Pinigilan ko ang aking sarili na maramdaman ang hapdi na dulot ng sugat na naidulot sa akin ni Francium kanina. Nagkaroon ako ng mahabang hiwa sa aking binti. At kahit hindi ganoon kalalim iyon, dumudugo pa rin. Tinalian ko na ito upang mapigilan ang pagdurugo subalit hindi iyon masyadong umepekto. Wala akong masyadong gamit na dala. Ang tanging hawak ko na lamang ngayon ay isang patalim at isang baril na dadalawa na lamang ang bala. Kailangan ko na muling humingi ng tulong sa lalaking iyon. Ang sabi ko ay hindi na ako babalik sa lugar na ito. Sumumpa ako noong gabing iyon na kakalimutan ko na ang lahat ng mga alaala ko rito. Kasama na ang mga taong nakilala ko. Subalit narito ako ngayon at nakatayo sa harapan ng pamilyar na bahay nila. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nang malamang hindi ito nakakandado. Mula sa siwang na naiwan ay makikita na may kadiliman sa loob ng bahay. Nagtaka ako sa aking nakita. Ang inaasahan kong magulo at sira-sirang mga bagay na madadatnan ko sa loob ay hindi ko nakita. Sa halip, bumungad sa akin ang tahimik, malinis at walang kagamit-gamit na bahay nina Caryl. Nahuli na ba ako ng dating? Mali ba na naging malapit ako sa kaniya noon? Kung tama ako, kung hindi sana kami nagkakilala, sana ay hindi sila madadamay ngayon. Dumapo ang matinding pag-aalala sa aking kalooban nang maisip kung ano ang posibleng ginawa sa kanila ng mga tauhan ng organisasyon. Ang aking matinding pagod dahil sa engkwento kanina ay mas nadagdagan lamang. Hindi ko rin inaasahan na magpapakita sa akin ngayong gabi si Au. Sa ngayon ay kailangan ko munang isantabi ang mga bagay na iyon, may isang bagay pa akong kailangang ayusin sa ngayon. "You came..." Nadagdagan ang aking pagtataka nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mabilis kong iginala ang aking paningin at doon siya nasulyapan sa kabisera ng mesa kung saan kami kumain noon. Ang madilim na paligid ay mas lalo lamang nakadagdag sa madilim niyang tingin sa akin. Ang itim na itim niyang buhok ay humalo na rin sa kadiliman. Ang itim niyang mga mata ay kumikislap dahil sa pagtama ng mumunting liwanag mula sa labas. Natigil ako sa aking kinatatayuan. Ilang hakbang na lamang ang layo ko mula sa kaniya. Hindi ko kaagad siya napansin. "Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong ko sa kaniya. Hindi ko ipinahalata ang aking matinding pagkapagod habang kaharap siya. Tandang-tanda ko pa rin ang mga salitang binitawan niya sa akin noong araw na iyon. Kung paano niya ako laitin. Kung paano niya ako hawakan ng mahigpit na hindi nag-aalala kung masasaktan ako o hindi. At ngayong kaharap ko na naman siya... Bumabalik lamang ang paninikip ng aking dibdib. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Ayoko nito. Hindi maganda. Paano ko ito maaalis? "Why? Are you dissapointed to see me here?" ngumisi siya sa akin. Ang paraan ng pagtingin ay mas lalo lamang dumilim. Sa pagkakataong ito ay nahaluan na iyon ng galit. Tumingin lamang ako sa kaniya at hindi na nagsalita. "Why? Are you expecting Malthe... Or Godwin?" umigting ang kaniyang panga. Tumalim ang tingin sa akin at mas lalong dumilim. Bakit? Bakit sa tuwing nakikita tayo ay palagi mong ipinapakita sa akin ang galit mo? Ito ba talaga.... Ang kapalaran nating dalawa? "You're dissapointed to see me because you expected one them would be here? Or maybe you're expecting both of them? You are so disgusting." He never really misses to insult me. "Nasaan sina Caryl?" seryoso kong tanong. Hindi naman talaga siya ang inaakala kong madadatnan ko rito. Isa pa, hindi niya ito bahay. "Can you see this?" he smirked at me. Iminuwestra niya sa akin ang isang bagay na may pulang buton sa gitna. Hindi ko alam kung ano ang isang iyon."If I press this thing, your friend and her family will explode like fuck. So be a good girl to me just like before, or else I won't mind killing those bunches of stupid." Napako ako sa aking kinatatayuan. Ang kaseryosohan niya ang nagsasabi sa akin na hindi siya nagbibiro. Ano mang oras... Caryl... Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinipa palayo ang bagay na iyon. Wala na akong ibang bagay na naiisip gawin bukod doon. Kung masisira ko iyon ay baka ay may tsansa pa ako. "Fucking Try." Ni hindi man lamang siya nabahala sa ginawa ko. Ang aking ambang paglapit sa bagay na iyon ay natigil sa kalagitnaan nang muling marinig ang sinabi niya. "Try to destroy it... And you're gonna fucking regret it." Ang aking paghinga ay bumilis. Galit na galit ako sa lalaking ito. I hate how he manipulates everything. I hate how he can easily controls me. Mabilis akong lumingon sa kaniya gamit ang mga blangko kong paningin. Wala. Bukod sa galit ay wala akong ibang maramdaman. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Bakit kailangan nilang mandamay ng iba... Hindi ko nga talaga siya kilala. Ito ang tunay na siya. Ito ang tunay na katauhan niya. Ito iyon. Malupit. Masama. Madilim. Hindi na dapat ako nagtataka. "What do you want me to do?" I finally surrendered. Kung para kay Caryl at sa pamilya niya sige, gagawin ko. Ito na ang huling pagkakataon na gagawin ko ito. Ito na ang huling pagkakataong lilingon ako pabalik para lamang tulungan ang mga taong naging bahagi ng nakaraan ko. Ito na ang magiging huli. Ngumisi siya sa akin. Mistulang nagtagumpay sa isang bagay. "I want food." saad niya. Ang pagkakangisi sa mukha ay hindi man lamang nawala. Ang madilim niyang pagtingin sa akin ay nadagdagan lamang. Ngayon ay hindi ko na maunawaan kung anong klase ng ekspresyon ang nakikita kong nadagdag roon. You want food... Bakit iyon ang hinihingi niya? "Iyon ba talaga ang hinihingi mo?" "Yeah. I want all kinds of food. Get me those before I got bored here." Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Inaalam kung seryoso ba siya sa kaniyang sinabi. Halatang hindi... Ang kadiliman ng kaniyang mga mata ay iba ang ipinapahiwatig. "Hindi ko gagawin iyon." Bukod sa hindi ko alam kung saan kukuha ng mga hinihiling niya sa ganitong oras ay wala rin akong balak na sundin ang sinasabi niya. "Really?" ngisi niya. Hindi man lamang nagalit nang malaman na tumatanggi ako sa kaniyang inuutos. "Well, I've tasted all kinds of food. Sometimes they're sweet. Sometimes they're tasty. Sometimes I can't forget my night. Sometimes they're just usual." Kusa akong napalunok sa dilim ng ekspresyong ipinapakita niya ngayon. "But you know what... There's this one kind of food that I haven't tasted yet." Napaatras ako ng isang beses dahil sa ekspresyong nakikita ko sa kaniya ngayon. Bakit ganito? Nakakakilabot iyon. Nakakatakot. Nakakakab. Ang kaniyang paraan ng pagkakangisi sa akin ay sadyang kakaiba. "Let me show you a thing. This is how I ate..." Sunod-sunod akong napaatras muli nang mabilis siyang tumayo at nakalapit sa akin. Pahampas na napasandal ang aking likod sa pinto nang mabilis niya akong nasunggaban. Labis ang naging pagkagulat ko nang mas marahas niyang sinunggaban ang aking labi pagkatapos niyang ngumisi sa akin. Ang mainit niyang palad ay nararamdaman ko sa aking batok. Mariin niyang hawak iyon. Ang isa niyang kamay ay nakasabunot na sa aking buhok. Dahilan kung bakit mabilis kong naramdaman ang pagkirot ng aking anit. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginagawa niya. Mangmang ako sa maraming bagay subalit hindi ako tanga. Ramdam ko ang matinding panggigigil niya sa akin. Mahahalata mo iyon sa mariin niyang paghawak sa aking batok habang mas idinidiin ako sa kaniya na para bang mayroon pang natitirang agwat sa pagitan naming dalawa. Hindi siya tumigil sa pagdama sa aking labi. Paulit-ulit niya iyong siniil ng maiinit niyang halik. Pagkuwa'y gigil niyang sinipsip ang pang-ibabang labi ko. Doon na ako tuluyang natauhan. Isang beses na akong nahalikan ni Malthe... Pero hindi iyon marahas na kagaya nito. He kiss me with hunger and angrily. Wala siyang pakialam kahit nasasaktan ako. Wala siyang pakialam kahit hindi ito ang gusto ko. Buong puwersa ko siyang itinulak upang mapalayo sa akin. Nanunubig ang aking mata subalit pinigilan kong tumulo ang mga iyon. Hindi. Hindi ako luluha para lamang dito. Mabilis kong inilabas ang aking baril at mas mabilis na ikinasa iyon at itinutok sa kanina. Hindi man lamang nabago ang kaniyang ekspresyon. Hindi siya natatakot na ipuputok ko ang isang ito sa kaniya. Sa halip ay nakangisi pa siya habang nakatingin sa akin. Ilang hakbang na ang layo niya sa akin ngayon. Subalit kitang-kita ko pa rin kung paano niya mabagal na dinilaan ang kaniyang labi habang nakatingin sa akin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" seryosong tanong ko sa kaniya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng aking baril habang nakatutok ito sa kaniya. "Subukan mong lumapit. Hindi ako magdadalawang-isip na-- "Try." sumeryoso ang kaniyang tono. Bumalik sa pagiging madilim ang kaniyang paningin habang nakatutok iyon sa akin. "Why don't you just try it?" "I'm not scared of you." "Really? Then shoot me." Ngumisi siya ng ilang segundo na ang lumipas ay hindi ko pa rin kinakalabit ang gatilyo. For some reason... I know I was hesitating to do it. "Gawin mo. At hindi mo na malalaman pa kung nasaan ang maingay mong kaibigan." Diyan ka magaling. You always manipulates the situation. Noon pa man ito na ang ginagawa mo. Alam mong wala akong ibang pagpipilian. Dahil kahit gaano ako kamanhid... may konsensya pa rin ako. Ikaw ang wala. Awtomatikong naglaglag ang baril na hawak ko. Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Palagi na lamang ganito... Palagi'y nalilito ako sa kung ano ang dapat na gawin sa tuwing kaharap ko siya. Matagumpay siyang ngumisi nang makita ang baril na nalaglag sa sahig. Sinipa niya iyon palayo sa akin. Pagkatapos ay unti-unting lumapit sa akin upang kuhain ang natitira kong patalim na dala. Hindi ko na nagawa pang makalaban. Paano ko iyon gagawin kung si Caryl at ang pamilya niya ay nasa panganib. "What? You're not just going to stand there, are you?" Bumalik ako sa ulirat nang muli siyang magsalita. Nanghahamon ang mga ekspresyong nakatingin siya sa akin ngayon. Sa pamamagitan noon, nasisiguro kong may gusto siya sa aking bagay na ipagawa. "Food should be serve in the table. Have some manners, woman." ngisi niya sa akin. Pinanatili ko ang aking ekspresyon. Hindi ko ipinahalatang sa ginagawa niyang ito, mas lalo lamang na lumalamig ang aking pakiramdam patungo sa kaniya. Isa itong klase ng pakiramdam na magulo. Magkabaliktad. Naroon iyong paghahangad na makita siya, subalit sa tuwing nasa harap ko na, napapalitan iyon ng