Francium's Point Of View Tahimik naming pinapanood sa monitor ang babaeng anak nina Chromium at Flourine Everett. 9:57 pm Hindi namin inaasahang ganoon namin kabilis na mahahawakan sa leeg ang babaeng ito. Kumalat ang balita sa organisasyon noong mga nakaraang buwan na magdadala ng matinding banta at kapahamakan ang isang iyan. Higit lalo na sa matataas na opisyal ng Auveroussouie'. Kahindik-hindik ang sinapit ng mga opisyal na iyon para sa akin. Ang itinuturo nilang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan ay walang iba kung hindi ang babaeng ito. Hindi ako naniniwala. O baka naman hindi ako makapaniwalang ang isang babae lamang na ito ang makakapagdulot ng ganoon katinding kaguluhan. Pinakatitigan ko ang bawat anggulong kinukuhaan ng camera. Puno ng matataas na kalidad na camera ang silid na kinaroroonan ng babae. Mahigpit ang pagkakatali niya sa kamay at paa. Siniguro kong wala ng kahit anong armas ang nakatago pa sa kaniyang damit o katawan. Mahirap na. Baka biglang manlaban. Nasa harap niya si Gariana, na ngayon ay nakangisi habang nakatitig sa kaniya. "Gariana, huwag mo nang patagalin pa. Pakantahin mo na at nang malaman na natin kung nasaan ang ninakaw ng ama niya." nababagot na saad ko sa wireless communicator. Kanina lamang ay inaasahan kong mapapasabak kami sa madugong labanan. Subalit miski ang pinakamahinang tauhan ko ay hindi man lamang pinagpawisan. Ano kaya ang nangyari? Totoo nga kayang matinik sa labanan ang isang ito? Ang isa pang ipinagtataka ko ay bakit hindi ko man lamang nakitaan ng kahit kaunting kaba ang babaeng iyon? Parang hindi man lamang siya natatakot na nasa baluarte siya ng kalaban. Hindi ko man lamang makita sa emosyon niya na nababahala siya sa mahigpit na pagkakatali ng kaniyang mga kamay at paa. Imbes na takot ay blangko ang emosyong makikita ko roon. Walang emosyon. Wala akong mabasang kahit na ano. Bakit kaya? Hindi kaya ay magaling lamang siya magtago ng nararamdaman? "Inuulit ko, saan niyo tinatago ang pag-aari ng organisasyon na ninakaw ni Chromium Everett mula sa amin?" tanong ni Gariana. Halatang nauubusan na rin siya ng pasensiya. Kanina pa kami paulit-ulit na nagtatanong rito subalit wala kaming miski isang nakuhang sagot. Tanging blangkong tingin lamang ng babaeng iyon ang nakukuha naming pagtugon. Nababagot na ako. Si Tantalium ay wala ring naibigay sa aming sagot. Wala siyang nahita sa babaeng iyon. Isa pa ay nakalagak siya ngayon sa kulungan sa ilalim ng malaking gusaling ito. Kailangan niyang maparusahan sa ginawa niyang paglabag sa misyon niya. Hindi siya sumusunod sa mga plano. Nakita ko ang matinding pagkainis sa ekspresyong ipinapakita ni Gariana. Mabilis siyang lumapit sa babae at gigil na ipinulupot ang dalawang kamay sa leeg niya. Mabilis magalit ang isang iyon. Maliit ang pasensiya at madaling mainis. At kapag napuno siya, mahirap siyang mapigilan. "Kapag tinatanong ka, sumagot ka!" gigil na anas niya. Nakita ko kung paano siya dumikit sa Everett na iyon. Gigil na walang awa niyang sinakal ang babae. "Gariana, itigil mo iyan." pag-uutos ko. Makalipas ang ilang segundo ay tinigilan na rin niya. Sa akin lamang naman sumusunod ang isang iyan. Isa pa ay mahigpit na ipinag-utos ni Au na huwag naming papatayin ang babae. "Huling pagkakataon, kapag hindi ka pa nagsalita ay-- "Nauuhaw ako." Gulat akong napatitig sa babaeng iyon. At ano raw ang sabi niya? Nauuhaw ako? "Anong