Muling bumalik ang halik niya sa aking pisngi. Ilang segundo ko iyong naramdaman doon bago siya biglang tumigil. Seryoso ang mga matang tinitigan niya ang kabuuan ng mukha ko. Pagkatapos ay galit na umalis sa aking ibabaw at pinagsisipa ang mga bagay na makikita niya. Lahat ng bagay na mahawakan niya ay galit na galit niyang ibinabato sa kung saan. Nadampot niya ang isang mahabang salamin at walang pasubaling ihinampas iyon sa pader. Nagtalsikan ang mga bubog sa sahig. May isang naligaw at tumama sa aking pisngi. Galit na galit siya. Ilang beses ko na siyang nakitang magalit, subalit hindi iyon ganito kaagresibo. Hindi siya ganito. Ibang-iba ito. At hindi ko mapigilang mabahala dahil doon. Mabilis kong pinunasan ang mga butil ng puting likido na tumulo mula sa gilid ng aking mata. Hindi naman iyon luha. Hindi ako iiyak para lamang sa ganitong bagay. Imposible iyon. Nasaksihan ko kung paano magkagulo ang kanina'y malinis na bahay nina Caryl. Nawala na ang mga gamit na nakikita ko dito noon, ngayon ay kakaunti na lamang ang natira. Sira-sira pa. Ang nag-aapoy sa galit niyang mga mata ay muling dumapo sa akin. Hindi ko nagawang makaalis mula sa aking kinauupuan. Paano ko gagawin iyon kung ganiyan ang ekspresyong nakikita ko sa kaniya ngayon? Mabilis siyang lumapit sa akin at muling hinawakan ang aking batok. Muli ay walang pasubali niya akong hinalikan. Mas marahas pa iyon sa pagkakataong ito, gigil na gigil siya sa akin. May halong galit. Walang balak magpa-awat. "I've waited for ten fucking years, and this is what I get?" Maging ang magtanong at magtaka sa kaniyang sinabi ay hindi ko na nagawa pa. Hindi niya ako hinayaang makapagsalita. Hindi niya ako hinayaang makahinga. Titigil lamang siya ng mga isa hanggang dalawang segundo upang bawiin ang hininga niya saka siya muling susunggab sa akin ng halik. Hindi niya ako pinagbibigyan. Hindi rin niya inaalintana ang hindi ko pagtugon sa mga mapupusok niyang halik sa akin. Nanghihina ako sa ginagawa niya. Kinikilabutan ako sa mga hawak niya. Palagi ay hindi ko alam kung paano tutugon sa mga bagay na idinudulot niya sa akin. "Do you want me to bite you?" umiling ako. How could he be so ruthless? "Then respond, don't act like you haven't done it with Malthe and Godwin." Naging mahirap para sa akin ang lumunok. May nagbabara sa aking lalamunan. Matindi ang naging paninikip ng aking dibdib. Ganito kababa ang tingin niya sa akin. Mas naramdaman ko ang sakit nang totohanin niya nga ang pagkagat sa aking labi. Tinulak ko siya palayo subalit ayaw niyang magpaawat. Wala siyang balak na magpaawat. Wala siyang balak na tumigil. The way he brush his lips to mine, it was so ruthless. Wala siyang patawad. It seems like... He's punishing me. Muling tumulo ang mga puting likido mula sa gilid ng aking mga mata. Hindi ko kaya itong nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Bakit kailangan kong maramdaman ito? Gayong alam ko ang lahat ng paraan upang maiwasang masaktan. Noon pa man ay sanay na akong magtiis. Pisikal na sakit man o hindi, sanay na sanay na akong magtiis. Kayang kaya kong itago ang nararam- daman ko. Kayang-kaya kong ipakita na hindi ako nasasaktan. Na hindi ako apektado. Subalit bakit hindi ko iyon kayang gawin sa isang ito? Bakit hindi ko iyon kayang gawin sa sitwasyong ito? Sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang tumigil nang makita ang mga iyon na umaagos paibaba ng aking mukha. Kung kanina ay galit na galit siya matapos makita iyon, ngayon ay napakalamig ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ang matinding lamig na bumabalot sa kaniyang mga mata ay bumabaon hanggang sa kailaliman ng damdamin ko. Sa hindi malamang dahilan, muli ko na namang naramdaman ang matinding panlalamig ng aking kalooban. Pamilyar ito, o baka naman... nakasanayan