matinding lamig at sakit. Masakit. Naninikip ang aking dibdib habang nakatingin sa mga mata niyang hindi ko kilala. Hindi ko siya kilala. At mas lalo lamang akong nasasaktan dahil doon. "Don't try me, Everett." Everett... He used to call me Mine... before. Mabagal akong naglakad patungo sa may katamtamang laki na lamesa. Ang bawat paghakbang ko ay naging mabigat. Lalo na at ramdam na ramdam ko ang madilim na pagtitig niya sa akin sa likuran. Nang makarating ako sa tapat noon ay mabagal akong lumingon sa kaniya. Ang aking mga paningin ay walang kasing lamig habang nakatingin sa isang taong... labis na nagpaparamdam sa akin ngayon ng matinding sakit. Siya lang ang tanging nakakagawa sa akin nito. Tiningnan niya ako na para bang inaalam kung ano ang susunod kong gagawin. Is this really what you want? Mabagal akong sumampa roon at umupo. Hindi ko pinutol ang aking pagtitig sa kaniya. Nawala lamang iyon nang unti-unti kong ipinaubaya ang aking bigat at humiga sa malamig na lamesa. Naipako ko ang aking paningin at itaas. Madilim. Malamig. Masakit. Blangko. Wala na akong ibang maramdaman. Maya-maya lamang ay naramdaman ko na ang kaniyang presensiya na nasa aking tabi. Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kaniyang mga mata. Ang masakit na pakiramdam na kaniyang idinudulot sa akin ay sapat na upang makontento ako. Ayoko na. Wala akong ibang hinangad kung hindi ang kalayaan. Noong nasa kagubatan pa ako ng Evening Glory ay wala akong ibang hiniling kundi ang makita ang buhay sa labas ng lugar na kinalakhan ko. Makita at mapanood ang mga bagay na alam kong gumagalaw habang nakakulong ako sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon. Ang tanging hiniling ko lamang noon ay ang malaman ang mga sagot sa aking mga katanungan. Kung bakit kailangan kong matutong humawak ng baril, masaktan at masugatan kaysa ang maglaro at magpakasaya. Kung bakit kailangan kong magbasa ng maraming libro imbes na maligo at maglangoy. Kung bakit kailangan kong pigilan ang aking emosyon sa lahat ng pagkakataon imbes na ipakita kung gaano ako kasayang mabuhay. Bakit kailangan kong gawin ang lahat ng iyon? At ngayong narito na ako, ngayong nalaman ko na ang lahat. Ngayon nalaman ko na kung para saan ang lahat ng iyon, bakit kailangan ko na namang maghirap? Buong buhay ko wala na akong ibang naranasan kung hindi sakit, paghihirap, pagtitiis at sama ng loob. Hindi ko pa nararanasang sumaya. Kailangan kaya iyon mangyayari sa akin? Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? Makakawala pa kaya ako sa buhay na ito? Makakalaya pa kaya ako? Muli niya akong siniil ng mga mapupusok niyang halik sa labi. Hindi man lamang nabawasan ang panggigigil niya. Sa tingin ko ay mas nadagdagan pa nga iyon sa pagkakataong ito. "Your lips taste so sweet." kinilabutan ako ng maramdaman sa aking leeg ang hininga niya. Ang aking mga kamay ay nakapako sa aking itaas habang hawak ng isang kamay niya. Pagod ako. Malakas siya. Pagod na pagod na ako. Sinimulan niyang halikan ang aking leeg. Wala na akong maramdaman. Matindi ang paninikip ng aking dibdib. Miski ang ginagawa niyang pagsipsip at pagdila doon ay hindi ko na nagawa pang pagtuuan. Naramdaman ko na lamang ang sunod-sunod na pagpatak ng maiinit na likido mula sa gilid ng aking mata. Sa pagod at sakit na nararamdaman ko ay hindi ko na nagawa pang magprotesta. This is him. This is the real him. Ruthless. Dark. Dangerous. Hindi na dapat ako nagtataka.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
10/06/2024
0Tingnan Lahat