sinabi mo?" galit na tanong ni Gariana. Parehas kaming hindi natutuwa sa inaasal ng babaeng iyon. Nayayabangan ako sa dating niya. Talagang kalmado pa siyang nakaupo roon na para bang walang panganib ang nakaabang sa kaniya. Parang hindi siya natatakot na mamatay. Parang hindi siya natatakot sa amin. "Nauuhaw ako." pag-uulit niya. Namamangha ang mga ekspresyong nagpatuloy ako sa panonood sa kaniya. "Bigyan niyo ako ng maiinom." "Hipokrita!" galit na anas ni Gariana. Ang akala ko ay may gagawin siyang muli. Subalit nagtaka ako sa mga ikinikilos niya. Kunot na kunot ang mukha niya at halata ang pagkainis habang lumilinga-linga sa kaniyang paligid. "Anong problema?" tanong ko. Matagal bago siya tumugon. Ilang ulit muli siyang naghanap ng kung ano mang bagay bago tumingin sa akin sa monitor. "Iyong baril ko... hindi ko mahanap." Matindi ang naging pagkakakunot ng aking noo. "Paanong hindi mo makita? Hawak mo lamang iyon kanina!" Miserable siyang umiwas ng tingin at muling nagpalinga-linga. Ilang beses rin niyang kinapa ang kaniyang kasuotan subalit batid kong maging doon ay wala rin. "Pati ang patalim ko... Wala rin." "Ano?! Saan mo ba kasi nilalagay ang mga iyon?! Ang akala ko ay armado ka bago pumasok riyan?!" naiinis na sigaw ko. Saan naman mapupunta ang mga sandata niya kung nagdala naman siya bago siya pumasok sa loob ng silid na iyon? Napatigil ako sa pag-iisip. Hindi kaya... "Ito ba ang hinahanap mo?" Gulat na gulat akong napatingin sa babae. Imposible... Paanong mabilis niyang natanggal ang pagkakagapos ng kaniyang mga kamay ng hindi namin namamalayan? May mga camera na nakapalibot sa buong lugar... bakit hindi ko nakita nang kalasin niya ang mga iyon? "Papaano napunta sa iyo ang mga iyan?! Akin na 'yan!" Galit na sumugod sa kaniya si Gariana. Subalit bago pa man siya tuluyang makalapit ay mabilis na bumulusok papunta sa kaniya ang isang patalim. Isang patalim na pag-aari niya. Iyon ang patalim na palagi niyang gamit sa tuwing may gagawin siyang misyon. Diretsong tumama iyon sa kaniyang kanang balikat. Kita ko kung paano iyon bumaon. Halatang malalim. Napatigil siya sa ambang paglapit. Napalitan ng matinding sakit ang kaniyang mukha. Maging ako ay natigilan. Paano siya nakakakilos ng ganoon kabilis? Pati ang gapos sa kaniyang mga paa ay wala na. Nang mag-angat ng paningin ang babae na ay nasalubong ko ang blangko niyang paningin. Natigilan ako. Pamilyar ang isang iyon. Anak nga talaga siya ni Flourine. Halata iyon sa struktura ng mukha niya. Talagang magkamukha silang dalawa. Subalit wala akong makitang bakas ni Chromium sa kaniya. Hindi sila magkamukha. Ang buhok niyang kulay san antonio ay katulad ng kay... Napatayo ako sa bilis ng mga pangyayari. Ngayon ay duguan na ang ulo at braso ni Gariana. Patuloy siyang umaatras upang makalayo sa babae. Ang babaeng Everett naman ay nakatayo lamang sa iisang posisyon. Napakakalmado niya. Ito na kaya iyon? Ito na kaya ang sinasabi nilang babaeng malupit kung makipaglaban? Siguro ay kaya hindi pa rin siya ipinapapatay ni Au. Magaling nga siya. Kung sasanib siya sa aming organisasyon ay marami siyang magagawa. Naaalala ko sa bilis ng kilos niya si Flourine. Ganoong -ganoon iyon kung kumilos. Madalas siyang kalmado sa lahat ng bagay. Nasaksihan ko iyon mismo nang isang beses ko siyang nakasama sa isang misyon. Higit sa dalawampung mga tauhan ng kalaban ang nakapalibot sa amin noon. May