo ako." Sabi ko sabay puppy eyes. Alam ko naman hindi ako matatanggihan ng isang yan aba cute kaya ako." Aish! Oo na,sige na sasamahan na kita. Kaya labas na, maliligo lang ako." Sabi nito. Oh diba epektib." Yehey! Iintayin kita kuya ha!" Masayang sabi ko at nagtungo na sa pinto ng kwarto niya upang lumabas at bago ko pa maisara ang pinto nakita ko pa ang pagngiti at pag-iling-iling ng gurilya. Napangiti nalang ako ng maisara ko na ang pinto ng kwarto niya. Kahit na may pagkamasungit at may pagkabugnutin ang isang yun mabait naman at saka masaya ako na napapangiti at napapasaya ko sila sa kakulitan ko. Nagtungo na nuna ako sa sofa at nilaro si Icy habang mag-iintay ako kay kuya Ice. Anchel's pov. Nang matapos ng mag-ayos si kuya ay lumabas na kami ng bahay at magtatawag na sana siya ng traysikel ng pigilan ko siya" Hep hep. Hindi tato sasakay kuya." Pigil ko rito. "Ano?! Gusto mong maglakad tayo mula dito hanggang mall?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Hindi na tayo pupunta ng mall kuya maggogrocery nalang tayo. Saka ko nalang bibilhin yung gusto kong bilhin sa mall unahin na muna natin ang pagogrocery."paliwanag ko dito." Aish! Ikaw talagang bata ka. Sige na nga tayo na." Sabi nito at na una nang maglakad. Ngiti ngiti naman akong sumunod dito sa paglalakad. Nang makarating na kami sa grocery store ay agad ko ng binili ang mga dapat bilhin na nasa inilista ko. Matapos naming mamili ni kuya Ice ay umuwi na rin kami agad inaantok pa daw siya. Yun lalaking yun talaga. Kung sabagay nakakapagod din kasi talaga ang course na kinuha niya a Computer Engineer who can make apps. Ganyan katalino ang kuya ko masungit nga lang. Si kuya Arch naman noon ay Culinar at ngayon ay isa sa mga kusinero ng De Silva's Hotel. Ako kapag nakapagtapos ako ang kukunin kong course ay Fashion designer. Mahilig talaga akong magdesign lalo sa mga gown. Hindi kasi ako ganoon kagaling sa pagluluto kaya wala akong future maging chef si kuya Arch baka meron pa. Hindi rin ako ganoon katalino gaya ni kuya Ice pero sa pagiging designer ay baka my future pa ako. Ng makarating kami sa bahay ay agad ng nagtungo si kuya Ice kanyang kwarto matapos mailagay mesa sa may kusina namin ang ibang plastic bags na pinamili namin. Tingnan mo yung lalaking yun di man lang ako tinulungang mag-ayos ng mga 'to. Matapos kong maiayos ang mga pinamili namin ay nagluto na ako ng pangtanghailan namin ni kuya Ice. Ng matapos na ako ay kumain na rin ako bahala na ang gurilyang 'yon kakain naman yun kapag nagutom hindi ko na bubulabugin baka mabugahan na ako ng apoy. Matapos kong kumain ay pinakain at pinaliguan ko si Icy para lagi siyang malinis. " Hay! Amboring naman. Ano kayang magandang gawin ngayon?"nababagot na sabi ko. "Aish! Matutulog na nga lang ako." Sabi ko at nahiga na sa sofa namin at pipikit na sana ng may kumatok sa pinto." Sino kaya 'yon? Ah baka bisita ni kuya Ice."bulong ko sa aking sarili at dali daling tumayo upang magtungo may pinto. Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa'kin ang isang matangkad,makalaki ang katawan at hindi pa katandaang lalaki na siguro ay nasa 60's or 70's na."Ahm. Magandang tanghali po. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"magalng na tanong niyang tanong dito." I-ikaw ba si Mace?" Tanong nito na may kislap sa mga mata." Ahm. Ako nga po. May kailan-" hindi na niya natpos ang nais niya sanang sasabihin ng bigla siyang yakapin nito. "Ikaw nga! Ikaw nga si Mace! Ikaw nga ang anak ko!" Humuhikbing sabi nito na nagpagulo ng kanyang isip." M-mister hindi na po ako makahinga. Mangyari po bang bitawan niyo ako." Malumanay na sabi niya rito kaya dahan dahan siya nitong binitawan. At nagulat pa siya ng makitang may luha ang mga mata nito at may kislap sa mga matang nakatitig sa kanya. "Pasensiya kana hija ha?! Sadyang nasabik lang talaga ako kaya nayakap kita ng mahigpit. Anak! Miss na miss na kita!" Naluluhang sabi nito sabay haplos sa kanyang kaliwang pisngi. Napapikit sa ng maramdaman ang pagdapo ng mainit nitong sa kanyang mukha na pa siyang niyayakap. Magsasalita na sana siya ng biglang may humila sa kanya at nilagay siya sa likuran nito na ang kuya Ice pala niya. "Anong ginagawa niyo dito?" Mariing tanong ng ni Kuya Ice sa lalaking kanina ay nasa harapan ko. "Andrie anak! Ikaw na bayan?!" Naluluhang sabi nito at akmang hahawakan sana ang kuya ng tinabig nito ni kuya na ikinagulat ko." 