ko na ring maramdaman ang mga iyon. But then I remember... This is not the reason why I was here. Tuwid siyang tumayo at tumalikod pagkatapos akong tapunan ng isang malamig ng tingin. Ganoon pa man, tahimik kong pinanood ang bawat hakbang niya paalis. "I gave you so many times to runaway. But what did you do?" matalim ang mga mata niya nang muli akong lingunin. Tumigil siya sa kalagitnaan ng paglalakad paalis. Palayo sa akin. Kahit ilang beses mo akong bigyan ng pagkakataong tumakbo, hinding-hindi mababago noon ang katotohanang ang organisasyong kinabibilangan mo ang siyang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. "Nasaan sina Caryl?" seryosong tanong ko. Sila ang ipinunta ko rito. Bukod doon ay wala ng iba pa. Nanunuya niya akong tiningnan. Ang mabilis na pagbabago ng kaniyang ekspresyon ay naging palaisipan para sa akin. Bigla ay dinapuan ng matinding kaba ang aking dibdib. Hindi para sa kaligtasan ng mga taong ilang buwan ko ng nakasama, kundi para sa isang katotohanan na baka sa ikatlong pagkakataon, mauulit na naman ang bagay na labis kong ikinadurog noon. "Nasaan sila?" pag-uulit ko. "Stop worrying for those people. They won't save you in this kind of situation like what you are willing to do for them." Subalit... Hindi ko maaaring pabayaan ang mga taong iyon. Kahit hindi ako naturuan ng mga tamang pag-aasal, marunong pa rin akong magpahalaga. "You are not supposed to be here, anyway. I'm dissappointed." napalunok ako ng ilang beses. Ang ekspresyong ipinapakita niya sa akin ngayon ay sapat na upang maunawaan ko na mali ang desisyon ko na pumunta pa rito. "I am dissapointed, they fooled you so damn easy." Doon ako tuluyang natigilan. Ang mga kamay ko ay bigla na lamang nanlamig. Ano ang ibig niyang sabihin? "Everybody fooled you so damn easy. You are so frail. You are weak. I won't ask how they easily get into you because, I, by myself witnessed how stupid you are. I decieved you before, anyway." Then there, I feel like everything arounds me had just collapsed. I can believe it. How can I believe it? It's imposible. I was stucked in the middle of believing what he say and not. Pero sa ekspresyong ipinapakita niya, hindi ko maiwasang madurog. This is what I get from trusting. This is what I get from being so stupid. Papanong naging ganito kalupit sa akin ang mundo? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Wala na nga akong mga magulang, wala pa akong mga kakampi. Naging malabo para sa akin nang sandaling tumingin ako sa kaniya. Ang malamig niyang pagtingin sa akin ay hindi man lamang nabawasan. Sa ikalawang pagkakataon, muli na naman niya akong makikita sa ganitong kalagayan. Ang matinding pananakit ng aking dibdib kanina ko pang nararamdaman ay unti-unti na ring binabalot ng kakaibang lamig. Isang beses akong pumikit pagkatapos ay tumungo. Sunod -sunod na nagsipagbagsakan ang mga luha ko. Ito ba talaga ang gusto ko? Ang makita at maranasan ang mga bagay na alam kong nagaganap sa labas ng mundong kinalakihan ko? Ito ba talaga ang magiging resulta ng mga kuryusidad ko? Ang masaktan ng labis habang ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nababagay sa mundong ito? Simula pa lamang noong una, mali na ang mga desisyong ginawa ko. Subalit sa sitwasyong ito ay wala na akong iba pang pagpipilian. Kung tatakas ako, kung tatakasan ko ang mga pangako ko, habang -buhay lamang akong malulunod sa kaiisip kung bakit hindi ko nagawang maging matapang. Masasayang lamang ang lahat ng pinaghirapan ko kung tatakas ako ngayon. "If you are asking where they were right now. Let's just say... they're on a vacation 'coz they had just completed their duty. Job well done." Muli kong inangat ang aking paningin sa kaniya. Subalit kasunod niyon ay ang sunod -sunod rin niyang paghakbang paalis. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya lumingon. Hindi na siya lumingon pabalik. Ang madramang paghahalo ng dilim at liwanag nang sandaling buksan niya ang pintuan ang siyang huling bagay na natanaw ko bago siya tuluyang nawala sa aking paningin. Matapos niyang gawin ang mga ginawa niya sa akin kanina ay bigla na lamang siyang aalis. Kahit kailan ay wala siyang pakialam sa akin. Wala siyang pakialam kung masasaktan ako o hindi. Bakit nga naman niya gagawin iyon? Ano nga bang lisensya ang meron ako upang hilingin iyon sa pagkakataong ito. Anong karapatan ang mayroon ako upang humingi ng mga bagay na labis pa sa mga bagay na nauunawaan ko? This is what I get from being so weak. Ilang minuto pagkatapos niyang mawala sa aking paningin ay narinig ko sa malapit ang sunod -sunod na pagkasa ng mga baril. Mabilis akong tumalon paibaba sa lamesa at dahan-dahang itinaob iyon upang gawing pangharang. Maingat akong naglakad patungo sa loob ng isang kwarto, iginala ko ang aking paningin sa kabuuan niyon subalit wala roon ang hinahanap ko. Bukod sa isang maliit na kama at isang maliit ring lamesa ay wala ng ibang bagay na matatagpuan pa roon. Muli akong tahimik na naglakad patungo sa isa pang kwarto. Subalit napatigil rin kaagad nang sunod-sunod na tumama ang mga bala ng baril sa bawat parte ng bahay. Naging napakaingay ng buong paligid. Paniguradong nasa labas pa lamang sila ng bahay kaya hindi tumatagos hanggang dito sa loob ang mga bala. Aaminin kong wala akong kakayahang lumaban ngayon. Sa aking estimasyon ay higit sa sampu ang bilang nila. Hindi ko kakayanin lalo na at wala akong armas na dala ngayon. Saglit na tumigil ang putukan. Narinig ko ang mahinang pag-uusap nila sa labas. Mabilis akong tumayo at sumampa sa bintana. Ilang segundo lamang nasa labas na ako ng bahay nina Caryl. Maingat akong tumalon paibaba sa lupa. Subalit kasunod niyon ay ang pagsulpot ng tatlong armadong kalalakihan sa harap ko. Pare-parehas na gulat ang mga ekspresyon na ipinapakita nila. "Nandito ang- Hinampas ko siya sa mukha gamit ang kahoy na nakuha ko sa tabi. Hindi ko na rin hinayaan pang makapagsalita at makakilos ang dalawa. Malakas kong sinipa sa mukha at tiyan ang pangalawa. Hindi pa man siya tuluyang natutumba ay mabilis ko na siyang hinampas sa batok gamit ang kahoy na hawak ko. Sinipa ko palayo ang baril na hawak ng pangatlo ng akma niya iyong ipuputok sa akin. Tumilapon palayo ang baril at nahulog sa lupa. Nang makabawi siya sa gulat ay mabilis siyang lumapit sa akin at inatake ako. Hinuli ko ang kaniyang kamay. Inikot at binali iyon. Mabilis kong hinampas ang mukha niya sa sementadong pader upang hindi na siya makasigaw pa. Hinihingal akong napatigil pagkatapos kong pulutin ang isang baril. This is an amphibious assault rifle. Mabigat pero kayang- kaya ko. Isinabit ko ito sa aking balikat at maingat na sumampa palabas sa bakod sa paligid ng bahay na gawa sa mga kinayas na mga kawayan. Madilim pa rin ang buong paligid. Kanina pa ako nakikipaglaban. Mula pa sa teritoryo ni Francium ay ilang mga tauhan na niya ang nakalaban ko. Mabilis at walang kahirap-hirap ko iyong napatumba. Subalit aaminin kong bahagya akong nahirapan kay Francium. Mabilis siya at maliksi. Hindi halata sa edad niya. Aaminin kong sa limang opisyal ng organisasyon na nakaharap ko, siya ang pinakamagaling. Ang iba ay halatang kinakalawang na ang abilidad. Isang dahilan ang pagiging opisyal nila. Ibig sabihin noon ay hindi na sila makakatanggap ng mga misyon mula sa nakatataas. Sila na ang mag-uutos sapagkat may mataas na silang posisyon. Nahawakan ko ang aking buhok na hanggang balikat na lamang. Kung dati ay aabot ito hanggang sa baywang ko, ngayon ay makampas balikat na lamang. Hindi naman ganoon ang pagpapahalaga ko sa aking buhok. Nga lamang ay nakakapanghinayang na naputol