mga dalang armas samantalang kami ay dadalawa lamang. Aaminin kong kinabahan ako noong mga sandaling iyon. Hindi pa ako ganoon katagal sa organisasyon. Hindi pa ako ganoon kasanay makipaglaban. Subalit nawala ang lahat ng pag-aalinlangan ko nang isa-isa niya iyong napatumba. Napakabilis niya kung kumilos. Magkasabay niyang napapatumba ang dalawang tao. Kaya naman halos wala akong nagawa noon. Nakakahiya man, subalit nakuntento lamang akong nanonood habang namamangha sa kaniya. Iyon ang una at huling beses kaming nagkasama sa trabaho. Dahil matapos noon ay si Chromium Everett na ang palaging ipinapares sa kaniya. Parehas silang magaling. Walang makatalo sa kanilang dalawa sa harapan. Kaya naman... patago silang tinira ng lahat ng mga taong nasusuklam at naiinggit sa kanila. Aaminin kong isa ako sa mga humanga sa taglay na husay at ganda ni Flourine. Subalit hanggang doon na lamang iyon. Hindi na ako umasa pa. Hindi rin ako sumali sa plano nila. Subalit hindi rin naman ako tumutol. Anong magagawa ko? Baguhan pa lamang ako noon. Kapag nagkataong sinuway ko ang mga may mas matataas na posisyon sa akin... dali ako. Mabilis kong inabisuhan ang mga tauhan ko na magpunta roon. Lima sa aking mga ipinadalang tauhan ang hindi na nakabalik ng buhay. Ang itinuturo nilang may sala ay ang babaeng bihag namin ngayon. Kung totoo nga iyon... Hindi ko hahayang mabaliktad ang sitwasyon. Paparating na rin naman dito si Au. Siya na ang bahala sa babaeng iyan kapag nagkataon. Sumugod si Gariana subalit wala rin siyang nagawa. Mabilis siyang tumilapon dahil sa malakas na pagkakasipa sa kaniya. Malakas rin ang babaeng ito. At wala siyang... kinatatakutan. Plano ba niyang makapasok sa lugar na ito? Kaya hindi niya tinangka pang mag-aksaya ng lakas habang nasa tarangkahan pa lamang? Napamaang ako nang walang awa niyang binali ang paa ng tauhan ko. Natanggal ko ang earpiece dahil sa lakas ng sigaw ni Gariana. Nanunuot iyon hanggang sa kadulo-duluhan ng tenga ko. Tangina, naloko na. Dahan-dahang pinulot ng babae ang baril. Ang buong akala ko ay ipuputok niya iyon kay Gariana. Subalit iba ang ginawa niya. Isa-isa niyang pinatamaan ang lahat ng camera na nakakabit sa silid. Sunod-sunod na nawala ang koneksyon sa mga anggulong kinukuhaan ng camera. Nakakamangha na bakit parang alam yata niyang lahat kung saan nakalagay ang lahat ng mga camera? Samantalang hindi iyon madali kung makita. Dinapuan ng kaba ang aking dibdib nang iisang anggulo na lamang ang tanging makikita ko sa loob ng silid. Diretsong nakatutok sa akin ang baril sa monitor. Kinakabahan ako kahit alam ko naman na hindi iyon tatatama sa akin ng direkta. Ang iniisip ko ay tatagos ang bala at diretsong tatama iyon sa aking ulo. Hindi ako kumurap miski isang beses. Ang babae ay blangko ang mga ekspresyong nakatingin lamang sa akin. Diretsong nakatingin sa akin. Na para bang alam niyang may taong nanonood. Para bang alam niya na nanonood ako kahit na may teknolohiya sa pagitan namin. Napalunok ako ng ilang beses nang walang pasubali niyang pinatamaan ang kahuli-hulihang kamera sa loob ng silid. Umugong ang malakas na tunog sa monitor nang nawalan ito ng signal. Nanginginig akong napaupo muli sa aking swivel chair. Ano na ang gagawin ko ngayon? Makatotohanan nga ang sinabi ng iba pang mga opisyal ng organisasyon. Talagang mahusay makipaglaban ang babaeng iyon. Sa isang iglap ay nagawa niya ang lahat ng iyon ng walang kahirap-hirap. At hindi ko alam kung dapat nga ba akong maniwala sa pakay niya kung bakit niya ito ginagawa. Kapag ako ba ang nawalan ng mga magulang... gagawin ko rin ba ang ginagawa niya? Siguro oo. Subalit hindi ko alam kung kakayanin ko bang magtagumpay. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang maabot ang narating niya ngayon. Masyado siyang malakas at magaling sa kabila ng edad niya kahit nag-iisa lamang siya. Masyado siyang maabilidad na kahit ang apat sa mga opisyal ng organisasyon ay mag-isa niyang kinalaban. Ngayon ay ako naman. Tama ba ang pasya ko na imbitahan siya rito? Ang buong akala ko ay magiging madali lamang ang lahat. Masyado siyang maabilidad. Masyado ko siyang minaliit. "Iyon lang ba ang lahat ng mga tauhan mo... Francium?" Nanigas ako sa aking kinauupuan. Hindi ako kaagad nakagalaw. Literal na napako ako sa aking kinaroroonan. Paanong... Paanong ganoon niya kabilis na natapos ang mga tauhan ko? Lahat ba talaga... napatumba niya? Siya lamang? Mag-isa siya? Siyang babae lamang? Isang babae lamang ang tumapos sa maraming tauhan na pinaghirapan kong hagilapin sa loob ng ilang taon kong pag-hihirap na magkaroon ng mataas na posisyon? Dahan-dahan akong tumayo at humarap sa kaniya. Kalmado siyang nakaupo sa salaming lamesa sa gitna ng control room habang nakatingin sa akin. Ngumisi lamang ako. "Everett." ngising saad ko. Wala akong pakialam kahit na babae lamang siya. Matatalo ko pa rin siya kahit na anong mangyari. Ipapakita ko sa kaniya na mali ang lugar na pinili niyang paglaruan. "Nagkita rin tayo." Nanatili ang kalmado niyang ekspresyon. Kamukhang-kamukha talaga siya ni Flourine. Ang labi, ilong at mata ay kuhang-kuha. Naturingang mas bata nga lamang siya ngayon kaya mas porselana pa ang kutis. Ang sabi ng mga tauhan ko ay nagising raw ito kahit tinuruan na ng droga. Nanlaban at tumalon sa dagat kung kaya't hindi na nila nagawa pang hanapin. Ngumisi ako lalo. Ang drogang iyon ay naimbento ni Chromium. Hindi pa iyon ganoon kaperpekto dahil kumalas na siya sa organisasyon bago pa man niya matapos iyon. Siguro ay isa iyon sa dahilan kung bakit ilang oras lamang epektibo ang droga. May isang mas makapangyarihang droga pa ang naimbento ni Chromium. Matalino siya. Malakas at matalino. Maaari kong sabihin na nasa kaniya na nga ang lahat. Pati nga si Flourine na pantasya ng marami ay nasa kaniya. Kaya hindi na ako nagtaka noong nalaman ko na may nabuong plano limang taon pagkatapos nilang kumalas. Ibinenta ni Chromium ang bagong droga na naimbento niya kapalit ng kanilang kalayaan. Mas makapangyarihan at mas malakas ang epekto niyon sa isang tao. Hindi ka na lamang mahihilo at manginginig. Mapaparalisa ka pa at ang mas malala, maaari mo itong ikamatay. Magiging malaking tulong iyon sa organisasyon kapag nagkataon. Madaming maaaring paggamitan roon ang ama ni Au. Subalit niloko niya ang organisasyon. Mali ang mga sangkap na ibinigay niya. Ang tamang formula sa paggawa ng drogang iyon ay itinago niya sa organisasyon. Nandaya siya para makalaya. Limang taon bago sila nahanap. Nagkaroon ng plano ang mga nasa posisyon ngayon upang supilin sila. Walang tumutol. Isa pa ay may kasalanan rin naman sila sa oraganisasyon. Ninakaw nila ang bagay na kapalit ng kalayaan nila. At buhay nila ang naging katumbas ng kataksilang iyon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
10/06/2024
0Tingnan Lahat