'Wag na, wag mo akong hahawakan! At wala kang karapatan para tawaginakong anak dahil ng umalis at iwan mo kami tinanggal mo na ang karapatan mo bilang isang ama!" Galit na sigaw ni kuya ay sa lalaki. Halos maluha ako sa tuwa dahil sa wakas ay nakita at nayakap na niya ang kanyang ama. "K-kuya siba? S-siya ba si papa?!"umuiyak na tanong ko kay kuya Ice. Natigilan naman ito sandali at napapikit at napakuyom ng mga kamao." K-kuya sumagot ka naman! Siya ba si ba papa?!" Malakas ang boses ko at lumuluhang tanong ko kay kuya." Mace go to your room now!"madiin nitong utos. "P-pero kuy-" " I said go to your room and no more buts!" Sigaw na nito at humarap sa kanya. "K-kya!" Kinakabahang bulong ko. Hindi ko alam pero natatakot ako ngayon kay kuya Ice. Ngayon ko lang siya nakitang ganyang kaseryoso at ngayon niya lang ako sinigawan. Napapikit naman ito ng makita ang takot sa aking mga mata. Hinawakan naman nito ang mga braso at tumitig sa'kin ng nagsusumamo." Just..just go to your room baby sis! Please! Mamaya na ako magpapaliwanag sayo ok? Please pumunta kana muna sa kwarto mo.Kakausapin ko lang ang dapat kong kausapin."masuyong saad nito sa'kin. Dahil sa takot ko ay dadali ko kinalas sa mga kamay ni kuya Ice sa mga braso at dali daling tumakbo patungo sa'king kwarto. Thirdperson's pov. Napapikit ng mariin si Ice. Shit! Alam kong natakot si Mace. Pero yun lang angbparaan para mailayo kuya dito. Mamaya ko nalang poproblemahin kung papaano ko susuyuin angbkapatid kong 'yon.sabi nito sa kanyang isip at hinarap na ang taong nasa kanyanglikuran.Matalim niya itong tiningnan." Anong ginagawa mo dito?"madiing tanong niya." Narito ako anak para balikan kayo. Alam kong wala ng inyong ina kaya nararapat lang na kunin ko kayo at alagaan." Masuyong sabi nito." Para saan pa? Ng kailangan namin ng tulong mo dumating kaba? Hindi naman diba? Hindi kana namin kailangan. Maayos na ang kaming namumuhay ngayon. At isa pa magtatapos na ako nagpag-aaral kaya maaari na akong magtrabaho. Kaya na namin ni kuya Arch pag-aaral si Mace at kaya na naming ibigay ang mga kailangan niya. "Kaya umalis kana at bumalik kung saan kang lupalop galing. Maatos at tahimik na kami,pakiusap lang wag mong sirain at wag mo kaming guluhin."mariing sabi niya rito. "Anak naman! Pagbigyan niyo naman akong makabawi sa inyo. Alam ko naman ang pagkakamaling nagawa ko. Pakiusap kahit para.. Kahit para sa kapatid niyo nalang." Pakiusap nito." Hindi mo magagamit si Mace para muling makalapit sa'min. Dahil ilalayo namin siya sayo. Hindi ako papayag na malapitan mo siya ni makausap. Kaya pakiusap lang umalis kana habang nakakapgpigil pa ako. Dahil kapag hindi kapa umalis ngayo,pasensiyahan tayo kung bigla ka nalang bumulagta dyan sa kinatatayuan mo. At paalala lang wag na wag ka nang magpapakita sa'kin,sa'min lalong lalo na kay Mace."galit at madiin nitong sabi bago ito pinagsarhan ng pinto. Muli ay naiwang umiiyak at bigo ang lalaki." Don. Hali na po kayo." Akay sa kanya ng isa sa mga butler nito. Nagpatinaod naman ang huli at sinulyapan muna ang bahay na iyon bago tuluyang umalis. "Hinding hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuhang muli ang tiwala niyo mga anak. At kung kinakailangang paulit ulit akong magmakaawa at lumuhod sa harapan ninyo ay gagawin ko. Mahal na mahal ko kayo mga anak! Sana mapatawad at matanggap niyo akong muli."nananalig na bulong nito sa kanyang sarili.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
its so nice
24/10/2023
0good aswell
27/07/2023
0ang ganda
02/03/2023
0Tingnan Lahat