ito dahil lamang sa sitwasyong iyon. Maingat akong nagtago sa isang malaking puno sa malapit at tahimik na sinipat ang mga armadong kalalakihan na nasa loob ng teritoryo nina Caryl. Inasinta ko sa ulo ang lahat ng mga taong nakikita kong nakatayo. Subalit hindi pa man lamang nag-iinit ang aking mga kamay sa pag-asinta ay may panibagong grupo na naman ng mga kalalakihan ang dumating. Mabilis akong umalis sa aking puwesto upang makalayo sa kanina. Sa armas na hawak ko ngayon ay imposibleng matalo ko sila. Bukod sa napapagod na ang aking katawan ay wala rin naman akong sapat na bala. Malayo-layo pa rito ang bahay ni Tantalium. Kung sana ay maaari akong makapasok doon at kumuha ng mga armas ay ginawa ko na. Kung ganoon ay patibong pala talaga ang lahat ng ito. Wala rito sina Caryl. Wala sila sa panganib kagaya ng inaasahan ko. Dahil ang pamilyang iyon, kagaya ng sinabi ni Evander ay... isa lamang malaking kasinungalingan upang paikutin ako. Upang paglaruan ako. Tanggap ko na. Subalit hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan. Bago lamang ako sa larangang ito. Hindi ko alam kung paano babangon mula sa masasakit na dulot ng mga ganoong klaseng sitwasyon. Sunod-sunod kong inasinta ang mga tauhan ng organisasyon na malapit sa akin. Nang nawalan ako ng bala ay wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang tumakbo at magtago palayo. Subalit ilang mga tauhan ang muli kong nakasalubong sa daan. Hindi ko na kailangan pang lumingon sa likod upang makita kung gaano karami ang mga tauhan na nakaabang sa akin. Nasalubong ko ang mga nakangising mukha ng apat sa matataas na opisyal ng organisasyon na nakasagupa ko noon. "Ano ka ngayon, Everett?" ngising tanong ni Bismuth. Mababakas ang matinding pagkamuhi sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Magaling na rin ang kaniyang sugat sa braso. "Napakahina mo naman pala, Everett. Ang bilis kang nahuli ng mga tauhan ko." si Vanadium. Wala na ang sugat sa ulo niya. Ngumisi sa akin ng nakakaloko si Helium. May baril siyang hawak sa kanang kamay niya. "Saan ka na ngayon pupunta? Hinding-hindi mo na kami matatakasan." "Papahirapan ko ang isang iyan. Ipapakita ko sa kaniyang mali ang ginawa niyang pagkalaban sa atin." si Yttrium Nanatili ang aking kalmadong ekspresyon ko sa harap nila. Pagkatapos kong tumitig sa mga mukha nila ay ngumisi na lamang ako. "Ikinagagalak kong makita na magaling na ang mga sugat niyo." ngisi ko sa kanila. Noong ako ang sumugod sa teritoryo nila ay mag-isa lamang ako. Nang sila ang gumanti ay higit pa sa limampu. Nagpupuyos sa galit ang mga ekspresyon nila nang banggitin ko ang mga katagang iyon. Halatang hindi sila natutuwa sa mga sinabi ko. Ako rin naman ay hindi natutuwa sa kanila. Subalit bago pa man ako makapagyabang ng mas maayos ay tumama na papunta sa aking balikat ang isang bala ng baril. Napaatras ako sa aking kinatatayuan. Helium... Lumapit sa akin si Yttrium at malakas na hinawakan ang aking buhok. Pinipilit akong iharap sa kaniya. Nga lamang ay natural na mas matangkad ako sa mga ito. Mabilis kong binali ang kaniyang kamay at sinipa siya sa mukha. Nang matumba siya sa lupa at mas malakas ko siyang tinapakan sa ulo. Napaluhod ako sa lupa nang may isang taong humampas sa likod ng aking mga tuhod. Hindi ko naramdaman ang sakit. Subalit kusa akong natumba. "Masyado ng maraming mukha ang nasipa nitong mga paa mo. Ano kaya't putulin na natin nang hindi na makaperwisyo?" Nagtawanan sila matapos banggitin iyon ni Vanadium. Ngingisi-ngisi siya habang nakaharap sa akin ngayon. Tuluyan akong bumagsak sa lupa nang hampasin nila ang aking ulo. Hindi ko na rin nagawa pang manlaban. Noong mga sandaling iyon, ipinaubaya ko na lamang sa pagkakataon ang kapalaran ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
10/06/2024
0Tingnan Lahat